The Infallible Word PH

The Infallible Word PH

Share

James 2:17 In the same way, faith by itself, if it is not accompanied by action, is dead.

14/08/2026

Filipos 2:5-11
[5] Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. [6] Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. [7] Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao. At nang siya'y maging tao, [8] nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. [9] Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. [10] Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. [11] At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.

14/08/2026

Roma 13:1-5
[1] Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. [2] Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa. [3] Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. [4] Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. [5] Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi.

13/08/2026
30/07/2026

Ang nagpapakumbaba ay Itinataas

29/07/2026

"HINUSGAHAN NG TAO PERO HINDI PINABAYAAN NG DIYOS."

28/07/2026

MANATILI KA SA KALIGTASANG PINANGAKO NG DIYOS

27/07/2026

Ang kahalagahan na Kasama
natin ang Diyos at kanyang
mga Alagad, lalo na kung may Pananampalataya ka pa sa kanyang kaisa-isang anak na si Jesus Christ ❣️

26/07/2026

Wag kang matakot. Alalahanin mo ang Diyos na nagmamay-ari ng iyong buhay at iyong pinaglilingkuran. Siya ang nangakong hindi ka pababayaan at ililigtas ka.

Ang dapat mong gawin ay magtiwala at manampalataya sa Kanyang mga salita, sapagkat mangyayari ang lahat ayon sa Kanyang sinabi at sa Kanyang mga pangako.

Si Lord ay laging tapat kailanman at palaging maaasahan. Sa Kanya tayo magtiwala at manampalataya.

In Jesus’ name, Amen. 🙏

Want your business to be the top-listed Media Company in Masbate?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Ibingay, Boulevard Masbate City
Masbate
5400