Konsehal Inay Rodwen Santiago

Konsehal Inay Rodwen Santiago

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Konsehal Inay Rodwen Santiago, Politician, Poblacion Uno, Barangay Kanluran, Santa Rosa.

Photos from Konsehal Inay Rodwen Santiago 's post 28/08/2024

Agosto.

Maganda at Masayang Kanluran sa lahat.

Isa ito s pinaka abalang buwan sa inyong lingkod sapagkat s buwan n ito ginaganapnang Ginoo at Rosas ng Kanluran.

Matagumpay na naman po nating naisagawa ang pangatlong edisyon ng ating beauty pageant sa ating barangay. Kasama ang mga kasali ng LGBT Kanlu, Sangguniang Kabataan at Barangay ng Kanluran.
Labing isang pares ng mga kalahok ang nagtagisan ng Ganda, katikasan, galing at talino at sa huli ay tinanghal ang pinakamahisay na kakatawan sa ating barangay para sa city pageant.

Pagabati po s lahat ng organizers at sa buong Sangguniang Barangay.

Agosto 28 naman po ay dumalo tayo sa ating regular session at dito ay tinalakay ang papalapit na inter barangay competition ng ating mga Barangay Police Officers o Tanod. Gayundin bumisita ang mga nagwaging Ginoo at Rosas ng Kanluran na sina Kobie Sison at Thalian Dichoso.

Patuloy pa din po tayo sa pakikiisa sa mga programa at proyektong naglalayon para sa kabutihan ng ating mahal na tahanan.

At palagi ang inyong lingkod ay maghahatid sa inyo ng mga proyektong magbibigay ng inspirasyon, pag asa at kasiyahan.

Dahil Sasaya ang Barangay Kay Inay, Tara na Kanluran tayo naman

❤️❤️❤️
Konsehal Inay Rodwen Santiago

Photos from Konsehal Inay Rodwen Santiago 's post 07/07/2024

Happy Pride Santa Rosa!

Kasama ang LGBT Kanlu at ang ating mga kalahok sa Ginoo at Rosas ng Kanluran ay nakibahagi ang inyong lingkod s taunang parada para s LGBTQIA+ community.

Salamat po city government of Santa Rosa at sa aming butihing Mayor Mam Arlene Arcillas at Kuya Vice Arnold Arcillas sa pagpapahalaga, pagmamahal at pagpapalakas ng sektor na aking kinabibilangan, patunay na sa ating syudad ay walang naiiwan at ang bawat mamayan ay bahagi, may boses, nakikita,naririnig at may bilang.

Pagbati din po s pamunuan ng Glamorosa na minsan din po nating pinaminuan.

At ako po, bilang bakla ay palagi nyong Kasama sa pagtataas ng bandila at estado ng ating komunidad. Mabuhay ang LGBT!

❤️❤️❤️
Konsehal Inay Rodwen Santiago

Photos from Konsehal Inay Rodwen Santiago 's post 07/07/2024

July 6

Clean up drive.

Kasama po ang ating SB family, tayo po ay naglinis s kahabaan ng Zavalla street.

Nawa po ang bawat isa sa atin ay magtulungan upang mas maging maayus at malinis ang ating komunidad.

Pagkatapos po nito ay nagsagawa naman kami ng pagpupulong tungkol s nalalalit n Sikhayan Festival at s mga mahahalaga pang usaping para sa ating barangay.

Tuloy tuloy lang po tayo sa ating Reporma at Damayan para sa mas maayus mas aktibo mas maganda at mas masayang Barangay Kanluran.

❤️❤️❤️
Konsehal Inay Rodwen Santiago

Photos from Konsehal Inay Rodwen Santiago 's post 04/07/2024

Magandang Umaga Kanluran,

Ngayon araw ay sumama tayo s inspection para sa assessment and evaluation para most cleanest barangay in our city.

And we are happy when the evaluators said "ayus naman" maliban s ilang bahagi, and I guess di naman talaga perpekto ang isang komunidad pero kung tayo po ay magtutulungan mas mapapabuti pa natin ang kalinisan at kaayusan sa ating barangay.

At ito po yung mga sinabi nila sa amin kanina
Paalalahanana daw po ang ating mga mamayan, halimbawa yung mga sirang kagamitan s bahay, gaya ng lumang aparador, mga gulong, estante at kung ano ano pa, sana po ay wag nating ilabas s ating kalsada, at kung maari po ay itapon n kung hindi n ginagamit para hindi na po magiging sagabal s kalsada,
Dahil may ordinansa po ang ating lungsod tungkol dito at maari po kayong puntahan sa inyong lugar at hulihin s paglabag s ordinansang ito. ( Ito po ay Isang paalala sa ating barangay ng mga nasa katungkulan)

All in all sa pag ikot namin kanina ay malinis naman po at maayus ang ating barangay, ngunit kung mas aayusin po natin, at tayo ay magtutulungan, mas mapapabuti po ang ating mahal na tahanan, ang Kanluran.

❤️❤️❤️
Konsehal Inay Rodwen Santiago

Photos from Konsehal Inay Rodwen Santiago 's post 01/07/2024

Buwan ng Hunyo.

Ginanap po s buwan n ito ang screening natin para s Ginoo at Rosas ng Kanluran kung saan tulong tulong po ang Sangguniang Kabataan, Sangguniang Barangay at LGBT Kanlu para makilala n natin ang susunod nating Reyna at Hari n syng ilalaban natin s ating City pageant.

