Islamic Reminder
ISLAMIC REMINDERS
20/10/2025
The Prophet Muhammad (ﷺ) said: ❤️
20/10/2025
MAINAM NA PAGKAINGGIT NA HINDI MAGKAKASALA❗❗❗
👉 Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang kapayapaan): "May dalawang uri lamang ng tao na dapat kainggitan;
Una: Ang taong biniyayaan ni Allah ng kayamanan at ginugugol niya ito sa kabutihan.
Pangalawa: Ang taong binigyan ni Allah ng kaalaman (sa batas ng Islam) at ginamit niya sa pagtuturo at paghahatol sa batas ng Islam" Inulat nila Imam Albukhari Bukhari at Muslim
PAALAALA:
-Huwag tayong mainggit sa makamundong bagay.
-Ang tanging kainggitan ay magkaroon ng kaalaman upang ibahagi sa mga tao o magkaroon ng kayamanan upang igugol sa landas ni Allah✌🌹
👉👉 Huwag mo ng kainggitan ang DUAYA kung wala karin kakayahan pinansiyal at pisikal lalu sa mahina ang tuhod at hingalin✌😅
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: " لا حسد إلا فى اثنتين: رجل آتاه الله مالا فسلطه على هلكته فى الحق، ورجل آتاه الله الحكمة فهو يقضي بها، ويعلمها" متفق عليه
✍️ Zulameen Sarento Puti
17/10/2025
"✅ Every Muslim Individual Must To Stand Like This In Congregation🕌Salah/Prayers Because It's📍Ordered By Our Beloved Prophet Muhammad ﷺ To Stand & Pray Like This.
*Hadith📝*
*💬Yahya Related to me from Malik from Nafi that💙Umar ibn Al-Khattab RadiAllahuAnhu Used To✅Order the Rows to Be↔️Straightened, and When They had Come to Him and🗣️Told him that the Rows were Straight He Would Say The👐Takbir.*
17/10/2025
❤️
17/10/2025
Mga gawaing kanaisnais kapag Jumaa (Friday)
Maligo
Magbasa ng Surah Al khaf 18
Magbigay ng kawanggawa
Magbihis ng maganda at pabango (sa lalake)
Magdu'a manalangin sa Allah
Magpadala ng pagpapala sa propeta
Magpunta sa masjid makinig ng khutbah (Sermon)
Magbigay Alala at humingi ng tawad sa Allah
17/10/2025
16/10/2025
KUNG TAKOT KA SA MASAMANG PANGITAIN, BIGKASIN ITO WALANG MANGYAYARI SA IYO❗❗❗
"Allahomma La Taira illa Tairok, Wala Khaira illa-Khairok, Walaa ilaha Ghairok”
اللهمَّ لا طيرَ إلَّا طيرُكَ ، ولَا خيرَ إلَّا خيرُكَ ، ولَا إلهَ غيرُكَ
"O Allah❗ Walang pangitain maliban sa Iyong pangitain, walang mabuti kundi ang Iyong Kabutihan, at wala ng ibang Diyos maliban sa Iyo (Allah)"
👉Alalahanin na ang paniniwala sa masamang pangitain ay kabilang sa Shirk❌
👉Sinabi ng Mahal na Propeta:
"Ang TIYARAH ("pamahiin" superstitious belief in omens) ay kabilang sa Shirk.” Ang Hadith ay Authentic ayon Kay Shaikh Albani
👉Kaya, Kung ikaw ay nakakita ng pangitain gising ka man o sa panaginip, ituloy mo lang ang iyong gawa at huwag pansinin ang nasabing pangitain👍
👉Sa ibang ulat na Hadith: “"Ang sinumang pinabalik siya ng masamang pangitain mula sa kanyang nais gawin, Katotohan siya ay nakagawa ng Shirk (pagtatambal)".
