DepEd RXII Agriculture CES
Education This is the official FB Page of Agriculture Central ES.
27/03/2026
|| General PTA Assembly cm State of the School Address
Naging matagumpay ang idinaos na School Year-end General PTA Assembly cm State of the School Address na ginanap kaninang hapon, March 27, 2026 ganap na 1:00 sa Agriculture Central Elementary School na dinaluhan ng mga magulang at mga tagapag-alaga, opisyales ng PTA at Barangay,at mga g**o.
Lubos ang pasasalamat ni Ginang Florimeden Q. Costales , MTI- Itinalagang Namumuno ng Paaralan sa lahat ng dumalo. Laman ng kanyang SOSA ang taunang ulat ng paaralan sa mga natapos na mga proyekto, naisakatuparang programa, at mga napagtagumpayang mga aktibidad na sinalihan ng mga mag-aaral ng ACES, maging ang mga hamon na matagumpay na hinarap ng mga g**o at pamunuan ng paaralan kasama ang suporta ng SGC, PTA at BLGU at ng buong komunidad sa taong panuruan 2025-2026.
Kabilang sa highlights ng SOSA ni Maam Costales ang ang pagrepresenta ng ACES sa KALIVUNGAN festival Drum and Lyre Competition, Grand Slam Championship ng Grupong Agrihanon sa 2026 HALAD Festival Street Dancing at pagsali ng mga batang ACES sa mga patimpalak sa iba't ibang asignatura mula sa District level hanggang Regional level.
Nailahad din ang mga ibat ibang programa na nakapaloob sa Healthy Learning Institution Program sa pangunguna ni Maam Sahada K. Omar, District nurse. Kabilang sa kaniyang naipabatid sa mga magulang ang pagkakaroon ng Central Kitchen ng ACES sa darating na SY 2026-2027 na naglalayong maging sentro ng pagluluto ng mga pagkaing ipamamahagi sa mga batang recipients ng School-Based Feeding Program sa buong distrito ng Midsayap Southwest.
Nagpahayag din ng suporta ang BLGU ng Agriculture sa pamumuno ni Barangay Chairwoman Lory P. Claud sa paaralan tungo sa ikakaunlad ng mga pasilidad at kapakanan ng mga kabataan.
Kinilala din ng paaralan ang mahusay na pamumuno ng mga naihalal na mga opisyales ng PTA sa SY 2025-2026 sa pagbibigay ng Sertipiko ng Pagkilala sa kanilang serbisyo at patuloy na suporta sa paaralan.
Umuwing masaya ang mga magulang na dumalo lalo na sa mga maswerteng nakatanggap ng premyo mula sa raffle draw.
Hangad ng paaralan ang patuloy na suporta ng mga magulang at aktibong pakikilahok sa mga programa ng paaralan sa susunod na taong panuruan 2026-2027 para sa ikauunlad ng mga kabataan at sa buong komunidad.
12/03/2026
First Quarter NSED 2026
30/01/2026
18/01/2026
Halad Festival Champion!πβ¨
Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at naniwala sa amin sa Halad Festival. Despite sa mga trials na pinagdaanan ng grupo still nandiyan pa rin po kayo na sumuporta sa Agriculture CES.
Sa lahat ng mga magulang, stakeholders ,supporters thank you sa walang sawang suporta na ibinigay ninyo sa amin. at sa aming mga mag-aaral maraming salamat po at ibinigay ninyo ang inyong best perfomance.ππ
Sa aming trainor sir Gilbert,sir Kent,sir Alvin at sir Jimboy thank you so much po sa inyo sa walang sawang gabay,suporta at pagtuturo sa mga bata at sa aming musician sir Eugene and company maraming salamat po.
Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala po kayo. Maraming salamat po.π
Viva Pit SeΓ±or!
π·Ctto
17/12/2025
Agriculture Central ES Year End Partyπ
Together we celebrate, together we smile β sa Jollibee, bida ang saya! π
28/11/2025
Drum & Lyre Coronation 2025π₯π·
Celebrating our Drum & Lyre Royal Court with pride.β¨
22/11/2025
One beat, one world.
Let's step together,
And move as one.
ACES celebrating UNITED NATIONS DAY CUM 2ND QUARTER HONORS DAYππ΅ππ³οΈβπ
17/11/2025
Champion!πͺππ₯
Congratulations to our Athletic Boys & Girls Team during the Congressional Meet. Your hard work, determination, and discipline truly paid off!βππ
12/11/2025
Sinugba Festival 2025 Civic Paradeπ₯π·
Agriculture Central ES Drum & Lyre Corpsπ₯πΊ
06/11/2025
4th Quarter NSED 2025
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Agriculture
Midsayap
9410
Opening Hours
| Monday | 7am - 5pm |
| Tuesday | 7am - 5pm |
| Wednesday | 7am - 5pm |
| Thursday | 7am - 5pm |
| Friday | 7am - 5pm |