VCCF- ROXAS

VCCF- ROXAS

Share

Victorious Cross Christian Fellowship

08/06/2026

VCCF Roxas Church every first week of the month
Salamat Lord sa pag tuloy na pagmamahal at sa pagtitipong Ito.na punong puno ng buhay at pag Asa
To God be all the Glory ๐Ÿ˜‡

Photos from VCCF- ROXAS's post 10/05/2026

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga ina sa araw na ito, sa pagdiriwang ng Motherโ€™s Day. Kayo ang inspirasyon, gabay, at ilaw ng ating tahanan.

Tulad sa Kawikaan 31:29, โ€œMarami ang mga babae na mahusay, ngunit ikaw ay higit na kahanga-hanga sa lahat.โ€

Nawaโ€™y pagpalain kayo ng Panginoon nang may malusog na katawan, kasaganahan sa pinansyal, at patuloy na pag-iingat, proteksyon, at kaligtasan. Salamat sa inyong walang sawang pagmamahal at sakripisyo. Nawaโ€™y sumaiyo ang biyaya ng Diyos ngayon at magpakailanman.

HAPPY MOTHERS DAY๐Ÿฉต๐Ÿ’•๐Ÿ’™

Photos from VCCF- ROXAS's post 02/05/2026

MARAMING SALAMAT, MGA KAPATID! ๐ŸŽ‰

Isang pusong-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nakibahagi sa ating Cultural/Pastoral Night noong Mayo 01, 2026 na ginanap sa Barangay New Barbacan Covered Court bilang bahagi ng pagdiriwang ng Barangay New Barbacan Fiesta! ๐Ÿ’–

Tunay ngang napakasaya ng gabi dahil sa inyong presensya, suporta, at mga kahanga-hangang sayaw! ๐Ÿ‘ Kahanga-hanga ang talento ng ating mga kapatid kapag ito ay iniaalay sa Diyos! Ang bawat galaw at indak ay naging handog ng papuri at pasasalamat sa Kanyaโ€”talagang nakaka-bless at nakakatuwang panoorin!

๐Ÿ’ Taos-pusong pasasalamat din sa lahat ng mga kapatid na nagpagod at naglaan ng oras para maisakatuparan ang gabing itoโ€”
sa mga dancers/participants, choreographers, mga nag-asikaso sa participants, at sa lahat ng behind-the-scenes na tumulong. Hindi magiging matagumpay ang event na ito kung wala kayo!

๐Ÿ“– Salita ng Diyos (ASD):
"Ang bawat isa ay tumanggap ng kaloob, gamitin ninyo ito sa paglilingkod sa isaโ€™t isa bilang mabubuting katiwala ng ibaโ€™t ibang biyaya ng Diyos."
โ€” 1 Pedro 4:10

โœจ Patuloy nating gamitin ang ating mga talento sa sayaw para sa kaluwalhatian ng Diyos at sa pagpapala ng marami. Hanggang sa susunod na gawain, mga kapatid!

Muli, maraming maraming salamat! ๐Ÿค

02/05/2026

PAANYAYA SA SUNDAY SERVICE AT THANKSGIVING (PAGPIPIRA-PIRASO NG TINAPAY)

Mga minamahal na kapatiran,
Inaanyayahan namin kayo na makibahagi sa ating Sunday Service kasama ang Thanksgiving / Breaking of the Bread ngayong:

๐Ÿ“… Mayo 03, 2026 (Linggo)
โฐ Morning Prayer: 7:45 AM
โฐ Sunday Service: 9:00 AM
๐Ÿ“ VCCF Church, Brgy. New Barbacan, Roxas, Palawan
(sa unahan lang ng New Barbacan Elementary School)

Halinaโ€™t sama-sama tayong magpasalamat sa kabutihan ng Diyos at gunitain ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagpipira-piraso ng tinapay. Isang pagkakataon ito upang mapalalim ang ating pananampalataya at pagkakaisa bilang isang pamilya kay Cristo.

๐Ÿ“– Salita ng Diyos (ASD):
"At nang siyaโ€™y magpasalamat, ay kaniyang pinagputol-putol ito at sinabi, Ito ang aking katawan na inihahandog dahil sa inyo; gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. Gayundin naman, pagkatapos maghapunan, ay kinuha niya ang saro at sinabi, Ang sarong ito ang bagong tipan sa aking dugo; gawin ninyo ito, sa tuwing iinumin ninyo, sa pag-alaala sa akin."
โ€” 1 Corinto 11:24-25

โœจ Lahat ay malugod na inaanyayahan!
Isama ang inyong pamilya at mga kaibigan. Sama-sama tayong sumamba, magpasalamat, at tumanggap ng pagpapala.

Kita-kits po tayo! ๐Ÿค

11/04/2026

๐ŸŒฟ PAANYAYA SA SUNDAY SERVICE ๐ŸŒฟ

Minamahal naming mga kapatiran,

Malugod po namin kayong inaanyayahan na makiisa sa ating Sunday Service ngayong darating na Abril 12, 2026. Sama-sama tayong sumamba, makinig sa Salita ng Diyos, at mapalalim ang ating relasyon sa Panginoon.

๐Ÿ•Š Iskedyul ng Ating Pagtitipon:
โ€ข Morning Prayer โ€“ 7:40 AM
โ€ข Sunday Service โ€“ 9:00 AM
โ€ข Sunday School para sa mga Bata โ€“ Sabay sa Service

Ito ay isang pagkakataon upang mapalakas ang ating pananampalataya at maranasan ang presensya ng Diyos sa gitna ng ating pagkakaisa.