Note: Ang lahat ng pamahiin ay pawang KASINUNGALINGAN at PANLILIGAW lamang ni SHAITAN upang takutin ang tao❗
Ang paniniwala sa PAMAHIIN ay walang idudulot na kabutihan sa iyo kundi ililigaw ka lamang mula sa matuwid na landas at upang mawala ang iyong ganap na pananalig kay Allah❗
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: «الطيرة شرك، الطيرة شرك، الطيرة شرك" رواه أبو داود (3910) في الطب، والترمذي (1614) في السير وقال: هذا حديث حسن صحيح.
و في رواية: "من ردته الطيرة عن حاجته فقد أشرك". وصححه الألباني في السلسلة الصحيحة برقم 1065
✍Zulameen Sarento Puti
16/10/2025
Ang pinaka magandang layunin bilang ina ay ang siyang huwaran ng kanyang anak.
Ang mabuting ina sa kanyang mga anak ay siya ang pinaka unang paaralan — huwaran at unang sasaliksikan ng kanyang mga anak.
Pinaka unang nagtuturo sa mga bata ay ang kanyang ina hindi lamang sa bihisan sila ng magagandang damit pati na rin ito kanilang mabuting gawa at iba pa — Ang kanilang sinusunod at unang paaralan ay ang kanilang ina.
Kapag ang isang babae ay matuwid tiyak na ang kanyang anak ay maging kabilang din sa pagiging matuwid niya.
Kaya mga Akhawati maging mabuting babae tayo — kasi balang araw ay kapag kayo ay nagkaroon ng anak kayo ay unang paaralan nila.
Kayo ang pinakamainam na tularan ng inyong mga anak sa kabutihan — Kayo ay mga magulang bilang magulang ay kinakailangan na tayo ay maging matuwid para tayo ang pinakamagandang halimbawa sa ating mga anak balang araw.
Balang araw kapag tinanong ang iyong anak:
Sino ang pinaka magandang babae na kilala mo?
Ang sagot ng iyong anak: Wala na akong ibang nakita na babae at walang hihigit sa kagandahan ng aking ina — siya ang aking tinutularan sa pagiging matuwid siya ay pinaka magandang henerasyon ng pamilya.
Ikaw ang unang madrasah at paaralan ng iyong mga anak hindi lang sa kaalaman pati na rin sa adab at kabutihang gawa at kong paano tuklasin ang relihiyon — paano nila tuklasin kung sino ang kataas taasan nararapat ni lang katakutan katulad ng paniniwala ng kanilang mga magulang.
— Kung ang iyong mga anak ay pinamanahan mo ng katakutan sa Allah — kabutihan — pagiging mabuting pag uugali at may kagalangan — sumusunod sa kanyang mga magulang.
— Hindi man kayamanan ang maipamana mo sa iyong mga anak bugkos sila ay mayaman sa pananampalataya sila ay mayaman sa kagalangan sila ay mayaman sa kabutihan, karangalan at may mabuting puso at takot sa Allah.
— At tiyak na sila ay magiging matuwid — at ituro mo sa iyong mga anak kung paano sambahin ang Allah ituro mo sa iyong mga anak kung paano alalahanin ang Allah.
Hayaan mo na ang iyong mga anak ang kanilang binanggit sa kanilang bibig ay ang kabutihan — dhikir."
Kaya nararapat na maging matuwid na babae dahil sila ang unang henerasyon ng pamilya sila ay unang huwaran at tularan sa pagiging matuwid.
Ang pinaka magandang pamana sa iyong mga anak balang araw ay kung paano nila alalahanin ang Allah kung paano nila katakutan ang Allah at sila ay maging matuwid na sa kanilang pananampalataya sila ay may mataas na pag-unawa sa kanilang relihiyon at yun ang pinaka swerte bilang magulang.
Nawa'y gabayan tayo ng Allah ng kabutihan at matuwid na landas patungo sa paraiso ng Allah.
✍🏻: Ami Māh ʚĩɞ."
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Manila