Laking Naic
Maligayang pagdating sa Laking Naic! π
Ang pahinang ito ay para sa lahat ng nagmamahal sa Naicβmga kwento, balita, at pagmamalaki ng ating bayan.
Sama-sama nating ipagmalaki ang pagiging Laking Naic! π
07/06/2026
Magandang balita ito. Ngunit mas maganda at makatotohanan kung ito ay ido-donate sa LGU. Dahil ika ni Mayor ay hangarin niyang ibigay ito sa mga taga-Naic pero gamit ang pera ng kanilang pamilya.
Dahil kung ito ay hindi madodonate at mananatiling pribado, natural may bayad ito ng renta kung gagamitin ng munisipyo. Mapagkakakitaan lang ito bilang venue ng sports sa Naic. Imbes na tulong ay dagdag bayad pa.
Ngunit dahil ika mabuti ang hangarin nawa ni Mayor, naniniwala kami na maidodonate niya ito sa Naic LGU. Posible kaya?
Local athletes are set to benefit from a major development as Naic Mayor Rommel Magbitang confirmed the upcoming construction of a sports oval in Barangay Malainen Bago.
The project is part of the local governmentβs initiative to further strengthen sports development in the municipality and provide better opportunities for young and aspiring athletes.
Mayor Magbitang said the facility will function as a modern venue for training sessions, athletic competitions, and various sports-related events, giving students and athletes a proper space to enhance their skills and performance.
Once completed, the sports oval is expected to serve as a key hub for grassroots sports development in Naic and help uncover and nurture local talent for future competitions.
24/05/2026
πππ πππ ππ πππ ππππππππ ππ ππππππ ππππ πππππ ππ πππππ?
Sa bawat administrasyon, napakahalagang malinaw at transparent ang paghawak sa pera ng bayan. Kaya hindi nakapagtataka na maraming mamamayan ngayon ang nagtatanong at nagdududa sa naging galaw ng pondo sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Magbitang.
Ayon sa mga datos na umiikot, noong Hulyo ay may naiwan pang humigit-kumulang β±13 milyon mula sa nakaraang administrasyon. Ito ay pampublikong inanusyo ni Mayor sa halos ilang linggo pa lamang niyang pagupo na 6 milyon na lang ang budget, bago manghingi ng additional 23M approval ng paggamit ng pondo sa Sangguniang Bayan dahil ika hindi talaga kaya ng naiwang pondo ng dating administrasyon kung saan kabilang siya. Binaggit niya ito sa kanyang speech sa flag raising.
Setyembre, naaprubahan ng Sanggunian ang β±23 milyon. Sa mga panahong ito pinoproseso na rin ng munisipyo ang Annual Budget para sa taong 2026 nang naka-live pa, kung saan may halos 87 Milyon ang pondo sa basura na inaprubahan din ng Sanggunian.
Ngunit ang kataka taka ay May 2026 pa lamang at nanghihingi nanaman ng approval para sa halos 23Milyon ulit na pondo ngunit walang pagbabago sa mala-payatas na basura or MRF sa Sabang. Matatandaan din na dahil may viral video sa tiktok ang basura sa Friendship road, bigla itong pinalinis. At may multa na at pagkakakulong ito , ang tanong anong Ordinance ito kabilang? Maganda ito kung ito ay legal.
Sa video na naka-lagay sa baba, binanggit ni mayor ang HOCUS POCUS ng dating administration, ngunit hindi pinangalanan kung ano ito. Matatandaan natin na si Mayor Magbitang ay hindi bagong mukha sa munisipyo. Siya ang naging Top 1 Councilor ng nakaraang administrasyon. Ngunit kung alam ni Mayor na may hocus pocus, bakit hindi ito kasuhan? Dahil ba kasama siya sa hocus pocus?
Ayon sa ating nakaraang balita may hauler na kinuha ang munisipyo na hindi dumaan sa proseso ngunit sa ngayon wala pang update patungkol rito dahil ika ng ating insiders from Mayor's office, walang maipakitang kontrata ang Opisina ng Mayor, MENRO at ng BAC patungkol rito, kung kaya't iniimbestigahan pa ito ng komite ng Sangguniang Bayan, kung sino ang mananagot sa pagdami ng basura na nakakapekto sa mamamayang sa karatig lugar nito.
Kaya natural lamang na kwestyunin natin: Ano ba talaga ang nangyayari sa kaban ng bayan? Bakit tila mabilis maubos at pabago-bago ang pondo? Nasaan ang malinaw na paliwanag?
