DWIZ 882
Welcome to the official page of DWIZ882
Himpilang May Todong Lakas DWIZ 882 delivers factual, ethical news with credible journalists.
It offers clear nationwide coverage via a 50,000-watt transmitter and online streaming. Stations include DWIZ 882 Manila, 89.3 Dagupan, 936 MIMAROPA, and 94.3 Palawan. Notable broadcasters include Jarius Bondoc, Jonathan dela Cruz, Conrad Banal, Señor Rey Pacheco, and Jon Ibañez. DWIZ 882 airs balanced programs like Pinoy Gising, Arangkada Balita, Pasada Balita, Karambola, and Ronda Pilipinas, cov
08/06/2026
Nagpahayag ng pagkadismaya si Acting Senate President Sherwin Gatchalian sa hindi pagdalo ng labingwalong dating bodyguard at bagmen ni dating Congressman Zaldy Co sa hearing at consultative meeting ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa flood control scandal.
Ayon kay Gatchalian, ito ang pagkakataon para masabi ng mga tinaguriang “Maleta Boys” ang katotohanan sa likod ng anomalya at korapsyon sa flood control programs.
BASAHIN: https://www.dwiz882am.com/?p=528854
DWIZ NewsBreak | Mga maiinit na balita at mahahalagang kaganapan sa bansa na dapat mong malaman, ihahatid na sa DWIZ News!
08/06/2026
Kasado na ang malaking taas-presyo sa produktong petrolyo bukas.
Ayon sa Department of Energy (DOE), tataas ng P3.77 hanggang P5.77 ang presyo ng diesel kada litro, habang P6.10 hanggang P8.10 naman ang dagdag sa kada litro ng kerosene.
📷: DOE
08/06/2026
TINGNAN: Ilang larawan mula sa Sarangani, Davao Occidental matapos ang malakas na lindol na tumama nitong Lunes ng umaga, Hunyo 8.
Ayon sa mga lokal na opisyal, ilang pamilya ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan at pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.
📸: Sarangani Information Office
08/06/2026
JUST IN: Kinumpirma ng Ateneo de Manila University ang pagpanaw ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili matapos ang isang insidente ng pagkalunod ngayong Hunyo 8, 2026.
Nagpahayag ng pakikiramay ang pamunuan ng unibersidad sa pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan ng dalawang atleta sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.
📷: Ateneo de Manila University
08/06/2026
Tinawag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo na “haoshao” ang anya’y public hearing umano nina dating Blue Ribbon Chairperson Pia Cayetano, dating Vice Chairman Rodante Marcoleta, at Senador Alan Peter Cayetano kaugnay ng ginawang pagharap at pagtestigo ng labingwalong nagpakilalang dating bodyguard at bagmen ni dating Congressman Zaldy Co.
Ayon kay Sen. Tulfo, sa naturang “haoshao” o bogus na public hearing, hinayaan ang mga tinaguriang “Maleta Boys” na mag-akusa at pangalanan ang ilang opisyal ng gobyerno at mga mambabatas sa mga umano’y dinalhan ng male-maletang pera mula sa kickback sa flood control projects.
Pero wala anyang basehan, walang dokumento, walang resibo, at walang anumang patunay sa kanilang mga naging paratang.
Hindi rin anya dapat payagan na basta na lang may nagtutungo sa Senado para mag-akusa ng walang anumang basehan at ebidensya.
BASAHIN: https://www.dwiz882am.com/?p=528851
08/06/2026
TINGNAN: Gumuho ang Barangay Hall sa Barangay Malalan, Jose Abad Santos, Davao Occidental matapos ang magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Mindanao nitong Lunes ng umaga, Hunyo 8.
Kasalukuyang nagsasagawa ng damage assessment ang mga lokal na awtoridad at patuloy na mino-monitor ang sitwasyon sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
📸: PIA Davao Region
08/06/2026
Inihayag ni Senador Robin Padilla na may karapatan ang gobyerno na imbestigahan siya kaugnay ng posibleng obstruction of justice.
Ayon kay Padilla, posibleng konektado ito sa pagtulong niya kay Ronald dela Rosa na makalabas ng Senado kasabay ng umiiral na warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Bato.
“Karapatan ng gobyerno ‘yan. Wala tayong mako-komento diyan. Kaso na daw ‘yan eh. Antayin natin.” — Sen. Robin
08/06/2026
TINGNAN: Pormal na nagsampa si Senador Erwin Tulfo ng kasong Grave Oral Defamation laban kila Bernard Gumban, Rosebert Waupan, at Benny Bulontate, tatlo sa 18 ex-bodyguards umano ni Zaldy Co na nag-akusa sa kanya na sangkot siya sa kickback scheme mula sa flood control corruption. | via Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)
Muling iginiit ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na si Senador Sherwin Gatchalian ang kinikilalang liderato ng ehekutibo sa Senado.
Ito ang tugon ni Castro sa mungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano na magkaroon ng interim arrangement sa Senado habang nagpapatuloy ang usapin sa pamumuno ng Senado.
🎥: PCO/Facebook
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
709 Shaw Boulevard , Brgy. Oranbo
Pasig
1600