Heartsore
A pain that is felt
“Yung strong ka sa GC
pero umiiyak ka mag-isa.”
28/10/2024
Sobrang swerte mo pag yung babae mahal ka at hindi ka iniwan dahil wala kang pera. Maraming choice yan, pwede ka niyang palitan ng lalaking may pera, pwede ka niyang iwan anytime pag nagsawa na siya sa paghihirap kasama ka, pero mas pinili niyang manatili sa tabi mo kahit wala kang pera at hindi ka pa successful sa buhay.
Sobrang rare ng babaeng sasamahan ka sa hirap, kaya ang swerte mo pag yung babae nagtitiyaga sayo kahit na ganyan ka. Sa hirap man o ginhawa, kasama mo siya sa lahat. At kung darating man yung araw na successful ka na, wag mo sanang kalimutan na may nag iisang babae na naniwala sayo simula una hanggang dulo.
03/07/2024
17/10/2023
Sobra pa
16/10/2023
Everyday I thank god for giving me another day to live, and another chance to make a difference 🙏
02/10/2023
https://youtu.be/BzJ5V87ZM64?si=de5To7h1KnJB-D_5
YT LIVE: USAPANG F.O.O.L (FALLING OUT OF LOVE) Follow me @:FB: https://www.facebook.com/REALTALKDARBSIG:https://www.instagram.com/RealTalkDarbs/Tune in to my podcast on Spotify, Apple Podcast and podbean...
27/06/2023
"Ang Biyahe"
Dalawa lang naman ang jeep na gusto kong sakyan.
Yun una palayo sayo
Yun pangalawa pabalik sa dating ako
Yun dating ako na naligaw nung sumakay sa sasakyan mo na ikaw ang nagmaneho na kahit takot ako, sumakay parin ako. Nagtiwala ako sayo kahit na alam kong delikado.
Tapos naman na ang kwento na to. Pero uulitin ko baka sakali mabasa mo at maalala mo kung paano mo akong ginago. Dalawa dapat tayong bida dito, pero sumama ka sa iba at gumawa ng sarili nyong storya.
Ayun na nga. Umandar na. Ang tagal din ng biniyahe nating magkasama. May baku-bakong daan kung saan tayo nagtagal..
Nabutasan ng gulong.
Nawalan ng gasolina.
Nagtulak tayong dalawa.
Lahat sinubukan natin para lang ito'y muling magawa.
Ayun umandar naman ulit.
Sabi ko ako na ang magmamaneho pero ayaw mo.
Ikaw na kamo.
O sya. Sge.
May magagawa paba ako?
Naalala mo ba?
Usapan natin dalawa wala kang iaangkas na iba pero hndi ka naman tumupad.
So sad. Sa haba ng biniyahe natin; sa mga problema na pnagdaanan natin; sa lahat ng pagsubok na nalampasan na natin; ngayon ka pa humanap ng iba.
Bakit mo pinasakay ang lalaking yon?
Akala ko ba wala tayong iaangkas na iba?
Akala ko ba sasakyan lang natin tong dalawa?
Sbi mo kaibigan mo, naniwala naman ako at kinaibigan ko na rin.
Habang umaandar, bigla kong naisip na parang hndi tama na tatlo tayo sa biyahe.
Ayoko ng may sabit.
Ayoko ng may kabit.
Pero pilit ka ng pilit.
Kaibigan mo sya sa kwento mo pero sa kwento nya KA-ibigan pala.
Masakit. Oo masakit.
Lalo na nung nabangga tayo.
Ang swerte mo kasi kaming dalawa lang ang nasaktan.
Hindi ka man lang nagalusan.
Pero ang mas msakit, sya ang una mong nilapitan at pinunasan, ginamot ang sugat at mag-isa nyo akong iniwanan. Pinabayaan.
Daig ko pa ang basura na itinapon kung saan.
Hindi ko alam kung saan ang tamang daan.
Iniwanan nyo ako sa kalsada, sugatan.
Putulin na natin itong kwento. Alam mo naman siguro kung paano akong nakabalik sa abangan ng jeep.
Sa abangan na iyon, marami ulit nagpakilala na may magarang sasakyan. My inhinyera, maestra, doktora, at kahit nga yata konduktura bumaba sa bus para lang magpakilala.
Pero kahit sino pa sila, wala akong ginusto dahil wala na akong tiwala sa tao. Inubos mo.
Oo. Mali nga siguro na sumakay ako sa sasakyan mo. Sana nung araw na yun, nag jeep nalang ako at hndi na sumama sa'yo.
Wala naman din kasi akong lisensya.
Wala akong karanasan sa pagmamaneho kaya hinayaan kitang humawak ng manibela.
Noon yon. Hndi na ngayon. Tanga man ako noon pero hndi sa habang panahon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Real
27/09/2023
27/09/2023
27/09/2023