DepEd RXII Tanda ES
Official page
09/07/2026
TANDA ELEMENTARY SCHOOL EXPRESSES ITS DEEPEST GRATITUDE TO OUR PARTNERS AND EDUCATION LEADERS
Tanda Elementary School extends its heartfelt appreciation to our generous partners, Save the Children and BPI General Santos, for their invaluable support to our learners and the school community.
Our sincere gratitude goes to Save the Children for donating 14 reams of bond paper, which will greatly assist in the preparation of quality instructional and learning materials.
We also extend our profound appreciation to BPI General Santos for the generous donation of 42 school bags with school supplies. These learning essentials will provide meaningful support to our learners as they continue their educational journey.
We are especially honored by the visit of our Schools Division Superintendent, Dr. Isagani S. Dela Cruz, who personally visited Tanda Elementary School to assess the condition of our Temporary Learning Center (TLC) following the recent earthquake. His concern for the welfare of our learners and school community, as well as his commitment to ensuring the continuity of education, is truly appreciated.
We likewise express our heartfelt gratitude to Dr. Isagani S. Dela Cruz for giving Tanda Elementary School the opportunity to be one of the recipient schools of these generous donations, which will greatly benefit our learners and support the school’s ongoing recovery efforts.
Our sincere appreciation is also extended to our School Head, Mr. Freddie T. Carlito, for his dedicated leadership, guidance, and tireless efforts in coordinating with our partners and ensuring the successful implementation of this meaningful initiative.
These acts of generosity and collaboration reflect our shared commitment to providing a safe, resilient, and learner-centered educational environment. Together, we continue to bring hope, strengthen resilience, and create better opportunities for every learner.
On behalf of the teachers, learners, parents, and the entire Tanda Elementary School community, we express our deepest gratitude to everyone who continues to stand with us during this time of recovery.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at walang sawang suporta sa edukasyon.
20/06/2026
📢 PAALALA SA MGA MAGULANG AT MAG-AARAL NG TANDA ELEMENTARY SCHOOL 📢
Alinsunod sa direktiba ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at bilang pag-iingat sa kaligtasan ng lahat matapos ang naganap na Magnitude 6.2 na lindol noong Hunyo 15, 2026, isasailalim muna sa muling inspeksyon at ebalwasyon ang mga gusali at pasilidad ng paaralan.
Dahil dito, e-KANSELA ang lahat ng onsite activities sa Lunes, Hunyo 22, 2026.
📚 Upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng ating mga mag-aaral, pansamantalang ipatutupad ang Modular Learning Modality.
🔔 Hinihiling namin sa lahat ng mga magulang at mag-aaral na manatiling updated sa mga susunod na anunsyo sa inyong mga class group chats at sa opisyal na DepEd RXII Tanda ES page.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at kawani ay nananatiling pangunahing prayoridad ng Tanda Elementary School.
💙💛📚
18/06/2026
🧠💙 Promoting Mental Health and Psychosocial Well-Being at Tanda Elementary School 💙🧠
Mental health is just as important as physical health. As part of our commitment to supporting the well-being of our school community, Ma’am Shanywin C. Rivera, our Guidance Designate, conducted a Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) session for fellow teachers.
On the first day, an online orientation and discussion were held to provide teachers with valuable knowledge and strategies on mental health awareness, emotional support, and resilience building.
On the second day, the learning continued through an onsite activity at Tanda Elementary School, where teachers actively participated in engaging exercises designed to strengthen psychosocial support, teamwork, and self-care practices.
Together, we continue to create a safe, supportive, and caring environment where everyone can heal, grow, and thrive.
17/06/2026
⚠️ Be Ready, Stay Safe!
Earthquakes can happen anytime—being prepared makes a difference. Learn the safety steps before, during, and after an earthquake to protect yourself and others. 💚
Stay calm. Stay alert. Stay prepared.
17/06/2026
📢 Safety Awareness for Learners
In times of emergencies, preparedness is key.
Let us equip our children with essential earthquake safety tips to ensure their protection and well-being. Remember: Drop, Cover, and Hold On!
Together, we build a culture of safety in schools and communities.
