MATTY M's
LIKE AND FOLLOW THEN SUBS NA SA CHANNEL KO NYAW!!
02/12/2024
huling liham ng nagmamahal.
mula sa pag sulat ni: kiko
pinaka ayoko sa lahat ang pagsulat ng liham.
kung may mga bagay kang nais ipabatid ay mas gugustuhin kong sabihin mo sakin ito ng harapan.
dama ang bawat salita.
dama ang emosyon na nais kumawala.
ayoko ng liham.
ayoko ng mga mensaheng tila nakasulat sa papel
tila blangkong balangkas walang sining na makita.
pero sa huling pagkakataon ay hindi ko rin aakalain na susulat ako ng isang liham para lang sayo.
oh aking mahal,
marahil ngayon sa pagtulog mo sa gabi ay may bigat kang dala,
kalituhan sa isip mo na naging sanhi ng iyong pusong puno ng bahala.
nais kong malaman mo na kailan man ay hindi ka lumisan sa aking isipan.
kahit sa isang madalim na kwarto hiniram ko ang dilim nito upang maging kumot na syang magkukubli sa akin habang sinusulat ang aking liham para sayo.
kailan man ay hindi ako napagod na isipin ka at intidihin ka sa mga araw na tila ligaw ka sa iyong pagtakbo.
alam kong mahirap pero sa aking liham na ito nais kong malaman mo na kasama mo ang aking puso sa pag takbo tungo sa mga sagot na iyong nais malaman.
mahal kung sakaling makarating sa iyo ang liham na ito maari mo bang punasan ang iyong luha?
dahil sa aking huling pag sulat ay tanging pag-ibig lamang ang aking nais ipabatid.
pag-ibig na kailan man ay hindi tumitigil.
kaya sa iyong muling pag layag, sa pag buka ng iyong pakpak ay baunin mo ang aking pagmamahal at kung dumating sa puntong pagod ka na ay alalahanin na ang aking puso ay tanging hinahon lang ang iparamdam.
kaya sige aking maglalayag simulan mo na ang iyong paglalakbay dahil ito ang huling liham na isusulat ko para sayo at sa iyong pagbabalik ay malugod pa ring tatanggapin ang iyong buong kwento. hanggang sa muli paalam. ito ang aking huling liham.
nagmamahal
hanggang dulo.
25/09/2024
huling liham ng nagmamahal.
pinaka ayoko sa lahat ang pagsulat ng liham.
kung may mga bagay kang nais ipabatid ay mas gugustuhin kong sabihin mo sakin ito ng harapan.
dama ang bawat salita
dama ang emosyon na nais kumawala
ayoko ng liham.
ayoko ng mga mensaheng tila nakasulat sa papel
tila blangkong balangkas walang sining na makita.
pero sa huling pagkakataon ay hindi ko rin aakalain na susulat ako ng isang liham para lang sayo.
oh aking mahal,
marahil ngayon sa pagtulog mo sa gabi ay may bigat kang dala,
kalituhan sa isip mo na naging sanhi ng iyong puso puno ng bahala.
nais kong malaman mo na kailan man ay hindi ka lumisan sa aking isipan.
kahit sa isang madalim na kwarto hiniram ko ang dilim nito upang maging kumot na syang magkukubli sa akin habang sinusulat ang aking liham para sayo.
kailan man ay hindi ako napagod na isipin ka at intidihin ka sa mga araw na tila ligaw ka sa iyong pagtakbo.
alam kong mahirap pero sa aking liham na ito nais kong malaman mo na kasama mo ang aking puso sa pag takbo tungo sa mga sagot na iyong nais malaman.
mahal kung sakaling makarating sa iyo ang liham na ito maari mo bang punasan ang iyong luha?
dahil sa aking huling pag sulat ay tanging pag-ibig lamang ang aking nais ipabatid.
pag-ibig na kailan man ay hindi tumitigil.
kaya sa iyong muling pag layag, sa pag buka ng iyong pakpak ay baunin mo ang aking pagmamahal at kung dumating sa puntong pagod ka na ay alalahanin na ang aking puso ay tanging hinahon lang ang iparamdam.
kaya sige aking maglalayag simulan mo na ang iyong paglalakbay dahil ito ang huling liham na isusulat ko para sayo at sa iyong pagbabalik ay malugod pa ring tatanggapin ang iyong buong kwento. hanggang sa muli paalam. ito ang aking huling liham.
nagmamahal
hanggang dulo.
20/02/2023
NANINIWALA AKO
BY: Mathew Mendoza
Naniniwala ako
Naniniwala ako sa mga kasabihan na madalas nating naririnig sa ating mga nakakatanda
Naniniwala ako sa mga kwento nilang hatid tungkol sakanilang kabataan
Naniniwala rin ako sa mga kwento nila tungkol sa mga kanilang pag ibig na natagpuan.
Minsan matatawa at matutuwa ka dahil sa mga kwento nilang hatid,
Minsan maiiyak at mahahalina ka sa mga kwentong kanilang sambit.
Gusto ko ang kwento ng pag ibig na sa tuwing kanila itong babanggitin ay nakikita ang ngiti sa kanilang mga labi.
Tila walang kapantay ang ligayang kanilang tangi
Walang hirap
Walang sakit
Walang hinagpis, hulagpos, at Panganib
Pero ang katotohanan sa likod ng mga kwentong ito ay ang milyong milyong pagsubok at Luha na natamo sa pag ibig.
Sa mga sugal at pag amin na kanilang hinarap, luha ang kapalit sa mga pusong naiwang wasak.
Sa mga bawat pag sambit ng salitang mahal kita, kapalit ay takot na baka may mahal pang iba.
Pero hindi ba mas masayang ikwento ang ganitong klaseng lakbayin ng Pag ibig?
Hindi lang tamis at lambing kundi kasama ang pait at pagkasawi.
Kaya madalas akong naniniwala sakanilang mga sinasabi. mga payo na tila mag tutulak sayo sa iyong unang pag hakbang patungo saiyong pang isang milyong sugal.
Kaya hanggat maaari pwede mo ba akong pakinggan?
Maaari mo ba akong titigan?
Maaari mo ba akong pagmasdan?
Nang sa ganon ay maitulak ko ang sarili sa Pag amin na ikaw ay akin ng minamahal.
Dahil naniniwala ako na sa aking pagtanda ay maikwekwento ko rin sa mga munting paslit kung paano rin ako nag mahal, kung paano kita minahal.
Alipin by: shamrock (short cover)
13/07/2022
Ang kwento nating dalawa
By: matty
Sabi nila ang museo ay isang imbakan ng ala ala mula sa nakaraan ng kasaysayan.
Noon ay sumulat ako ng tula ukol sa digmaan ng pag-ibig na naging parte ng kasaysayan nanakaimbak sa ating museo ng pagmamahal.
Ngayon maaring sumusulat ulit ako ng tula
Ukol sa ating museo pero hindi na ito tungkol sa digmaan ng kasaysayan dahil ito ngayon ay imbakan ng ating kwentong binuo mula sa nakaraan na hanggang ngayon ay patuloy na nililimbag.
Dito sa ating museo
Buoin natin ang istorya ng ating lakbayin.
Sa ikaw, sa tayo, sa ating dalawa.
Dito sa ating museo ng pag mamahal
Iimbak ang pangakong tinupad at tutuparin.
Ikaw at ako dito sa ating makabagong kasaysayan.
Tara ating bisitahin
Ang kwento nating dalawa.
Serye
Pahina ng pagsinta.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the public figure
Telephone
Address
Santa Mesa