RODEO Tabloid
RODEO Tabloid is a Local Newspaper circulated in the Province of Masbate since February 28, 2001 and now serving Online news.
06/03/2023
Atty. Marites A. Barrios-Taran, Bagong Hirang na Direktor Heneral ng KWF
(Ulat ni: John NiƱo B. Sorsogon)
Hinirang si Atty. Marites A. Barrios-Taran na bagong Direktor Heneral ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Si Atty. Barrios-Taran ay isang Certified Public Account (CPA) at naging Board Secretary ng Board of Regents ng Pamantasang Lungsod ng Maynila (PLM) at naging Vice President for Administration and Finance, University Legal Counsel, at naging Director II sa House of Representative.
Siya ang magiging katuwang ng Lupong Tagapagpaganap na binubuo nina Kom. Arthur P. Casanova, Kom. Carmelita C. Abdurahman, at Kom. Benjamin M. Mendillo Jr.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nilikha upang magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas.
Ang Batas Republika Blg. 7104 ay ang batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino na nagtatakda ng mga kapangyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito at para sa iba pang mga layunin.
2 LALAKING MAGKAANKAS SA MOTORSIKLO, PINAGBABARIL SA BAYAN NG AROROY, MASBATE
Ulat ni: BOMBO JESS
Video: Credit to the Owner
Pinagbabaril ang daIawang IaIaki dakong aIas 4:30 hapon noong February 28, 2023 sa Barangay Nabongsoran, Aroroy, Masbate.
Ang mga biktima ay nakilalang sina
Noli Yamson y Dela Cruz, nasa hustong binata, magsasaka at residente ng Sitio Matongao Brgy. Cabangcalan, Aroroy at si Bryan Garcia Francisco, 30 anyos, negosyante, high school graduate at residente ng Purok 6 Barangay Ibingay, Masbate City.
Ang mga tumakas na salarin ay kasalukuyang pang inaalam ng Aroroy Municipal Police Station.
Batay sa ulat na ipinarating sa Rodeo Tabloid: Bandang alas 4:30 Ng hapon noong Pebrero 28, 2023, ipinaalam sa Aroroy MPS ng mga tauhan ng Community Police Assistance Center (CPAC) na nakabase sa Brgy Luy-a, Aroroy na mayroong insidente ng pamamaril na nangyari sa nasabing nasambit na lugar. Matapos matanggap ang impormasyon ay agad na rumesponde ang mga tauhan ng Aroroy MPS sa nasabing insidente.
Nabatid sa imbestigasyon, na habang sakay ang mga biktima sa kanilang motorsiklo (Rusi TC-175 black, Chassis number RFCPCLXJOMB002216, Engine number RF150FMGQYE40817), patungo sa munisipyo ng Mandaon ay hinabol sila ng mga suspek at niratrat ng putok ng baril.
Dead on the spot si Nilo Dela Cruz Yamson habang nagtamo naman ng mga tama ng punglo si Mark Bryan Garcia Francisco at dinala ito sa Aroroy Municipal Hospital sa Brgy. Jaboyoan upang magamot.
Narekober ng mga Otoridad sa crime scene ang apat (4) na piraso nang basyo ng bala para sa kalibre 45.
Nagsasagawa naman ng malalimang imbestigasyon ang mga tauhan ng Aroroy MPS para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkahuIi ng mga suspek.
Dinala ang labi ni Nilo Yamson sa St. Laurence Funeral Parlor sa Barangay Jaboyoan para sa post-mortem examination.
Rated PG: Gabayan po ng magulang ang mga Kabataan sa panunuod ng balitang ito dahil sa maseselang eksena na makikita sa video.
ROAD ACCIDENT
MGA MOTORISTA INIREREKLAMO ANG ISANG QUARRY OPERATIONS SA BARANGAY TUGBO, MASBATE CITY
APAT NA PASAHERO, NATUKOY NA!
MGA PASAHERO NG NAWAWALANG EROPLANO, PINANGALANAN NA!
EROPLANO NAWAWALA
EROPLANO NAWAWALA SA HIMPAPAWID!
Ulat ni: Bombo Jess Parion
FEBRUARY 18, 2023 - Nawawala umano sa himpapawid ang isang private plane C340 na may markang RPC2080 kaninang Umaga.
Ang nasabing eroplano ay may lulan umanong apart (4) na pasahero.
Umalis sa Bicol International Airport ang sasakyang panghimpapawid dakong alas 6:43 ng umaga.
Ayon sa ulat; huling kontak sa piloto ng eroplano na dumaan sa himpapawid ng Camalig Cement plant sa taas na 2,600feet, at bandang alas 6:48 ng umaga ay inutusan umano itong mag-ulat sa distans'yang 20miles sa labas ng Bicol International Airport.
Pagkalipas ng ilang minuto ay muli umanong sinubukan na makipag-ugnayan ng CAAP Control Tower sa RPC2080 ngunit walang tumutugon dito.
Kaagad namang nanawagan ang mga otoridad na alertuhan ang lahat ng barangays sa bawat munisipalidad.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
(Note: Ang larawan na inyong nakikita ay halos kahalintulad ng nawawalang eroplano)
"VALENTINE'S WALK FOR MOTHER EARTH"
Ulat ni: Manuel Marion A. Capellan
Ang LGU San Jacinto na pinamumunuan ng butihing Alkalde na si Hon. Mayor Francisco "Doc Kito" Altarejos ay naglunsad ng Valentine's Walk for Mother Earth.
Layunin ng nasabing aktibidad na umapela sa "Mother Earth" upang mahinto na ang sunod-sunod na lindol sa Isla ng Ticao.
Nilahukan ito ng mga kawani ng LGU San Jacinto, RHU, PNP, BFP, DepEd, Zumba Dancers at iba pang stakeholders sa nasambit na bayan.
Ang nasabing aktibidad ay magiging isang regular na kaganapan tuwing alas 3:00 ng hapon sa araw ng Biyernes.
Bukod sa paglalakad ay may kasabay din ito na Zumba Dancing.
Umaasa din ang LGU San Jacinto na mas marami pa ang lumahok sa naturang aktibidad.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
PC Camp Site, Barangay Ibingay
Masbate
5400
02/03/2023