Alpha Phi Omega - Pi Iota Chapter
Be one of the CHOSEN few, message us π
Official page of ΞΦΩ - ΟΞΉ
We develop leadership & promote friendship by executing & providing service to the University/College, Faculty, the Community, and the Nation as fully participating citizens.
31/12/2025
New Yearβs Greetings for 2026!
The Pi Iota Chapter extends our warmest greetings as we welcome the year 2026.
May the coming year bring renewed strength in leadership, deeper bonds of friendship, and continued dedication to service and excellence.
We look forward to another year of unity, purpose, and meaningful accomplishments.
Happy New Year Everyone! ππ
From Alpha Phi Omega - Pi Iota Chapter Colegio De Montalban
16/12/2025
As we celebrate the 100th anniversary of Alpha Phi Omega, We, the Pi Iota Chapter, continue to live out the spirit of service to our alma mater, together with our residents, through a simple initiative: βππππ πΎπππππ πΌππΏ π½πππΌπΏ πππ ππππΏππππ.β
This initiative is more than just part of the celebration; it is our way of giving back and supporting the students and the school that have been integral to our journey. With every project we undertake and every helping hand we extend, we reinforce the true meaning of service.
As we commemorate 100 years of Alpha Phi Omega, we unite to build a legacy of compassion, unity, and continuous service.
πππ ππππ«π¬ π¨π ππππππ«π¬π‘π’π©. π
π«π’ππ§ππ¬π‘π’π©. πππ«π―π’ππ. ππ
16/12/2025
MALIGAYANG IKA-100 ANIBERSARYO, ALPHA PHI OMEGA!
Nakikiisa ang Pamahalaang Lokal ng Rodriguez (Montalban) sa pagdiriwang ng ika-100 Taong Pagkakatatag ng Alpha Phi Omegaβisang siglo ng makabuluhang paglilingkod, matatag na pamumuno, at tunay na diwa ng kapatiran.
Sa loob ng 100 taon, ang Alpha Phi Omega ay patuloy na naging katuwang ng pamahalaan at komunidad sa ibaβt ibang gawaing panlipunan at bolunterismo, na nagsisilbing inspirasyon sa maraming Pilipino na maglingkod nang may integridad at malasakit sa kapwa.
Lubos naming kinikilala ang ambag ng samahang ito sa pagpapaunlad ng komunidad at sa pagtataguyod ng mga pagpapahalagang makatao.
Mabuhay ang diwa ng Leadership, Friendship, at Service.
12/12/2025
Isandaang miyembro ng Alpha Phi Omega, tumakbo sa taunang Oblation Run sa UP Manila.
Sa gitna ng lumalalang pangungulimbat at pagkalunod ng bayan, ang bayan ay papalag at hindi kailanma'y matatahimik
Sa pagdiriwang ng Ika-100 Taon ng Alpha Phi Omega Fraternity, kaisa pa rin ng kapatiran ang mamamayang Pilipino sa pakikibaka para sa isang gobyernong tapat at walang bahid ng katiwalian. Sa sentenaryong ito, tangan namin ang apoy ng paglilingkod at paninindigan. Apoy na hindi kailanman kayang apulahin ng katiwalian, panlilinlang, at pang-aabuso ng mga makapangyarihan.
Ngayon Oblation Run 2025 na may temang βNilunod. Nilugmok. Ninakawan. Sigaw ng Bayan: Katarungan!β, muling iigting ang diwa ng paglaban; isang paalala na sa kabila ng paulit-ulit na pandarambong at kasinungalingan, nananatiling buhay at nag-aalab ang diwa ng bawat Pilipino.
Mula sa pasilyo ng eskwelahan hanggang sa harap ng Oblation na simbolo ng sakripisyo at tapang, ang pagtakbo ngayong taon ay patunay na ang kapatiran at tayong mga Pinoy ay hindi maduduwag, hindi uurong, at hindi matitinag.
Sigaw ng Bayan, Sigaw ng APOβKATARUNGAN!
Oblation Run - Disyembre 12, 2025!
