Dswd-Kalahi CIDDS Rizal Occidental Mindoro
EMPOWERMENT. PARTICIPATION. ACCOUNTABILITY. TRANSPARENCY.
23/02/2023
18/02/2023
18/02/2023
Thank you Mayor Ernesto "Sonny" Pablo
https://www.facebook.com/profile.php?id=100086571018505&mibextid=ZbWKwL
Dswd-Kalahi CIDDS Rizal Occidental Mindoro EMPOWERMENT. PARTICIPATION. ACCOUNTABILITY. TRANSPARENCY.
06/12/2022
December 3, 2022 successful na idinaos ang International day of Persons with Disabilities pay out.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng kahalagahan at mabigyan ng pinansyal ang 303 benepisyaryo ng PWD na nagmula sa labing isang barangay ng bayan ng Rizal, Occidental Mindoro.
Sa pangunguna ni Region M&E Larry Marzo at Area Coordinator Adrian Mercado , ACT/MCT KALAHI Staffs katuwang ang MSWD office sa pangunguna ni Ms. Jolence Soriano and staffs.
06/12/2022
Community Procurement Training for Community Volunteers of DSWD-KALAHI CIDSS Rizal Occidental Mindoro idinaos sa Jacobs Well Resort noong Nobyembre 24 at 25, 2022.
Pinangunahan ni Area Coordinator Adrian Mercado at ACT/MCT Staffs kabilang ang Area Financial Analyst na si Ms. Marlyn Nacar, Technical Facilitator Engr. Wrencoff Jerome Pastro, CEF Region Ms. Glenda Murillo. Dinaluhan ng Community Volunteers na bumubuo sa BDC-TWG mula sa siyam (9) na barangay sa bayan ng Rizal, Occidental Mindoro.
Ang naturang programa ay naglalayong mapanatili na maging maayos ang implementasyon ng mga proyekto para sa Phase 2, at madagdagan na din ng kaalaman ang mga volunteers para sa mga bagong proyekto sisimulan para sa susunod na taon.
Lubos na nagpapasalamat ang ACT/MCT KALAHI Team sa pagdalo ni MAC Randy Ramos, EnP, sa pagbibigay ng welcome remarks at sa cooperation ni Ms. Analisa Guillarde, MDRRMO-designate at sa butihing Ama ng Mapagkalingang Bayan ng Rizal na si Mayor Ernesto "Sonny" Pablo para maidaos ang nasabing dalawang araw na programa.
04/11/2022
November 3-4, 2022 idinaos ang Data Management Meeting sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro. Nilahukan ito ng mga data analyst na nagmula sa iba't ibang Bayan ng Occidental Mindoro.
Sa pamamagitan ng pagpupulong ibinahagi ang mga kaalaman sa mga datos na dapat isumite, pag analisa ng mga datos mula sa impormasyon at kung paano ang proseso nito.
Isa ang Bayan ng Rizal sa mga nakipagpulong ukol dito at nagpapasalamat naman ang lahat sa LGU Sablayan sa pag welcome sa mga participants. Nagpapasalamat din ang ACT/MCT KALAHI-CIDSS RIZAL Occidental Mindoro sa ating butihing Punong Bayan Hon. Ernesto C. Pablo Jr. sa pag apruba sa nasabing pagpupulong para makilahok ang ating Municipal Data Analyst.
Dahil dito, ang bayan ng Rizal ay mayroon ng 93 porsyento sa mga uploaded na datos mula sa ating bayan. Nagsisikap naman ang ating MDA na makapag upload pa sa mga kakulangan para makuha na ang kabuuang 100 porsyento. Congratulations KALAHI Rizal!
Keep safe everyone. Lalong lumalakas si bagyong Paeng
21/10/2022
Nagsagawa ng 2nd MDRRMC Meeting ang KALAHI-CIDSS Rizal Occidental Mindoro NCDDP-AF para sa implementasyon sa pagbubukas ng phase 2.
Inilahad sa pagpupulong ang mga sumusunod:
- presentasyon ng Implementation Timeline
-presentasyon ng Grant Allocation
-presentasyon ng Proposed Sub-Projects per barangay including cost
-Confirmation and approval of the Proposed Sub-project including project cost of 9 barangays at
-endorsement of proposed sub projects for MIAC technical review
Malugod na nagpapasalamat ang bumubuo ng KALAHI CIDSS Rizal ACT/MCT kay Hon. Mayor Ernesto Pablo sa pagsuporta sa nasabing programa. Dumalo rito ang MIAC members kabilang ang MDRRMO head na si Ms. Analisa Guillarde, MPDC Randy Ramos, SFO2 Chief Jupiter Pastro, at siyam na Barangay Kapitan ng Rizal Occidental Mindoro na may proyekto para sa KALAHI. Ipinakilala rin ang bagong Area Coordinator ng KALAHI-CIDSS Rizal na si Adrian Mercado from Romblon.
14/10/2022
Nakiisa ang MCT Dswd-Kalahi CIDDS Rizal Occidental Mindoro sa Tree Planting Activity na ginanap noong ika-10 ng Oktubre taong 2022 sa pangunguna ng LGU Rizal Occidental Mindoro Hon. Mayor Ernesto "Sonny" Pablo Jr. katuwang ang iba't-ibang departamento kasabay ang pagbubukas ng TAMARAW Museum sa Tamaraw Genepool, Manoot Rizal Occidental Mindoro.
Layunin nito ang mabigyan ng magandang tahanan ang mga tamaraw sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno na siyang magsisilbing tahanan ng mga ito at sa susunod pang mga henerasyon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Rumbang
Rizal
5103