Ang Daluyan
VOX DISCIPULA, DIURNARIA HONESTA
Ang Opisyal na Pahayagan ng Paaralang Sentral ng Kanlurang Meycauayan
18/06/2026
๐๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐
๐๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ญ ๐ข๐ต ๐จ๐ถ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ช๐ช๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ฆ๐ข๐ณ๐ต๐ฉ๐ฒ๐ถ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐ฅ๐ณ๐ช๐ญ๐ญ ๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ฐ๐ญ ๐ข๐ต ๐ช๐ฃ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ณ๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐บ๐ข.
Balita nina: Athea Borondia at Jasmin Sofocado
Matagumpay na isinagawa ng Meycauayan West Central Integrated School (MWCIS), katuwang ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) Meycauayan Rescue, ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Hunyo 18, 2026, ganap na alas-9 ng umaga, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan ng komunidad ng paaralan sa panahon ng sakuna.
Pinangunahan nina G. Jerick Q. De Guzman at Dr. Edgar Allan R. Calora ang naturang aktibidad, katuwang ang mga g**o at kawani ng paaralan upang matiyak ang maayos, maayos, at ligtas na pagsasagawa ng drill.
Sa unang warning signal, nanatili sa loob ng mga silid-aralan ang mga mag-aaral at g**o upang isagawa ang wastong โDuck, Cover, and Holdโ procedure. Pagsapit ng ikalawang signal, maayos na lumikas ang mga mag-aaral mula sa Elementarya hanggang sa AM shift ng Junior High School, kabilang ang mga nasa Grade 8 at Grade 10, sa gabay ng kanilang mga g**o.
Matapos ang paglikas, nagtungo ang mga mag-aaral at g**o sa field ng paaralan na nagsilbing evacuation area ng MWCIS. Dito isinagawa ang mga susunod na bahagi ng drill dahil mas ligtas ang lugar at malayo sa mga gusali, puno, at iba pang estrukturang maaaring pagmulan ng debris sakaling magkaroon ng lindol.
Sinubaybayan at sinuri ang aktibidad ng mga kinatawan ng LDRRMO Meycauayan Rescue sa pangunguna ni Team Leader Rod Carlo Temblique. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga Mother Leaders ng St. Francis Gasak, mga kawani ng City Hall, at ilang miyembro ng Sangguniang Kabataan.
Sa kasagsagan ng drill, dalawang mag-aaral mula Grade 8 ang nakaranas ng pagkahilo dahil sa matinding init ng panahon. Agad silang nabigyan ng paunang lunas at kinakailangang atensiyong medikal ng mga g**o at miyembro ng rescue team.
Matapos ang aktibidad, nagsagawa ng ebalwasyon ang LDRRMO at mga g**o upang talakayin ang mga dapat pang pagbutihin sa pagpapatupad ng mga emergency procedure. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng palagiang pagdadala ng pito at Student ID upang mapadali ang pagkilala at pagtukoy sa mga mag-aaral sakaling magkaroon ng emerhensiya.
Sa kabuuan, naging maayos at organisado ang pagsasagawa ng NSED sa MWCIS. Sa tulong ng mga g**o, kawani ng paaralan, at mga katuwang na ahensiya, natiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa buong proseso ng drill. Layunin ng naturang aktibidad na higit pang palakasin ang kahandaan, disiplina, at kamalayan ng komunidad ng paaralan sa tamang pagtugon sa mga sakuna at emerhensiya.
๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐, ๐ฆ๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ข๐๐ข๐ง๐๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐
Isinagawa ang Brigada Eskwela 2026 mula Hunyo 1 hanggang 5 na may temang "Bayanihan sa lPaaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman." Bagama't sinalubong ng matinding pag-ulan ang unang araw ng programa, itinuloy at idinaos pa rin ng paaralan ang isang matagumpay na pagsasakatuparan ng mga bahagi ng gawain.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Zumbrigada 2026, isang energizer na pinangunahan ng mga piling mag-aaral at mga Zumba instructor. Nakiisa rito ang mga g**o, estudyante, at iba pang kalahok na nagbigay-buhay sa gawain sa pamamagitan ng masiglang sayawan at pakikilahok.
