Team RARA

Team RARA

Share

Resolusyong Aasahan Rektang Aksyon para sa Kabataan

Photos from Team RARA's post 28/10/2023

Taos pusong nagpapasalamat ang Team REY at Team RARA sa mga taong nakasama namin magcampaign simula unang araw hanggang huling araw at sa mga tao na mula sa BRGY. Binuangan. At sa mga tumulong at sumuporta sa amin. Maraming Salamat po mula Purok 1 hanggang Purok 6. At ngayon pa lang ay nagapasalamat na kami sa inyo lahat. Maraming Salamat po ulit at God Bless po sa ating bawat isa.

Kaya wag po natin kalimutan sa darating na halalan ay ating iboto ang Team REY at Team RARA.

Photos from Team RARA's post 27/10/2023

TEAM R.A.R.A PLATFORMS

💛 Resolusyong Aasahan Rektang Aksyon para sa kabataan 💛

Bilang isang kandidato, hindi lamang po pakikisama sa kapwa natin ang dapat nating pag-igihin. Kasabay ng magandang pakikisama sa kapwa, nariyan din ang kongkretong plano at malinaw na plataporma na kinakailangan nating tunay na mabigyan ng pansin. Dahil dito, mas makikilala po natin ang mga kabataan na may tunay at totoong hangarin sa kanilang paglaban. Kami po mga SK KAGAWAD ng Team R.A.R.A, ay taas noo na ipinagmamalaki ang ilan sa aming mga proyektong inihanda para sa ating barangay Binuangan.

Bagama't alam po nating limitado ang pondo ng SK, hindi po magiging imposible na magawa natin ang lahat ng ito, kung maaari ay madagdagan pa kung atin pong pagsasama-samahan lahat para sa iisang hangarin natin na pa-ingayin at buhayin muli ang mga kabataan sa ating lugar.

Nawa po'y mabigyan natin ng kaunting oras at panahon upang tingnan ang aming ilan sa plataporma, mula po sa TEAM R.A.R.A MARAMING MARAMING SALAMAT PO! 🙌🏽💛✨

.A.R.A

Photos from Team RARA's post 25/10/2023

💛 TEAM RARA 💛
Resolusyong Aasahan Rektang Aksyon para sa kabataan

Ang tunay na PAGLILINGKOD ay laging may kasamang MALASAKIT kung saan ito ay may sangkap na pagmamahal na nagmumula sa pusong may malinis na hangarin. Tahimik man ang pagkatao ngunit mulat ang mga mata, bukas ang tainga at malambot ang puso sa karaingan ng iba, lalo na sa kapwa kabataan na sinasabing siyang "PAG-ASA NG BAYAN."

Maaaring hindi kami madalas makita at masilayan sa mga kasiyahang pangkabataan, ngunit kami'y nakamasid lamang sa malayo at nakamatyag upang ang mga namalas na magagandang bagay ay ipagpatuloy pa, at punan naman ang mga napansing kakulangan.

Kaya atin na kilalanin pa ang mga SK KAGAWAD ASPIRANT na mula sa Team RARA na may PAGMAMAHAL, MALASAKIT, at PANGARAP para sa Barangay Binuangan.

Eugene "GOYONG" Silverio
Jaf Raeven "JAF" Rivera
Rica Andrea "IKAY" Gutierrez
Rada Belle "RADA" Timbang
Charsie "CHA" Delos Reyes
Paul Jake "JEK" Mendoza

Photos from Team RARA's post 24/10/2023

Amin pong ipinapakilala ang aming SK Kagawad Aspirant na sina

Eugene "Goyong" Silverio
Paul Jake "Jek" Mendoza
Rica Andrea "Ikay" Gutierrez
Rada Belle "Rada" Timbang
Jaf Raeven "Jaf" Rivera
Charsie "Cha" Delos Reyes

Photos from Team RARA's post 30/08/2023

3x3 Basketball Tournament 🏀🏀🏀

AWARDING 🏆🏆🏆

Ang bawat isa o manglalaro ay may kanyang-kanya galing kaya ingatan ang talento o galing na meron tayo. Maraming Salamat po sa mga nakiisa, sumuporta, sa tumulong ganun din sa mga nagsponsor. 💛

Photos from Team RARA's post 30/08/2023

3x3 Basketball Tournament 🏀🏀🏀

PART II

Ang bawat isa o manglalaro ay may kanyang-kanya galing kaya ingatan ang talento o galing na meron tayo. Maraming Salamat po sa mga nakiisa, sumuporta, sa tumulong ganun din sa mga nagsponsor. 💛

Photos from Team RARA's post 30/08/2023

3x3 Basketball Tournament 🏀🏀🏀

PART I

Ang bawat isa o manglalaro ay may kanyang-kanya galing kaya ingatan ang talento o galing na meron tayo. Maraming Salamat po sa mga nakiisa, sumuporta, sa tumulong ganun din sa mga nagsponsor. 💛

Photos from Team RARA's post 30/08/2023

Half Court Shooting and 3 Points Shooting 🏀🏀🏀

Congrats sa mga nanalo sa ating Half Court Shooting and 3 points Shooting. Maraming salamat sa Team REY, Team RARA at sa mga tumulong, nakiisa at sa mga sponsor. 💛

Want your organization to be the top-listed Government Service in Obando?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Binuangan
Obando
3021