Ang Suba
Opisyal na Pahayagan ng Paaralang Elementarya ng San Agustin
02/02/2025
Ang Suba young journalists, pasok sa top 7
Nakapwesto sa rank 7 ang mga batang manunulat ng Ang Suba sa awarding ceremony ng Division Schools Press Conference, Biyernes, Enero 31, 2025 na ginanap sa Sablayan National Comprehensive Highschool.
Makalipas ang isang taon, muling nag-uwi si Liam Andrein C. Gener ng karangalan para sa pahayagan ng Ang Suba nang masungkit nito ang 4th place sa Science and Technology Writing-English.
Hindi rin nagpahuli si Franzhynne Alleah Faith M. Delliva nang hirangin ito bilang 6th placer sa Copy Reading and Headline Writing-English.
Tumanggap ang dalawang batang mamamahayag ng certificate of recognition sa awarding ceremony ng DSPC.
Enero 29-31, 2025 nang ganapin ang naturang pakikipagtagisan ng galing sa pagsulat at pamamahayag na dinaluhan ng 1,539 na mga young journalists, school paper advisers, coaches, school heads, at mga bumubuo ng nasabing event.
11/01/2025
SUSPENSYON NG KLASE AT TRABAHO SA QUEZON CITY NGAYONG LUNES, IKINASA
ANG SUBA|Suspendido ang mga klase at pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno sa Quezon City at ilang mga lugar na apektado ng isasagawang rally ng INC, Lunes, Enero 13, 2025.
Sinuspende ang klase mula daycare hanggang kolehiyo kabilang ang Alternative Learning System sa lahat ng paaralan at tanggapan ng gobyerno matapos maglabas ng Memorandum Circular 76 ang Malakanyang.
Samantala ibinigay ng Malakanyang ang desisyon sa lahat ng pribadong paaralan at opisina kung sila ay susunod sa suspensiyon.
Kabilang ang Quezon City sa mga lugar na nagsuspende ng pasok, dito matatagpuan ang Central Temple ng mga Iglesia kaya naman ito ang pinakaapektadong lugar sa bansa.
Nauna nang inaprubahan ng Presidente ang 'Pambansang Rally para sa Kapayapaan' na isasagawa ng Iglesia ni Kristo sa Quirino Grandstand.
Enero 10, 2025 nang lagdaan ni Executive Secretary, Lucas Bersamin ang naturang memorandum.
Narito ang mga lugar sa bansa na kabilang sa suspensyon ng klase:
https://www.depedtambayanph.net/2025/01/class-suspensions-for-monday-january-13.html?fbclid=IwY2xjawHvzcpleHRuA2FlbQIxMQABHRFsedmlyePs15cU7XjWSUNoWz1dxRnzTzspJtGojxEK5E3KuDUZ61n4AQ_aem_BNk1NflTxD_M24e8kB5-dg&m=1
09/01/2025
Ang bagong mukha ng pahayagan.
Mas pinaghandan‼️ Mas pinaganda‼️ Mas pinalakas‼️
Muling inihahandog ng San Agustin ES at ng Ang Suba ang ikalawang paglilimbag ng opisyal na pahayagan ng paaralan.
Muli ninyo kaming samahan at subaybayan ang mga kaganapan at mga balitang may kinalaman sa edukasyon, lipunan, bansa, at maging pandaigdigang isyu.
07/12/2024
Ang Suba, Wagi sa Tagisan ng Pagbabalita
Ang Suba: Disyembre 6, 2024, pinatunayan ng mga young journalist ng Ang Suba ang kanilang angking galing nang makapwesto ang mga ito sa top 5 ranking sa nagdaang PressCon sa San Jose North Distrtict.
Disyembre 5-6, 2024, nagpamalas ng galing at talino ang mga batang manunulat ng SAES sa iba't ibang kategorya ng pahayagan.
Nag-uwi ng 1st Place sina Liam Andrein C. Gener (Science and Technology-English), Franzhynne Faith Alleah M. Delleva (Copy Reading and Headline Writing-English), Princess Kyll S. Sega (Editorial Writing-Filipino), pawang mga DSPC qualifier ang mga ito.
Hindi rin nagpahuli ang iba pang manunulat na sina Apple Graziella M. Jamile-3rd Place (Copy Reading and Headline Writing-English), Lychee Queen E. Eser-3rd Place (Photojournalism-English), Rheveeh Ann Marize Gador-4th Place (Feature Writing-Filipino), Angelo Ramirez-5th Place (Editorial Writing-Filipino).
Bukod sa pagsusulat ay nakipagtagisan rin ng galing ang mga batang journalist sa paghahatid balita sa Radiobroad Casting and Scriptwriting-Filipino Category.
Nakatanggap ng multiple certificate of recognition sina Zelsie Rein Roja (Best News Presenter-5th Place), Regine Lucas (Best News Presenter-4th Place), Emmanuel Tarinay (Best News Anchor-4th Place), Rica Salva (Best News Anchor-2nd Place), Johnreil Messi Caunday (Best Script Writer-3rd Place), Irish Kei Matias (Best in Technical Application-1st Place), 4th Placer ang mga radio broadcaster sa over-all ranking.