Kasunod nito ay ang pambungad na seremonya na pinangunahan ni Principal IV Edgar Allan R. Calora, PhD. Dumalo rin sa programa sina Kapitan Paul John P. Prodon ng Hulo, Kapitana Mary Grace T. Portento ng Poblacion, Kapitan Homer J. Evangelista ng St. Francis Gasak, SK Chairmain Jascel Floro ng St. Francis Gasak, SELG President Gio Guevarra at SSLG President Shane Carwin Zamora bilang pagpapakita ng suporta sa adhikain ng paaralan. Samantala, ang pangwakas na pananalita ay ipinahayag ni Teacher I at Brigada Eskwela Chairperson Sabreena A. Catacutan.
Noong Hunyo 3 naman, matagumpay na idinaos ang Volleyball Tournament na nilahukan ng walong koponan mula sa iba't ibang pangkat. Layunin ng aktibidad na palakasin ang pagkakaisa, kooperasyon, at aktibong pakikilahok ng mga kalahok bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Ipinamalas ng bawat koponan ang disiplina, pagtutulungan, at sportsmanship sa buong paligsahan.
Nagpatuloy rin ang paglilinis at pagsasaayos ng paaralan sa tulong ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at miyembro ng komunidad. Naging katuwang din ng paaralan ang mga TUPAD team sa pagpapatupad ng KPKK o Kalinisan sa Paaralan, Kaaya-ayang Kapaligiran upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagbubukas ng klase.
01/06/2026
๐๐๐ฌ๐ ๐: ๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ง๐ญ๐ซ๐๐ฅ ๐๐ง๐ญ๐๐ ๐ซ๐๐ญ๐๐ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐ ๐ฌ๐ ๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ โ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข๐ก๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง: ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ฒ๐ฎ๐ฌ๐๐ง ๐๐ญ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง.โ
Pinangunahan nina Punongg**o IV Dr. Egar Allan R. Calora at Gng. Sabrina A. Catacutan, Overall Chairperson, ang pagbubukas ng programa. Sa kabila ng maulang panahon, naging matagumpay ang pagsisimula ng Brigada Eskwela dahil sa pakikiisa ng mga g**o, magulang, at iba pang katuwang ng paaralan.
Ang Brigada Eskwela ay isasagawa hanggang Hunyo 5 bilang paghahanda sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026โ2027 sa Hunyo 8.
Mga larawan kuha ni Ykho M. Giron
30/05/2026
Enrollment, ano, tara?
Muling magbubukas ang MWCIS para sa pagpapatala ng mga mag-aaral para sa Taong Panuruan 2026โ2027. Inaanyayahan ang mga bagong mag-aaral, transferees, balik-aral, at mga magpapatuloy ng kanilang pag-aaral na makiisa sa enrollment na gaganapin sa Hunyo 1โ5, 2026.
Simulan ang panibagong taon ng pagkatuto, pagtuklas, at pag-abot ng mga pangarap. Kita-kits sa MWCIS! โจ
๐ข PAUNAWA
๐๐ READY NA BA?
Ang Enrollment para sa School Year 2026โ2027 ay magsisimula sa Hunyo 1โ5, 2026.
โฐ 8:00 ng umaga โ 5:00 ng hapon
๐
Lunes hanggang Biyernes
Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral, kasama ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga, na magpatala sa itinakdang petsa. Mangyaring tiyakin na kumpleto ang mga kinakailangang dokumento upang mapadali ang proseso ng enrollment.
Maraming salamat po.
15/05/2026
๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐๐ก๐๐ฌ๐
Ni: Althea Borondia
Sa ilang taong paglilingkod,
Araw gabing dala-dala ang pagod.
Ngunit nananatili siyang matatag,
At sa kahit ano maโy hindi nagpapatinag.
Pagkaโt alam niya ang kaniyang halaga,
Dahil pinaghihirapan niya ng lubusan ang mga bagay na nais makuha.
Papasok at magtuturo ng napaka-aga,
Pagtuturo sa mga mag-aaral ang nagpapasaya sa kanya.
Sa gabiโy nakaharap sa kompyuter
Upang gampanan ang pagiging dalubhasang School Paper Adviser.
Mga mag-aaral ay itinuturing niyang parang tunay na mga anak,
Dedikasyoโy di mabubuwag kahit luha maโy pumatak.
