Anakbayan - UE

Anakbayan - UE

Share

Anakbayan is the comprehensive, national democratic mass organization of the Filipino youth.

12/08/2026

๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—ฃ๐—จ๐—š๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—˜๐—ก๐—ฅ๐—œ๐—ค๐—จ๐—˜ โ€œ๐—ž๐—” ๐—–๐—›๐—œ๐—–๐—ขโ€ ๐——๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ก๐—ง๐—˜, ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—š๐—”๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—”๐—ก!

Noong Agosto 4, 2026, tuluyang namartir si Enrique โ€œKa Chicoโ€ Dayandante matapos ang madugong engkwentro sa pagitan ng Bagong Hukbong Bayan-Agustin Begnalen Command at mga yunit ng militar sa Barangay Bonglo, Licuan-Baay, Abra. Ayon sa salaysay na ibinahagi tungkol sa kanyang pamilya, naging masalimuot din ang pagkuha sa kanyang mga labi dahil sa awtopsiya at mga protocol na ipinataw matapos ang engkwentro. Nang tuluyan nilang makita ang kanyang mga labi, malubha na ang pagkakaagnas nito kaya napilitan silang ipa-cremate siya.

Sa Abra at Cordillera, matagal nang umiiral ang tunggalian sa lupa, likas-yaman, at karapatan ng mga komunidad laban sa interes ng pasistang estado at malalaking dayuhang negosyo. Pinalalala ito ng militarisasyon na nagdudulot ng takot at panganib sa mga mamamayan, kaya nananatiling larangan ng matinding tunggalian ang rehiyon, dahilan ng pagtungo ni Ka Chico dito.

Mula sa hanay ng maralitang lungsod sa Caloocan, maagang naranasan ni Ka Chico ang tindi ng kahirapan at kawalang-katarungan. Napilitan siyang huminto sa pag-aaral sa University of the East Caloocan dahil sa pinansyal na kakulangan. Sa halip na manatiling tahimik sa harap ng ganitong kalagayan, pinili niyang hanapin ang ugat ng suliranin at ialay ang kanyang talino, lakas, at panahon sa paglilingkod sa sambayanan.

Isa si Ka Chico sa mga unang kasapi at tagapagtatag ng Anakbayan. Tumulong siyang magtatag ng unang balangay nito sa A. Palon, Caloocan at naging bahagi ng makasaysayang Kongreso ng Pagkakatatag ng Anakbayan noong Nobyembre 30, 1998. Sa mga paaralan at komunidad, walang patid siyang nagmulat, nag-organisa, at nagpakilos sa kabataan at maralitang mamamayan. Sa UE Caloocan, nanguna ang kanilang balangay sa paglaban sa pagtataas ng matrikula, habang sa CAMANAVA ay tumulong siyang mag-organisa ng mga kabataan, out-of-school youth, at mala-manggagawa laban sa ibaโ€™t ibang anyo ng pang-aapi at pagsasamantala.

Hindi rin niya isinantabi ang sining sa paglilingkod sa masa. Sa pamamagitan ng gitara at mga awitin, naging bahagi ang kultura ng kanyang pag-oorganisa at pakikipag-ugnayan sa kabataan. Nakilahok din siya sa elektoral na pakikibaka at iba pang ligal-demokratikong pagkilos bago niya piniling dalhin sa mas mataas na antas ang kanyang pakikibaka.

Sa edad na 20, matapos ang integrasyon sa mga katutubo sa Ilocos at Kordilyera, pinili niyang tahakin ang landas ng armadong pakikibaka. Sa kanyang higit dalawang dekadang paglahok sa rebolusyonaryong kilusan, pinatunayan niya ang matibay na pagnanais ng isang kabataan na maglingkod sa sambayanan at harapin ang mga ugat ng kahirapan at pagsasamantala.

Hanggaโ€™t hindi natutugunan at nawawakasan ang tatlong ugat ng kahirapan, patuloy na sisibol ang mga kabataang tulad ni Ka Chico na magmumulat, mag-oorganisa, at kikilos para sa tunay na pagbabago. Hanggaโ€™t nagpapatuloy ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo, mananatili ang mga salik na nagtutulak sa sambayanan na lumaban. Sa bawat henerasyon, may mga kabataang pipiliing makialam sa halip na manahimik, maglingkod sa halip na magbulag-bulagan, at makibaka laban sa mga ugat ng kahirapan at pang-aapi.

Inaanyayahan ang lahat na dumalo at makiisa sa pagbibigay-pugay sa rebolusyonaryong buhay ni Ka Chico. Sariwain ang kanyang mga naging ambag, pag-aralan ang kasaysayang kanyang kinapalooban, at unawain ang mga suliraning nagtutulak sa mamamayan na lumahok sa armadong tunggalian para itaguyod pambansang demokratikong pakikibaka ng sambayanan!