Isinagawa po natin ang eleksyon ng Barangay Children's Association ng Kanluran para sa kanilang pamunuan at tayo po ay nagpasinaya s aktibidad na ito.

Dumalo din po tayo s seminar ng ating barangay police officers at dito ay inalam natin ang mga polosiya at ibat ibang mga suliranin na kinakailangan ng responde ng ating mga kawani. Marami po tayong natutunan sa programang ito.

Dumalo din po tayo sa ating session, at tinalakay ang mga mahahalagang usaping may kinalaman s ating barangay at nasasakupan.

At bilang isa sa lider ng ating barangay sisiguraduhin po natin na ang bawat programa na ating pinupuntahan ay makakatulong upang mas mapa ayus at mapaunlad natin ang ating kaalaman at maibahagi natin ito sa ating nasasakupan, mamayan at sa ating mahal na tahanan, ang Kanluran..

Photos from Konsehal Inay Rodwen Santiago 's post 01/07/2024

Buwan ng Hunyo.

Tayo po ay nakibahagi at sumuporta sa pambato ng Kanluran sa nakaraang pride celebration na isinagawa ng ating Bokal Cong Maglilingkod, Danzel Fernandez.

Binabati po natin ang ating kinatawan na si Emengard John Ryan Capuchino sa kanyang pagkapanalo bilang 2nd runner up sa costume competition. Pagpupugay po sa mga kapatid natin s LGBT community.

Dumalo din po tayo sa pagpupulong ng ating mga Barangay Police Officers (Tanod) at inalam ang mga suliranin at estado ng ating peace and order.

Masaya din po tayong nakibahagi s General Assembly ng PWD. Salamat po s PDAO, Federated PWD Santa Rosa, sa ating Pangulo Ate Mayet Estanislao Yambao at sa City Government of Santa Rosa sa pangunguna ng ating butihing Mayor Arlene Arcillas at Kuya Vice Arnold Arcillas.

At bilang chairman po ng committee on women's and children ay tumulong po tayo sa proyekto ng ating Barangay Children's Association sa pangunguna ng kanilang BCa Mentor ate Lhen Ramboyong.

Palagi, ang inyong lingkod ay Kasama nyo s Reporma at Damayan para sa mas maayus, mas aktibo, mas maganda at mas masayang Barangay Kanluran.

❤️❤️❤️
Konsehal Inay Rodwen Santiago

Photos from Konsehal Inay Rodwen Santiago 's post 04/06/2024

June 4

Dumalo po tayo s Moving up ceremony ng ating mga mag aaral sa Kanluran Children Development Center or Day Care.

Congratulations po sa mga nagsipagtapos at sa kanilang mga proud parents.

Sama sama po nating gabayan ang mga batang ito, dahil Sila po ang kinabukasan ng ating barangay Kanluran at ng mahal nating lungsod ng Santa Rosa.

❤️❤️❤️
Konsehal Inay Rodwen Santiago

Photos from Konsehal Inay Rodwen Santiago 's post 04/06/2024

June 3

Regular Session

Tinalakay ang mga sumusunod,

Proposal for Rosas at Ginoong Kanluran 2024.
General Assembly of PWD
Warmer ng inter barangay players na ponamahagi kahapon
Pagsasaayus ng mga kanal at estero para s paghahanda s panahon ng ulanan at pagbaha.
Paparating n Liga ng Sangguniang Kabataan ng Kanluran

At iba pang mahahalagang bagay.

At palagi di tayo liliban s mga Pulong ng barangay dahil bahagi tayo ng Reporma at Damayan para sa mas maayus mas maganda mas aktibo at mas masayang Barangay Kanluran

Photos from Konsehal Inay Rodwen Santiago 's post 04/06/2024

May 31
Barangay Road Clearing Operations.

Photos from Konsehal Inay Rodwen Santiago 's post 12/05/2024

May 11.

We are committed to our responsibilities as public servant.

Umikot po tayo para paalalahanan ang mahal nating kabarangay at isinagawa ang Barangay Road Clearing Operations.
Nagsagawa din po ng clean up drive ang ating barangay, dahil ang inyo pong Sanggunian ay naglalayong ng maaliwalas, malinis at kaaya-ayang kapiligiran.

Tuloy tuloy lang po tayo sa ating Reporma at Damayan at palagi ang inyong lingkod ay bahagi ng mas maganda, mas maayus, mas aktibo at mas masayang Barangay Kanluran.

❤️❤️❤️
Konsehal Inay Rodwen Santiago

12/05/2024

May 7

Sangguniang Barangay Regular Session.

Tayo po ay dumalo s Pulong at pinag usapan ang mgabagay na may kinalaman sa BaRCO ( road clearing operations), BADAC (anti drug abuse council), Ang estado ng ating Barangay Dentist, ang ating BNS ( Nutrition) at iba pang programa na mas makakapag- paayus ng mahal nating Barangay Kanluran.

Tuloy tuloy lang po tayo sa Reporma at Damayan, Tara na Kanluran, tayo naman!

Photos from Konsehal Inay Rodwen Santiago 's post 06/05/2024

May 6

Unang Lunes s buwan ng Mayo at tayo ay dumalo sa ating flag raising ceremony.

Tuloy tuloy pa din po tayo s serbisyo publiko at palaging bahagi ng Reporma at Damayan laan para s mahal nating barangay Kanluran.

❤️❤️❤️
Konsehal Inay Rodwen Santiago

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Poblacion Uno, Barangay Kanluran
Santa Rosa
4026