Noel Mayo
Defender of Rights | Commited to Progress | Public Servant | Leader | Uniting Communities
I am the President of the San Isidro Hoa Federation, dedicated to uniting and strengthening our community. I work to ensure clear communication, uphold community standards, and promote the welfare of all residents. My goal is to foaster a safe, harmonious, and well-maintained neighborhood through collaboration and leadership.
03/06/2026
Taon-taon tuwing ika-26 ng Hunyo, pinangungunahan ng Dangerous Drugs Board ang Pilipinas sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT), bilang pagpapatibay sa pinag-isang paninindigan ng bansa na protektahan ang bawat indibidwal, pamilya, at pamayanan mula sa masasamang epekto ng iligal na droga.
Ang tema ng taong ito ay sumasalamin sa pandaigdigang adhikain: “Problema sa Droga sa Daigdig: Mga Patuloy na Isyu, Mga Bagong Hamon, at mga Makabagong Solusyon.”
Habang patuloy na nagbabago at lumalaganap ang mga banta na may kaugnayan sa droga sa ating mga komunidad at maging sa digital na espasyo, binibigyang-diin ng pagdiriwang na ito ang kahalagahan ng pag-iwas, pagpapalawak ng kaalaman, pagmamalasakit, at pagtutulungan upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat Pilipino, lalo na ng mga kabataan.
Sa pamamagitan ng Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy (PADS), patuloy na pinatitibay ng Dangerous Drugs Board ang mga hakbang na nakatuon sa pag-iwas, rehabilitasyon, muling pagsasama ng mga naunang nalulong sa droga sa lipunan, at pakikilahok ng mamamayan. Kinikilala nito na ang tunay at pangmatagalang solusyon ay hindi lamang nakasalalay sa pagpapatupad ng batas, kundi pati na rin sa edukasyon, pagtutulungan, at pagkakaisa ng lahat.
Ipinapaalala sa atin ng pagdiriwang na ito na ang bawat sektor ng lipunan ay may tungkuling gampanan upang itaguyod ang mas malusog, mas ligtas, at mas may alam na mga pamayanan.
Hinihikayat ng pamunuan ng San Isidro HOA Federation ang lahat ng mga Isidorian na makibahagi sa pagdiriwang ngayong taon sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga gawaing naglalayong maiwasan ang paggamit ng droga, paghikayat sa tamang kaalaman at malusog na pamumuhay, at pagtulong sa pagbuo ng kapaligiran kung saan ang mga kabataan ay lumalaking may pag-asa, may oportunidad, at ligtas mula sa pinsalang dulot ng iligal na droga.
Sabay-sabay nating itaguyod ang mga pamayanang nakabatay sa pagmamalasakit, responsibilidad, at pagkakaisa tungo sa isang mas ligtas at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.
10/05/2026
To all mothers and residents of Barangay San Isidro,
You are the heart and strength of our community. Your love and sacrifices give life and stability to every home. Thank you for your unmatched value and influence among all of us. May you be blessed with strength and endless joy. You are the true treasure and inspiration of our barangay.
Happy Mother’s Day!
SAN ISIDRO HOA FEDERATION
20/03/2026
Ang San Isidro Hoa Federation ay nakiisa sa lahat ng ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr! Eid Mubarak sa buong komunidad ng Barangay San Isidro!
Ang pagdiriwang na ito ay simbolo ng pag-asa, pagpapatawad, at pagkakaisa. Nawa’y magsilbi itong paalala na ang pagkakaiba-iba sa pananampalataya ay hindi hadlang sa pagmamahalan at pagtutulungan. Sabay-sabay tayong lumikha ng isang mapayapa at maunlad na lugar para sa ating lahat.
Sa pangunguna ng San Isidro HOA Federation – Ito ay hindi lamang isang sigaw – ito ay ating panuntunan, ating pangako!
Ang barangay ay ating tahanan, at ang mamamayan ang ating lakas. Bawat desisyon na ating gagawin, bawat proyekto na ating isasagawa, ay dapat na nakatuon sa kung ano ang pinakamabuti para sa lahat. Hindi tayo maghihiwalay – ang tagumpay ng barangay ay tagumpay ng bawat isa sa atin, at ang kalagayan ng mamamayan ay siyang sukatan ng ating paglilingkod!
Tayo ang mga tagapagtataguyod ng pagbabago. Magtulungan tayo, magkaisang yakapin ang adhikaing ito, at gawing mas ligtas, mas maunlad, at mas masayang tahanan ang ating barangay!
-unlad
Matagumpay na isinagawa kahapon ang CONG ference at KAP mustahan na inisyatiba nina Congressman Tom Hernandez at Kapitan Eric Ching, ngayon ay nakatuon sa mga Home Owners Association ng Barangay San Isidro.
Ito na ang pangatlong pagkakataon na ginanap ang aktibidad na dati nang isinagawa sa iba't ibang piling HOA. Ang San Isidro HOA Federation ay naging mahalagang katuwang sa paghahanda at pagpapatupad nito.
Layunin nitong palakasin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan ng barangay , Federation, at mga HOA, pati na rin magbigay ng impormasyon at ideya para sa mas maayos na pagpapatakbo ng mga asosasyon at pagtataguyod ng maunlad, ligtas, at magkakasamang komunidad! 💪
20/01/2026
Kahapon, nakipagpulong ang San Isidro HOA Federation sa ating butihing Kapitan Eric Ching ukol sa pagtulong ng federation sa paglilinis ng kalsada. Layunin nito na masolusyunan ang alikabok na dulot ng malalaking truck at ang hindi kanais-nais na amoy mula sa landfill.
Tinalakay din kung paano makakagawa ng hakbang upang mabawasan ang alikabok at kung ano ang mga posibleng solusyon para sa isyu ng amoy sa landfill.
Mga kasama sa pagpupulong ay sina;
Barangay Kapitan Chingeric
Barangay Secretary Charlie Boy Labez
Hoa Federation Secretary: Melanie Arcenal Mesa
Federation Committee: Jan Jan Atazar
Federation Committee: Renyargel Alarcon Delos Reyes Adviser: Floredo Lazo at ang inyong lingkod.
20/01/2026
Kanina lamang, ang inyong lingkod kasama si Committee Peace & Order, Mark Salazar Galido , ay naimbitahan sa launching ng Napolcom Police Calabarson sa kanilang itinalagang hotline number para sa kaayusan at kapayapaan ng mga mamamayan.
Ang serbisyong ito ay nakatuon sa lalawigan ng Rizal, partikular sa Barangay San Isidro, Montalban. Layunin ng inisyatiba na mapabilis ang pagtugon sa mga insidente, mapahusay ang koordinasyon sa pagitan ng mga kinauukulan, at mapalakas ang tiwala ng komunidad sa kapulisan.
Sa ating pakikipagtulungan para sa kaayusan at kapayapaan, binabati natin ang Napolcom Saluddo Hotline at ang Pulis Calabarzon sa kanilang makabuluhang inisyatiba.
Layunin nito ay mas mabilis na pagtugon sa mga insidente, mas ligtas na komunidad, at mas maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga residente, barangay, at kapulisan.
Nawa’y maging gabay ito para sa bawat mamamayan at makipagtulungan sa mga kinauukulang sangay ng barangay at kapulisan para sa mas epektibong pagresolba.
Gamitin ang hotline bilang instrumento ng pagkakaisa, hindi takot, at pagtulong sa isa’t isa.
24/12/2025
Merry Christmas Everyone
Please: Watch, Like and Share
18 December 2025 Pasko sa San Isidro Hoa Federation
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Barangay San Isidro Rodriguez, Rizal
Rodriguez
1860