Marianne
✅For Collaboration
📩 [email protected]
❣️ENTERTAINER❣️
(Dancer,singer, Pwede din sa comedy😁)
13/06/2026
Continuation of our story
Part 3
Kabanata 3
Buong akala ni Ariya nang makarating siya sa kanyang bahay ay tuluyan na itong makahinga ng maluwag dahil akala nito ay umalis na nang tuluyan ang estrangherong bigla nalang sumulpot sa buhay niya. Pero mas lalo pa palang lumalala ang mga pangyayari na tila nahihirapan na siyang paalisin ang taong iyon.
Kaarawan pala ng kapitbahay niyang si Mia nung araw na iyon,saktong nagdeliver naman si Ariya ng kanyang mga orders sa kanyang nga kliyente. Kaya nama ay sinamantala iyon ng estranghero para tuluyang manatili sa pamamahay ni Ariya.
Nagp**ilala lang naman itong asawa ni Ariya sa mga taga isla, kaya mas lalo tuloy nag ngingit sa galit ang dalaga, at nagpanggap pa talaga itong lasing para lang lalong mas magmukhang kapani paniwala ang kanyang mga palabas.
"Grabe! Sobrang k*pal talaga! Huy ikaw dahil di ka naman talaga lasing! Linisin mo yang kalat mo at jan ka matulog sa bangko! At wag na wag kang magkamaling pasukin ako sa kwarto ko! Kung gusto mo pang abutin ka ng umaga! " Ang galit na wika ni Ariya sa lalake habang nakangite lang ito na tila ba nang aasar.
"Hindi ko alam kung anung binabalak mo! O kung anu ba talagang sadya mo sa akin! Para pestehin mo ang pananahimik ko dito! Okay,Sige pagbibigyan kita ngayong gabi! Pero bukas parang awa mo na, kung maari umalis kana, gusto ko ng tahimik na buhay, kung prank lang to or kung ano man please wag ako,nakikiusap ako! " Ang p**iusap ng dalaga na may halong inis sabay tinalikuran nito ang estranghero.
Kinaumagahan ay agad nagulantang nalang si Ariya na pasok na sa silid nito ang sikat ng araw, tanghali na siyang nagising. Sobra kasi iting napuyat dahil sa inis niya sa lalakeng iyon.Nagmamadali itong naghilamos at nag bihis dahil may kailangan pa itong puntahan sa araw na iyon.
Paglabas nito sa kanyang silid ay agad niyang napansin ang tila pagbabago ng ayos ng kanyang mga gamit, naging mas organize ito at halos napaka kintab ng kanyang mga kawayang upuan at sahig. In short napakalinis ng buong bahay, agad naman itong nagulat ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran.
" Ay anak ng kabayo! Anu ba! Kabute kaba! Bigla bigla ka nalang sumulpot! Saka bat andito kapa??" Ang inis na turuan ng dalaga.
" You're awake, breakfast is ready " Ang simpleng usap nito,na agad naman nakakunot ang noo ng dalaga.
" Teka nga lalang din kaba talaga nakaka-intindi?!tsaka sinong may sabi sayong pwede mong p**ialaman ang mga gamit ko! At lalo na ang kusina ko! " Ang pagtataray ni Ariya.
" It's too dusty, too dirty! I almost seen spider man!and I didn't take anything of your things! I cooked because I know you cannot! " Ang wika ng estranghero na tila nagliyab sa galit ang dalaga.
" Abay yabang nito! Bi-busy ako kaya di ako makapag linis at FYI Marunong akong magluto! Pwede ba! Umalis ka nalang! Diko kailangan ng katulong dito! Ayaw ko sayo! " Ang diin na wika ni Ariya at hindi sumagot ang lalake bagkus ito ay lumabas, kaya agad namang hinabol ni Ariya.
" Ikaw! Talagang napaka walang modo! Ugali mo na talaga yang tumatalikod habang nagsasalita ako! Kainis?Hindi pa ako tapos! Huy! " Ang habol nito sa lalake.