Ngunit hindi lahat ng kabanata sa buhay ay positibo,
Maraming beses na rin siyang muntikang sumuko.
Pero kahit tamaan pa man ng malalakas na bagyo,
Ay makikita pa rin natin siyang lumalaban at nakatayo.
Hindi mapapalitan ng sinuman,
Ang iyong pagmamahal na parang isang tunay na ina.
Ang pag-aalaga at pagdamay sa oras ng problema,
At pagsama sa laban kahit nahihirapan ka na.
Sa tatlumpuโt tatlong taon na ikaโy nabubuhay,
Narito kamiโt patuloy na umaalalay.
Nawaโy bigyan ka pa ng madaming lakas at pag asa,
At patuloy na magpakatatag sa kabila ng mga problema.
02/04/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐๐๐ฎ๐ป!
Kasabay ng pagtatapos ng taong panuruan 2025โ2026 ay ang pagsisimula ng panibagong yugto para sa mga mamamahayag ng Ang Daluyan na naglipat-antas noong ika-31 ng Marso 2026.
Isang matagumpay na taon ang ating pinagsaluhan. Baunin ninyo ang aming taos-pusong pasasalamat sa pagbabahagi ng inyong talino, talento, at oras sa pagsusulong ng tapat at makatotohanang pamamahayag.
Kaisa ninyo ang buong patnugutan sa pagdiriwang ng inyong tagumpay. Ikinararangal naming kayo ay naging bahagi ng pagbuo at paghubog ng ating pahayagan.
Patuloy na maging DALUYAN ng kahusayan at katotohanan, JourKnows! โจ
08/03/2026
NAILATHALA AT KINILALA NA!
Sa diwa ng ๐๐๐๐๐ at ๐๐๐๐๐ na ๐๐๐๐๐๐๐๐, buong lugod na isinasapubliko ng ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง ang ikaapat na elektronikong sipi ng pahayagan na kinilalang ๐๐๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐ ๐๐๐ฒ๐๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐งโ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐ฉ๐๐ซ ๐ข๐ง ๐๐๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐ฒ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ฌ๐ ๐ง๐๐ ๐๐๐๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐๐ง๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐๐จ๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ญ ๐๐จ๐ซ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ฌ.
Taglay ng bawat pahina ang diwa ng ๐ฝ๐ถ๐ฟ ๐ซ๐ฐ๐บ๐ช๐ฐ๐ท๐ผ๐ณ๐จ, ๐ซ๐ฐ๐ผ๐น๐ต๐จ๐น๐ฐ๐จ ๐ฏ๐ถ๐ต๐ฌ๐บ๐ป๐จ. Tapat na tinig ng mga mag-aaral ang laman ng bawat artikulo. Katotohanan ang puhunan at katapatan ang gabay. Iyan ang tatak ng Ang Daluyan.
Tuluyang nailathala ang mulat na isyung ito dahil sa husay ng mga mag-aaral at g**o sa pangunguna nina Punong Patnugot Jerbin T. Acosta, Kawaksing Patnugot Kylle A. Consad, Tagapamanihalang Patnugot Althea Jasmin Borondia, at Punong Taga-anyo G. Wendell M. Reyes, katuwang ang Tagapayo ng Pahayagan Bb. Iana Pauline G. Bulaong at ang mga patnugot sa ibaโt ibang seksyon.
Sa paggabay nina Punongg**o IV, Dr. Edgar Allan R. Calora at Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino Bb. Eliza Mae A. Evangelista, patuloy na dumadaloy ang tinig ng kabataang mamamahayag.
Handa nang basahin ang buong isyu. I-click lamang ang link na ito:
https://tinyurl.com/AngDaluyan2026
Ipagmalaki ang galing ng mga mamamahayag na Kanluranin sapagkat ang mga ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.
04/03/2026
๐๐ง๐ ๐ง๐๐๐๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐ค๐ข๐ญ!
Bilang patuloy na pagtindig para sa ๐ ๐๐๐๐ฌ๐ at ๐ ๐๐๐๐ง๐ข๐ง๐ข๐๐๐ก๐๐ก๐ pamamahayag, inihahandog ng ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง ang ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐ต๐ถ๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ฝ๐ถ na tampok ang mga ๐ถ๐๐๐๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐น๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป na tuwirang nakaaapekto sa mga mag-aaral.