Nananawagan din tayo kay Mayor na kung alam niyang may hocus pocus dati pa, ay kasuhan niya ang mga ito, kung talagang may pakielam siya sa ating bayan. Dahil ang tunay na lider ay hindi lamang magaling magsalita kapag may issue β marunong din itong managot kapag ang bayan na mismo ang nagtatanong.
Mapapanood rito ang pahayag ni mayor:
https://www.facebook.com/reel/2348874582283014/?mibextid=ZZyLBr
07/05/2026
ππ ππππππ ππ, ππ-ππππππ ππ?
Mainit na balita galing sa ating insiders. Si Konsehal Atty. Ryan Flores ay sinasabing naga-abugado sa mga SK na kinasuhan dahil sa pag-request ng illegal Special Election noong Marso 24, 2026.
Ayon sa insider, nagpasa ulit sila ng sagot at motion para mai-admit ang sagot nila sa complainant at si Konsehal Flores daw ang mismong nagdraft nito bago ipinasa sa Sangguniang Bayan.
Mapapatunayan daw ito kung susuriin ang ipinasang dokumento at kaugnay nito ang mga mismong katanungan na sinabi niya noong magsimula ang hearing noong April 30. Dagdag pa niya patuloy na pinupwersa ng kampo nila Atty Flores na ma-admit ang kanilang sagot kahit na late ito at kahit nabigyan sila ng 15 days para sumagot at hindi nagcomply ang mga SK. Dagdag pa niya sinadyang burahin ang mga pangalan sa kanilang dokumento nang malaman nilang may isang nagsabi ng totoo at bumaliktad, bagay na nabanggit sa report ng komite noong ika 41st regular session.
Ika niya nagreklamo pa sa mismong hearing si Atty Flores na hindi daw niya sinusuportahan ang Order of Default sa mga akusadong SK bagay na pinawalang bisa ni Konsehal Cesar dahil hindi raq siya nag-object noong ireport ito ng komite.
Ani ng insider na may patunay siya at balak niyang ilabas ito sa susunod na hearing.
ANO NGA BA ANG SINASABI NG BATAS DITO? PWEDE BA ITO?
Ayon sa batas maaaring i-disqualify ang mapapatunayang hindi impartial sa imbestigasyon at jung ikaw ay abugado ito ay tahasang paglabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability ng mga abugado at sinumpaang tungkulin bilang konsehal.
Isa rin itong ethical violation kung saan dapat ang husgado ay hindi pwedeng maging counsel ng sinumang nasasakdal sa kaso.
Bagamat wala pang nilalabas na patunay ang insider, nararapat lang na ito mabigyang pansin ng konseho.
Dito mapapanood ang sentimento sa kanyang di pagobject:
https://www.facebook.com/share/v/1E4PSfmVVC/
Sana all, NAIC when???
06/05/2026
πππππ ππππππ πππ ππ πππ ππππππ πππ?
Ramdam niyo ba ang Localized Social Pension ngayon?
Ayon sa live session ng Sanguniang Bayan noong Lunes, may karagdagang 18M ang hinihingi na pondo para sa Local Social Pension. Nagtaka ika ang mga konsehal at nagmistulang sabong ang pagtatalo dahil sa di matukoy na kakulangan ng pondo ng Local Pension. Ayon sa komite, 16,000 ika ang bilang ng seniors sa naic pero dahil 2,000 ay kabilang sa nabibigyan ng national, hindi na nila ito sinasali kaya naman 14,000 ang kanilang binibigyan ng 1,000 na ayon ika nila sa Budget sa taong 2026 at one time payment lamang.
Kung ito ay ating susumahin, sosobra ng apat na milyon ang request ng munisipyo dahil papatak na 14M lang ito. Ngunit hindi pa rito natatapos dahil wala namang listahan ang naipresenta sa konseho kung sino ang nabigyan at hindi pa nabibigyan.
Ayon naman sa mga komento ng taumbayan sa Local Pension, pinipili ikaw ang makakatanggap at hindi lahat ay nabibigyan.
Saan ba talaga ginagamit ang mga pondong hinihingi ng LGU? Bakit marami ang nagagagalit. NASAAN ANG RESIBO ika ng ating mga kababayan.
Dito mapapanood ang buong detalye:
https://www.facebook.com/share/v/1E4PSfmVVC/
06/05/2026
πππ ππππππ πππππ ππ ππππππ πππππππ?
"Ilang milyong pondo pa ba ang kailangan?"
"Hanggang ngayon hindi parin kami nahahakutan"
"Umaalingasaw na sa kabahayan namin!"
