Sulong Pandi

Sulong Pandi

Share

Sama-sama tayo sa pagSULONG ng PANDI
Tungo sa isang BAGONG PANDI na WALANG ITINATANGI

#LingkodNaTotoo
#SulongPandieรฑo

LABAN PARA SA BAYAN

โ™ฅ๏ธ๐Ÿคโ™ฅ๏ธ๐Ÿค

Photos from Vice- Mayor Engr. Cris Castro's post 16/06/2026
16/06/2026

Magandang araw po sa ating lahat lalo na po sa ating minamahal na mga kababayan,

Nais ko pong gamitin ang pag pagkakataong ito, upang ipahayag ang aking paninindigan hinggil sa planong pag utang ng ating Bayan ng 500 Million piso.

Batid po nating lahat na mahalaga ang kaunlaran at mga proyektong makatutulong sa ating mamamayan kabilang ang naka planong proyekto ang โ‚ฑ220 Million para sa Bagong Palengke,
โ‚ฑ160 Million para sa Bagong Munisipyo (Phase 3), โ‚ฑ60 Million para sa Park at Parking ng Bagong Munisipyo, โ‚ฑ60 Million para sa Rehabilitation ng Infirmary Hospital.

Subalit bilang halal na kinatawan ng mamamayan tungkulin ko pong tiyakin na ang bawat desisyon ay naaayon sa tunay na pangangailangan at kakayahan ng ating bayan. Hindi po ako tutol sa pag unlad, ngunit nais ko pong maging maingat tayo sa pag pasok sa napakalaking pagkaka utang na maaring mag dulot ng mabigat na pananagutan sa susunod ng mga taon.

Ang โ‚ฑ500 milliong utang ay hindi maliit na halaga, ito ay obligasyong babayaran ng bayan at ng ating mga mamamayan sa pamamagitan ng gobyerno at buwis ng taong bayan, nararapat lamang po na magkaron ng masusing pag aaral at malinaw na konsultasyon, at buong transparency bago ito aprubahan.

Marami pong pangunahing pangagailangan ang ating Bayan - edukasyon, kabuhayan, mga sirang daan, kaligtasan ng mamamyan lumalalang droga at ipinagbabwal na bisyo, at higit sa lahat ang ospital na hiling ng ating mga kababayan, dapat po nating timbangin kung ito ang tamang panahon upang mangutang ng ganitong kalaking halaga.

Bilang konsehal, ako po ay naninindigan para sa responsible, maingat na pamamahala para sa pondo ng bayan, ang bawat piso ng bayan ay dapat gamitin ng tama, malinaw at may pananagutan.

Sa huli ang aking pag tutol ay hindi laban sa progreso, subalit ang aking pananaw ay hindi pa napapanahon na tayo ay mangutang sa mga nasabing proyekto, ang nais ko po ay para sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga mamamayan.

Maraming salamat po, at Mabuhay ang Bayan ng Pandi.

01/06/2026

๐Ÿ“ข MAGANDANG ARAW MGA KA-PANDIEร‘O!
Sang-ayon po ba kayo na umutang ang ating Pamahalaang Bayan ng โ‚ฑ500 Million para sa mga sumusunod na proyekto?

๐Ÿข โ‚ฑ220 Million โ€“ Pagpapatayo ng Bagong Palengke

๐Ÿ›๏ธ โ‚ฑ160 Million โ€“ Pagpapagawa ng Munisipyo (Phase 3)

๐Ÿš—๐ŸŒณ โ‚ฑ60 Million โ€“ Parking Area at Park ng Bagong Munisipyo

๐Ÿฅ โ‚ฑ60 Million โ€“ Rehabilitation ng Infirmary Hospital

๐Ÿ’ฐ Kabuuang Halaga: โ‚ฑ500 Milyon

Mahalagang malaman ang saloobin ng bawat Pandieรฑo tungkol sa planong ito.

๐Ÿ‘‡ Ano ang inyong opinyon?

๐Ÿ“ Comment down below at ibahagi ang inyong pananaw.

29/05/2026

Happy Birthday Konsehal Jonjon Antonio! ๐ŸŽ‰

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—๐—ผ๐—ป๐—ท๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ป๐˜๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ผ!
Sa araw na ito, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pagbati at pasasalamat sa iyong patuloy na paglilingkod sa ating mga kababayan. Nawaโ€™y pagpalain ka pa ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas ng pangangatawan, at marami pang taon upang maipagpatuloy ang iyong magandang adhikain para sa ating bayan.

Maraming salamat sa iyong dedikasyon, pakikipagtulungan at malasakit sa ating mga Ka-Pandieรฑo.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pandi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Pandi, Bulacan
Pandi
3014