๐— ๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—”, ๐—ž๐—” ๐—–๐—›๐—œ๐—–๐—ข, ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—”๐—ก!
๐—œ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—ข๐—Ÿ ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—•๐—ฅ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š-๐—”๐—”๐—•๐—จ๐—ฆ๐—ข ๐—”๐—ง ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก!
๐—Ÿ๐—จ๐—ง๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—จ๐—š๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐— ๐—”๐——๐—ข๐—ก๐—š ๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—š๐—Ÿ๐—œ๐—”๐—ก!

11/08/2026

MAKIISA SA MGA NASALANTA NG HABAGAT!

Mag-bayanihan tayo upang tulungan ang mga nasalanta ng hagupit ng habagat.

Nangangalap ang Anakbayan ng donasyon para makapagbigay ng pagkain, tubig, damit, atbp. pangangailangan sa mga sinalanta.

Sa panahong bilit binabaling ng gobyerno ang sisi ng pagbaha sa mamamayan, kailangang magkaisa para sa mga kagyat nating pangangailangan na siya mismong ini-etsapwera ng gobyerno sa pangungurakot ng flood control at iba pang proyekto para pigilan ang epekto ng mga sakuna.

Higit pa rito, sama-sama tayong kumilos hindi lang para sa agarang tulong sa mga nasalanta ng habagat, kundi para din panagutin ang lahat ng sangkot, lalo na si Marcos Jr., sa flood control scam!

Photos from Anakbayan's post 10/08/2026

Pinakamataas na pagpupugay! โœŠ

17/05/2026

Mabuhay ang mga manggagawa ng LBC! DAGDAG SAHOD, NGAYON NA!

Kaming mga manggagawa ang lumilikha ng yaman ng LBC, ngunit tila alipin lamang ang turing sa amin, at kibit balikat lamang sa mga nakatataas ang panawagan namin para sa dagdag sahod.

Naka-deadlock ngayon ang negosasyon sa pagitan ng LBC management at unyon para sa collective bargaining agreement o CBA. Hindi magawang makipagtagpo ng management sa mga hiling ng aming unyon sa kabila ng aming bukas, tapat, at paulit-ulit na pakikipag-usap.

Noong Setyembre 2025, humiling ang aming unyon ng P100 kada araw na dagdag sahod sa loob ng tatlong taon. Ang tugon ng management ay barya-baryang P10 lamang na dagdag sahod sa una at ikalawang taon, tungong P12 sa ikatlong taon.

Nagpakumbaba kaming mga manggagawa at ginawa na lamang naming P90 ang aming hiling na dagdag sahod. Walang pinagbago sa tugon ng management; manhid silang nanindigan sa counter-offer na P10-12 kada taon sa kabila ng pagbigay namin ng konsiderasyon.

Muling umunawa ang mga manggagawa. Ibinaba namin muli ang aming kahilingan sa halagang P40 na lamang na dagdag sahod kada araw para sa una at ikalawang taon, tungong P50 sa ikatlong taon. Wala pa ring pinagbago sa tugon ng management.

Minarapat naming balikan ang dati naming CBA para sa taong 2020-2023. Sa pinakahuling negosasyon, muli naming ibinaba ang aming kahilingang dagdag sahod upang tapatan na lamang ang nakapaloob na dagdag sahod sa dating CBA: P12 sa unang taon, P24 sa ikalawang taon, at P36 na ikatlong taon. Hanggang sa huling pagkakataon, pambabarat ang sagot ng management, na nag-counter-offer ng P14 sa unang taon, P10 sa ikalawang taon, at P8 sa ikatlong taon.

Nais naming iparating sa Top Management ng LBC ang labis naming pagkadismaya sa nangyayaring negosasayon. Hindi namin ginagawang araw ang gabi sa kakatrabaho para lamang pagkasyahin ang barya-barya. Sinagad na naming mga manggagawa ang aming pang-unawa. Nagaalimpuyo kami sa hinagpis ng patong-patong na krisis na pinapalala ng paninigas ng management. Lumipas na lamang ang pitong buwan na hindi gumagana ang pakikiusap. Ngayon, kami ay naniningil, nananawagan, at naghahain ng aming NOTICE TO STRIKE!

Hindi katanggap-tanggap ang baryang P32 na dagdag sahod bilang tugon sa aming hiling na dagdag P72. At mas lalong hindi katanggap-tanggap ang patuloy na pag-deploy ng LBC ng mga kontraktwal na manggagawa mula sa manpower agencies bilang taktika sa pagwasak ng unyon at pag-iwas sa direktang obligasyon sa mga manggagawa. Kung sa pamamagitan lang din ng WELGA mapagwawagian ng manggagawa ang makatarungang dagdag sahod, handa kaming lumaban at makipagtunggali para sa trabahong may dignidad.

Sabi ng management, nalulugi na raw ang kompanya, kaya hindi raw nito kayang paunlakan ang dagdag sahod na hinihiling ng mga manggagawa.

Mali. Malulugi ang kompanya kung walang manggagawang magbibigay ng lakas paggawa!

LBC, HARI NG PAGBARAT!
CBA, HUWAG BARATIN!
DAGDAG SAHOD, IBIGAY NA!