14/06/2026
💖 Pagkilala at Taos-Pusong Pasasalamat 💖
Sa ngalan ng mga mag-aaral, kanilang mga pamilya, at ng buong komunidad ng Tanda, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng tulong, suporta, at pagmamalasakit sa panahon ng aming pagbangon mula sa epekto ng lindol.
Maraming salamat po kina:
✨ Brgy. Captain Hon. Abdul Rahim Paidumama
✨ City Councilor Richard Atendido
✨ Ma'am Marianne Eve
✨ Sir JB Demegillo
✨ Ma'am Shaira Lee
✨ Bagong Silang Teaching Force
✨ Ma’am Grazelli Vlnzl Dz
✨ Ma’am Juliebel – Cheerful Giver
✨ Ma’am Anj – Brooks Alberta
✨ Sir Jeffrey Larupay
✨ Sir Junrie Villa
✨ City Councilor Blando
✨ Kuya Eds TV
✨ Team Pobreng Laagan
✨ Ang Hit Nga Kagwang Team
Ang inyong kabutihang-loob, donasyon, panalangin, at suporta ay naging malaking tulong sa aming mga mag-aaral at pamilyang naapektuhan ng kalamidad. Dahil sa inyo, mas naging magaan ang kanilang pinagdaraanan at mas naging matatag ang kanilang pag-asa sa muling pagbangon.
Sa lahat ng mga tumulong at sumuporta na maaaring hindi namin nabanggit ang pangalan, maraming-maraming salamat po. Nawa'y huwag ninyo pong masamain kung may nakaligtaan kaming banggitin. Ang bawat tulong na inyong ibinigay ay lubos naming pinahahalagahan at hindi namin malilimutan.
❤️ Ang inyong malasakit ay nagsilbing liwanag at pag-asa sa aming komunidad.
Mula sa aming mga puso, maraming salamat po sa inyong lahat. Nawa'y pagpalain pa kayo nang masagana ng Poong Maykapal.
Sama-sama tayong bumangon. Sama-sama tayong magbigay ng pag-asa.
14/06/2026
💖 Taos-Pusong Pasasalamat sa mga Donor at mga Bayani ng Komunidad 💖
Sa gitna ng pagsubok na dulot ng kamakailang lindol, maraming pamilya at mga mag-aaral ng Tanda Elementary School ang naapektuhan. Marami ang nasiraan ng tahanan at nawalan ng pinagkukunan ng kabuhayan. Ngunit sa kabila nito, naranasan namin ang napakalaking pagmamalasakit at pagkakaisa mula sa mga taong handang tumulong.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa agarang pagtugon sa aming panawagan at sa kanilang mga ipinadalang donasyon. Ang inyong kabutihang-loob ay nagbigay ng pag-asa at tulong sa aming mga mag-aaral, kanilang mga pamilya, at sa buong komunidad ng Tanda.
Lubos din naming kinikilala ang walang sawang pagtutulungan ng aming mga g**o at kanilang mga asawa na buong pusong naglaan ng oras, lakas, at pagod upang maihanda at maipamahagi ang mga relief goods:
✨ Ma'am Shanywin Rivera
✨ Ma'am Ritchelyn Motoy
✨ Ma'am Shiela Mae Himoros
✨ Sir Mark Anthony Mendoza
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa aming School Head na si Mr. Freddie Carlito sa kanyang pamumuno, suporta, at paggabay upang maisakatuparan ang gawaing ito.
Hindi matatawaran ang suporta ng mga asawa ng aming mga g**o na naging katuwang sa bawat hakbang ng paghahanda at pamamahagi ng tulong. Ang kanilang malasakit at kusang-loob na paglilingkod ay tunay na inspirasyon para sa aming lahat.
Sa lahat ng nagbahagi ng kanilang biyaya, nagbigay ng tulong, nagdasal, at nakiisa sa aming adhikain, maraming-maraming salamat po. Ang inyong kabutihan ay nagbigay ng pag-asa at lakas sa aming komunidad upang muling makabangon.
❤️ Mula sa puso ng Tanda Elementary School, maraming salamat po sa inyong pagmamahal at suporta para sa aming mga mag-aaral, kanilang mga pamilya, at sa buong komunidad ng Tanda.