"Uulitin ko!hindi ko kailangan ng katulong! Hindi rin ako mayaman, kaya wala kang mapapala sa akin! Kaya kung pwede lang umalis kana, madami jang ibang bahay mas maganda pa dun ka nalang! Di yung makipagsiksikan ka dito sa pamamahay ko! " Ang p**iusap ng dalaga sa lalake
"I told you, this is my home! " Ang maturidad nitong wika, na halos sumigaw na sa galit si Ariya.
" Eh g*gu ka pala talaga eh! Paanu magiging sayo yan? Ad*k kaba? Anu ba kasing problema mo?? Anu bang meron jan sa bahay ko pilit mong inaangkin! Nakakaloka kana ah! " Ang galit na galit na wika ng dalaga.
" Look, just give me 2 months just only two months and I'll be gone after that,and as I promise I'll pay you, just name your price, anything you ask I will give it to you, just bear me on this, please.." Ang p**iusap ng lalake kay Ariya.
"Bakit ba kasi ako? Bakit ba kailangan sa bahay ko pa?! " Ang tanong ng dalaga.
" You will understand soon, but for now, you don't have any choice, lalo na't tayo ang pinagtitinginan ng mga kapitbahay mo ngayon. " Ang wika ng lalake na tinuro ang mga taong nakatingin sa kanila na agad itong inilagay ang kanyang kamay sa baywang ng dalaga.
Agad naman napalingon si Ariya sa binata at nag aapoy ang tingin nito, tatangalin na sana ni Ariya ang kamay na nakapulupot sa beywang niya ng agad niyang nakita sina Mia na naka kaway sa kanila.
" Hay! Kainis! Pwede ba alisin mo yang mga kamay mo! Kundi pakukuluan ko yan! " Ang bulong nito sa lalake.Ngumiti lang ang lalake at kumaway din ito kina Mia.
" Gusto mo bang iisipin nilang easy to get ka, na nagpapasok ka lang ng kung sino sinong lalake sa bahay mo?hayaan mong isipin nilang mag asawa tayo." Ang bulong ng nito
" bw*cit ka talaga! " Ang gigil na wika ni Ariya.
" Look, I'm not a bad person! I understand you're feelings,but I have my reasons, I'm sorry kung nadamay ka but after two months like I said I'll be gone and you will never see me again. " Ang wika ng lalake na halos nakapikit nalang si Ariya sa sobrang inis at galit dahil wala na din naman siyang magawa dahil alam ng mga ka isla niya ay asawa niya iyong estranghero na iyon.
" Lumayo ka nga! Nagtatagalog ka pala! Pinahirapan mo pa akong unawain yang mga sinasabi mo! At bakit ba kailangan pang asawa ang p**ilala mo sa kanila ha?" Ang iretableng tanong ni Ariya.
"Anu bang gusto mo tatay? You know what you didn't even realize how lucky you are to have a good looking husband like me" Ang pang aasar ng lalake sa dalaga.
" Ang k*pal! Huy! Di man lang lumawag ang garter ng un**es ko sa pagmumukha mo! Sige gusto mong tumira dito,okay! Total paladedisyon ka! pwes gagawa ako ng rules, at dapat mong sundin iyon! " Ang mauturidad na wika ng dalaga.
" It's fine with me" Ang simpleng sagot nito.
" Una, titira ka lang sa bahay ko! We are far from close friend, kaya kanya kanya tayo! Wag mong p**ialaman ang buhay ko at ganun din ako sayo! " Ang wika ng dalaga.
" Pangalawa, wag na wag mo akong pagnasaan dahil ililib* ng talaga kitang buhay!-"agad naputol ang sasabihin ng dalaga ng bigla nalang nagsalita ang lalake.
" Oh please, you're not even my type!" Ang wika nito.
