The PUP SRC Student Council

The PUP SRC Student Council

Share

Ang opisyal na pahina ng Konseho ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Santa Rosa Campus. Tungo sa Makamasang Lipunan!

16/06/2026

IKAW BES, ANONG THOUGHT PROCESS MO? 💭

Napaganun ka na lang ba sa pagod from the finals season? 🫪 Why not something try something new for me! 🤩

Tara na and get ready get set go with us sa ating pagdiriwang ng Pride Month this June 26-27, 2026! ✊🏻🌈

Ongoing pa rin ang ating Call for Performers! Kung bet mong i-showcase ang iyong nakakabog na talent sa stage, mag-register na rito: https://bit.ly/KulayaanCallforPerformer

🏳️‍🌈 KULAYAAN: Pagdiriwang ng Pagkapantay-pantay at Pagkakaisa ng Bawat Kulay sa Bahaghari
26 June 2026 (Fri)
via MS Teams
27 June 2026 (Sat)
PUP-SRC Covered Court

✒️: Valenzuela, R.

14/06/2026

Maligayang kaarawan, Konsi Johnrey! 🎈

We hope you have a fantastic birthday! Thank you for the hard work and for always being there to support the council. Your efforts really keep our projects moving forward, and we appreciate everything you do for the council.

Wishing you a great year ahead filled with success, good health, and memorable experiences!

Enjoy your special day, Konsi Johnrey! 🎉

14/06/2026

Maligayang kaarawan, Konsi Jazz! 🎈

Wishing you a wonderful birthday! We highly value your dedication and the reliable assistance you consistently provide. Your hard work and readiness to help make a great impact on the council.

We hope this coming year brings you abundant success, peace of mind, and excellent health.

Enjoy your special day, Konsi Jazz! 🎉

13/06/2026

LOOK | The PUP Santa Rosa Campus Student Council, in collaboration with the Commission on Elections (Comelec), convenes the Third Student Council Assembly (SCA) tonight, June 13, for the election of the new Comelec officials and other pertinent agenda, including the motion to amend the SC Constitution and Bylaws ahead of the general elections.

The Incumbent Comelec Chairperson Sherly Mae Ramoga has just finished her opening remarks. As of this writing, Secretary-General Novelette Rose Elfa is discussing the electoral procedure for the conduct of elections tonight.

The SCA is the convention of organization and class presidents, and student council officers and department staff.

12/06/2026

KOLUM-PAMPANITIKAN | ANG KALAYAAN AY INILALADLAD
ni Abdiel Benedick Q. Velasquez

May dahilan kung bakit nagtatagpo ang Araw ng Kalayaan at ang Buwan ng Pride.

Marahil sapagkat ang kasaysayan ng sambayanang Pilipino ay hindi lamang kuwento ng paglaya ng isang bayan, kundi kuwento rin ng paglaya ng tao—mula sa anumang tanikalang nagkakait sa kaniya ng karapatang maging ganap na siya.

Tuwing Hunyo, muling inilalabas ang mga bandila.

Mula sa mga lumang kabinet, kahong matagal nang hindi nabubuksan, at mga sulok na kinakapitan ng alikabok ng panahon, isa-isa silang inilaladlad upang muling salubungin ang hangin.

May mga bandilang bago pa ang tela. Matingkad pa ang bughaw at p**a. Matatag pa ang tahi sa bawat gilid. Ngunit mayroon ding mga bandilang kupas na. Napunit sa ilang bahagi. Nasunog ng araw. Nabasa ng ulan. Nakitaan ng mga sugat na tanging panahon lamang ang nakalilikha.

At marahil ganoon din ang mga tao.

May mga taong natutong iwagayway ang sarili nang walang pag-aalinlangan. May mga taong matagal nang nakaladlad sa liwanag. Ngunit mayroon ding mga buhay na buong panahong itinupi.

Maingat.

Tahimik.

Nakatago.

Parang mga bandilang inilaan lamang sa loob ng kabinet.

Hindi dahil wala silang kulay.

Kundi dahil may mga panahong naging delikado ang magkaroon nito.

Sa mahabang kasaysayan ng ating bayan, maraming uri ng pananakop ang dumating. May mga mananakop na dumating sakay ng mga barko. May mga dumating bitbit ang mga aklat. May mga dumating na may mga armas. Ngunit may mga pananakop ding walang watawat at walang hukbo—mga pananakop na unti-unting nagturo sa tao na ikahiya ang sarili.

Na may maling paraan ng pagmamahal.

Na may maling paraan ng pagsasalita.

Na may maling paraan ng pag-iral.

At sa paglipas ng mga siglo, may mga Pilipinong natutong mabuhay na parang mga bandilang hindi kailanman dapat makita.

Nakatupi.

Nakatago.

Naninilaw sa dilim.

Hindi lamang tayo nakikibaka laban sa mapang-aping mga mata, mapanghusgang mga dila, at mga paniniwalang tumatangging kilalanin ang pagkakaiba. Madalas, ang pinakamahabang digmaan ay nagaganap sa loob ng sarili—sa pagitan ng kung sino tayo at kung sino ang ipinag-uutos ng mundo na dapat tayong maging. Maraming Pilipino ang lumaki na tila dayuhan sa sariling katawan, sariling tinig, at sariling katotohanan. Marami ang natutong magkubli bago pa man matutong mangarap.

Kaya marahil hindi aksidente na sa parehong buwan natin ipinagdiriwang ang kalayaan at Pride.

Sapagkat pareho silang kuwento ng paglaladlad.

Ang bansa ay minsang nagladlad ng watawat upang sabihin sa daigdig na hindi na ito pag-aari ng iba.

