Anakbayan - PNU

Anakbayan - PNU

Share

Ang Anakbayan PNU ay ang komprehensibong pambansa-demokratikong organisasyon ng mga kabataan sa Philippine Normal University-Manila

25/06/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG ANAKBAYAN PNU HINGGIL SA MGA NAGAGANAP NA KARAHASAN SA MGA PAARALAN

Lubos na nakikiisa ang Anakbayan-PNU sa pagdadalamhati ng mga pamilya, kaibigan, at komunidad na naapektuhan ng mga nagdaang insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan, kabilang ang pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City at iba pang kaso ng pananaksak na naganap mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kasabay ng aming pakikiramay sa mga biktima, nananawagan kami ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangyayaring ito upang hindi lamang tayo manatili sa pagkondena sa bawat trahedya, kundi matukoy rin ang mga ugat na nagluluwal ng karahasan sa ating lipunan.

Hindi dapat tingnan ang mga pangyayaring ito bilang hiwa-hiwalay na insidente o simpleng resulta ng personal na pagkukulang ng iilang indibiwal. Sa tuwing may nagaganap na karahasan, madalas na nakatuon ang pansin sa kung sino ang gumawa nito. Gayunpaman, mahalaga ring itanong kung anong mga kalagayang panlipunan, pang-ekonomiya, at pangkultura ang humuhubog sa mga kilos at pananaw ng tao.

Walang batang isinisilang na marahas.

Ang tao ay nahuhubog ng kanyang kapaligiran. Ang mga karanasan sa tahanan, paaralan, komunidad, at lipunang kanyang ginagalawan ay may malaking papel sa paghubog ng kanyang pag-uugali. Ang kahirapan, diskriminasyon, bullying, kapabayaan, kawalan ng sapat na suporta para sa kalusugang pangkaisipan, at iba pang anyo ng pang-aapi ay iilan lamang sa mga salik na maaaring makaapekto sa pag-unlad ng isang kabataan. Hindi nito binibigyang-katwiran ang karahasan, ngunit ipinapakita nitong hindi sapat ang mababaw na paliwanag upang maunawaan ang ganitong mga pangyayari.

Matagal nang ipinapakita ng mga pag-aaral sa sikolohiya na natutunan ang mga asal na nakikita sa paligid. Sa Bobo Doll Experiment ni Albert Bandura, ipinapakita kung paanong ang mga bata ay maaaring gumaya sa marahas na kilos na nasasasaksihan. Sa ganitong diwa, hindi mapaghihiwalay ang mga insidente ng karasahan sa mas malawak na kulturang unti-unting nogno-normalisa nito.

Sa nakalipas na mga taon, nasaksihan natin kung paano nagiging bahagi ng pampublikong diskurso ang pagluwalhati sa danas. Mula sa pagbibiro hinggil sa paglabag ng karapatang pantao hanggang sa pagpuri sa mga mararahas na kampanya ng estado, unti-uting nahuhubog ang isang kulturang nagiging manhid sa pagdurusa ng kapwa. Kapag ang dahas ay paulit-ulit na ipinapakita bilang katanggap-tanggap na paraan ng paglutas ng problema, hindi nakakapagtakang magkaroon ito ng impluwensya sa kamalayan ng mamamayan, lalo na ang kabataan.

Dahil dito, tutol ang Anakbayan-PNU sa mga panawagang gawing pangunahing tugon ang higit pang militarisasyon ng mga paaralan. Hindi malulutas ng pagdadala ng mas maraming armadong pwersa sa loob ng mga kampus ang mga ugat ng suliranin. Ang paaralan ay dapat manatiling espasyo ng pagkatuto, kritikal na pag-iisip, at malayang paghubog ng kamalayan, hindi isang lugar na pinaghaharian ng takot at labis na pagbabantay.

Hindi rin makatarungang ipataw sa mga g**o ang buong pananagutan sa pagpipigil sa lahat ng anyo ng karahasan. Sa tuwing may nagaganap na trahedya, madalas nating marinig ang mga panawagang dapat sana ay nakita ito ng g**o, napigilan, o nabantayan. Ngunit ang mga g**o ay hindi tagapagtupad ng batas, sila ay tagapagtaguyod ng edukasyong matagal nang binibigatan ng napakaraming gawaing lampas sa kanilang pangunahing tungkulin.