Bawat pahina ay isinulat upang ๐บ๐ฎ๐ด๐บ๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป at maghatid ng ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ sa gitna ng mga umuusbong na ๐ธ๐ฎ๐ต๐๐๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐๐๐ป๐ฎ๐ฎ๐ป.
Ngayong ika-4 ng Marso 2026, halinaโt saksihan ang ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ผ ng ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐๐ธ๐ต๐ฎ ng ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง!
25/02/2026
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ญ๐ข ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ฐ๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ฌ๐๐ ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ฌ. ๐
๐ฅ๐ช๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐
Unang Puwesto โ Kylle A. Consad
Tagapagsanay: Bb. Romina S. Evangelista
DFOT Qualifier
๐ฅ๐ท๐๐ ๐ซ๐๐โ๐ท๐๐ ๐ธ๐๐๐
Unang Puwesto โ Nikki C. Zamudio
Tagapagsanay: Bb. Geline T. Fajardo
DFOT Qualifier
๐ฅ๐ซ๐๐๐๐๐พ๐๐๐๐
Unang Puwesto
Ykho M. Giron
Luvi G. Binamira
Tagapagsanay: Bb. Iana Pauline G. Bulaong
DFOT Qualifiers
๐ฅ๐ท๐๐๐๐บ๐๐๐๐
Unang Puwesto
Enrico Pascual
Gerardo Delfin Barretto
Tagapagsanay: G. Aljon B. Valenzuela
DFOT Qualifiers
๐ฅ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐
Ikalawang Puwesto โ Nazh Ivler Gonzales
Tagapagsanay: Gng. Monica Alison A. Luza
๐ฅ๐จ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐
Ikatlong Puwesto โ Kurt Laurence R. Villanueva
Tagapagsanay: Bb. Shiena May A. Carullo
๐ฅ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐
Ikatlong Puwestoโ Rhian Marie C. Pramoso
Tagapagsanay: Bb. Regene T. Torres
Ang inyong husay, talino, at talento ang patuloy na nagpapatingkad sa pangalan ng ating paaralan hindi lamang sa larangan ng pamamahayag bagkus maging sa sining.
Ang buong patnugutan ay lubos kayong ipinagmamalaki.๐๐๐
๐๐๐๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฒ๐๐ง ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐๐ง๐จ๐ฐ๐ฌ! โจ
12/02/2026
๐๐ข๐ ๐ข๐ญ๐๐ฅ ๐๐๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ , ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐
Balita nina: Althea Reileen Ragsac at Catherine Roberto.
Larawan kuha ni: Ccier Ian Ceriales
Isinagawa kahapon, ika-11 ng Pebrero 2026, ang ikalawang araw ng pagpapatuloy ng Project DIGMA o Dihital na Galaw ng mga Mamamahayag, na naglalayong palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa larangan ng digital journalism.
Tampok na tagapagsalita si G. Wendell M. Reyes, School ICT Coordinator at Head Layout Artist ng Ang Daluyan. Sa kaniyang talakayan, ibinahagi niya ang mahahalagang kaalaman sa Digital News Paper Layouting, kabilang ang wastong pag-aayos ng ulo ng balita, larawan, teksto, at paggamit ng angkop na disenyo upang maging malinaw, organisado, at kaaya-aya ang isang digital na pahayagan.
Matapos ang talakayan, isinagawa ang isang aplikasyon kung saan inatasan ang lahat ng kalahok na lumikha ng kani-kanilang sariling layout. Layunin nitong masukat ang kanilang pag-unawa at malikhaing kakayahan sa pagdidisenyo ng isang digital na pahayagan.
Sa pagtatapos ng programa, itinampok ang isang awarding session kung saan kinilala ang mga natatanging kalahok. Itinanghal na mga wagi sina Zander Pepanio, Kylle Consad, at Khloe Jade Caniete dahil sa kanilang kahusayan at malikhaing presentasyon ng layout.
Naging masigla at makabuluhan ang ikalawang araw ng Project DIGMA, lalo na sa awarding session na nagbigay inspirasyon sa mga batang mamamahayag na higit pang paghusayin ang kanilang kasanayan sa digital na pamamahayag.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
St. Francis, Gasak
Meycauayan
3020