Ang tao naman ay naglaladlad ng sarili upang sabihin sa mundo na hindi na rin siya pag-aari ng takot.

At kung susuriing mabuti, pareho silang uri ng himagsikan.

Sapagkat may tapang sa paghawak ng sandata.

Ngunit may kakaibang tapang din sa paghawak ng sariling pangalan.

Sa pagbigkas ng sariling katotohanan.

Kaya ang Pride ay hindi lamang selebrasyon. Ito ay alaala ng pakikibaka.

Ito ay protesta.

Hindi ito hiwalay sa mga rebolusyong isinilang sa kasaysayan ng ating bayan. Hindi ito hiwalay sa sigaw ng mga Katipunero laban sa kolonyal na paghahari. Hindi ito hiwalay sa mga intelektuwal, manggagawa, kabataan, at mamamayang tumindig laban sa pananakop, diktadura, at pamamasista. Sapagkat sa pinakapayak nitong anyo, iisa lamang ang ugat ng lahat ng laban: ang paniniwalang walang sinumang dapat pagkaitan ng dignidad at kalayaan.

Ang Pride ay panawagan sa karapatang mabuhay nang walang takot.

Panawagan sa karapatang magmahal nang walang paghingi ng paumanhin.

Panawagan sa karapatang magsalita sa sariling tinig at maglakad sa sariling landas.

At marahil iyon ang pinakadiwa ng kalayaan.

Sapagkat walang saysay ang paglaya ng isang bansa kung may mga mamamayan pa ring kailangang magtago upang tanggapin. Walang saysay ang watawat kung may mga tinig na hindi marinig. Walang saysay ang kalayaan kung may mga Pilipinong kailangang ikubli ang kanilang pagkatao upang manatiling ligtas.

Sa bawat bandilang itinataas tuwing Hunyo, nawa'y maalala natin na ang kalayaan ay hindi lamang minana. Ito ay patuloy na ipinaglalaban. Hindi lamang sa mga lansangan, kundi sa mga tahanan. Hindi lamang sa mga institusyon, kundi sa mga puso.

At sa bawat taong pinipiling maging totoo sa sarili sa kabila ng pangamba, may munting himagsikang nagaganap.

Sapagkat ang magmahal ay isang anyo ng tapang.

Ang magpakatotoo ay isang anyo ng paglaya.

At ang mamuhay nang buong-buo bilang sarili ay isa ring makabayang gawain—sapagkat ang isang bansang tunay na malaya ay yaong may puwang para sa lahat ng anyo ng pagkatao, lahat ng kulay ng pag-ibig, at lahat ng tinig na matagal nang naghihintay na marinig.

Sapagkat ang kalayaan ay hindi lamang sandaling ipinoproklama.

Ito ay bagay na inilaladlad.

Paulit-ulit.

Taon-taon.

Henerasyon matapos ang henerasyon.

Hanggang dumating ang araw na wala nang kulay ang kailangang itago sa dilim.

At lahat ng bandila, anuman ang kanilang kulay, ay malaya nang sumayaw sa iisang hangin.

12/06/2026

Isang Maligayang ika-128 na Araw ng Kalayaan, Pilipinas! 🇵🇭

Ngayong araw, ginugunita natin ang kagitingan at sakripisyo ng ating mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kasarinlan. Bilang mga kabataan at iskolar ng bayan, patuloy nating isabuhay ang pag-ibig sa bayan at magkaisa tungo sa isang makamasang lipunan.

Ipaglaban at pandayin ang tunay na kalayaan!

11/06/2026

CALL FOR DONATIONS!

A student from BSBA MM 2-2, James Timothy Moreno, is humbly knocking on our kind hearts as it is with deep sadness that we share the passing of his mother.

The family is currently accepting voluntary donations to help them during this difficult time. Any amount, no matter how small, will go a long way in supporting James and his family as they grieve the loss of their loved one.

Let us come together as one community and extend our compassion during this difficult time. Your generosity and prayers mean so much.

GCash: 0994 258 7850
Account Name: James Timothy Moreno

Thank you for your kindness and support.

11/06/2026

| On the Printing of the Certificate of Candidacy (COC) for Year-End Graduation, 2nd Semester, A.Y. 2025–2026

Heads up, Graduating Students! The printing of the Certificate of Candidacy (COC) for Year-End Graduation, Second Semester, A.Y. 2025–2026, will be available from June 15, 2026, to July 15, 2026 as per the announcement of the University.

All graduation applicants are reminded to ensure that their graduation applications are approved and tagged as "Final Evaluation (Candidate)" in the SIS, and that all grades have been posted before printing the COC. Furthermore, students with academic or non-academic deficiencies are advised to coordinate with the concerned offices and complete all requirements as soon as possible.

Graduation applicants are required to print their COCs to be included in the official list of Candidates for Graduation.

Please be guided accordingly.

Photos from The PUP SRC Student Council's post 09/06/2026

GEAR UP FOR THE NEW ACADEMIC YEAR, PUPIANS!

The Polytechnic University of the Philippines has officially released the University Calendar for Academic Year 2026-2027, which will commence in August and conclude in May 2027.

This calendar serves as your essential guide for national holidays, critical academic deadlines, and significant institutional commemorations to keep our community aligned.

Please be guided accordingly and ensure to save the necessary dates for your reference throughout the upcoming term.

Want your university to be the top-listed University in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Tiongco Subdivision, Brgy. Tagapo
Santa Rosa
4026

Opening Hours

Monday 7am - 8pm
Tuesday 7am - 8pm
Wednesday 7am - 8pm
Thursday 7am - 8pm
Friday 7am - 8pm
Saturday 7am - 8pm