Realeño Rescue
It is a government office primary responsible in disaster management and emergency response
31/10/2025
17/10/2025
17/10/2025
Muli po ay nangangailangan po tayo ng ibayong paghahanda dahil sa paparating na Bagyong Ramil.
Mag-ingat po tayong lahat
23/09/2025
BAGYONG OPONG
TROPICAL CYCLONE BULLETIN NR. 1
Tropical Depression
Issued at 5:00 PM, 23 September 2025
Valid for broadcast until the next bulletin at 11:00 PM today.
PUMASOK NA SA LOOB NG
PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY ANG TROPICAL DEPRESSION NA PINANGALANANG “OPONG”.
Lokasyon (4:00 PM)
Tinatayang nasa 1,045 km Silangan ng Hilagang-silangang Mindanao (10.4°N, 135.0°E) ang sentro ng Tropical Depression OPONG batay sa lahat ng datos na nakalap.
Pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 km/h malapit sa gitna, bugso ng hangin hanggang 70 km/h, at sentral na presyur na 1004 hPa.
Kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Pinapayuhan ang publiko at ang mga kaukulang tanggapan ng disaster risk reduction and management na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian. Ang mga nakatira sa lugar na mataas o napakataas ang posibilidad na maapektuhan ng mga panganib ay pinapayuhan ding sundin ang mga evacuation at iba pang utos mula sa mga lokal na opisyal.
SOURCE: DOST-PAGASA
21/09/2025
𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊! | 𝐒𝐄𝐓𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Pinapaalalahanan ang publiko na walang pasok ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, at gayundin sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Setyembre 22, 2025, Lunes. Ito ay dahil sa banta ng Bagyong at para masigurado ang kaligtasan ng lahat.
Hinihikayat ang lahat na laging mag-ingat at manatiling handa. Huwag kalimutang sumubaybay sa mga opisyal na abiso mula sa inyong lokal na pamahalaan.
19/09/2025
LGU FAMILY DAY 2025
17/09/2025
Tropical Depression NANDO
May panibago na naman po Bagyo ang pumasok sa ating PAR, ito po po ay patuloy na lalakas at inaasahan na aabot sa Typhoon Category.
Sa kasalukuyan, ito po ay inaasahang babagtasin ang karagatan ng pasipiko patungong Extreme Northern Luzon.
Palagi po tayong mag-ingat at maghanda.
16/09/2025
PRE DISASTER RISK ASSESSMENT
TD MARISOL
Dumalo si LDRRMO RICKY A POBLETE kasama si Municipal Administrator DEAN MANLUGON bilang kinatawan ni Punong Bayan JULIE ANN O. MACASAET sa Pre Disaster Risk Assessment na pinangunahan ni PA MANNY BUTARDO bilang kinatawan ni Gobernador Doktora HELEN TAN kaagapay si PDRRMO MELCHOR AVENILLA.
Dito ay tinalakay ang mga paghahanda na ginagawa at dapat isagawa ng Lokal at Nasyonal na Pamahalaan para makaiwas sa posibleng epekto ng Bagyong Mirasol.
Patuloy po tayong aantabay at maghahanda para sa kaligtasan ng ating mga kababayan.
Manatili pong nakaantabay sa mga anunsyo at abiso na ilalabas ng ating Lokal na Pamahalaan.
16/09/2025
Ingat po
14/09/2025
𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎 ❗
Dahil sa inaasahang masamang panahon bukas, Setyembre 15, 2025 (Lunes), ang lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa bayan ng Real.
Patuloy po tayong mag-ingat, mga kababayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Pob. 1
Real
4335