DepEd Pagsawitan ES - Laguna

DepEd Pagsawitan ES - Laguna

Share

Official page of Pagsawitan Elementary School

Photos from DepEd Pagsawitan ES - Laguna's post 20/09/2026

𝐋𝐎𝐎𝐊 ||

Flag Ceremony Highlights | September 2026
Led by the diligent learners of Grade 4 - Mangga under the guidance of Ms. Shira Joy Miguel for today's flag ceremony.

20/09/2026

Salubungin ang bagong linggo nang may pasasalamat sa bawat biyaya at panalangin para sa patuloy na proteksyon at kaligtasan ng bawat isa.

Photos from DepEd Pagsawitan ES - Laguna's post 20/09/2026

TINGNAN ||

“Mapalad ang mga tagapamayapa, sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.”
**Mateo 5:9**

Bilang mga Girl Scout, tinuturuan tayong maglingkod nang may pagmamahal, mamuno nang may pananampalataya, at magbigay-inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng kabutihan.

Sa araw na ito, naglaan tayo ng sandali upang magpasalamat sa Diyos sa Kanyang paggabay, sa matibay nating samahan, at sa pagkakataong maging pagpapala sa iba.

Pasasalamat din kina Tita Desiree Calma, Tita Clarissa Dionglay, Tita Lennie Lovije, Tita Kathrina Alcantara, Tita Luisa Taiño at Scouter Josilin Del Mundo sa kanilang paggabay, suporta, at dedikasyon sa Girl Scouts. Patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa amin ang inyong paglilingkod at paghihikayat.

Photos from DepEd Pagsawitan ES - Laguna's post 19/09/2026

TINGNAN ||

sinagawa ang Oath-Taking Ceremony ng bagong set ng School PTA Officers ng Pagsawitan Elementary School noong September 18, 2026.

Ang panunumpa ay pinangunahan ni Kgg. Ma. Meg C. Agarao, na nagsilbing Inducting Officer.

Isang bagong yugto ng pakikipagtulungan, pagkakaisa, at paglilingkod para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at ng buong paaralan.

Photos from DepEd Pagsawitan ES - Laguna's post 19/09/2026

TINGNAN ||

Matagumpay na isinagawa ang State of the School Address (SOSA) at Card Viewing noong September 18, 2026, ganap na ika-3:00 ng hapon sa PagES Covered Gym.

Tampok sa programa ang pag-uulat ng mga naging accomplishments, programa, proyekto, at mahahalagang pangyayari ng paaralan sa nakalipas na 1st Term ng Taong Panuruan 2026–2027.

Naging mahalagang pagkakataon din ito upang maibahagi sa mga magulang at stakeholders ang kalagayan at mga tagumpay ng paaralan, gayundin ang patuloy na pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral.

Photos from DepEd Pagsawitan ES - Laguna's post 19/09/2026

TINGNAN ||

Unang araw ng MTAP para sa ating mga mag-aaral ng Pagsawitan Elementary School, na ginanap sa Santa Cruz Central Elementary School.

Isang araw ng pagkatuto, pagsubok, at paghahasa ng kanilang kaalaman at kasanayan sa Matematika.

Photos from DepEd Pagsawitan ES - Laguna's post 18/09/2026

TINGNAN ||

Isinagawa ng MENRO Santa Cruz ang monitoring sa Pagsawitan Elementary School upang masuri ang tamang segregation ng basura at ang pagkakaroon ng sapat na basurahan sa paaralan.

17/09/2026

TINGNAN ||

Inaanyayahan ang ating mga magulang, guardians, at stakeholders na makiisa sa State of the School Head Address (SOSA), Card Viewing, at Oath-Taking Ceremony ng School PTA Officers.

📅 September 18, 2026
🕒 3:00 P.M.
📍 PagES Covered Gym

Sama-sama nating tunghayan ang mga nagawa, narating, at mga layunin ng ating paaralan, kasabay ng pagbibigay-halaga sa pakikipagtulungan ng mga magulang at paaralan para sa mas maunlad na edukasyon ng ating mga mag-aaral.

17/09/2026

Ang Pagsawitan Elementary School ay taos-pusong bumabati sa ating minamahal na Schools Division Superintendent ng SDO Laguna, Dr. Editha Atendido!

Nawa’y maging makabuluhan at puno ng saya, biyaya, at mabuting kalusugan ang inyong espesyal na araw. Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, malasakit, at mahusay na pamumuno na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga g**o, mag-aaral, at buong kagawaran ng edukasyon sa Laguna.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng lakas at karunungan upang higit pang mapagsilbihan at magabayan ang ating mga g**o at mag-aaral.

Photos from DepEd Pagsawitan ES - Laguna's post 16/09/2026

TINGNAN ||

Taos-pusong pasasalamat sa mga TUPAD Members ng Brgy. Pagsawitan sa kanilang masipag na paglilinis sa loob at labas ng Pagsawitan Elementary School.

Sa kanilang sipag at pagtutulungan, mas naging malinis, maayos, at ligtas ang ating paaralan para sa ating mga mag-aaral, g**o, at buong school community.

Maraming salamat sa inyong serbisyo at malasakit sa Pagsawitan ES!

Want your school to be the top-listed School/college in Santa Cruz?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Huwaran
Santa Cruz
4009