EarnSphere
TrueLife_Confession
📖 Tunay na kwento, tunay na damdamin
❤️ Love life • Buhay • Mga pagsubok
✍️ Kung may kwento ka, may makakaintindi rito
16/01/2026
Hindi lahat ng tahimik, okay.
May mga taong ngumiti na lang kasi pagod na magpaliwanag.
Kung isa ka sa kanila, naiintindihan kita.
08/01/2026
"MASARAP NA BAWAL"
--EPISODE 1 --
🧑🤝🧑 MGA TAUHAN SA
KWENTO
🔹 Daniel
– May asawa,
propesyonal
– Tahimik, responsable,
pero emotionally
empty
🔹 Maya
– Mas bata,malambing,
emotionally expressive
– Alam niyang bawal…
pero pinili pa rin
🔹 Anna
– Asawa ni Daniel
– Mabait, matiyaga,
pero may kutob
🔹 Lucas (NEW)
– Kaibigan ni Daniel
– Siya ang konsensya
at babala
🔹 Rina (NEW)
– Kaibigan ni Maya
– Siya ang nagtutulak…
at minsan nagbubukas
ng tukso
SIMULAN NA NATIN
ANG KWENTO..
"MASARAP NA BAWAL"
_____________________
EPISODE 1:
ANG HINDI DAPAT
NAGSIMULA
May mga kwento ng
pag-ibig na nagsisimula
sa ligaya.
Mayroon ding nagsisimula
sa pangarap.
Pero may mga pag-ibig na…
nagsisimula sa katahimikan.
Sa mga sandaling alam
mong mali—
pero pinili mong hindi
umiwas.
Tahimik ang hallway ng
isang pribadong ospital.
Amoy disinfectant.
Malamig ang ilaw.
At sa bawat hakbang
ni Daniel,
parang mas bumibigat ang
dibdib niya.
Hindi dahil sa pagod.
Hindi dahil sa trabaho.
Kundi dahil sa isang
pangalang pilit niyang
iniiwasan.
( Maya )
Isang pangalang hindi
dapat bumalik sa buhay
niya.
Anim na buwan na
siyang may asawa.
Anim na buwang sinusu
bukan niyang maging
mabuting lalaki.
Mabuting asawa.
Mabuting tao.
Pero may mga sugat na
hindi ginagamot ng kasal.
At si Maya…
siya ang sugat na iyon.
Nakahinto si Daniel sa
dulo ng hallway.
May babaeng nakatayo
sa may bintana.
Mahaba ang buhok.
Payat ang balikat.
Tahimik.
Hindi niya kailangang
makita ang mukha nito
para malaman kung
sino siya.
Ramdam niya agad.
“Hindi… siya ‘yon,”
bulong ng isip niya.
Pero lumingon ang
babae.
At sa isang iglap—
bumalik ang lahat.
Si Maya.
Mas matured.
Mas tahimik ang mga
mata.
Pero ganoon pa rin ang
titig—
parang may sinasabi
kahit walang sinasabi.
Nagkatinginan sila.
Walang salita.
Pero sapat ang ilang
segundo
para magising ang mga
alaalang inilibing na nila
pareho.
Maya (mahina):
“Daniel…”
Hindi niya alam kung
bakit parang mas masakit
marinig ang pangalan
niya mula sa labi ni Maya
kaysa sa sigaw.
Daniel Pov:
“Ikaw pala…”
Iyon lang ang nasabi
niya.
Ang dami niyang
gustong itanong.
Ang dami niyang
gustong sabihin.
Pero may isang bagay
na mas malakas—
Ang katotohanang
hindi na dapat ito
nangyayari.
Tahimik silang naglakad
palabas ng ospital.
Magkatabi, pero may
distansya.
Isang hakbang na
pagitan—
parang paalala na may
hangganan.
Hangganang alam
nilang pareho…
madaling lampasan.
Maya Pov:
“Hindi ko alam na dito
ka nagtatrabaho.”
Daniel Pov:
“Hindi ko rin alam na
babalik ka.”
Isang maikling
katahimikan.
Maya Pov:
“Akala ko… okay ka na.”
Tumango si Daniel.
Hindi niya alam kung
alin ang tinutukoy ni
Maya.
Ang buhay ba niya?
O ang puso niya?
Huminto sila sa may
parking area.
Tahimik ang paligid.
Gabi na.
At doon—
sa ilalim ng dilaw na
ilaw—
mas malinaw ang lahat.
Daniel Pov:
“May asawa na ako.”
Diretso. Walang paligoy.
Hindi umimik si Maya.
Pero bahagyang
nagbago ang mukha
niya.
Hindi galit.
Hindi rin gulat.
Parang alam na niya.
Maya Pov:
“Alam ko.”
Mas masakit iyon.
Daniel Pov:
“Maya… hindi na
dapat—”
Maya Pov:
“Hindi ako nandito
para guluhin ka.”
Tumingin siya sa mga
mata ni Daniel.
Maya Pov:
“Nandito lang ako…
kasi akala ko handa
na ako.”
Huminga siya nang
malalim.
Maya Pov:
“Pero mukhang hindi
pa rin.”
Gusto sanang
magsalita ni Daniel.
Gusto niyang sabihin
na umalis na siya.
Na tapos na.
Na mali ito.
Pero bakit hindi niya
magawa?
Bakit sa bawat salitang
gusto niyang bigkasin—
si Maya pa rin ang
laman ng isip niya?
Daniel Pov (mahina):
“Mas mabuti sigurong…
umiwas tayo.”
Ngumiti si Maya.
Isang ngiting pilit.
Maya Pov:
“Matagal na akong
umiwas.”
Isang hakbang ang
ginawa niya palapit.
Hindi sadya.
Pero ramdam agad ni
Daniel ang init.
Maya Pov:
“Pero may mga tao
talagang… kahit anong
layo mo,
hinahanap pa rin ng
puso.”
Hindi siya hinawakan.
Hindi siya nilapitan
nang todo.
Pero sapat ang
distansyang iyon
para guluhin ang
katahimikan ni Daniel.
Biglang tumunog ang
cellphone niya.
Pangalan sa
screen: ANNA.
Ang asawa niya.
Daniel Pov:
“Kailangan ko nang
umalis.”
Tumango si Maya.
Maya Pov:
“Oo. Dapat lang.”
Tumalikod si Daniel.
Isang hakbang.
Dalawa.
Pero huminto siya.
Daniel Pov:
“Maya…”
Lumingon ito.
Danie Povl:
“Pasensya na.”
Ngumiti si Maya.
Isang ngiting may
lungkot at pag-unawa.
Maya Pov:
“Hindi ka humingi ng
paumanhin noong una.”
At sa mga salitang iyon—
naalala ni Daniel kung
paano nagsimula ang
lahat.
Kung paano sila
unang nagkamali.
Habang naglalakad
palayo si Daniel,
alam niyang may
binuksan silang muli.
Isang pintong matagal
nang isinara.
At sa sandaling iyon—
alam niyang hindi ito
basta pagkikita lang.
Ito ang simula ng
isang kwentong
masarap… pero bawal.
END OF EPISODE 1
EPISODE 2: Next Na
“Kapag ang pag-ibig ay
dumating sa maling oras…
may lakas ka bang umiwas,
o pipiliin mo ang sarap
kahit may kapalit?”
23/12/2025
🐬 DOLPHIN ANATOMY | A Visual Guide to the Intelligent Ocean Dweller 🌊
Dive into the fascinating world of marine biology with this 3D paper-craft dolphin anatomy infographic, designed in a stunning origami and paper-cut style. This educational poster features a layered, handcrafted dolphin centerpiece, highlighting its streamlined body, curved dorsal fin, elongated rostrum (beak), pectoral flippers, and powerful tail flukes.
Set against a soft ocean blue and aqua textured background, the design is enriched with marine scrapbook elements like waves, coral, paper bubbles, seashell cutouts, seaweed, and decorative washi tape borders. Each anatomical feature is clearly explained using paper tab callouts, making it both visually engaging and easy to understand.
👇Look comments section for full image PROMPT 👇
✨ What makes this infographic special?
✔️ Origami-inspired layered paper design
✔️ Clear anatomical labels: Melon (forehead), Blowhole, Dorsal Fin, Pectoral Flippers, Streamlined Body & Tail Flukes
✔️ Realistic paper shadows with soft studio lighting
✔️ Top-down macro photography for immersive 3D depth
✔️ High-definition resolution with crisp, professional edges
Perfect for students, teachers, marine life enthusiasts, educators, classrooms, and science content creators who love learning through art.
24/10/2025
Monetize Smarter, Not Harder
"Most creators are still leaving THOUSANDS on the table because they don't know the full potential of AI tools and smart strategy in content monetization. 🤯
You need to know where the money truly is. Forget just 'views'—it’s about activating 7 different payment streams Facebook and other platforms offer. And #4 is criminally underused!
Here’s your Monetization Blueprint to activate them all.
1. Stop Wasting Time: Use AI SmartHub tools for content creation (scripting, video ideas, graphic design) to free up 80% of your production time. 🚀
2. Focus on Value: The most profitable content solves a specific problem. What problem can your new AI knowledge solve for others?
3. Activate All 7: Do you have Stars, Ads-on-Reels, In-Stream Ads, Subscriptions, and Bonus Programs set up? If not, you're losing money daily.
4. The Secret Weapon (High-Engagement AI): Use AI-driven personalization to tailor your content and ads to micro-audiences. This boosts engagement (and therefore payments) instantly. This is where the REAL money is.
What's the #1 monetization tool you use in 2025? Tell us below! 👇
What's the #1 monetization tool you use in 2025? Tell us below! 👇
"
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Purok 3 Magatas
Dumaguete City
6201