CMU AB-History Program
The official page of Bachelor of Arts in History program at Central Mindanao University.
The AB History program was then implemented and offered starting in the 1984-1985 and was created through BOR Resolution No. 96, Series of 1983.
29/12/2025
โ๐๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐บ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐ญ๐ช๐ธ๐ข๐บ๐ธ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ช๐ฏ๐ถ๐ฃ๐ถ๐ข๐ฏ!... ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ช๐ธ๐ข๐บ๐ธ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ช๐บ๐ข๐ฏ, ๐ฃ๐ข๐ต๐ช๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ด๐ช๐บ๐ข... ๐ฉ๐ถ๐ธ๐ข๐จ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ช๐ฎ๐ถ๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ถ๐ด๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ข๐จ!" -Sipรฌ mula sa Kabanata 63 ng โNoli Me Tangereโ ni Rizal, isinalin ni Pascual H. Poblete
Ngayong araw ay ginugunita natin ang ika-129 na anibersaryo ng pagkamatay ng ating Pambansang Bayani na si G*t Josรฉ Rizal. Noong Disyembre 30, 1896, siya ay hinatulan ng hukuman sa mga kasong paghihimagsik, sedisyon, at pagtatatag ng mga ilegal na samahan. Bagamaโt hindi siya ang nanguna o direktang lumahok sa mga armadong pag-aalsa, siya ay pinatay pa rin sa pamamagitan ng pagbaril na ginanap sa Bagumbayan (na ngayon ay Rizal Park) bilang parusa. Ang kanyang kamatayan at walang mintis na paninindigan sa ngalan ng kanyang ipinaglaban ay nagsilbing tagapag-alab sa puso ng Himagsikang Pilipino noong 1896 at nagpaigting sa panawagan para sa kalayaan ng bansa.
Si Josรฉ Rizal ay isang ilustrado, doktor, dalubwika, manunulat, makata, eskultor, at pintor, na ginamit ang kanyang talino at panulat upang ilantad ang mga pang-aabuso at katiwalian ng kolonyal na pamahalaan at hubugin ang kamalayang makabayan ng sambayanang Pilipino. Habang nasa Europa, isinulat at inilathala niya ang kanyang mga tanyag na nobela, ang Noli Me Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891), na hayagang tumalakay sa kalagayang panlipunan ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Kastila. Sa pamamagitan ng mga akdang ito, mas malinaw na naipahayag ang mga suliranin ng lipunan at higit na napalalim ang diwang makabayan ng mga Pilipino.
Sa paggunita natin sa kabayanihan ni Rizal, nawaโy magsilbing gabay ang kanyang mga prinsipyo, kabilang ang pagmamahal sa bayan, katapangan, at paghahangad ng katotohanan, sa ating mga kilos at pananagutan bilang mamamayan. Ang kanyang alaala ay hindi lamang ginugunita sa isang araw, kundi patuloy na nagpapaalala sa atin ng tungkuling panatilihing buhay ang diwa ng paglilingkod sa bayan.
Panulat | Kristina Leonora
Sanggunian:
Rizal, J. (1887/2006). Noli Me Tangere (P. H. Poblete, Salin sa Tagalog) [eBook]. Project Gutenberg. https://www.gutenberg.org/cache/epub/20228/pg20228-images.html
26/11/2025
๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ ๐๐ ๐๐จ!
Ang pinakahihintay ng lahat!
Magsisimula na ang ika-36 na Pambansang Kumperensiya ng Kasaysayan at Kalinangang Pilipino ng ADHIKA bukas! Gagawin ito sa Central Mindanao University, na may temang; "๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐๐ง: ๐๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ญ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐ฐ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ"
Sa kumperensiyang ito, magkakaroon tayo ng pagkakataong masaksihan ang iba't ibang mga pananaliksik, bagong kaalaman, sariwang pananaw, at makabuluhang talakayan. Ito ay magbubukas ng mas malalim na pag-unawa sa ating kasaysayan at kultura.
๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ก๐จ๐ค ๐๐ญ ๐ฌ๐๐๐๐ฒ-๐ฌ๐๐๐๐ฒ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐๐จ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐ฐ๐จ๐ง!
26/11/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ !
Patuloy ang ating Pagtunton sa mga Naratibo ng Mindanawon sa Kasaysayan ng Pilipinas.
Inaanyayahan pa rin ang ating mga mag- aaral, g**o, at dalubhasa na makiisa sa, ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง๐ฌ๐ข๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ญ ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐ na gaganapin ngayong darating na ika-28 ng Nobyembre 2025
Na may kaagapay na temang, โ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐๐ง: ๐๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ญ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐ฐ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฒ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌโ
Sama-sama nating tuklasin at pakinggan ang mga danas, kwento, boses ng mga Lumad at iba pang pangkat- kalinangan sa rehiyon ng Mindanao.
Kaya, tara na at makibahagi sa isang pangkasaysayang pagsasalaysay, pagpapasa ng kaalaman at karanasan sa Central Mindanao University, Musuan, Bukidnon.
25/11/2025
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ !
Sa darating na Ika-36 na Pambansang Kumperensiya ng ADHIKA ating matutunghayan ang iba't ibang larangan ng pag-aaral sa Kasaysayan para sa isang mas inklusibong talakayan. Isa sa mga tampok na sub-tema ay ang "Kasaysayan at Kalinangang Bukidnon", na kaugnay sa temang ating ipinagdiriwang ngayong taon:
"๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐"
Hinihikayat ang mga mag-aaral at mga dalubhasa sa Kasaysayan na huwag palampasin ang pagkakataong ito. Makikilala natin ang mga bagong pananaw at mapapalawak ang ating kaalaman sa kasaysayan at kultura ng Mindanao.
Magkita-kita po tayo sa Central Mindanao University!
Tayo ay makilahok, makisaliksik at makibahagi sa isang makabuluhang talakayan.
24/11/2025
๐๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ง๐ !
Inaanyayahan ang mga mag-aaral at dalubhasa sa Kasaysayan, humayo na at makiisa sa Ika- 36 na Pambansang Kumperensiya ng Kasaysayan at Kalinangang Pilipino ng ADHIKA, ngayong darating na Ika- 28-30 ng Nobyembre, 2025.
Na may temang "TULTULANEN: PAGTUNTON SA MGA NARATIBO NG MGA MINDANAWON SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS."
Sama-sama nating talakayin at pag-aralan ang danas pangkasaysayan ng katutubong Lumad at pangkating pangkalinangan ng Mindanaw.
Magkita-kita po tayo sa Paraisong Pang-akademiko ng CMU sa Bukidnon!
17/11/2025
Kilalanin ang Ikaanim na Sesyon ng Ika-36 na Pambansang Kumperensiya sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino. May sub-temang DANAS KATUTUBO SA HAMON NG SAKUNA AT KOLONISASYON, kinatatampukan ito ng tatlong papel na ilalahad ng mga sumusunod na iskolar: Dr. Kerby C. Alvarez ng UP Diliman, Prop. Joel S. Regala ng Holy Angel University, at Dr. Ferdinand C. Llanes ng UP Diliman.
Mga ka-ADHIKA, magkita-kita tayo sa Central Mindanao University, Maramag, Bukidnon!
17/11/2025
Kilalanin ang Ikawalong Sesyon ng Ika-36 na Pambansang Kumperensiya sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino. Binubuo ng apat na PAKITANG-TURO, kinatatampukan ito ng mga papel na ilalahad ng mga sumusunod na iskolar: Dr. Juvanni A. Caballero ng MSU-Iligan Institute of Technology, Dr. Joel S. Malabanan ng Philippine Normal University-Manila, G. Hinz Benedict S. Caaya III ng UP Diliman, at Prop. Ma. Rita Lourdes A. Alfaro ng Ateneo de Manila University/Lyceum of the Philippines University-Manila.
Mga ka-ADHIKA, magkita-kita tayo sa Central Mindanao University, Maramag, Bukidnon!
17/11/2025
Kilalanin ang Ikapitong Sesyon ng Ika-36 na Pambansang Kumperensiya sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino. May sub-temang KABABAIHAN AT PANANAMPALATAYA SA MINDANAO, kinatatampukan ito ng tatlong papel na ilalahad ng mga sumusunod na iskolar: Prop. Zizzle Dawn A. Sayson ng Mindanao State University-Marawi, mga g**o ng University of Santo Tomas-Senior High School sa pangunguna nina G. John Joseph Isaiah R. Orpilla at Gng. Clarissa B. Mateo-Regalario, at Dr. Nilo S. Ocampo ng UP Diliman.
Mga ka-ADHIKA, magkita-kita tayo sa Central Mindanao University, Maramag, Bukidnon!
10/11/2025
Tunghayan ang Ikalimang Sesyon ng Ika-36 na Pambansang Kumperensiya sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino. May sub-temang TALABAN NG ETNISASYON AT FILIPINISASYON, kinatatampukan ito ng tatlong papel na ilalahad ng mga sumusunod na iskolar: G. Alvin Jhon V. Abril ng UP Baguio, Dr. Kristine Baniqued-Dela Cruz ng Benguet State University, at Dr. Mary Jane B. Rodriguez-Tatel ng UP Diliman / Aliguyon-UP Folklorists, Inc.
Mga ka-ADHIKA, magkita-kita tayo sa Central Mindanao University, Maramag, Bukidnon!
10/11/2025
Tunghayan ang Ikaapat na Sesyon ng Ika-36 na Pambansang Kumperensiya sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino. May sub-temang HISTORIOGRAPIYANG MINDANAWON, kinatatampukan ito ng tatlong papel na ilalahad ng mga sumusunod na iskolar: Prop. Emmanuel Jayson V. Bolata ng UP Diliman, G. Rhys Lloyd D. Lacia ng Holy Cross of Davao College / UP Baguio, at Dr. Vicente C. Villan ng UP Diliman.
Mga ka-ADHIKA, magkita-kita tayo sa Central Mindanao University, Maramag, Bukidnon!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the university
Website
Address
University Town, Musuan, Dologon, Bukidnon
Maramag
8714
Opening Hours
| Monday | 7am - 5pm |
| Tuesday | 7am - 5pm |
| Wednesday | 7am - 5pm |
| Thursday | 7am - 5pm |
| Friday | 7am - 5pm |