Ito ang daing ng mga naicqueno sa balitang magdadagdag nanaman ng 23 Milyon sa pondo ng basura sa MRF Sabang na hindi naman nagbabago ang sitwasyon. Nasa litrato ang kasalukuyang estado ng basura sa Sabang.
Ayon sa regular session ng Sangguniang Bayan kamakailan, pinagusapan ng konseho ang pondo nito at agad naman binira ang pagkakaroon nanaman ng request na halos 23 milyon para sa basura sa kabila ng mga pondong ibinigay noong 2025 na 23 milyon din at ang pondo ng 2026. Ayon sa komite, ayon sa executive Assistant ni Mayor na si Melisa Dumalag, kulang na kulang daw ang pondo na ito, ngunit wala namang naipakitang dokumento kung paano ginasta ang pera na para sa basura.
"Mala-payatas" ang itsura ng MRF Sabang na pinagtatapunan ng LGU at ginawa itong illegal dumpsite na hanggang ngayon ay hindi natutugunan. Dahil dyan minabuti ng konseho na hwag munang aprubahan ito sa plenaryo hanggang maipakita ang detalyadong resibo ng paggastos ng Milyong milyong pera na ni-request at kinuha sa kaban ng ating bayan. Dagdag pa rito ang tinatawag na "ECO CARE" na kinuhang hauler ng munisipyo na hindi dumaan sa proseso. Walang kontrata ang ipinresenta sa mga kinatawan kung kaya't palaisipan kung pano ito nangyari.
Hanggang kailan hihingi ng pondo tapos walang mangyayari? Saan nga ba dinadala ang pondo?
Dito mapapanood ang buong detalye:
https://www.facebook.com/share/v/1E4PSfmVVC/
01/05/2026
Sana nga...π€£π€£π€£
SPOTTED: Magkasama ang Mayor Rommel Magbitang at Vice Mayor Jacinta Remulla.
POV: Young guns ng Naic politicsβbagong henerasyon, bagong galaw. π₯Mas bata, mas matapang, mas determinadoβpara sa isang progresibong Naic sana. ππβ¨
Panahon na para isantabi ang pamumulitika at unahin ang tunay na serbisyo para sa bayan. Kapag nagkakaisa ang liderato, siguradong panalo ang mamamayan.
21/04/2026
ππππ-ππππ πππ πππππ πππππππππ: ππππππππ ππ ππππππππ πππ πππππ ππ ππππππππ!
Ngayong araw ay isinagawa ang payout para sa National Social Pension Payout saNaic Covered Court Town Plaza. Umani ng samu't saring sentimento ito sa mga reklamo at dulog ng ating kababayan na pinipili ika ng LGU ang bibigyan.
Kapansin pansin rin ang pagdalo ng Naic Mayor sa ayuda at batid ng mga tao na tila binabalewala ng Mayor ng Naic ang Anti-epal law na mahigpit na pinagbabawal ang pagdalo ng mga pulitiko lalong lalo na sa payout ng mga ahensya ng gobyerno. Kasunod nito ang mga layaway at mga balitang paggamit ng kanilang mukha sa lahat ng pinamimigay nito.
Ayon sa anti-epal law at provision ng GAA 2026, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdalo at gawing makinayra ang isang PAYOUT ng gobyerno para sa personal gain ng pulitiko. Nagmimistulang credit grabbing ito dahil hindi ito pondo ng pulitiko pero ginagamit sa mga pampublikong ayuda.
Bagay na ginagawang istratehiya di umano para sa kampanya. Sa kabilang banda umani rin ng parehong reaksyon ang mga tao ayon sa balita ni Cavite Updates ukol sa paglalagay naman ng mukha ng kapartido ni Mayor Rommel Magbitang na si Cong. Aniela Tolentino sa ipinamimigay na bigas nito sa kanilang bayan, na mapapansin rin na siya ring ipinamimigay ni Mayor Magbitang sa Naic at tinatawag niyang "Yorme's Rice" pero mukha rin ni Cong. Aniela ang nakabalandra.
Pakiwari bg nga tao at ipinagpapasawalang bahala ng magkapartidong ito ang Anti-epal law at ipinagsasawalang bahala ni Mayor Magbitang ang utos ng DSWD Chief ni REX Gatchalian ang pagbabawal na dumalo ang pulitiko sa mga payout ng ahensyang ito.
CTTO: Dito nakapubliko ang kanilang post..
https://www.facebook.com/share/p/1CDuc9vFWF/
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Naic