Sama-sama tayong bumangon. Sama-sama tayong maghilom. Sama-sama tayong magtagumpay.
10/06/2026
Rising Together: Support for the Students and Community of Tanda
The powerful earthquake that struck on June 8, 2026, with a magnitude of 7.8, caused significant damage to our community and school.
While our school sustained minor damages, including a damaged television and water tank, the greater impact was felt by our students and their families. Many of them belong to the T’boli Indigenous People community, whose homes were severely affected by the disaster. Several families lost parts of their homes, and their already limited sources of livelihood were further disrupted.
Despite these challenges, our students remain hopeful and committed to their education. However, they now need our support more than ever as they strive to recover and rebuild their lives.
We humbly appeal to kind-hearted individuals and organizations who are willing to extend assistance. Donations such as food, clothing, school supplies, hygiene kits, medicines, and other essential items will greatly help our students and the affected families in the community.
If you would like to help, please send us a private message through our page.
Together, let us remind them that they are not alone in this difficult time. Every act of kindness, no matter how small, can make a meaningful difference.
Thank you for your generosity, compassion, and support.
🙏 Rise, Tanda. Rise, Community. Rise, Children.
06/06/2026
🌈 WELCOME BACK TO SCHOOL, MGA BATANG TANDA! 📚
Handa na ba kayo sa panibagong taon ng pagkatuto, pagkakaibigan, at masasayang karanasan dito sa Tanda Elementary School? 🎉✨
Buong puso naming ipinapakilala ang mga g**ong magiging gabay ninyo sa inyong paglalakbay sa paaralan:
🌟 Kindergarten – Ma'am Shiela Mae J. Himoros
🌟 Grade 1 & Grade 2 – Ma'am Ritchely B. Motoy
🌟 Grade 3 & Grade 4 – Ma'am Shanywin C. Rivera
🌟 Grade 5 & Grade 6 – Sir Mark Anthony T. Mendoza
Sa pangunguna ng ating masipag at mapagmalasakit na Punong G**o, Sir Freddie T. Carlito, sama-sama nating bubuksan ang panibagong kabanata ng pagkatuto at tagumpay! 💙
Sa ating mga mahal na mag-aaral, lalo na sa ating mga batang katutubo at mga bagong mag-aaral, maligayang pagdating sa inyong paaralan! Dito sa Tanda Elementary School, bawat bata ay mahalaga, bawat kultura ay iginagalang, at bawat pangarap ay binibigyang halaga. 🌿❤️
Ihanda ang inyong mga ngiti, pangarap, at sigla dahil magsisimula na ang isang makulay at masayang taon ng pag-aaral!
📅 Kita-kita tayo ngayong Lunes!
🏫 Tanda Elementary School "Nagkakaisa sa Pagkatuto, Paggalang, at Tagumpay."
05/06/2026
📢✨ PAGKAKAISA PARA SA KALIDAD NA EDUKASYON ✨📢
Matagumpay na naisagawa ngayong araw sa Tanda Elementary School ang Parents’ Orientation cm Stakeholders’ Forum cm Stakeholders’ Appreciation Program, na dinaluhan ng mga magulang, stakeholders, at iba pang katuwang ng paaralan.
Layunin ng gawaing ito na higit pang mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan ng paaralan at komunidad upang maisulong ang de-kalidad, inklusibo, at makabuluhang edukasyon para sa bawat mag-aaral. Naging daan din ito upang maibahagi ang mga mahahalagang programa, plano, at adhikain ng paaralan, gayundin ang pagkilala at pasasalamat sa mga indibidwal at organisasyong patuloy na sumusuporta sa Tanda Elementary School.
Ang tagumpay ng ating paaralan ay bunga ng sama-samang pagkilos, malasakit, at dedikasyon ng bawat isa. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang at stakeholders na naging bahagi ng programang ito.
Patuloy nating pagtibayin ang ating samahan at pagkakaisa para sa ikauunlad ng ating mga mag-aaral at ng buong komunidad.
“Sa Tanda Elementary School, ang edukasyon ay responsibilidad ng lahat.”
💙💛 Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
San Jose
9500
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when DepEd RXII Tanda ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.