" Alam mo may kakapalan talaga yang pagmumukha mo noh! Grabe! Ah basta wag mo akong p**ialaman! At sumunod ka sa usapan!2 buwan lang ah, 2 buwan lang! ngayon pa langSumasakit ng ulo ko sayo! Paanu pa kaya dalawang buwan! " Ang inis na inis na wika ng dalaga
" Paanong di sasakit! Puro hotdog kinakain mo!" ang bulong ng lalake.
" Anung sabi mo?! Huy narinig ko yun ah! Atsaka wag mong p**ialaman ang kusina ko!! Para namang marunong ka magluto! "Ang asar na tugon ng dalaga. Na agad kang tumitig ang lalake sa kanya at biglang naglahad nito ng kamay.
" Im, Lucas " Ang pagp**ilala ng lalake na agad namang umirap si Ariya.
" Oh eh Anu ngayon? Wala akong p**i sa pangalan mo! Wag kang masyadong pormal! Di ako natutuwa sayo! Inipit mo lang ako sa kasinungalingan mo! kaya pumayag akong nandito ka! After two months sigurahin mong mawala kana sa paningin ko!" Ang galit na wika ng dalaga at pumasok na ito sa loob.
Agad namang nakuha ng atensyon ni Ariya ang mga pagkain na nakahin sa mesa.
" Wow, paborito ko to lahat ah " Ang pamimilog ng mga mata nito, agad itong sumilip sa may pinto at nakitang wala pa si Lucas ay agad itong umupo at halos pinag kakain lahat ng nasa lamesa.
" Take it easy, wala kang kaagaw" Ang pang aasar ng binata sa dalaga. Na agad naman itong napayuko, dahil punong puno ang kanyang bibig na tila ba gutom na gutom ito.
"Tinikman ko lang! Hindi naman pala masarap! ' ang wika ng dalaga at tumayo na ito sabay alis, nanakbo papunta sa kanyang flower garden.
" Tinikman mo lang? Eh halos wala na ngang natira! " Ang pang aasar ng binata sa dalaga at umiiling iling lang ito.
Nais tulungan ni Lucas si Ariya sa mga gawain nito para kahit papanu ay makabawi din ito sa pagpatira nito sa kanya,ngunit agad naman itong natigilan ang binata sa kanyang nakita ng sundan niya ito sa flower garden.
***Anu kaya ang nakita ni Lucas?nu kay talga ang pakay ni Lucas kay Ariya? ***
Sana po ay p**iabangan mo ang next chapters 😁
MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA🙏🙏
GODBLESS EVERYONE 🙏
Mahal pa rin kita ❤
Thank you for requested lodi Wilcornick Nagac
Dr Jones ❤
12/06/2026
Never compared yourself to other's
You're beautiful in a very unique way❤
12/06/2026
Yung pinag handaan mo talaga ang PTA
12/06/2026
Part 2 (Ang karugtong)
Kabanata 2
Halos hindi alam ni Ariya ang gagawin nung sandaling bigla nalang natumba ang estranghero sa harapan niya, Nais niya sanang huminge ng tulong ngunit minabute nalang niyang agapan ito sa pamamagitang ng first aid, at ayaw nitong machismis.
Baka anya ay gutom lang ito o baka hula niya ay parang may deperensya sa utak ang estranghero'ng iyon, kaya kahit man siya ay naiinis dito umiiral pa din ang kabutihan ng kanyang kalooban.
Nagluto ng pagkain si Ariya at inihain ito sa mesa, at pagkatapos hinayaan niya nalang muna ang estranghero na magpahinga sa kanayang sofa na gawa sa kawayan. At nagdesisyon na ang dalagang ayusin ang mga halaman dahil meron itong tatapusin ng mga orders.
Habang abala si Ariya sa kanyang pag aayos sa halaman ay bigla nalang niyang naiisip kung sino kaya talaga ang estranghero'ng iyon, dahil dipa niya ito nakita kahit ni minsan, ibig sabihin lang ay hindi iyon taga roon.
"Pero, bakit ganun siya? Bigla nalang siyang pumasok sa aking bahay? Talaga kayang magnanakaw ang taong iyon? " Ang wika nito sa kanyang sarili.