19/04/2024
Pahayagang Ang Suba, Nakabingwit ng Karangalan
Nag-uwi ng karangalan ang pahayagang Ang Suba sa katatapos lamang na Division Schools Press Conference na idinaos sa PTMNHS nitong nagdaang Abril 16-19, 2024.
Nagkamit ng 6th Place para sa Best School Paper ang pahina ng Editoryal. Ang mga nilalaman ng nasabing pahina ay pinamagatang: K-12 Curriculum: Hindi Sapat Ang Tatag na isinulat ni Lawrence Vincent Nise; Tiktok, Tiktok: Oras ay Habulin sa panulat ni Villalyn Buruanga; at Aray ng Konsyumer ni Rhian Neroza. Papuri at pagpupugay naman ang natanggap ng mga batang manunulat at ng kanilang Adviser na si Gng. Laurice Juillene G. Tatad.
Gayun din ang karangalang hatid ni Liam Andrein Gener nang masungkit niya ang 4th Place sa Science and Technology English Category sa patnubay at gabay ng kanyang coach na si Gng. Eloisa May Dahilig-Dela Rosa.
Tunay na hindi magpapahuli ang San Agustin ES sa pagbibigay karangalan at inspirasyon hindi lamang para sa mga batang SAES kundi pati na rin sa mga g**o, punongg**o, at mga bumubuo sa paaralan.
18/04/2024
Pagbati at pagpupugay sa mga bumubuo ng Pahayagang Ang Suba.
Abril 16, 2024, nagkamit ng ika-6 na rank ang Pahayagang Ang Suba bilang Best School Paper sa categorya ng Opinyon-Filipino sa nakalipas na Awarding for Best School Paper sa Division Schools Press Conference na ginanap sa San Jose National Highschool. Ito ay bunga ng pinagsama-samang dedikasyon at suporta ng mga Advisers/Coaches, mga batang manunulat, at higit sa lahat ng Punongg**o ng San Agustin ES, sir Deolito Taypen sa walang sawang pagbibigay ng suporta at word of encouragement na hindi nagpapahuli ang mga tagaSAES sa anumang larangan.
Source: https://www.facebook.com/100000272768560/posts/7916031301749217/?mibextid=l2hJJHjNVOBSwHk4
25/03/2024
National Simultaneous Earthquake Drill-1st Quarter
Ganap na 9:00 ng umaga, pansamantalang inantala ang pagsusulit ng mga mag-aaral ng SAES upang makiisa sa "National Simultaneous Earthquake Drill".
Nakiisa ang mga mag-aaral sa bawat silid-aralan nang kanilang marinig ang tunog ng "siren", hudyat upang isagawa ang "DUCK, COVER and HOLD", pangunahing safety measure para sa lindol. Nang huminto ang siren, marahan at maingat na nagsilabasan ang mga bata sa patnubay at gabay ng mga g**o, punongg**o, at ng School DRRM coordinator na si Gng. Richelle Mae Pacaul. Nagbigay paalala si Gng. Pacaul sa mga mag-aaral tungkol sa safety measures na kailangang sundin kung sakasakaling magkaroon ng totoong lindol kung sila ay nasa loob at pangangalaga ng paaralan . Binigyang diin rin niya na isa lamang paalaala ang ginawang drill subalit kailangan itong seryosohin at isaisip ang mga kinakailangang gawin sa hindi inaasahang pagkakataon na pagdating ng naturang sakuna, Marso 25, 2024.
22/03/2024
Ang Suba, Tomo V, Blg. 2
Opisyal na Pahayagan ng San Agustin Elementary School San Agustin ES
Matapos ang ilang taong pandemya na naging sanhi ng paghinto ng maraming gawaing pang-eskwelahan kabilang na rito ang paglilimbag ng pahayagan ng naturang paaralan, opisyal na muling inilunsad at inilimbag ang "Ang Suba".
Ito ang ikalimang paglalabas ng dyaryo ng SAES, kung saan naglalaman ito ng mga balitang kaganapan sa loob at labas ng paaralan. Mga tagumpay ng mga g**o at mag-aaral, mga opinyon at saloobin ng mga batang manunulat, lathalain na isinulat ng mga bata at binigyang kontribusyon ng mga g**o, kapakipakinabang na kaalaman mula sa agham at teknolohiya at balitang pampalakasan na ginanap sa paaralan at maging pandistrito.
Malugod namin kayong inaanyayahan na basahin ang mga akda ng mga batang manunulat ng Ang Suba sa patnugot at gabay ng mga g**ong tagapayo, patnugot ng pahayagan, at walang sawang suporta ng Punongg**o Apat, Sir Deolito C. Taypen.
Disclaimer: Ang mga pangalan at imahe ng mga batang nasa pahayagan ay may "KASULATAN NG PAGPAYAG" na nilagdaan ng mga magulang at pinagtibay ng punongg**o.
Ang anumang imahe ng mga menor de edad ay sumasailalim at protektado ng Batas 7610.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Bo. Site, San Agustin
San Jose
5100
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |