Probe
Probe, an independent media production company, is one of the pioneers in documentary producing in the Philippines since its inception in 1988.
Probe is one of the pioneers in documentary producing in the Philippines | Home of Probe Archives | Founded by veteran journo Cheche Lazaro | Verified signatory of International Fact - Checking Network (2023) Founded by University professor turned broadcast journalist, Cheche Lazaro, Probe is the producer of trailblazing shows such as The Probe Team, 5 and Up, Cheche Lazaro Presents, Art-Is-Kool,
07/05/2026
'DUTERTE, ISASAILALIM NA SA PAGLILITIS NG ICC'
Ano na ang susunod para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte? Narito ang mabilis na silip sa mga kasong kumpirmado na ng ICC at ang posibleng hatol na kakaharapin niya.
‘TAAS KAMAY ANG MGA PINUYAT NG PROBE’
Nandito na ang x Probe shirt ! Balikan ang mga programang nagmulat sa atin sa sining, kultura, at lipunan: 5 and Up, Art Is Kool, Gameplan, Probe Profiles, at Cheche Lazaro Presents.
Lubos kaming nagpapasalamat sa Linya - Linya sa collab na ito sapagkat bahagi ng sales ng Probe shirt ay mapupunta sa patuloy na digitization project para sa Probe Archives. Hangad naming malapit ng dumating ang araw na mapanood muli ang mga programang humubog sa atin.
Umorder na rito: https://linyalinya.ph/products/linyalinyaxtheprobeteam?variant=41890867413079
‘IBA’T-IBANG PAMUMUNO, IBA’T-IBANG PANGAKO — KAMUSTA NA BA?’
Sa bawat eleksyon na dumaraan, umiigting ang pag-asa ng mga Pilipino para sa mga kandidatong sinusuportahan nila. Maraming pangako na inaabangan pangkabuhayan at pang-ekonomiya — pangakong para sa masa.
Sa pag-alala ng mga nakaraang panalo na ipinagdiwang, kasama ba tayong mga Pinoy doon?
Pakinggan ang mga isyung muling hinahayag ng mga kababayan natin sa , Lunes hanggang Biyernes, 11:30 AM at 6:00 PM sa One News (Cignal TV Ch. 250, Ch. 8 CD) at Cignal Play.
‘KALAYAAN AT MEDIA — MAGKASANGGA SA DEMOKRASYA’
Sa panahon na laganap ang mga impormasyong madaling ma-access ngunit mahirap tukuyin kung totoo, ano nga ba ang ambag ng pamamahayag sa buhay ng tao?
Bilang pag-alala sa World Press Freedom Day, magbalik-tanaw tayo at kilalanin ang papel ng media sa paghahatid ng tapat at makatotohanang pagbabalita.
Balikan ang ulat ng nag-iisang Cheche Lazaro, tungkol sa kahalagahan ng media at sa papel ng tao bilang parte ng lipunan.
Ang video series na ito ay bahagi ng anti-disinformation reporting campaign ng Probe sa tulong ng IMS (International Media Support).
01/05/2026
‘PAGKILALA SA GALING NG MGA MANGGAGAWA’
Ngayong unang araw ng Mayo, ipagdiwang natin ang kasipagan at kadakilaan ng mga manggagawang Pilipino.
Anumang larangan at aspeto ng kabuhayan, ang inyong ambag sa lipunan ay hindi matatawaran. Salamat sa inyong patuloy na pagsusumikap.
Mabuhay ang mga manggagawang Pinoy!
‘PAANO NGA BA MAGING WHISTLEBLOWER?’
Sabi raw ni Rodante Marcoleta, hindi na kailangan pang magsauli ng anumang nakuha para lang maging bahagi ng Witness Protection Program (WPP).
Talaga ba, Mars?!
Huwag basta maniniwala sa sabi-sabi! Let’s with Professor Your Tita Baby Azucarera. Himayin natin ang rules ng WPP at balikan ang kasaysayan ng mga whistleblowers sa Pilipinas.
*Ang Anti-Disinformation campaign ng Probe ay posible dahil sa suporta ng International Media Support at ng International Fact - Checking Network.
Ang Probe ay naging signatory ng IFCN noong 2023.
‘MABUHAY ANG MANGGAGAWANG PILIPINO’
Sa araw na binibigyang pugay ang mga Pilipinong manggagawa, ramdam ba nila ang pagkilala sa kanilang mga sahod?
Ngayong malapit na ang Labor Day, balikan natin ang kwento ng mga manggagawa noong Dekada ‘90. Ang kanilang hinaing at problema may pagbabago na ba makalipas ang mahigit dalawang dekada?
Abangan ang Probe Archives Dokyu Playlist ng mga mga manggagawang Pilipino sa One News mula Lunes-Biyernes, 11:30AM & 6:00 PM sa Cignal TV Ch. 250, Ch 8 CD, & Cignal Play.
'ANG INIT NA NGA, TAPOS WALA PANG TUBIG?'
Matinding init na naman ang nararanasan ngayong 2026, kasabay ng banta ng El Niño. Pero sa kabila ng paglipas ng mga taon, nananatili at lalo pang lumalala ang kakulangan sa tubig sa bansa. Ayon sa DENR, kailangan ng ₱250 bilyon upang matugunan ang water shortage.
Noong 2006 pa lang, hinarap na natin ang water crisis sa Bulacan at Pampanga, pati ang mapanganib na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Mula sa Probe Archives, balikan ang ulat ni Ricky Carandang: “Walang Tubeeeg!”
*Ang Probe ay katuwang ng Internews sa pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa klima at pahanon
‘SIMULA NA NG PAG-USAD SA HUSTISYA’
Ngayong opisyal nang kinumpirma ng ICC ang lahat ng charges laban kay Rodrigo Duterte, mas lalong nag-aalab ang panawagan para sa katarungan. Ang bawat sakdal ay may katumbas na buhay, pamilya, at kwento ng pagtitiis sa ilalim ng 'drug war.'
Panoorin ang mga kwento ng drug war rito: https://youtube.com/playlist?list=PLrwK8zIuoUC0wrEU0JBA41xgaCIFQrsME&si=WDO_BefeIiaGuYFm
'TAMA BA ANG TUMOMA?’
Ngayong Alcohol Awareness Month, ating panoorin ang isang ulat ng 5andUp na tungkol sa madaling pag-access ng mga kabataan sa alak at sigarilyo.
Ibinahagi ni Yas Mapua-Tang, dating producer ng 5andUp, kung paanong ang pagbibigay-halaga sa boses ng kabataan ay naging pundasyon ng kanyang misyon sa Probe Media Foundation, Inc. (PMFI) upang isulong ang media development work.
✨We believe that stories really change lives and the power of the story to change the world.✨
Suportahan ang misyon ng Probe at PMFI. Bisitahin ang https://www.probefound.com/ at sundan kami sa aming mga social media page:
Probe Media Foundation
Facebook: Probe Media Foundation, Inc.
Instagram:
Probe
Facebook: Probe
Instagram:
YouTube:
TikTok: .ph
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pasig
Opening Hours
| Monday | 9am - 6pm |
| Tuesday | 9am - 6pm |
| Wednesday | 9am - 6pm |
| Thursday | 9am - 6pm |
| Friday | 9am - 6pm |