Municipal Planning and Development Office - LGU Rizal
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Planning and Development Office - LGU Rizal, Public & Government Service, 2nd Floor, Municipal Annex Building, Aglipay Street, Poblacion Sur, Nueva Ecija, Rizal.
08/04/2026
📢 MAHALAGANG PAALALA SA PUBLIKO
Mahigpit na ipinapaalala sa lahat ng mga developer:
❗ BAWAL magbenta ng lote
❗ BAWAL magpa-reserve
❗ BAWAL mag-advertise
kung wala pong kaukulang License to Sell (LTS) mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Alinsunod sa Presidential Decree No. 957 “Subdivision and Condominium Buyers’ Protective Decree”, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pag-aalok, o pag-aadvertise ng subdivision lots at condominium units nang walang lisensya mula sa DHSUD. Ang sinumang lalabag ay maaaring patawan ng kaukulang parusa at multa ayon sa umiiral na batas.
Ang pagsunod sa batas ay para sa proteksyon ng mamimili at upang matiyak ang maayos at legal na transaksyon sa pagbili ng lupa. Inaanyayahan ang publiko na maging mapanuri at tiyaking lehitimo ang inyong ka-transaksyon sa pamamagitan ng pag-verify sa Municipal Planning and Development Office na matatagpuan sa 2nd Floor, Municipal Annex Bldg. – LGU Rizal.
Ang paalalang ito ay upang magsilbing proteksyon ng mamimili at maiwasan ang posibleng pananamantala ng mga hindi rehistradong developer.
01/02/2026
Congratulations on completing the Development Academy of the Philippines Local Government Executives and Managers Class (LGEMC), Mayor Trina Andres, MPDO Engr. Eliza Valdez and HRMO Sir Mark Andrew Fernandez! 🎓🎉
Ang LGEMC ay isang mas malalim na paghahanda para sa mas mahusay, makatao at makabagong pamamahala. Isa itong patunay ng inyong dedikasyon sa patuloy na pagkatuto upang mas mapabuti ang serbisyo para sa bawat Rizaleño.
Isang malaking karangalan at inspirasyon po kayo. Tuloy ang paglilingkod ng may Puso at Galing. 💙💫
09/12/2025
MABUHAY BAYAN NG RIZAL!!🥰👏👏
19/10/2025
02/10/2025
"KARANGALAN NG BAWAT ISA, TAGUMPAY NG LAHAT!"
Ipinagmamalaki natin ang pagkamit ng parangal ng ating tanggapan, MPDO at mga kasapi nito sa nagdaang "Pagkilala sa mga natatanging LINGKOD BAYANI ng pamahalaang Bayan ng Rizal"- patunay ng sipag, husay at tapat na paglilingkod para sa bayan.
MPDO Awards:
• LCAT-VAWC (Local Committee on Anti-Trafficking and violence against Women and their Children)
• SGLG KEYPLAYER (SAFETY & PEACE AND ORDER)
• SGLG KEYPLAYER (SOCIAL PROTECTION AND SENSITIVITY)
• ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL PERFORMANCE AUDIT AWARD (HIGHLY FUNCTIONAL) 2024
• LOCAL PROJECT MONITORING COMMITTEE (IDEAL FUNCIONALITY)
• PRIME HRM BRONZE AWARD
• HIGH COMPLIANCE RATING IN THE LOCAL GOVERNMENT UNIT COMPLIANCE ASSESSMENT UNDER THE MANILA BAY CLEAN-UP, REHABILITATION AND PRESERVATION PROGRAM (TOP 2 – PROVINCIAL LEVEL)
• GAWAD KALASAG (BEYOND COMPLIANCE)
• PEACE AND ORDER COUNCIL PERFORMANCE AUDIT (94.27%)
• SGLG KEYPLAYER (FINANCIAL ADMINISTRATION AND SUSTAINABILITY) SEAL OF CHILD-FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE
• SGLG KEYPLAYER (SUSTAINABLE EDUCATION)
• SGLG KEYPLAYER (DISASTER PREPAREDNESS)
Sikhay ng Ipinagmamalaking Kawani ng Pamahalaang (SIKAP) Bayan ng Rizal
1st Level (Non-Career) Category
VILMER C. VALDEZ JR. – 1ST Place
ROWENA R. MARCOS – 2nd Place
FREDERICK AGUNOS II – Civil Service Examination – Professional Passer
Engr. Eliza S. Valdez, EnP. – 15 years in Service
Congratulations! Serbisyong may puso, dangal at galing.
18/09/2025
Ang GALING ay isang bagay na maghihiwalay sa atin sa "okay na" o "pwede na".
Patunay dito ang mga karangalan na nakamit ng Rizal na kung saan ang MPDO ay naging key player at buong pusong naglaan ng panahon, lakas at kagalingan.
MPDO
G-umagawang
A-kma
L-aging
I-niisip
N-akaakibat na
G-aling
Colosas 3:23 - Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao.
13/09/2025
Nandito po kami hindi para paglingkuran kundi upang maglingkod ng may dangal🙏🏼😊❤️
"Paglilingkod ng may DANGAL"
Sa bawat serbisyo ng aming tanggapan, pagsisikap na matulungan bawat nangangailangan ng patas at walang pagtatangi.
Ginagawa ang lahat sa abot ng makakaya, ng walang hinihinging anuman.
Sapat na ang ngiti at pasasalamat ng napaglingkuran...
Naiwan naman DANGAL na naingatan.
Laging isinasapuso mas mainam ang mabuting pangalan kaysa sa anumang kayamanan
12/09/2025
"Paglilingkod ng may DANGAL"
Sa bawat serbisyo ng aming tanggapan, pagsisikap na matulungan bawat nangangailangan ng patas at walang pagtatangi.
Ginagawa ang lahat sa abot ng makakaya, ng walang hinihinging anuman.
Sapat na ang ngiti at pasasalamat ng napaglingkuran...
Naiwan naman DANGAL na naingatan.
Laging isinasapuso mas mainam ang mabuting pangalan kaysa sa anumang kayamanan
05/09/2025
"Pagpaplano ng may PUSO"
Ang bawat plano ay iba't ibang ideya na maingat at buong pusong pinagkaisa para makapaghatid ng mabuting serbisyo at maging daan sa pagpapaunlad ng bayan. Ang ating pagmamahal sa trabaho, hatid ay malasakit sa tao.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
2nd Floor, Municipal Annex Building, Aglipay Street, Poblacion Sur, Nueva Ecija
Rizal
3127
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |