MUNICIPALITY OF NOVELETA

MUNICIPALITY OF NOVELETA

Share

𝐓𝐡𝐞 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐅𝐀𝐂𝐄𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐏𝐀𝐆𝐄 𝐨𝐟 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐋𝐄𝐓𝐀,
"𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢" The Official page of Local Government Unit (LGU) of Noveleta.

Photos from MUNICIPALITY OF NOVELETA's post 24/10/2025

𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝐍𝐎𝐕𝐄𝐋𝐄𝐓𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐂𝐄𝐌𝐄𝐓𝐄𝐑𝐘

𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒.

1. Pasamantalang isasara sa publiko ang Noveleta Public Cemetery (papuntang MRF) sa 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟴 𝗮𝘁 𝟮𝟵 upang bigyang daan ang paglalagay ng aspalto sa sementeryo.

2. Simula 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟬 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮, ipagbabawal ang lahat ng uri ng sasakyan sa loob ng ating sementeryo.

3. Ang paglilinis sa ating mga sementeryo ay hanggang 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟭 (𝗙𝗿𝗶𝗱𝗮𝘆) lamang.

4. Ipinagbabawal sa loob ng mga sementeryo simula 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟭 ang mga sumusunod:

𝗮) Pagdadala ng lahat ng uri ng patalim o matutulis na bagay (kutsilyo at gunting)

𝗯) Mga inuming nakakalasing (alak)

𝗰) Baraha o anumang gamit pagsusugal

𝗱) Anumang uri ng bagay na makakalikha ng ingay (speaker)

May mga nakatayong 𝗽𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗵𝗲𝗹𝗽 𝗱𝗲𝘀𝗸 𝗮𝘁 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗯𝗼𝗼𝘁𝗵 sa harapan ng ating mga sementeryo.

Ang ating Pamahalaang Bayan ng Noveleta ay umaasa na makikiisa ang lahat upang maging ligtas at mapayapa ang paggunita ng UNDAS. #𝐃𝐂𝐩𝐥𝐢𝐧𝐚𝐝𝐨𝐀𝐤𝐨

Maraming salamat po.

𝐈💚𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚

24/10/2025

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓
𝐆𝐀𝐑𝐁𝐀𝐆𝐄 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘

Ang huling hakot ng ating mga basura ay sa October 27, Lunes.

Pansamantalang walang hakot ng basura sa buong Bayan ng Noveleta simula October 28 hanggang November 2, 2025, upang bigyang daan ang pag-aaspalto sa ating sementeryo at sa paggunita ng UNDAS.

Magbabalik ang normal na operasyon ng ating hakot sa November 3, 2025.

Ang pamahalaang bayan ay nakikiusap sa publiko na huwag muna maglalabas ng basura sa mga nasabing araw upang mapanatili ang kalinisan sa ating mga kalsada ngayong darating na UNDAS.

Inaasahan ang pakikiisa ng lahat upang patuloy na mapanatiling maayos at malinis ang ating kapaligiran.

Maraming salamat po!

𝐈💚𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚

24/10/2025

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍, 𝐒𝐀𝐍 𝐑𝐀𝐅𝐀𝐄𝐋 𝐀𝐑𝐊𝐀𝐍𝐆𝐇𝐄𝐋!
Barangay San Rafael

Pagbati mula kina:
Mayor Davey Reyes Chua at Mayor Vice Dino Chua

𝐈💚𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚

Photos from MUNICIPALITY OF NOVELETA's post 24/10/2025

𝐄𝐀𝐑𝐓𝐇𝐐𝐔𝐀𝐊𝐄 𝐏𝐑𝐄𝐏𝐀𝐑𝐄𝐃𝐍𝐄𝐒𝐒:
𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐁𝐔𝐈𝐋𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐒𝐏𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍

Nitong nakaraang dalawang araw bilang pagtugon sa ating Punong Bayan, Mayor Davey Reyes Chua ay nagsagawa ng inspeksyon ang Pamahalaang Bayan ng Noveleta sa pangunguna ng Municipal Admin Office kasama ang mga engineer mula sa Department of Public Works and Highways o (DPWH).

Nagsagawa ng asssessment ang mga kawani ng DPWH sa ating mga school buildings upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa kung sakaling makaranas tayo ng malakas na lindol.

Base sa inisyal na pagtataya, ligtas naman ang mga school buldings maliban na lamang sa mga sirang kisame at bubong ng ilang gusali.

Maglalabas ng tayo ng comprehensive summary report sa isinagawang inspeksyon sa mga susunod na araw.

𝐈💚𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚

Photos from MUNICIPALITY OF NOVELETA's post 23/10/2025

𝐌𝐀𝐅 - 𝐒𝐀𝐍 𝐑𝐀𝐅𝐀𝐄𝐋 𝟒

Ngayong araw ay sinuyod ng Mayor's Auxiliary Force (MAF) ang Long Beach sa Barangay San Rafael IV.

Paalala sa ating mga kababayan, panatilihin ang kalinisan ng ating kapaligiran.

