Team Buknoy Intano
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Team Buknoy Intano, Political Candidate, Barangay Tagapo, Santa Rosa.
04/11/2023
Kabataan, salamat sa inyong paglaban, patuloy tayo tungo sa mas magandang kinabukasan. Hindi man kumpleto ang aming grupo, iisa nalang tayo maglilingkod para sa bayan at Barangay Tagapo.
Ating kilalanin ang mga bagong lingkod kabataan, magseserbisyo at mananatiling andiyan. Simula palang ng laban, walang malababayaan.
Tara na tungo sa progresibo, inklusibo, at puro serbisyo na Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagapo!
03/11/2023
Ang SK Team Intano ay lubos na nagpapasalamat sa suporta mula simula, sa mga sumama hanggang dulo, kasama niyo pa rin kami dala-dala ang pag-asa at mga alaala, paglilingkod, pag-ahon, at pakikiisa na di na kailangan ng titulo.
Tapos na ang pangangandidato, naisigaw niyo na ang mga uupo at panalo, bagamat hindi lahat ay pinalad, kaisa pa rin kami tungo sa daan ng pag-unlad.
Para sa bawat tao, mas progresibong Barangay Tagapo!
28/10/2023
SAMPLE BALLOT, MGA TROPA! 💙
28/10/2023
Ang pag-arangkada ng pag-asa!
Lumibot ang buong Team Intano dala-dala ang talino, lakas, at mulat na diwa para sa bagong pag-asa ng progresibong Barangay Tagapo!
Kasama ang bawat kandidato para sa Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan, sigaw namin ang sigaw ninyo, para sa bayan at para sa Barangay Tagapo, sa pamamagitan ng mabilis at malinis na serbisyo, uunlad tayo.
Tayo na tungo sa progreso kasama niyo ang Team Intano! Iboto!
27/10/2023
Sa dahan-dahang pagtatapos ng panahon ng pagpapakilala, lumalapit din tayo sa oras ng pagkilos, nakita niyo na ang dalawang bahagi ng aming mga plataporma narito ang ikatlo para sa progresibong Brgy. Tagapo!
Napakahalaga ng ating kapaligiran, kung minsan ito ay ating napababayaan, ngayon kasama sa mga pagtutuunan, kailangan natin ng Malinis na Barangay Tagapo na makikita hindi lamang sa bawat kanto, pati na rin sa aming serbisyo.
Bukod pa rito ay ang makapagpapabilis ng ating daan tungo sa progreso, ang teknolohiya, na kailangan at makapagbubukas ng iba’t ibang oportunidad para sa mga makikiisa. Halo ng karanasan, kasiyahan, at pag-aaral, upang mabuo hindi lamang ang kaalaman at kasanayan, pati ang tamang asal.
Sama-sama tungo sa progresibo, inklusibo, at puro serbisyo na Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagapo!
26/10/2023
Ating kilalanin ang Sanguniang Kabataan ng Team Intano, magsisilbi ng tulay sa kinabukasan ng Barangay Tagapo!
Sama-sama tungo sa progresibo, inklusibo, at puro serbisyo na Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagapo!
26/10/2023
Day 7 | Unang linggo
Kabataan, isang linggo na simula ng pormal kami na nagpakilala, ano man ang naging panahon at mga hamon ay mas napuno lang kami ng pag-asa. Hiling ang inyong suporta at pakikiisa, nakatataba ng puso maramdaman ang pagmamahal ng masa. Hindi namin kayo para biguin, kundi mas paunlarin, magsisilbing tulay at ilaw upang bawat pangarap ay tuparin. Salamat po sa Florenceville, Villa de Oro, at Howard Village!
Sama-sama tungo sa progresibo, inklusibo, at puro serbisyo na Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagapo!
25/10/2023
Sa nalalapit na pagtatapos ng kampanya, balikan natin saglit ang nagdaang paraan namin ng pagpapakilala sa inyo. Ang noong battle of the bands ay isa lamang na ganap na nakamit natin kahit wala sa pwesto, walang ibang hangad kundi paglingkuran ang bayan, unang una ang kabataan ng Brgy. Tagapo.
Napasilip at napadama na ang husay, tiwala at suporta niyo nalang ang hinihintay. Paano? Tara na, sama-sama tungo sa progresibo, inklusibo, at puro serbisyo na Sangguniang Kabataan ng Barangay Tagapo!
Walang iba, tayo na, kasama niyo ang SK Team Intano.
C. Reynard “Buknoy” Intano
K. Leigh Anne Amarante Alinsod
K. James Alinsod
K. John Benedict “Jeboy” Carta
K. John Ric “Rek” Artillo
K. Marcus Carteciano Jana
K. Nicole Maluyo Galut
K. Nicole Manuelle Garcia
Sa darating na ika-30 ng Oktubre, ating 𝗜𝗕𝗢𝗧𝗢 ang mga nararapat na lider para sa ating pinakamamahal na BARANGAY TAGAPO.
25/10/2023
Day 6 | 𝙋𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣
Rain or Shine, Shine or Rain, ang kinabukasan ng kabataan ang hangad naming paulanan ng serbisyong mabilis at malinis. Lubos ang pasasalamat ng SK TEAM INTANO upang ilapit sa inyong mga tainga at mulatin ang bawat kabataan ang bukas na nararapat para sa ating bayan. Maraming maraming salamat sa Romanville, Mercado Compound, Daang Nia Platero, Limpo Compound, Solid Gold, Amihan, JB Village, at Doña Rosina.
𝙎𝙖𝙢𝙖-𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙤 𝙨𝙖 𝙥𝙧𝙤𝙜𝙧𝙚𝙨𝙞𝙗𝙤, 𝙞𝙣𝙠𝙡𝙪𝙨𝙞𝙗𝙤, 𝙖𝙩 𝙥𝙪𝙧𝙤 𝙨𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤 𝙣𝙖 𝙎𝙖𝙣𝙜𝙜𝙪𝙣𝙞𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙏𝙖𝙜𝙖𝙥𝙤!
24/10/2023
𝗢𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗹𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗕𝘂𝗸𝗻𝗼𝘆 𝗜𝗻𝘁𝗮𝗻𝗼
Aming ibinabahagi ang ikalawang bahagi ng opisyal na plataporma ng aming team para sa panunungkulan bilang boses ng mga kabataan ng Barangay Tagapo.
𝗔𝗥𝗧𝗟𝗘𝗧𝗔: 𝗦𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴, 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮, 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗸𝗮, 𝗮𝘁 𝗜𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀.
Alam namin kung gaano kahalaga ang creative/performing arts tulad ng pageants, dance competitions at battle of the bands sa pag-hubog ng natural na talento ng ating mga kabataan. Kasama na dito ang mga liga sa sports para sa ating mga atleta. Sa panunungkulan ng 𝗦𝗞 𝗧𝗘𝗔𝗠 𝗜𝗡𝗧𝗔𝗡𝗢, kayo ay makakaasang hindi ito mawawala, bagkus, ay atin pang pag-iigihan.
Halinat subaybayan, suportahan, at kilalanin ang mga programa ng aming team para sa mas ikauunlad ng Barangay Tagapo!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Barangay Tagapo
Santa Rosa
4026