BCHS Secret Files
BCHS Secret Files is an online community page that allows it's followers to share their thoughts and feelings in different aspects especially in education.
"Tama na"
By: Coo-Creation
Nahihirapan nang bumuo ng Tula.
Nauubusan nako ng tugma,
Wala nang lumalabas na Salita.
Kasama ng katotohanan na di kita makukuha.
Dahil alam sa sarili, ilang libong tula man ang gawin
Nararamdaman ay hindi ka kayang abutin,
Na malabo mokong mahalin,
At kahit kailan ay hindi ka magiging akin.
Tanggap na ang katotohanan,
Na ikaw ay pangarap nalang,
Parte nalang ng nakaraan,
Kaya dito nako mag papaalam.
Pero magpaalam man ako,
Ano nga bang p**i mo?
Eh naalala mo lang naman ako,
Pag busy Sya sa ibang Tao.
Time!
BCHS Secret Files
"Tatlumpung Minuto"
By: Coo-Creation
Kasalanan ang mahalin ka,
Yan ang sabi nila,
Tambalan na di mapagbibigyan,
Sa di maipaliwanag na dahilan.
Sigaw ng puso ay pangalan mo,
Ikaw nalang palagi ang tibok nito.
Hinahanap hanap ang isang tulad mo,
Hindi ko alam, kung bakit ganito.
Pero pagmamahalan ay di mapagbibigyan,
Maraming sumusubok na tayo hadlangan,
Kaya diko alam kung papaano ipapaalam,
O kung papaano ko ipaparamdam.
Nang sabihin mo na ako ay mahal mo,
Sinabi ko, sayo na ikaw din ay mahal ko.
Pero kahit alam natin pareho na mali ito,
Hindi nag dalawang isip na aminin sayo.
Naalala mo paba nung pumayag ka?
Na maging tayong dalawa.
Pero sa sandaling panahon lang,
Na gusto lang natin,ibuhos ang nararamdaman
Kaya salamat sa tatlumpung minuto,
Tatlumpung minuto na naging tayo.
Na nagkaroon ng ikaw at Ako
Na sa sandaling panahon ay nagkatotoo
Bawat minuto ay sinulit,
Mga pangarap na sinasambit.
Bawat pangako na sinabi sayo,
Na pinapatunayan ng luha sa mata ko.
Salamat sa pag payag mo,
Alam man natin na mali ito.
Salamat ako ay pinag bigyan mo,
Na iparamdam sayo ang pagmamahal ko.
Tatlumpung minuto na bumago sa buhay ko,
Na pumawi sa kalungkutan ko,
Tatlumpung minuto na diko malilimutan,
Pinapangako sayo na hindi ka kalilimutan.
Kung hindi man ngayon,
Sana ay mapagbigyan ng panahon.
Kung hindi man ngayon,
Ipagdadasal ko, ang tamang panahon.
BCHS Secret Files
"Taguan"
By: Coo-Creation
Isang laro kung saan, ako ang taya! Pero ako din ang nagtatago
Nagtatago ng nararamdaman
Pilit na naghahanapan
Sa gitna ng kawalan, Kung saan walang Ikaw at Ako dahil merong Kayo.
Hindi ito ang tamang panahon tama hindi ngayon,
Pero tayo nga ba ay mabibigyan ng pagkakataon?
O patuloy na maglalaro, patuloy na magtataguan.
Hanggang sa magkahanapan,
Pero hanggang kailan?
Hanggang kailan ako magtatago ng nararamdaman ko para sayo?
Kahit alam ko na, na pareho tayong nag tatago
Pero pareho ngaba? O diko napansin na ako na ang taya?
Ako na ang humahanap sayo, pero diba parang lugi ako?
Kase nakita kita, sa Larong taguan nakita kita, diba dapat ikaw na nag maging taya? pero ako parin ako pa din? Ako pa din ang taya.
Ako parin ang taya sapagkat sya ang kasama, kausap at Mahal mo. Ako parin ang taya sa larong akala ko Sinimulan natin pareho, ako! Oo ako! Ako nlng lagi ang taya, ang laging humahanap sayo.
At sa tuwing matatagpuan kita na ksama sya.
Pipikit ako at bibilang, isa dalawa tatlo (Mahal mo kaya ako?) Apat lima anim (Ako ba ay mahal mo din?) pito walo syam (Nararamdaman ay dimo alam)
At pag dating ng sampu , sa huling bilang dun ko lang napagtanto. Na kahit ilang beses pa iparamdam sabihin at isigaw sayo.
Sya Ang tinitibok ng puso mo.
Na kahit ilang bilang pa ng Isa hanggang sampu ay walang magbabago.
Kaya Uuwi nalang ako 👆 iintayin kung maipagkakaloob ba, pag aasa na iniintay ko mula sayo. Kahit pa merong kayo.
BCHS Secret Files
pa post salamat.