Ipakita ang bayanihan sa Bayan ng mga Bayani!


𝐈💚𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚

Photos from MUNICIPALITY OF NOVELETA's post 23/10/2025

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐀𝐊 𝐒𝐀 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐋𝐄𝐓𝐀 𝐌𝐄𝐃𝐂𝐀𝐑𝐄 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑!

Baby Girl Silangcruz
Baby 168
October 22, 2025 at 11:46AM

LIBRE LAHAT

- Ultrasound
- Gamot ni mommy (antibiotic at para sa kirot)
- Vitamins ni Mommy
- Family Planning pagkapanganak (implant, etc.)
- Bakuna ni baby
- Gamot ni baby (kung nakadumi na si baby sa loob ng sinapupunan)
- Laboratory tests ni mommy bago madischarge kung kailangan (Hal. CBC)
- Laboratory tests ni baby kung kailangan
- Hearing test

MAHALAGANG PAALALA:

Kung may PhilHealth ay 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄 din ang Newborn Screening at Newborn Kit (baby clothes, diapers, mittens, booties, bonnet, blanket, alcohol, soap, etc.)

Magtungo lamang sa Noveleta Medcare Center para sa iba pang detalye. Ito ay PHILHEALTH ACCREDITED at OPEN 24/7.

Serbisyong handog ng ating Punong Bayan, Mayor Davey Reyes Chua at Mayor Vice Dino Chua!

𝐈💚𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚

Photos from MUNICIPALITY OF NOVELETA's post 22/10/2025

𝐌𝐀𝐅 - 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐋𝐄𝐓𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐂𝐄𝐌𝐄𝐓𝐄𝐑𝐘 𝐃𝐚𝐲 𝟐

Ngayon ang ikalawang araw ng paglilinis ng Mayor's Auxiliary Force (MAF) sa Noveleta Public Cemetery bilang paghahanda sa nalalapit na UNDAS.

Paalala sa ating mga kababayan, panatilihin ang kalinisan ng ating kapaligiran.

Ipakita ang bayanihan sa Bayan ng mga Bayani!

𝐈💚𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚

21/10/2025

𝑴𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝑹𝒆𝒊𝒏𝒂 𝒅𝒆 𝑵𝒐𝒗𝒆𝒍𝒆𝒕𝒂!

Maligayang pagdating po sa ating iginagalang at mapaghimalang Birhen, 𝑵𝒖𝒆𝒔𝒕𝒓𝒂 𝑺𝒆𝒏̃𝒐𝒓𝒂 𝒅𝒆 𝒍𝒂 𝑷𝒂𝒛 𝒚 𝑩𝒖𝒆𝒏 𝑽𝒊𝒂𝒋𝒆, 𝐑𝐞𝐢𝐧𝐚 𝐝𝐞 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚 sa ating Munisipyo.

Ngayong araw din po ang pagbubukas ng "𝑩𝒊𝒓𝒉𝒆𝒏 𝒏𝒈 𝑯𝒊𝒎𝒂𝒍𝒂 𝑬𝒙𝒉𝒊𝒃𝒊𝒕" na magtatagal hanggang November 3. Dito ay ilalarawan ang maka-inang pagkalinga ni Nanay Paz sa ating Bayan ng Noveleta.

𝐈💚𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚

Photos from MUNICIPALITY OF NOVELETA's post 21/10/2025

𝐍𝐀𝐍𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐙: 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍 𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐌𝐀𝐋𝐀 𝐄𝐗𝐇𝐈𝐁𝐈𝐓
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟏 - 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟓

Malugod na tinanggap ng ating Punong Bayan, Mayor Davey Reyes Chua ang pagdating ng iginagalang at mapaghimalang Birhen, 𝑵𝒖𝒆𝒔𝒕𝒓𝒂 𝑺𝒆𝒏̃𝒐𝒓𝒂 𝒅𝒆 𝒍𝒂 𝑷𝒂𝒛 𝒚 𝑩𝒖𝒆𝒏 𝑽𝒊𝒂𝒋𝒆, 𝑹𝒆𝒊𝒏𝒂 𝒅𝒆 𝑵𝒐𝒗𝒆𝒍𝒆𝒕𝒂!

Kabasay nito ang pagbubukas ng "𝑩𝒊𝒓𝒉𝒆𝒏 𝒏𝒈 𝑯𝒊𝒎𝒂𝒍𝒂 𝑬𝒙𝒉𝒊𝒃𝒊𝒕" na magtatagal hanggang November 3. Dito ay ilalarawan ang maka-inang pagkalinga ni Nanay Paz sa Bayan ng Noveleta.

Sa mga nagnanais masilayan ang ating exhibit, magtungo lamang sa Municipal Hall Lobby, 8:00am - 5:00pm.

𝑴𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝑹𝒆𝒊𝒏𝒂 𝒅𝒆 𝑵𝒐𝒗𝒆𝒍𝒆𝒕𝒂!

𝐈💚𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚

Want your organization to be the top-listed Government Service in Noveleta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Poblacion
Noveleta
4105

Opening Hours

Monday 8am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 5pm