๐Ÿ“– โ€œSapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, naroon ako sa gitna nila.โ€
โ€” Mateo 18:20

Halina at sama-sama tayong magpuri, manalangin, at magpasalamat sa kabutihan ng Panginoon. Inaanyayahan din po naming dalhin ang inyong pamilya at mga kaibigan.

๐Ÿ’› Kami ay nagagalak na makasama kayo!

Pagpalain tayong lahat ng Panginoon.

Photos from VCCF- ROXAS's post 22/03/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga bata na nakiisa at lumahok sa Operation Christmas Child (OCC) na ginanap noong March 21, 2026 sa VCCF Church, New Barbacan, Roxas, Palawan. ๐ŸŽโœจ

Nawaโ€™y naging masaya at makabuluhan ang inyong karanasan sa araw na iyon. Ang inyong mga ngiti at kagalakan ay tunay na nagbibigay inspirasyon sa amin. ๐Ÿ’–

Patuloy nating alalahanin na ang pagbibigay ay hindi lamang tungkol sa regalo, kundi sa pagmamahal na ating ibinabahagi sa isaโ€™t isa.

๐Ÿ“– โ€œAng bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kanyang puso, hindi mabigat sa kalooban o napipilitan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya.โ€
โ€” 2 Corinto 9:7

Maraming salamat at nawaโ€™y pagpalain kayo ng Panginoon! ๐Ÿ™

Photos from VCCF- ROXAS's post 09/03/2026

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa ating Sunday Service! ๐Ÿ™๐Ÿค
Lubos po kaming nagagalak na makasama kayong lahat sa ating pagsamba, Thanksgiving, Breaking of Bread, at sa masayang Bring and Share Fellowship. Tunay pong napakagandang makita ang ating mga kapatid na nagkakaisa at nagkakasama-sama bilang isang pamilya sa Panginoon.

Nawa po ay may mga aral tayong natutunan mula sa mensahe ng Diyos at patuloy natin itong maisabuhay sa ating pang-araw-araw na buhay. Dalangin namin na ang bawat isa ay napalakas, napagpala, at napuno ng kagalakan sa ating pagsasama-sama.

Maraming salamat din po sa mga nagdala at nagbahagi ng pagkain at sa lahat ng tumulong upang maging maayos at masaya ang ating fellowship.

Patuloy po tayong magkita-kita at magpalakasan ng loob sa Panginoon. Hanggang sa muli! ๐Ÿ™โœจ

07/03/2026

Magkita-kita po tayo ngayong Linggo para sa ating Sunday Service! ๐Ÿ™

๐Ÿ“… Marso 8, 2025
๐Ÿ•– Morning Prayer: 7:45 AM
๐Ÿ•˜ Service Proper: 9:00 AM

Sa araw ding ito ay magkakaroon tayo ng Thanksgiving at Breaking of Bread. Pagkatapos ng service, magkakaroon tayo ng Bring and Share Fellowship. Maaari po kayong magdala ng anumang pagkain na nais ninyong ibahagi sa ating mga kapatid upang sabay-sabay nating pagsaluhan. ๐Ÿฒ๐Ÿž

Inaanyayahan po namin ang lahat na dumating nang maaga at maging on time para sama-sama tayong makapagsimula sa ating morning prayer.

"Kay buti at kay gandang pagmasdan na ang bayan ng Diyos ay namumuhay sa pagkakaisa."
โ€” Awit 133:1

Excited kaming makasama kayong lahat sa pagsamba, pasasalamat, at masayang pagsasalo-salo bilang isang pamilya sa Panginoon. Kita-kits po tayo! ๐Ÿค

19/02/2026

Kapatid, Inaanyayahan Ka! Namin!

Gusto mo bang lumalim ang relasyon mo sa Diyos at matuto kung paano sundin ang mga yapak ni Jesus?

Sumali ka sa aming Discipleship Training tuwing Martes, 6 pm - 8 pm sa VCCF Church, Brgy. New Barbacan, Roxas, Palawan!

Ano ang aasahan mo?
- Matuto ng Salita ng Diyos
- Makakilala ng mga kapatid sa pananampalataya
- Lumago sa pag-ibig at lumalim ang relasyon sa Diyos

"Kaya't humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng mga bansa." - Mateo 28:19

Kita-kita tayo tuwing Martes! Magdala ng Bible at notebook. ๐Ÿ˜Š

Sana makasama ka!

Photos from VCCF- ROXAS's post 14/02/2026

Celebrating the 7th Anniversary of VCCF Church here in Roxas, Palawan.

"Teach me to do your will, for you are my God; may your good Spirit lead me on level ground." -Psalm 143:10

As we gathered to celebrate our 7th years of Godโ€™s faithfulness in our church, this verse speaks directly to the heart of our journey and our hope for the future.

We are forever grateful to our sisters and brothers who went and joined to our special event last February 12, 2026 and part of our successful celebration together with our visitors from Los Baรฑos,Laguna led by our dearest Bishop Ver Ferrera and his beautiful wife Ptra. Nesie Ferrera.

May the LORD our Almighty God bless and guide your life and continue to serve the Lord with all of your heart.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Roxas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Roxas Palawan
Roxas
5308