02.14.17
Nasa proseso ako ng pagmo-move on ng mga panahong iyon,Nagsisimula nakong maglet go.Sinisimulan ko nang kalimutan yung mga alaalang nabuo nating dalawa.Unti unti na kong nakakalimot,Nakaplano na yung lahat pero sinira mo lahat ng ito,Isang pagpaparamdam mo lang.Bumalik lahat,Naging sariwa lahat ng alaala,Araw ng mga puso ng sorpresahin mo ako at bigyan ng bulaklak,teddy bear at sulat.Hindi ko inaasahan yon,Hindi ko lam kung anong naramdaman ko nung mga araw na yon.Binasa ko yung sulat,Ang dami mong pangako,Ang dami mong sinabi,Sabi mo sana tayo parin at Sabi mo mahal mo ko.Nagchat ako sayo sinagot ko yung mga sulat mo,Pero anong ginawa mo?Binaliwala mo lang lahat ng yon.So,Para saan lahat ng mga sinabi mo.Para paasahin lang ulit ako?Para masaktan mo lang ako?Edi sana pinatay mo na lang ako.Umasa ako na pagkatapos ng nangyari nang araw na yon ay maibabalik ang dating tayo pero di pala,Mali pala,Akala ko lang pala.Hanggang ngayon isang buwan na ang nakakalipas wala ka pa ring reply o kahit seen man lang.So anong balak mo,Di mo rin naman ako kinakausap.Nakakalungkot lang isipin na maayos na yung kalagayan ko noon,Nasa proseso nako ng pagmo-move on ngunit sa isang paramdam mo lang nahulog na naman ako Bat kailangan mo pakong paasahin?Bat kailangan pakong masaktan?Masaya ka ba sa ginagawa mo?Bat kailangan mo pang gawin yung mga bagay na alam mong mafo-fall ako pero wala ka namang balak saluhin ako?Bakit kailangan mo pakong p**iligin at magbitaw ng mga matatamis na salita kung hindi ka naman pala sigurado sa nararamdaman mo?Bakit kailangan mong gawin lahat ng to?Lahat ng mga tanong na ito ay mananatiling mga tanong na lamang.Maraming salamat sayo,Sa mga iniwan mong alaala.Masaya ako at nakilala kita.Alam kong may better plan si God.Palayain ang isa't isa,Kung tayo,tayo talaga.You made my heart break and that made me who i am.Salamat sa pansamantalang kilig at panandaliang kasiyahan.Now,I'm telling you i love you one last time and goodbye.
~Ms.D
BCHS Secret Files
Katotohanan
Bakit kailangan ko pang maniwala sa isang kasinungalingan na nakakatakot
Nakakatakot dahil ayoko ng masaktan pa sa mga bagay na lagi nagpapaalala sa kanya Sa kanya na hanggang ngayon minamahal ko pa na Kahit anong gawin ko ay hindi mawala sa aking isipan na sana kami pang dalawa
Isang katangahan na lang kung sasabihin ko sa kanyang ako'y kanyang balikan kahit na noon ako ay nasaktan Isang tanga na umaasa pa sa mga pangakong nasira na Isang tanga na pauulit ulit na nagmamahal sa kanya kahit na siya ay masaya na sa iba
Gusto kong magising sa katotohanang wala ng pag asa pa na maibalik lahat dahil wala ng tayo
Wala ng pangako mo na kahit kailan ay di naging totoo
Hiling ko lang na sana ay maging masaya ka dahil ngayon handa na akong palayain ka
-Mcx
BchsSecretFiles
Ms. Anonymous
09/03/2017
i think one of the greatest feelings in the world is when someone openly tells you how much you mean to them, stuff like that is so rare
BCHSSF
09/03/2017
You'll always be my "see first"
in this world full of "Default"
BCHSSF
Di naman masama umiyak :)
Wag lang tutulo sipon mo, tas
Kaharap mopa mga kaibigan mo.
Hahahahhaa
BCHS Secret Files
Hi sa mga Nakatapos na sa
HELL UNIVERSITY 😂😂
-Wattpad
BCHSSF
09/03/2017
Don't judge me. You can't handle half of what I've dealt with. There's a reason I do the things I do, there's a reason I am who I am.
BCHS Secret Files
"Ang pagkahulog ng mga bagay ay
Dahil sa Gravity."
Nakakagulat malaman.
Nakakagulat tlga. 😂
BCHS Secret Files
"Papano?"
By: JD
Papano? Papano ko sasabihin ang nararamdaman ko?
Idadaan ba sa tula at kwento?
O palabiro nalang na sasabihin sayo,
Ito kaya ay mapapansin mo?
O balewalain kase iba ang mahal mo.
Papano? Papano kita maabot?
Pagitan ay parang Langit at Lupa,
Hindi ko alam kung papano ako magsisimula.
Sa nararamdaman mo ako ay NANGANGAPA.
Nanimnimbang kung mapagbibigyan.
Sawa na kasi akong UMASA, sa bwat meron pero wala pala.
Ibinabaon sa isip na iba ka sakanila.
Na hindi ka tulad nila,
Pero papano? Papano kung ganun ka?
Ngunit ganun man ang nasa isipan, iba padin ang nararamdaman, isang tanong lang ang pilit hinahanapan ng kasagutan.
papano?
Papano ko maipaparating sayo?
Papano ko sasabihin sayo?
Papano ko ipapalam?
Papano ko ipaparamdam?
Papano ko papatunayan?
Papano? Kung Pang Umaga ka, at Maghapon ang pasok ko. Junior ka Senior ako. Maganda ka Masipag ako. Matalino ka Masipag Ako. Sikat ka Masipag Ako. Oo Masipag talga ko 😂✌
Akalain mo? Parang kelan lang crush lang nararamdaman ko, tapos ngayon handa nakong bitawan lahat para sayo.
Sana bigyan moko ng pagkakataon. :)
Kahit isang pagkakataon.
BCHS Secret Files
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Longos, Bulacan
Pulilan