Sa halip na dagdagan ang kanilang pasanin, marapat na tiyakin ng estado ang sapat na suporta para sa mga paaralan. Kabilang dito ang pagdaragdag ng guidance counselors at mental health professionals, pagpapalakas ng mga programa laban sa bullying at diskriminasyon, pagpapabuti ng kalagayan ng mga g**o at mag-aaral, at paglikha ng mga mekanismong tunay na tumutugon sa kapakanan ng kabataan.

Naniniwala ang Anakbayan-PNU na ang lumalalang karahasan ay hindi maihihiwalay sa mas malawak na krisis sa ating lipunan. Hangga’t nananatiling laganap ang kahirapan, kawalan ng seguridad, at iba’t iba pang anyo ng pang-aapi, patuloy ding malalagay sa panganib ang kaligtasan at kinabukasan ng kabataan.

Kaya naman nananawagan kami para sa isang edukasyong tunay na nagsisilbi sa mamamayan—edukasyong siyentipiko, makabayan, at makamasa. Edukasyong nagtuturo ng kritikal na pag-iisip, paggalang sa karapatang pantao, malasakit sa kapwa, at aktibong pakikilahok sa pagbuo ng isang makatarungan at makataong lipunan.

24/06/2026

Anakbayan Philippine Normal University newly elected Chairperson Kia Diaz statement on the school shooting in Tacloban and recent violence among schools nationwide. They assert the roots of impunity that causes the student’s violent behavior.

“Hunyo 22, 2026 nang muling nabahiran ng dugo ang isang paaralan sa Tacloban. Sa isang espasyong dapat nagsisilbing pugad ng pagkatuto, paghubog, at pag-asa, tatlong buhay ang pinatahimik ng bala at marami pa ang iniwang sugatan, nagdadalamhati, at binabagabag ng trauma. Sa gitna ng pagluluksa, hindi sapat ang pakikiramay. Kinakailangan ang mas malalim na pagsusuri sa mga kondisyong nagluluwal ng ganitong mga trahedya.

Ang karahasan ay hindi basta sumisibol sa kawalan. Ito ay produkto ng mga panlipunang kundisyong matagal nang pinababayaan at pinalalala ng isang mala-kolonyal at mala-pyudal na sistemang patuloy na nagpapalalim sa kahirapan, kawalan ng oportunidad, at pagkakait sa mamamayan ng batayang karapatan at serbisyo. Habang dumarami ang mga pamilyang nagdarahop, habang lalong nagiging mailap ang disenteng kabuhayan at de-kalidad na edukasyon, at habang nananatiling inutil ang estado sa pagtugon sa ugat ng mga suliraning panlipunan, lalong lumalala ang krisis na kinahaharap ng kabataan.

Ang mga paaralan ay hindi hiwalay sa realidad ng lipunan. Dinadala ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan ang bigat ng kahirapan, kawalang-katiyakan sa kinabukasan, at mga epekto ng isang sistemang mas pinapaboran ang interes ng iilan kaysa sa kapakanan ng nakararami. Sa ilalim ng ganitong kaayusan, hindi nakapagtatakang patuloy na umuusbong ang iba't ibang anyo ng karahasan, desperasyon, at pagkawasak ng buhay.”

Furthermore, Kia points to the systematic failure that failed to protect the youth that glorifies the culture of impunity and violence. They also sympathize with the victims and the affected families.

“Kaya't hindi sapat na kondenahin lamang ang pamamaril bilang isang hiwalay na insidente. Bagamat kinakailangang mapanagot ang mga tuwirang responsable, dapat ding usigin ang mas malawak na sistemang lumilikha ng mga kundisyong nagtutulak sa pagkasira ng buhay at kinabukasan ng mamamayan. Ang tunay na hustisya ay hindi lamang pagpaparusa sa mga may sala, kundi ang pagpawi rin sa mga ugat ng kahirapan, pang-aapi, at kawalang pag-asa na patuloy na bumibiktima sa sambayanan.

Sa pag-alala sa mga nasawi at pakikiisa sa mga naulila, nananatiling malinaw ang panawagan: hustisya para sa mga biktima, pananagutan para sa mga may sala, at isang lipunang tunay na nagtataguyod ng kaligtasan, dignidad, at kinabukasan ng kabataan. Ang paaralan ay dapat maging tahanan ng kaalaman at kritikal na pag-iisip, hindi larangan ng karahasan at takot.

Aklat, hindi agresyon. Edukasyon, hindi karahasan. Sapagkat ang kabataan ay nararapat na humawak ng mga aklat upang matuto at mangarap, hindi mabuhay sa ilalim ng pangamba na anumang oras ay maaaring maagaw ng karahasan ang kanilang buhay at kinabukasan. “ Kia ended # # #

24/06/2026

𝗨lat-𝗚urong 𝗔nti-Imperyalis𝗧a
June 24, 2026
Ulat Blg. 23

𝗦𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗴𝗶𝘁𝗻𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿 𝗖𝗿𝗶𝘀𝗶𝘀 𝘀𝗮 𝗖𝘂𝗯𝗮: 𝗥𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗛𝗮𝘃𝗮𝗻𝗮, 𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻

Naghihirap ang mga residente ng Cuba sa patuloy pa rin ang oil blockade ng US. Ang kawalan ng enerhiya at langis ay nagbibigay perwisyo sa bansa.

Sa kabila ng pressure ng US Trump administration sa Cuba, naglabas ang gobyerno ng bansa ng economic reforms ngunit wala pa rin naitalang maayos at sustainable na kuryente at langis.

Ayon sa mga residente ng Havana, Cuba na 2 oras lamang ang tinatagal ng kuryente sa isang araw, puputulin ito, at ibabalik ulit pagkalipas ng ilang araw. Nag-resulta ito ng patuloy na galit ng mga residente sa sitwasyon. Patuloy ang panawagan ng Cubans na itigil ang anumang porma ng pang-aabuso sa bansa.

Basahin ng buo ang balita:
https://www.france24.com/en/americas/20260622-cuba-power-crisis-deepens-havana-residents-speak-out

23/06/2026

𝗨lat-𝗚urong 𝗔nti-Imperyalis𝗧a
June 23, 2026
Ulat Blg. 22

"Huge change" sa polisiya ng US, Iran maibebenta na ang kanilang krudo sa buong presyo

Ayon kay Alan Fisher, simula ng pagpirma ng interim agreement ng Estados Unidos (US) at Iran -- inaasahan sa US na sisimulan na nito ang pagpapakawala ng mga "frozen" assets at pagbibigay karapatan sa Iran ng acccess sa international banking system at markets. Ito'y malaking pagbabago sa US foreign policy, dahil ipinapakita nito ang pagsuko at pagbitaw ng US sakanilang "sanctions" sa industriya ng langis sa Iran.

Sa matagal na panahon, nagagawang ibenta ng Iran ang kanilang krudo ng may kasamang pataw na discount, dulot na baka ang mga bansang nakikipagkalakalan ay nasa maling panig sa harap ng US sanctions. Sa kasalukuyan, ang pagbitaw ng US sa mga sanctions nila, ay nagbigay karapatan sa Iran na ibenta ang kanilang krudo sa buong o totoong presyo nito ng walang pangamba sa mga bansa na nais makipagkalakalan sa Iran, na maari rin magdulot ng daang-daan kita (profit) na papasok sa Iran.

Basahin nang buo ang balita: https://www.aljazeera.com/news/liveblog/2026/6/23/iran-war-live-tehran-to-access-billions-in-frozen-funds?fbclid=IwY2xjawSnKRRleHRuA2FlbQIxMQBzcnRjBmFwcF9pZAwzNTA2ODU1MzE3MjgAAR6yace1n_izC3AoDBNyekPeK9RTJdQ_emksuv-ZRqzOEXSnfHJgLhNxxIsG1g_aem_Val6lFDwTOMQ-XTBrkTfBg&update=4691578

22/06/2026

𝗨lat-𝗚urong 𝗔nti-Imperyalis𝗧a
June 22, 2026
Ulat Blg. 21

𝗜𝗿𝗮𝗻, 𝗡𝗮𝗴-𝘄𝗮𝗹𝗸𝗼𝘂𝘁 𝘀𝗮 𝗨𝘀𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗽𝗮𝘆𝗮𝗽𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗻𝗶 𝗧𝗿𝘂𝗺𝗽

Pansamantalang umalis ang mga negosyador ng Iran sa venue ng usapang pangkapayapaan sa Switzerland matapos ang bantang pahayag ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos kaugnay ng lumalalang digmaan sa Gitnang Silangan. Ayon sa ulat, mariing tinutulan ng Iran ang mga pahayag ng U.S. na nagbabala ng mas mabibigat na hakbang militar at ekonomikong presyur kung hindi susunod ang Tehran sa mga hinihingi nito. Naganap ito sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Iran, Israel, at mga kaalyado ng Washington.

Bagamat sinisikap ng mga tagapamagitan na ipagpatuloy ang negosasyon, lalo lamang pinatindi ng insidente ang pagdududa sa posibilidad ng pangmatagalang kapayapaan. Patuloy namang pasan ng mamamayan ng rehiyon ang mabigat na epekto ng gera, kabilang ang paglikas, pagkasawi ng mga sibilyan, at pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, ipinakikita ng insidente ang maselang kalagayan ng anumang kasunduang pangkapayapaan habang patuloy ang panghihimasok ng mga imperyalistang kapangyarihan sa rehiyon.

Basahin nang buo ang balita: https://globalnation.inquirer.net/328128/middle-east-war-iranians-walk-out-of-talks-venue-after-trump-threat?utm_source=(direct)&utm_medium=gallery

21/06/2026

𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐏𝐍𝐔!

Sa isinagawang General Assembly, muling pinagtibay ang militanteng tradisyon at anti-imperyalistang katangian ng ANAKBAYAN PNU bilang komprehensibong Pambansa Demokratikong samahan ng mga kabataan sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Ipinakilala at pinalalim ang pag-unawa sa kasaysayan ng pakikibaka ng organisasyon at ang mahalagang papel nito sa pagsusulong ng interes ng kabataan at sambayanan. Tinalakay rin ang gampanin at tungkulin ng bawat kasapi sa pagpapalakas ng kolektibong pagkilos laban sa tatlong ugat ng kahirapan.

Sa parehong asembleya, isinagawa ang nominasyon para sa susunod na pamunuan na magpapatuloy sa pagpapanday ng isang militante, progresibo, at makabayang organisasyon. Sila ang inaasahang mangunguna sa pag-abante ng karapatan ng mga mag-aaral at pakikiisa sa laban ng mga pinagsasamantalahang sektor ng lipunan.

Sa harap ng patuloy na krisis sa edukasyon at lipunan, higit kailanman kinakailangan ang organisadong lakas ng kabataan upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at kinabukasan. Patuloy nating paigtingin ang pagkakaisa at kolektibong pagkilos para sa Pambansang Demokrasya!

𝐌𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐊𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍! 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍, 𝐌𝐀𝐆𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐌𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐀𝐍! 𝐒𝐔𝐌𝐀𝐏𝐈 𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐏𝐍𝐔!

Photos from Anakbayan - PNU's post 19/06/2026

𝐒𝐔𝐌𝐀𝐏𝐈 𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐏𝐍𝐔! 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒! 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐊! 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍!

Sawa ka na ba sa kabulukan ng sistema?
Galit ka na ba sa estado na patuloy na pahirap sa masa?

Kung oo, halika at sumapi sa ANAKBAYAN PNU! Isang pambansa-demokratikong organisasyon na nagsusulong ng tunay na pagbabago!

Pag-aralan ang lipunan at unawain ang ugat ng kahirapan. Makiisa sa kolektibong pagkilos laban sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo. Ialay ang talino at lakas sa paglilingkod sa bayan at sa pagsusulong ng Pambansang Demokrasya!

𝐌𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍!
𝐌𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐔𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍!
𝐌𝐀𝐊𝐈𝐁𝐀𝐊𝐀! 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐀𝐋𝐀𝐌! 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐇𝐎𝐊!

https://forms.gle/Tj4D94R1UBxJW8Eh9
https://forms.gle/Tj4D94R1UBxJW8Eh9
https://forms.gle/Tj4D94R1UBxJW8Eh9

18/06/2026

𝗨lat-𝗚urong 𝗔nti-Imperyalis𝗧a
June 18, 2026
Ulat Blg. 19

𝗦𝗮 𝗞𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝘂𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻, 𝗡𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗻𝘁𝗮 𝘀𝗶 𝗧𝗿𝘂𝗺𝗽 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝘁𝗮𝗸𝗲 𝘀𝗮 𝗜𝗿𝗮𝗻

Naglabas ang Estados Unidos at Iran ng teksto ng isang pansamantalang kasunduan upang wakasan ang kanilang digmaan noong Miyerkules, Hunyo 17. Kasabay nito, nagbanta si Donald Trump na muli silang magsasagawa ng mga pag-atake at maging ang pag paslang ng opisyal ng Iran kung hindi nila tutuparin ang nakasaad na kasunduan.