Β©οΈ and Shoot
11/12/2025
OPISYAL NA PAHAYAG NG UP MANILA ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY
PARA SA OBLATION RUN 2025
TAHASANG KINOKONDENA NG UP MANILA ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY ANG TALAMAK NA KORAPSYONG LUMULUPIG AT SUMISIIL SA BAWAT PILIPINO. Bawat taon, bilyon-bilyong pondo ang nalilikom ng gobyerno mula sa buwis ng taumbayan para sa ibaβt ibang serbisyo publiko, kabilang ang mga flood control infrastructure. Gayunpaman, sandamakmak na isyung korapsyon ang lumutang sa administrasyong Marcos-Duterte. Bilang Pilipinong mulat sa katotohanan, hindi na dapat natin ito palampasin.
LUBHANG NAKAGAGALIT NA ANG PONDO NG BAYAN AY NILALAAN HINDI SA SERBISYO PUBLIKO, KUNDI SA MAKAMUNDONG LUHO NG MGA PULITIKO. Kamakailan lang, 700 libong residente sa Cebu ang nalugmok sa baha dulot ng Bagyong Tino. Ngunit hindi Bagyong Tino ang may sala sa baha, kundi ang mga pulitikong gahaman. Marapat ding ipaalala ang kaso ng mga mandarayang Discaya na nagkomisyon ng Php 31 bilyon para sa mga maanomalyang flood control project. Maging ang UP Manila ay nadamay, dahil mismong ang kontraktor ng Rizal Hall sa Kolehiyo ng Agham at Sining ay ang mga Discayaβat ang renovation nito ay usad-pagong mula pa noong 2019. Dahil dito, nananatiling nasa pansamantalang opisina ang mga departamento, walang tambayan ang mga organisasyon, at kulang pa rin ang mga silid-aralan para sa mga estudyante.
NAKIKIISA ANG BUONG KAPATIRAN NG UP MANILA ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY SA PANAWAGANG WAKASAN ANG KORAPSYON AT IKULONG ANG MGA MANDARAMBONG. Ang pagsulong para sa gobyernong tapat at may pananagutan ay hindi dapat sukuan, sapagkat bawat pisong masasalba mula sa katiwalian ay hakbang tungo sa makabuluhang reporma sa bayan. Hindi natin dapat hayaang malubog ang mga kabahayan sa baha mula lamang sa ambon. Huwag nating hayaang magluksa ang mga pamilya dahil sa mga nasawi pagkatapos ng kalamidad. Higit sa lahat, huwag nating payagang malugmok sa kahirapan ang bayan habang nagpapakasasa sa yaman ang mga opisyal ng pamahalaan.
NGAYONG OBLATION RUN 2025, TAHASANG INIAALAY NG UP MANILA ALPHA PHI OMEGA FRATERNITY ANG HUBAD NITONG KATAWAN PARA IPROTESTA ANG HINDI MAKATARUNGANG PAGWALDAS SA KABAN NG BAYAN, PARTIKULAR SA MGA PROYETONG PANG-IMPRASTRAKTURA. Bilang isang bansa, tayo ay nagngingitngit, nagagalit, at nasasaktan sa bawat tanawing puno ng katiwalian sa ating paligid. Ibalik natin sa kahihiyan ang korapsyon. Sawa na tayo sa pandarambong at katiwaian, at ngayonβhigit kailanmanβay panahon para lumaban.
31/10/2025
Ang Oblation Run ay isang taunang tradisyon ng Alpha Phi Omega (APO) UP Diliman chapter, kung saan tumatakbo nang huboβt hubad ang mga miyembro sa loob ng campus.
Nagsimula ito noong 1977 bilang protesta laban sa pagbabawal ng pelikulang βHubad na Bayani.β Higit pa sa isang gimik, naging plataporma ito para ipahayag ang saloobin ng mga kabataan sa mga isyu ng bayan.
Abangan ang pinakabagong dokumentaryo ni Howie Severino na βOble: Ang Hubad na Katotohananβ ngayong Sabado sa , 10:15 PM sa GMA Network.
Photo courtesy: Alpha Phi Omega (APO), UP Diliman
25/09/2025
Happy 20th Anniversary Alpha Phi Omega - Pi Delta πβοΈ
Congratulations on 20 years of Leadership, Friendship and Service. A legacy of excellence and unity.ππ
10/09/2025
Today, on Su***de Prevention Day, we remember: reaching out can save a life. ππ
Alpha Phi Omega encourages everyone to check in on one another, share kindness, and keep the light of hope alive. Together, letβs build a community where no one feels left behind.
***dePreventionDay
09/09/2025
Save The Date π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Kasiglahan Village
Rodriguez
1860