Blue Note

Blue Note

Share

Librong Naglalaman Ng Mensaheng kwento ng iba't ibang buhay 😁

30/12/2022

paalam dalawang libot dalawangput dalawa 💪

ilang araw na lang guys at tuluyan na magpapaalam ang taon dalawang libot dalawangput dalawa.
salamat sa lahat kahit na medyo mabigat ang yung pinadama at iiwanang ala ala sa amin.
ang iba ay sumuko na sa bigat, ang iba'y nawalan ng pag asa sa dami ng kanilang pinagdaanan.
saludo ako sa mga taong sinubok ng panahon, hindi hinayaang malumbok at mabaon.
ngayon sabay sabay nating salubungin ang dalawang libot dalawangput tatlong taon.
alam kung marami pa tayung pagdadaanan pero sinubok na tayo ng napakaraming panahon.
ngayon sasalubungin natin ito ng mas matatag kaysa noon kaya saludo ako sa mga taong hanggang ngayon
hindi sumusuko sa pagsubok ng panahon 🫡





💪

29/12/2022

madungis sa inyong paningin, madalas nyo rin pandirian,
husgahan, ayun sa inyong mga nakikita sa akin.
lagi rin akong makikita sa daanan, wala rin naman
akong matawag na tahaanan o bobong na masilungan,
pamilyang mauwian, ako ay kanilang iniwan.
na dapat ay aking masasandalan, ngunit ngayon
sila ay nasaan, naghahanap ng kasagutan
sa daanan na nagsilbi ng munti kung tahanan,
di ko alam sinu aking dapat sisihin, di ko rin naman
ito ginusto, ang laging tanung sa aking isipan...
bakit ako naging ganito !!

29/12/2022

paano kumawala, sa ganitong sestema na di nyo alam
ang aking pinagdadaanan, sa apat na pader na madilim,
mga bulong, na ayaw akung lubayan, kahit anu aking gawin.
di makahinga, sa gabing tanging unan aking sandalan,
luha, na kayang pumuno ng timba, na pwedeng ipandilig
mga salitang, ako lang din naman yung nakakarinig.
wala akong ibang masumbungan, nakakabalisa na rin,
di ko na alam, hanggang kailan ko to, kakayanin.
tanging nais ko lang , makawala sa ganitong sestema
hanggang sa huli akin tong sasambitin, patawarin mo ako aking AMA sa aking gagawin !! ⚰️

27/12/2022

bakit ganun !!
balik baliktarin ko man ang ikot ng mundo
ganun at ganun parin ang takbo ng buhay ko
nangangapa sa dilim, habang nakapikit aking mga mata
nagdarasal ng taimtim habang humakbang aking mga paa.
tulad nyo rin akong may pangarap nais abutin,
walang darating na swerte kung di ko sasamahan ,
ng sipag at tyaga, tiwala sa taas habang humihiling
naghihintay ng pagkakataon sakin ay dumating
sa gitna ng dilim ng aking nilakaran, sana ito'y aking malagpasan.🙏

16/12/2022

nanay, tatay gusto kupo ng KAPE,
ate, kuya lahat po ng gusto ko ay susundin nyo.. haaahh !
sige MAGSISIPAG ako, iisantambi ko na muna mga PANGARAP ko, kayo na muna uunahin ko, di ko na muna iisipin SARILI ko.
lahat ng SASABIHIN nyo ay SUSUNDIN ko, kayo na lang kasi ang natitirang meron ako at hindi ko ipagpapalit kahit kanino.
pero bakit ganito, ako na lang lagi ang nakikita nyo
p**i usap tama naman na po ITAY,
medyo sawa na rin ako sa sermon ni INAY !
nakakapagod din pala ang maging BREADWINNER ng pamilyang ito ! 😔

15/12/2022

naka upo, sa upuang mamahalin,
habang humihimas sa tyan,
nakangiti, ang kanilang bulsa'y busog na rin.. Huh !
habang tayo nagbabanat ng buto, hala sige kayud
kahit anu papasukin bastat pamilya maitaguyod.
pero bakit ganun pa rin o kulang na kulang parin
kahit anung gawing sipag wala parin kinakapus parin.
nakadismaya, di ka rin naman pwedeng magreklamo
sa inyong amo, na binabayad sa iyo na sentimo.
sa liit ng kita mo, nakakawan ka pa, at sila pa ang magagalit sayo..

13/12/2022

wala akong mararating yan ang sabi ng iba, huh !
kaya pinilit kung ihakbang aking mga paa.
dirediretsyo lang kahit marami ang pumupuna,
sasagad ko to kahit walang tulung ng iba.
alam kung hindi to ganun kadali
pero sige bahala na at ako'y magbabakasakali
dahil sa huli alam kung ako at ako lang din naman
ang magtutulak sa aking likuran
upang maabot yung sinasabi nilang hindi ko kayang
abutin . huh !💪

03/12/2022

Tandaan
na ang buhay ay hindi PAHABAAN,
PABILISAN o PALAYUAN.
sumabay ka, sa agos at magpatangay
ibat iba man ang kwento o kulay
ng ating mga buhay
isa lang ating kahahantungan
gaanu man kalayo ang yung nilakaran
dahil sa huli lagi natin tong tandaan
wala tayong matatangap na PABAON
sa kabilang daigdig na ating patutunguhan.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Olongapo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Forestry
Olongapo
2200