Ngunit iginiit niyang nais niyang tuparin ng Iran ang mga nakasaad na probisyon nito. Binanggit din niya na umaasa siyang magtatagumpay ang kasalukuyang negosasyon para sa isang permanenteng tigil-putukan sa loob ng susunod na 60 araw.

Kamakailan lamang, inilunsad ng Estados Unidos at Israel noong Pebrero 28 ang pag-atake laban sa Iran na agad na ikinasawi ng 86-anyos na Kataas-taasang Pinuno na si Ali Khamenei at iba pang matataas na opisyal ng militar. Lumawak ang tunggalian sa rehiyon matapos nito, na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng enerhiya, panibagong banta ng implasyon, at pangamba sa posibleng krisis sa suplay ng pagkain sa maraming umuunlad na bansa.

Basahin ang balita:
https://www.rappler.com/world/middle-east/us-iran-presidents-sign-ceasefire-deal-june-2026/

17/06/2026

𝗨lat-𝗚urong 𝗔nti-Imperyalis𝗧a
June 17, 2026
Ulat Blg. 18

𝗥𝘂𝘀𝘀𝗶𝗮, 𝗡𝗮𝗴𝗽𝗮𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝘁𝗮𝗸𝗲 𝘀𝗮 𝗨𝗸𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲

Nagsagawa ng pagpapaulan ng drones at limpak na missiles ang Russia sa malalaking lungsod ng Ukraine nitong Hunyo 15, 2026. Nagdulot ito ng 11 na pagkasawi ng mamamayan, 53 na sugatan, at pagkasira ng mga lugar sa Kyiv.

Mahigit kumulang 600 na drones ang pinaulan ng Russia, target ang Kyiv, Kharkiv, and Dnipro. Ayon sa Russia Defense Ministry ay para ito sa enterprises and workshops na nagsasagawa ng components para sa long-range drones at cruise missiles.

Ani ng pangulo ng Ukraine na si Zelensky, ang patuloy na pagsiklab ng pag-atake sa Ukraine ay may isang kahulugan lamang: ito ay nais ng Russia ang ituloy ang gyera sa pagitan ng bansa.

Basahin ang balita:
https://www.pbs.org/newshour/world/russia-unleashes-an-overnight-barrage-on-ukraine-killing-11-people-and-damaging-a-religious-landmark-officials-say

16/06/2026

𝗨lat-𝗚urong 𝗔nti-Imperyalis𝗧a
June 16, 2026
Ulat Blg. 17

𝗨𝗦 𝗮𝘁 𝗜𝗿𝗮𝗻 𝗽𝗶𝗽𝗶𝗿𝗺𝗮 𝗻𝗴 “𝗽𝗲𝗮𝗰𝗲 𝗱𝗲𝗮𝗹” 𝘀𝗮 𝗕𝗶𝘆𝗲𝗿𝗻𝗲𝘀

Kinumpirma ng Tehran na nagkaroon na ng pagkakasundo ang United States at Iran sa isang Memorandum of Understanding (MOU) upang wakasan ang isang daang (100) araw gerang agresyon ng US sa Iran.

Naglalaman ang balangkas ng pagkakasundo ng 14 points kung saan kasama ang immediate ceasefire ng US at Iran sa lahat ng prente kasama na ang Lebanon, pagtanggal ng Naval Blockade, muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, at ang pag-unfreeze ng US sa Iranian assets.

Nagsisilbing mediators ang bansang Pakistan at Qatar sa kasunduan kung saan magsisilbi silang tagapagdaloy sa mga serye ng diskusyon sa pagitan ng US at Iran ngayong linggo. Pipirmahan naman ng US at Iran ang kasunduan sa Hunyo 19, Biyernes sa Geneva, Switzerland.

Basahin ang buong balita:
https://www.aljazeera.com/news/2026/6/15/us-iran-to-sign-a-peace-deal-on-friday-what-we-know-so-far

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


104 Taft Avenue, Ermita
Manila
1000