Lumipas ang ilang oras ay bigla namang nagulat si Ariya ng bigla nalang sumulpot ang estranghero sa kanyang likuran, at tumikhim ito.
" Ehem.. " Ang baritonong pagtikhim nito
"Ay anak ng kabayo! Anu kaba! Pabigla bigla ka jan! Magkakasakit ako sa puso sayo eh! " Ang iretableng wika ni Ariya sa estranghero.
"Nagsasalita ka pala! Oh' mukha kanang maayos pwede kanang umalis! " Ang wika nito sa estranghero habang deretso itong naka tingin dito.
" Oh eh anu,anung tinitingin tingin mo jan,?!pipi ulit? Alam mo, hindi ako mayaman, kung gusto mo akong holdapin o nakawan, wala kang mapapala sa akin! Kaya utang na loob bumalik kana sa pinanggalingan mo! " Ang diin na wika ni Ariya.
Tumingin lang ang estranghero sa kanya ng walang ka emo emosyon at nagsalita " I'm home... " Ang maikling wika nito, ngunit tila kulog iyon sa pandinig ni Ariya.
" Anu?? Anung sabi mo? Wag ka ngang patawa! Anung im home sina sabi mo jan! Bahay ko yan kaya paanu naging sayo yan? Pwede ba! " Ang naiinis na namang wika ni Ariya.
" I will pay you! Just let me stay! " Ang wika nito.
" Pay?? Mukha ba akong nag papaupa? Mukha bang boarding haus yang bahay ko? nakakal*ka kana ah! Alam mo, hindi na talaga ako natutuwa sayo! Malaki kanang abala sa akin! Kaya pwede ba kung mameste ka lang naman dun kana sa iba! Wag akong pestehin mo! Wala akong panahon sa mga kalokohan mo! " Ang irap na wika ni Ariya at tumingin ang estranghero sa kanya ng deretso at dahan dahan itong lumapit sa mukha ng dalaga na agad naman itong napaatras.
" It's not up to you! Whether you like it or not! I'm staying! I'm not even asking for your permission!" Ang mauturidad nitong wika.
" Anu ba! dun ka nga! Di ako binge! Dimu kailangang lumapit! At Huy lalake! Teka nga lang ikaw ba tlaga ay may problema sa utak ha? Nagdudr*ga kaba??Bahay ko to!Ako nagpagawa nito! Kaya natural na hihinge ka ng permiso sa akin kung dito mo gustong tumira! At kahit maglumpasay kapa jan ay hinding-hindi kita papayagang tumira jan sa bahay ko! Anu ka sinuswerte? Pwede ba umalis kana nga! " Ang galit na wika ni Ariya sa estranghero.
Tumingin lang ng walang ka emo emosyon ang estranghero sa dalaga at tinalikuran na ito.
" Aba'y talagang wala talagang modo tong g*gong to ah! Huy! Tandaan mo to ah! Hinding hindi ako papayag na titira ka sa pamamahay ko! Pa englis englis kapa! Pag balik ko siguraduhin mong diko na makikita yang pagmumukha mo! Kundi pat*y ka talaga sa akin!! " Ang sigaw ni Ariya habang papalayo ang estranghero.
" Anu daw? Bahay niya to?? Nasisiraan na talaga ang lalakeng yun! Kaloka ah! Hay ewan! ma deliver na nga muna tong mga halaman ko! " Ang wika ng dalaga sa sarili.
Mabilis kumilos ang dalaga at nadeliver niya agad ang mga orders ng mga suki nito, Medyo mag hahating gabi na nga itong nakauwe dahil medyo may kalayuan ang mga bahay ng kanyang mga suki.
Nang dumating siya sa bahay agad itong nasiyahan ng makitang wala ng tao sa kanyang bahay, umalis na sa wakas ang estranghero.
" mabute naman at lumayas na ang bw*cit na yun, akala ko'y ipipilit niya talaga ang sarili niya dito sa bahay ko! At bute nalang wala ding nakakakita sa kanya dito sa bahay kundi pagtsi- tsismisan lang ako ng mga marites kong kapitbahay. " Ang natutuwang wika ng dalaga.
Kasalukuyan nang naka higa si Ariya ng biglang may tumawag sa kanya sa labas, pamilyar ang boses nung babae kaya agad niya itong pinagbuksan, pero ganun nalang ang gulat ni Ariya ng nakita niya ang mag asawang Lance at Mia na may akay akay na lalake tila ito'y lasing.
"uy Ariya, ikaw ah may asawa kana pala dimu man lang sinabi sa amin wala-" Ang nabiting sasabihin ni Mia ng bigla itong putulin ni Ariya.
" Asawa? Ako? May asawa? " Ang inis na tanong nito.
"Hay naku, ito naman nahihiya pa ihh! Okay lang yan maski dipa kasal! Wala ng isyu yan sa panahon ngayon. " Ang ngiting wika ni Mia, at sobrang nagulat naman si Ariya sa kanyang mga narinig.
" Teka, teka Mia nagkaka- " Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin nang bigla nalang sum*ka ang estranghero at sakto iyon sa pajamas niya.
" Hay naku! Anu ba! Kainis! "Ang sigaw ni Ariya sa estranghero na panay pa din ang pagduduw*l nito sa kanyang damit.
" Ay naku Ariya, ikaw na bahala jan sa asawa mo! Madami pa kaming bisita asikasuhin sa bahay, wala ka kasi kanina kaya siya nalang sinama namin sa bahay, ang sabi niya asawa mo siya,o sige na tuloy na kami asikasuhin mo na yang asawa mo apaka hina palang uminom niyan, saka mabait siya Ariya Kaya swerte ka jan. " Ang mahabang wika ni Mia at niyaya na nito si Lance umalis.
Halos sasabog sa galit si Ariya sa mga sandaling iyon,gusto niyang sapak!n ang estranghero gusto niyang ibaong buhay, pero wala din naman na siyang nagawa!
Tatayu na sana ang dalaga ng bigla itong hinwakan ng lalake sa palapulsuan.
" I told you, it's not up to you!" Ang ngiseng wika nito na agad nagpagalit ng husto sa dalaga!
" Ibig mong sabihin pakana mong lahat ng to?! Nabab*liw kana talaga!!! " Ang galit na wika ng dalaga at iniwanan niya ito dahil wala na talaga siyang masabi sa taong yun!
"Kainis talaga! Swerte? Ako? Asawa? Ihh wala ngang ginawa tong g*gong to kundi pahirapan at pasakitin ang ulo ko! Haay naku! Bukas humanda ka talaga sa aakinNaku Lord kung di lang kasalanan kumit!l ng buhay! " Ang inis na turan ng dalaga habang nagbibihis ito dahil sa baho ng kanyang damit.
***Anu kaya talaga ang pakay ng estrangherong yun kay Ariya? Anu nga kaya ang magiging papel nito sa buhay ng dalaga? ***
Abangan po
Sugar baby
11/06/2026
Happy independence day❤
Forevers not enough
Thank you for requesting sissy
Hugutera522 sana magustuhan mo
11/06/2026
Ito na ang karugtong😁
Kabanata 1
Maraming pangarap si Ariya sa buhay, pero lahat tinalikuran niya iyon dahil sa isang masakit na pangyayari sa kanyang nakaraan na nais nitong makalimutan.Mas pinili niyang lumayo nalang at mamuhay ng tahimik.
Sa isang isla niya napiling tumira, malapit sa dagat.Nagpatayo siya ng munting kubo para sa kanyang tirahan at nagtatanim tanim din ito para sa kanyang pang araw araw na hanap buhay.
Masaya si Ariya sa buhay na napili niya at p**iramdam niya ay unti unti na din niyang natutunang kalimutan ang mga masasakit na pangyayari sa kanyang buhay.
