DepEd Tagumpay Elementary School
Ang Tagumpay Elementary School ay naitatag noong taong 2003.
19/06/2026
Ngayong buwan, buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng Tagumpay Elementary School ang Pride Month 2026. Naniniwala kami sa kahalagahan ng paglikha ng isang ligtas, inklusibo, at mapagkalingang kapaligiran para sa lahat ng ating mga mag-aaral.
Layunin nating itaguyod ang:
✨ Gender Equality & Equity – Patas na pagkakataon para sa lahat.
✨ Gender Sensitivity – Paggamit ng inklusibong wika at pag-unawa.
✨ Non-Discrimination – Pagtiyak ng isang ligtas na paaralan.
✨ Human Rights – Karapatan sa edukasyon para sa bawat bata.
Samahan ninyo kaming ipagdiwang ang inklusibidad, pagmamahal, at pagkakapantay-pantay sa ating paaralan.
18/06/2026
Isang makabuluhang araw para sa ating mga mag-aaral! 🍃
Lubos ang kagalakan ng ating paaralan sa pamatbubay ng ating punong**o Maam Raquel Tabornal - Ortega sa matagumpay na isinagawang aktibidad ng ating YES-O (Youth for Environment in Schools Organization) sa pangunguna ng kanilang YES-O adviser, Maam Lanie Ramos. Layunin ng ating adbokasiya na hindi lamang mapangalagaan ang ating kalikasan, kundi magbigay din ng suporta sa ating mga mag-aaral.
Dahil sa inyong patuloy na suporta, mula sa target na 5 benepisyaryo kada grade level ay umabot tayo sa kabuuang 50 na mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 ang nakatanggap ng tulong na school supplies noong nakaraang Lunes! 🎒✏️
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras para maisakatuparan ang proyektong ito. Tunay ngang kapag sama-sama, mas marami tayong natutulungan.
Mabuhay ang ating mga mag-aaral!
18/06/2026
Rumbling at 9am: TES Learners Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
RODRIGUEZ, RIZAL — The morning chatter of hundreds of young learners was replaced by a sharp, rhythmic siren at exactly 9:00 a.m. today, signaling the start of the Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) at Tagumpay Elementary School.
With the leadership of Mrs. Raquel T. Ortega, principal of Tagumpay ES, together with Mr. Arziel P. Casidsid, DRRM Focal Person, and Mr. Arvin Cruz, DRRM Coordinator, they facilitated the earthquake drill.
From the youngest kindergarten learners to the senior Grade 6 learners, the entire school population seamlessly executed life-saving protocols, proving that disaster readiness knows no age limit.
As the alarm echoed across the campus, classroom teachers immediately instructed their classes to perform the "Duck, Cover, and Hold" maneuver.
Kindergartners—some participating in their very first campus-wide drill—calmly tucked themselves under their small desks, mimicking their teachers' steady examples. The older Grade 4 to Grade 6 learners demonstrated a seasoned maturity, shielding their heads with thick notebooks and their hands as they waited out the simulated tremor.
In coordination with the INC Tagumpay Pamayanan, through Ka Dedal, the compound served as an open field for safety for the learners.
Once assembled on the open field, teachers immediately conducted a strict headcount against their classroom logs to ensure every single child was safely accounted for.
As classes resumed shortly after, the students of Tagumpay Elementary carried on with their day—not just better educated, but safer and fully prepared.
15/06/2026
Lubos po kaming nagpapasalamat sa ating butihing Mayor General Ronnie Evangelista sa kanyang patuloy na pagsuporta at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat din sa Municipal Engineering Department sa pamumuno ni Engr. Norvin Cuerpo, kasama ang kanyang dedikadong team na sina Engr. Paul, Mam LV Magcarang, Hajji San Pascual, Mariano Dalisay, at Gil Gorospe. Kasama din sina Renato Sarmiento at Jimher Manuel. Dahil sa inyong agarang aksyon, naigawad na ang koneksyon ng kuryente sa ating bagong gusali.
Ang inyong serbisyo ay tunay na makakatulong upang maging mas maginhawa at produktibo ang pag-aaral ng ating mga kabataan. Mabuhay po kayo!
15/06/2026
Paggalang sa watawat, paghahanda sa kinabukasan. 🇵🇭
Sinalubong ng mga mag-aaral ng Tagumpay ang panibagong linggo sa pamamagitan ng pagdalo sa ating flag ceremony kaninang umaga. Nawa’y maging maganda at mabunga ang ating mga aralin ngayong linggo.
Kaya niyo 'yan, mga batang Tagumpians! 🌟
15/06/2026
Mental Health Awareness: Pagpapahalaga sa Kapakanan ng ating mga Mag-aaral 🧠💙
Nagsagawa ngayong araw ang ating paaralan ng Psychosocial First Aid (PFA) Seminar para sa ating mga mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 6.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng ating Guidance Counselor Designate, Ms. Joyce Rodrigo, sa ilalim ng paggabay at suporta ng ating punong-g**o na si Ms. Raquel Ortega.
Layunin ng seminar na ito na maging bukas ang kaisipan ng ating mga bata tungkol sa epekto ng depression at anxiety, at mabigyan sila ng tamang kaalaman kung paano ito maiiwasan at mapapamahalaan. Naniniwala tayo na ang malusog na pag-iisip ay susi sa mas magandang kinabukasan ng bawat mag-aaral.
15/06/2026
Invitation to Bid
12/06/2026
Nakikiisa ang ating mga magigiting na SELG Officers sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong araw! Bilang simbolo ng ating pagmamahal sa bayan, nagtulungan silang gumawa at magkabit ng mga watawat sa paligid ng ating paaralan.
Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa ilalim ng gabay at pangunguna ng kanilang dedikadong adviser, Ma'am Femilyn Bagui.
Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat!
12/06/2026
Ngayong Hunyo 12, ating ipagdiwang ang kalayaan, kasarinlan, at kagitingan ng sambayanang Pilipino!
Maging inspirasyon ang tapang ng ating mga bayani sa patuloy na paghubog ng kabataang Tagumpian —
mga mag‑aaral na may puso, dangal, at pagmamahal sa bayan. 💙❤️💛
Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭
11/06/2026
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Lalawigan ng Rizal, nagsagawa ang YES-O ng Tagumpay Elementary School ng isang Tree Planting at Clean-up Drive ngayong ika-11 ng Hunyo, 2026.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong itanim sa puso ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan sa ating paaralan at komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng g**o, mag-aaral, at volunteers na naging bahagi ng matagumpay na proyektong ito.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Rodriguez
1860
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |