RMHS Secret Files V.2

RMHS Secret Files V.2

Share

Dahil sa Sobrang Inactive na ng isang Secret Files .

We made this one for those who want to confess something ... Message your story through Message here in our Page ;) ; Title ,Story ,Nickname ,Grade Level

01/09/2019

Ghosting

Masakit ma-ghost 'no? Halos lahat siguro sa atin, naranasan nang ma-ghost. Pero hindi 'to isang story tungkol sa na-ghost, tungkol 'to sa nang ghost. Akala niyo ba madaling mang-iwan? Masakit at mahirap din para sa amin na gawin yon. May rason kami. May rason ako kaya iniwan kita nang walang paalam. May nagugustuhan na akong iba, pero natatakot ako na iwan ka kasi baka magsisi ako sa huli. Kaya unti-unti kong pinaparamdam sayo na hindi kita mahal para sa gayon, pag iniwan kita hindi ka gaano mahihirapan kasi ayaw ko yon eh. Ayaw kong nakikita kang nahihirapan kasi mahalaga ka pa rin para sa akin. Best friend kita eh. Siguro kung hindi naging tayo, hindi tayo mahihirapan nang ganto 'no? Siguro kung nag stay na lang tayo bilang mag kaibigan, mas okay pa. Siguro kung hindi ako umamin at hindi mo ako sinalo, hindi tayo magiging ganito. Kaso wala eh, tinamaan tayo ni kupido. Sana maintindihan mo yung ginawa ko. Ayokong masaktan ka kaya kahit gusto kong manatili, hindi ko magawa. Alam mo namang nandito lang ako para sayo diba? Maghihintay ako, J

-h/a

27/01/2019

Hello po. sana po mapost nyo po itong message ko. (please hide my identity thanks po)

NAYN KAREYJ
O walang iiyak, magdadrama pag nabasa nyo to di kagandahan mga pagmumukha nyo hahaha Ilang buwan na lang ang nalalabi. Ilang linggo,araw, oras at minuto na lamang ang natitira. Dadating na ang panahon na pinakainaayawan natin ANG PAGHIHIWALAY. Una sa lahat, gusto ko lang magpasalamat sa halos isang taon na magkakasama. Isang taon na puno ng magkahalong saya at lungkot. Isang taon na puno ng alaala na kahit kailan di malilimutan. Nagpapasalamat ako sa lahat ng bumubuo ng pangkat na ito. Salamat sa pagiging matatag sa mga problema na hinarap natin. Salamat sa p**ikiisa lalo na sa mga kumpetisyon na nilahukan natin, manalo o matalo masaya pa rin. Salamat sa lahat ng officers na walang sawang kumikilos para lang maging maayos ang lahat. Maraming Salamat sa lahat. Sana kapag dumating na ang araw na inaayawan natin, Sana walang magkakalimutan kapag nagkahiwahiwalay na. Sana maging isang matatag at buo tayo hanggang sa dulo.Lagi niyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo. Salamat sa lahat
-classmate nyo na laging inaasar at nagpapasaya sa inyo

27/01/2019

SINGKO

Halos dalawang buwan na lang, iwanan na naman. Sa tuwing iniisip ko lahat ng memories na kasama ko kayo, hindi ko maiwasan na mapangiti. Hindi ko naman kasi inexpect na magiging masaya tayo, itong section na to. Sana, BLOCK SECTION na tayo. Ayaw ko na mag hiwa- hiwalay tayo, masakit masyado. Habang tina-type ko to, nangingilid na luha ko. Mahal na mahal ko kayo. Bawat araw na kasama ko kayo, hindi pwedeng hindi ako tatawa. Ang sakit pala talaga, pag hindi mo tiyak kung sino ang mga makakasama mo sa huling taon mo sa paaralang ito. Kaya bawat araw na kasama ko pa kayo, pinapahalagahan ko. Dahil hindi natin alam, kung tayo pa nga ba ang magkakasama hanggang dulo. Mahal ko kayo, pangako.

grade 9

23/10/2018

dedicated to: sbd

I make you smile but I don't make you laugh.
I make you sing but the lyrics aren't for me.
I watch you dance but your eyes don't focus on me.
My evening thoughts are all about you but yours aren't about me.
I like you as a lover but you like me as a friend.

But all those things are okay with me. But when I told you that I loved you, and you said "I'm sorry but I don't love you."

It broke my heart.
Funny thing is, I still love you with all the shattered pieces.

16/09/2018

ALS

Tell me about the good and bad things about ALS. Kung anong unang iniisip nyo pag may nakita kayong studyante ng ALS. Gusto ko lang malaman kung bakit ganun tingin sakin ng ibang estudyante.

29/06/2018

"Mahal pala kita kaso ngayon ko lang
nadama"

First day di pa kita kilala so ayun naguwian
na pagkauwi ko nagulat ako kasi may
nagmessage sakin. ikaw pala yun tas
tinanong mo ako kung pwede makipag
kaibigan at syempre yes lang ng yes medyo
kinilig nga ako kasi kala ko magiging loner
na ako sa school.
2nd day papasok na ako ng first sub tas
ewan ko ah pero nung nagaattendance na
iniintay ko tawagin pangalan mo kasi nga
una ang boys bago girls HAHAHAHA.
hanggang sa naging 1week na naging crush
na kita hihihi *landi ko sh*t* HAHAHAHA tas
nung nagsend ka sa gc ng section natin ng
"hawak kamay" biglang tumigil mundo ko
pahr. Kasi kayo napala ng isa pa nating
kaklase so in'endure ko yung pain kasi nga
baka hanggang kaibigan lang. tas nagkacrush
ako sa isa pa nating kaklase pogi sya
compare sayo *no offense meant
ha* gentleman din sya tas nakabraces. Naging
close din kami pero ikaw padin talaga
TiNiTiBooK Ng PuHSo Ko heart emoticon
kaya nagaral nalang ako imbis na
lumandi.hindi sa tsismosa ako pero nalaman
ko na niloko ka ng jowa mo *aw* .tas simula
nun naging g*go ka na kasi parang sinusulot
mo lahat ng kaibigan ko, nililigawan mo sila
lahat *feeing pogi ka inshort* tas ayun bigla
nalang nawala feelings ko sayo naglaho na
sya pahr!! Tsaka ka naman nagchat sakin tas
pinagkalat mo pa na gusto mo ako tangina
ako naman ngayon kinukulit mo kung kelan
naman wala na akong feelings sayo huta
ka. 4months kang walang tigil sa pangungulit
tangina feeling ko kasi trip mo lang ako tas
pinapatigil na kita ayaw mo pa din tumigil
ang sabi ko pa nga di na kita rereplyan para
wala na e.
TAS AYUN BOOOOM NUNG HINDI KA
NAGPARAMDAM NAPRANING AKO KAYA
INAYA KO MGA KAIBIGAN KO NA MAG SKIP
CLASS TAS UMINOM KAMI TAS INAMIN KO
NA NAGING CRUSH KITA DATI PERO
NAWALA NA YUN TAS INAMIN KO DIN NA
NAMISS KO PANGUNGULIT MO HANGGANG
SA MAAGA KAMI NATAPOS SA TOHS NAMIN
NAKAPASOK PA KAMI NG FIRST SUB OH
DIBA SO LIT HAHAHAHA. NALAMAN KO
NALANG NA SINABI PALA NG MABABAIT
KONG KAKLASE SAYO NA NAMIMISS KITA
AT HINDI LANG YUN DINAGDAGAN NA DIN
NILA NG MAHAL KITA OH DIBA AUS
PAHR!!. SO AYAN KA NANAMAN SA
PANGUNGULIT UMABOT DIN NG 2MONTHS
PERO PILIT KONG ITINAGGI SAYO NA HINDI
KITA MAHAL NAMISS LANG KITA PERO
NAGBAGO YUN NUNG PINAHINTO NANAMAN
KITA :

babaeng nagsayang ng grasya
RMHS
b**h 2017-2018

16/06/2018

An open letter to my first love❤️
Happy father day sa first love ko,
Kahit po iniwan ninyo kami nila mama
I still love you kahit po ang dami mong pag kukulang samin ni ate thankful parin ako di man ako close sayo pag nakakasama kita kasi di ako sanay sayo ,kasi lumaki kami ng wala ka ang bless ko parin tsaka kahit diko po sinasabi sayo na pinapatawad na kita sa lahat sa pang iiwan mo pa okay na yun pa tanggap kuna po. Thank kasi bumalik ka and thank you kasi kung di dahil sayo diko masisilayan yung ganda ng mundo thank you for everything pa. Diko man sinasabi sayo mahal na mahal po kita pa and sa mama kung tumayo ding tatay namin ni ate dati happy fathers day din mama. Proud na proud po ako kasi kayo yung magulang ko iloveyou always and forever kayo po yung strength ko kayo po yung dahilan kung bakit nag susumikap ako sa pag aaral ko. Iloveyou papa and mama di po ako magsasawa sabihin sa inyo yan kagaya ng hindi ninyo pagsasawang pag mamahal samin and happy fathers day sa lahat ng haligi ng tahanan at sa mga nanay na sabay ginagampanan yung posisyon bilang nanay at tatay we are so proud of you po , thank you for everything saludo po kami sa inyo ❤️😊

Ms.BS
Alumni

16/06/2018

Hello Ramon Magsaysay Freshies

Advice ko lang sa inyo,
Mas maganda kung bibili kayo ng mga school uniforms sa loob ng school mismo.Huwag po sa labas yung katabi.

Bakit?
Noong grade 7 ako yung bibili kong short na pang PE nasa maling side ang logo

Grade 8 baliktad din

Grade 9 Napamahal ako ng 50 pesos pataas pero yung mga classmates ko mas mura PE mas maganda Quality nung kanila
Baliktad din Logo sa Jogging Pants nung akin.
Nasa side ang Logo ng T-shirt imbes na sa gitna.

Pati uniform na binili ko sa labas yung logo duling si Magsaysay.
Plus pangit texture ng pantalon nila.

Mas okay bumili ng Logo sa Uniform pag Hindi malapit pasukan. Kase guwapo doon si Magsaysay. Pag malapit na pasukan bumili yung mapupunta sa inyo duling, Brown, mataba, basta pangit WHAHAHA

Basta sa school lang bumili wag sa labas naloko ako nun ehh

16/06/2018

"Sa ikalawang pagkakataon"

Hi ako ulit to si Kay at ikkwento ko sa inyo kung anong nangyari sa story namin ni Eyyie.
Nung bago palang kami sa grade 10 i think mga july or june ok pa kami close pero may ilangan pa, one time nakapagusap kami nun kasi wala kaming teacher pareho, sinabi ko sa kanya na sana may time machine para pwede kaming bumalik sa nakaraan nakita pa nga kami ng mga dating kaklase namin akala nila kami hahaha.
May time nun na umiwas ako kasi ayoko ng mahulog ulit masyado na kong nasaktan pero wala eh di rin natiis. Sabay kami lagi nun sa pila tsaka naghihintay sya sa labas ng room. August 1,2017 bday nya nageffort ako may pa letter si mayora kaso di sya pumasok nun tapos dun na nagstart na MIA sya (Missing In Action) di na sya pumapasok akala ko baka may sakit lang. Kaso lumipas ang ilang buwan wala parin sya di parin sya bumabalik. Nung time na nauso yung sarahah nagmessage kami sa isa't isa alam naman naming pareho na kami yun. Sobrang namiss ko sya. Araw araw at kahit saan ako pumunta lumilingon lingon ako umaasa ako na baka makita ko sya nagbabakasakali ako na baka makasabay ko sya pero madamot ang tadhana ni minsan di ko sya nakita. Bago matapos ang 2017 nagmessage ako sa kanya nagreply nga sya eh sabi nya "malapit mo na Kong makita" pero binalewala ko yon kasi 3rd grading na imposibleng tanggapin pa sya ulit. January 20,2018 bday ng pinsan ko pinainom ako ng gf nya pero di ko naman alam na malalasing ako sa kaya ayun chinat ko sya ng kung ano-ano ang naiintindihan ko nga lang dun miss na kita eh.January 22 di ako pumasok tapos nagchat sakin yung best friend ko sabi nya nakita daw nila si eyyie pero di ako naniwala kasi baka ineechos lang nila ko. Kinabukasan January 23,2018 nakita ko sya bumalik nga sya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, yung feeling nung unang bese ko syang nakita ganon yung nangyari isang linggo ko din syang di pinapansin nun pero nagpansinan din naman kami afterwards kasi di ko naman sya matitiis eh. Dumating kami sa point na naging close ulit kami bumalik yung mga late night conversations akala ko nga magtutuloy tuloy na eh kaso hindi bigla na lang isang araw nagising na lang ako wala na di na sya nagrereply. Nung prom nga iniyakan ko pa sya eh kasi may kasayaw syang iba naalala ko nung prom namin nung gr.9 nung ok pa kami. Yung letter and pictures na ginawa ko nung bday nya nabigay ko nung March 13 actually pinaabot ko lang sa kaibigan ko di ko na kasi sya kayang harapin eh makita ko lang sya nasasaktan na ko. Hanggang ngayon di parin kami nakakapausap sobrang miss ko na sya gustong gusto ko syang makausap madami akong gustong sabihin at linawin.
Kaya kung nababasa mo to Eyyie gusto kong malaman mo na nandito parin ako umaasa na baka balang araw makita mo rin yung halaga ko. Nandito parin ako bilang kaibigan mo kapag may problema ka pwede mo naman akong makausap eh handa akong makinig.
May girlfriend ka na ngayon at magkahiwalay na tayo ng school pero grabe pinagkokonekta parin tayo kasi kaklase mo yung ex-classmate ko hahaha.

To my Bal
My Daniel Padilla
My Ex almost
I want to thank you for playing a big role in my life. Thank you for making me feel everything. Thank you for always being there, for motivating me to always fight. For always telling me not to give up, for believing that I can ,thank you. We may not been in a relationship but I know what we had is special. I'm always here to support you I know you really want to become a Musician and that's not impossible because you have very powerful music. I know you have so many plans, I'll support you even though I'm not part of it I always believe that you can. I love you and I'm not asking you to love me to, what you made me feel is more than enough. Someday we'll find someone who can love us more than what we deserve.

Your Kathryn Bernardo
Kay
Dating Grade 10

16/06/2018

An open letter to my boybestfriend na minahal ko at minamahal ko pa din ng patago----

Mahal kong bes,

Dati kapag naka- "active now" ka tuwang tuwa ako, kasi alam ko hindi ka makakalimot na ichat ako. Dati kapag chinat mo ako nag iisip pa ako ng magandang topic at reply sayo. Kaso dati na lang lahat yun. Namimiss na kita ngayon. Kasi ngayon? kapag online ka hindi ko alam kung ichachat pa ba kita? o hindi na kita kukulitin pa. Kasi baka busy ka o kaya may kausap ka ng iba. Hindi na kita kukulitin baka kasi hindi na ako yung gusto mong kausapin. Bakit ka nga ba naka online? Siguro kausap mo na yung bago. Siguro hindi na ako yung priority mo. Siguro hindi na ako yung girlbestfriend mo. Sorry kung napaka demanding ko, anong magagawa ko? eh sinanay mo ako. Sinanay mo ako sa pansamantala, sinanay mo ako sa mga bagay na temporary lang pala. Yung mga late night conversations natin na kung abutin tayo eh magdamag----ayun andun inaamag.

Yung dating pangangamusta mo, madalang na lang. Yung dating pangungulit mo minsan na lang. Yung pag-uusap natin napapadalas na lang.

Bakit ka ba kasi nagbago? Bakit ka ba kasi umiiwas? Bakit ka ba kasi humahakbang papalayo? Ako, etong palaging nasa tabi mo kapag kailangan mo, takbuhan mo kapag inaaway ka ng mundo---- pero bakit ganun? ikaw tong pilit tumatakbo sa kung anong meron tayo. Nakuntento ako sa salitang kaibigan, pero sana naman huwag mo akong iwanan.

Nagmamahal hindi mo naman mahal,
ate mong rows feel na feel
(binibini ni juanito, alumni na)

16/06/2018

At dahil grade 9 na tayo.
Wala ng intro intro shout out nga pala sa mga besfriend ko nung grade 8 at grade 7 yiieeeee haha best friend ko parin sila👏.
Pinaka mahalaga sa lahat shout out nga pala sa kaibigan kong mas babae pa sakin pero crush KO! Hahaha wala na Kong p**i sa mga huhusga putspa . tutal d namn kayo ang magdadala kaya manahimik kayo .
So ayun na nga. Grade 7 ako nung Una kitang nakita sa stage sumasayaw ka nung time na yun , grabe ganda mo dun ah may pa wig kapang ganap . pagkatapos nung event wala na d na kita nakita kasi mag kaiba tayo ng schedule .
Nung tumungtong tayo ng grade 8 naging kaklase kita . sa una nahiya talaga akong kausapin ka syempre baka snobbin moko. Pinagisipan Kong mabuti nun kung tatanungin ba kita kung pinsan moba si ano kasi famous talaga yon. Tas Kala ko i-snobbin mo pero hnd . after a few months nakakausap na kita hanggang sa naging magkaibigan . naging sobrang close yung nasa point na tayo na nayayakap muna ko ganun din ako sayo , nakaka holding hands kita . hanggang sa nasa point na ako na nagugustuhan na kita , tanggap ko namn na hnd pwede kasi mas babae kapa sakin or should I say parehas tayo ng gusto (boy) pero wala talaga akong pake ! Inamin ko parin sayo na gusto kita . nasabi mo lang nun "kaloka ka tih" . lagi kong inuulit ulit sayo na GUSTO KITA pero akala mo ata nagbibiro ako. May time pa nga na napagusapan yung about sa prom sabi ko sayo isasayaw kita kahit anong mangyari kahit na sinasabi mong parehas tayong naka gown wala akong pake! Basta isasayaw kita . kahit na nirereject mo ko nun wampae ako sabi kopa sayo kahit mamataii ako isasayaw talaga kita haha . at dahil grade 9 na tayo d ko na mahintay yung prom natin, gusto na kitang maisayaw . miss na miss na kita lalo pa't magkaiba tayo ng section pero nagkikita parin tayo . salamat lang talaga kasi parehas tayo ng sched . d ko alam kung bakt ako ganto sayo , d ko alam kung bakt ikaw yung nagustuhan ko . oo madami akong crush pero hanggang dun lang yon !
D ko namn masisi sarili ko d namn siguro masama magmahal ng bakla dba.
Ps pag na post to tatag kita
Pps d masamang magmahal .
Ppps sana prom na HAHAHAHA

Panda
2018

07/06/2018

LWCARDS

Masaya at kumpleto kaming magkakaibigan, DATI. Pero ngayon? Miss na miss namin isa't isa pero wala kaming magawa kung pano ulit kami mabubuo, siguro kasi yung ibang miyembro sa grupo namin may kanya kanya ng priorities pero it's not all about "priority" kasi kung mahal mo at mahalaga sayo gagawa at gagawa ka ng paraan para makasama mo sila. Siguro ang tagal na nung naging kumpleto kami pero ngayon pag aalis mga 3 or 4 nalang minsan may nag sosolo pa kaya wala na lumayo na loob sa iba.

To my favorite girls, magkakahiwalay man tayo pero always remember na hindi ko kayo ipagpapalit, yes may dumating na bagong friends, may nabuo kaming bagong memories pero hinding hindi ko kakalimutan ang mga napagsamahan natin, para sakin yun ang best! i love you so much lwcard!! ☹ tbh miss na miss ko na kayo, sana makumpleto na tayo. Excited to see you, soon!!

To my ex bestfriend, uhm hi? Tiniis ko lahat hahaha yung ilang beses kang nawala? Ilang beses din kitang tinanggap kasi bestfriend kita eh, lab kita hahahaha kahit daming gusto maging bestfriend ako, isinantabi ko kasi nangako akong ikaw lang. Pero ikaw? Hindi ka pala katulad ko. Darating pala tayo sa point na iiwan mo ko kasi nakahanap ka ng iba at nagsawa ka na sakin hehe. Pero okay lang! Sanay na. Sana lagi mong tandaan na nandito lang ako for you and i love you so much! Ingat ka palagi, alagaan mo sarili mo ha.

Josephine

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Manila