Isang umaga, nagising si Ariya ng punong puno ng pag asa, p**iramdam niya ay may magandang mangyayari sa kanya sa araw na iyon, Kaya agad itong nagpalit at nanakbo papuntang karagatan, masayang masaya itong nagtampisaw
sa tubig, hanggat sa di kalaunan ay bigla itong natigilan ng may natanaw itong isang tao na p**iramdam niya ay nakatanaw ito sa kanya habang naliligo.
Agad agad itong umahon sa tubig at dali dali itong nilapitan ang estranghero at mataray niya itong tinanong.
"Huy lalake! Sinong may sabi sayong, pwede mo akong panuorin habang naliligo ha? Gusto mo
bang masaktan ha?! " Ang galit na turan ni Ariya sa estranghero, ngunit tila wala itong narinig,
na mas lalong nag pagalit ng husto sa dalaga.
" Anu binge bingehan? Huy alam ko na yang mga gan'yan style! Kunyari inosente pero many*k naman talaga! " Ang dagdag pa nito sabay irap.
Bigla naman napatingin ang estranghero sa dalaga ng walang ka emo emosyon.
"Anu? Sumagot ka! Akala mo makaisa ka sa akin! Pwes nagkakamali ka! Halika sumama ka sa akin ipapabarangay kita! Ng makita mong hinahanap mo! " Ang galit na turan nito at tinignan lang si Ariya ng lalake at bigla na itong tinalikuran.
"Aba! Ay talagang hindi ka lang m*ny*k! May pag ka bast*s ka din anoh! Huy! Anu ba! " Ang sigaw ani Ariya habang nakikita nitong papalayo ang lalake.
Ngunit mas lalo lang nag init ang bunbunan ng dalaga nang makita niya itong nagtungo sa kanyang tirahan.Mabilis nanakbo ang dalaga at hinabol nito ang estranghero.
"Huy! Teka!! Huy anu ba! Bahay ko yan! Bakit ka ba nanjan? " Ang galit na galit niyang tanong.
Mabilis niyang hinawakan sa palapulsuhan ang estranghero at akmang kaladkarin niya na ito palabas ay agad itong tumingin sa kanya ng walang ka emo emosyon at hinaklit ang mga kamay ni Ariya na nakahahawak sa kanyang braso.
" Aba'y! Hindi kana nakontento! Binusuh*n mo na nga ako! Tapos ngayon mag aakyat bahay kapa?! Ay talagang napaka k*p@l naman talaga ng pagmumukha mo! Lumabas kana na nga! Kundi ipapabarangay na talaga kita!" Ang galit na turan ni Ariya. Pero parang wala pa din itong narinig at naglakad pa din ito papasok at tila tinitingnan ang bawat sulok ng bahay.
" Diyos ko Lord! Sino ba tong taong to! Huy, Abn*mal kaba?! Dika ba nakakaintindi ng tagalog? Dika naman mukhang foreigner! Pwede ba! lumayas kana dito! Hindi na talaga ako natutuwa sayo! Lumayas kana,Kundi tatawag na talaga ako ng barangay! " Ang inis na inis wika ni Ariya habang nakasunod lang sa estranghero na panay ang titig sa mga kasangkapan sa buong bahay.
" Huy! Wala kang mananakaw dito! Di ako mayaman! Kaya kung pwede nakikiusap ako! Umalis kana! Parang awa mo na! " Ang galit na p**iusap ng dalaga,Ngunit parang wla pa din itong narinig at bigla nalang itong natumba at nawalan ng m*lay.
"Halah ka! Huy anung modus yan ah! Gumising ka nga! Gising! Anu ba! Di papasa sa akin ang style mong yan! Anu ba! Gising!hay naku paanu ba to! Kainis talaga! " Ang inis na inis na turan ng dalaga na tila may halong pag aalala na ito,inis man siya sa estranghero ngunit parang napuna niya na totoo talagang nawalan ito ng malay.
*Anu kayang nangyari sa estrangherong yun? At sino kaya ang lalakeng iyon?
Abangan ang kasunod😁😁
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Pagsanjan
4008