-- Mga Manggagawa ng LBC Express MM

17/05/2026

WELGA ANG SAGOT SA PAMBABARAT SA SAHOD!

14 BILYON KITA VS. 14 PISO DAGDAG SAHOD?

๐Ÿ’ฐ Ayon sa mismong anunsyo ng LBC Express, kumita ang buong kompanya ng P14 bilyong piso nitong taong 2025.

โ€ผ๏ธ Ngunit sa kasalukuyang negosasyon, naglalaro lamang sa P8-14 kada taon ang handang ibigay ng management na dagdag sahod sa mga manggagawa.

๐Ÿ—ฃ Sampal ito sa mukha para sa mga manggagawang humiling ng P100 na dagdag sahod kada taon, na silang nagbawas na nga ng kanilang kahilingan tungong P90 kada taon, P40-50 kada taon, hanggang P12-36 kada taon.

๐Ÿชง Nilalantad ng pambabarat ng LBC management ang pananamantala sa ilalim ng kapitalismo. Hanggang sa huling pagkakataon, sisipsipin ng mga parasitikong kapitalista ang kita na namunga sa produksyon ng manggagawa. Kaya ang manggagawang pinagkakaitan ng bunga ng produksyon ay mapipilitang kumilos at lumaban para makatamasa nito, nang nakakapit-bisig kasama ang kanyang kapwa manggagawa.

LBC Express Inc, HARI NG PAGBARAT!
CBA, HUWAG BARATIN!
P72 PATAAS NA DAGDAG SAHOD, IBIGAY NA!

05/05/2026

โ€œShe was happy with what she did and we cannot stop her from doing something that gives her happiness. We have to respect that."

Photos 04/05/2026

TINGNAN l Binigyang pugay kahapon, Mayo 3, sina Errol Wendel at Maureen Keil Santuyo, kabilang sa mga biktima ng karumaldumal na pamamaslang sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 19. Nagsama-sama ang mga tanggol-magsasaka, manggagawang pangkultura, kaibigan at pamilya sa pag-alala sa dalawa. Kinilala sina Wendel at Santuyo hindi lang bilang mga mahuhusay na organisador, kundi bilang mga matatapang na naglingkod sa masang magbubukid. Sa kabila ng hirap at panganib, mas pinili nila na paglingkuran ang mga magsasaka, mangingisda at manggagawa. ๐Ÿ“ทMaruko Alfonso/Pinoy Weekly

Photos from Pinoy Weekly's post 04/05/2026
03/05/2026

Lets help our fellow warrior!โค๏ธ

Janica and her family are currently facing overwhelming medical expenses after her mother recently underwent a major operation where part of her breast had to be removed to save her life. Their current expenses have already reached nearly โ‚ฑ200,000, covering laboratory tests and hospital bills alone, while medications, chemotherapy, and radiology treatments are still ongoing.

As they continue navigating this difficult time, they are humbly asking for prayers, shares, or any amount of support to help ease the burden on their family and support her motherโ€™s recovery. Every act of kindness, no matter how small, means a lot.

For her Gcash
09394757755 - Janice L. Bugaing

For her Bank (BPI)
4439069568 - Janice L. Bugaing

03/05/2026

๐“๐€๐€๐’-๐Š๐€๐Œ๐€๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐๐€๐‘๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐Œ๐€๐”! ๐‡๐”๐’๐“๐ˆ๐’๐˜๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐๐„๐†๐‘๐Ž๐’ ๐Ÿ๐Ÿ—!

"Alam mo ba na yung pagiging hopeless sa buhay ay 'di lang peti b na tendency. Maski basic sector natin tulad ng mga magsasaka, kapag baon na baon na sila sa utang, iniisip na lang nila na sana hindi na magising kinabukasan.

Kaya napakahalaga ng pag oorganisa sa kanila at mapakita na meron pa palang magagawa. Puwede pala silang magkaisa at pawiin yung mapagsamantalang sistema ng usura. Pwede pala silang lumaya, at palayain ang sambayanan.

๐™†๐™–๐™ฎ๐™–, ๐™ฉ๐™ช๐™ฌ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ง๐™–๐™ง๐™–๐™ข๐™™๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ข๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™œ ๐™ž๐™ž๐™จ๐™– ๐™ ๐™–, ๐™จ๐™ช๐™ข๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ ๐™จ๐™– ๐™ ๐™ค๐™ก๐™š๐™ ๐™ฉ๐™ž๐™—, ๐™ก๐™–๐™ก๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™œ ๐™ค๐™ง๐™œ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™–, ๐™™๐™–๐™๐™ž๐™ก ๐™ข๐™–๐™ง๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™–๐™™ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™– ๐™ข๐™–๐™—๐™–๐™—๐™–๐™œ๐™ค. "

- ๐™ˆ๐™–๐™ช๐™ง๐™š๐™š๐™ฃ ๐™†๐™š๐™ž๐™ก ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™ช๐™ฎ๐™ค, Bayani ng Sambayanan

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pasay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Pasay