Most Holy Trinity Parish
The official page of the Most Holy Trinity Parish located at Calabash Road, Balic-Balic Sam
WOW (Gospel Insight Today) 1/30/23
Mk 5: 1 - 20
‘Umuwi ka na at sabihin mo sa iyong mga kamag-anak ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paano siya nahabag sa iyo.”
Konteksto: Para sa mga Hudyo walang kredibilidad ang isang maliit na kabilang ng lipunan tulad ng isang maysakit o inalihan ng masamang espiritu. Binasag ni Kristo ang mapanghamak na gawaing ito. Sa halip, matapos mapagaling ang isang inalihan ay binigyan niya ito ng kapangyarihang magpatotoo sa kabutihan ng Diyos.
Paglalapat: Walang tao ang inalisan ng pag asa. Kahit pa ang sa palagay natin ay hindi na maisasalba, salot, pabigat o nagpaka-layo layo, lahat ng iyan ay may pag asang magbago sa kapangyarihan ng Diyos. Walang hindi kayang abutin ang Panginoon.
Paghamon (Isabuhay upang mabuhay):
Huwag pihikan sa pagbibigay ng ikalawang pagkakataon sa mga nagkulang o nagkasala. Umasa sa kapangyarihan ng pag asa.
28/01/2023
27/01/2023
Most Holy Trinity Parish Pastoral Council
http://bit.ly/3HsGTdQ
24/01/2023
WOW (Gospel Insight Today) 1/25/23
Mk 16: 15 - 18
‘Ang Sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong kapangyarihan…’
Konteksto: Kapistahan ng Pagbabagong-loob ni San Pablo. Ipinagdiriwang natin ito sapagkat ang pagbabagong-loob ni San Pablo ay huwaran at may magandang katangian: agaran at ganap. Kaagad (immediate) ang conversion ni San Pablo matapos ang enkwentro nya kay Hesus. Ganap sapagkat buo ang pagbibigay niya ng sarili kay Hesus na nagbunga ng maraming gawa bilang testimonya ng kabutihan ng Diyos.
Paglalapat: Ang ating conversion ay dahan-dahang proseso. Hindi kagyat na nagbabago ang isang tao. Mayroong mga naghangad. Mayroong nangarap. Mayroong mga nagsikap subalit bumabalik pa rin sa dating ugali. Mayroong mga nahirapan. Mayroong nagtagumpay subalit hindi naging madali. Sa gitna ng lahat ng ito, mananatiling mahabagin ang Diyos. Huwag mapagod na magsikap. Manalig sa kapangyarihan ng Diyos.
Paghamon (Isabuhay upang mabuhay):
Magpunyagi upang magtagumpay.
WOW (Gospel Insight Today) 1/19/23
Mk 3: 7 - 12
‘Ikaw ang Anak ng Diyos!’
Konteksto: Karangalan (usapin lamang ng mga kalalakihan) ang obsession ng mga Hudyo. Gagawin nila ang lahat upang maging mas marangal sila kaysa ibang tao. Kaya tensyonado ang atmosphere na nalilikha. Ang gawain na ipagsigawan ang pangalan sa publiko ay pagkilala sa karangalan, subalit ang pagkilala sa publiko mula sa masamang espritu ay paraan ng pag-kontrol at manipulasyon. Ikalawa, ang pagbabawal ni Kristo na ipagsigawan ang pangalan Niya ay dahil sa kamangmangan pa rin ang pinanggagalingan ng pagtingin sa Kanyang gawain, na maaaring ang lahat ay isang magic lamang.
Paglalapat: Kailangan bang ipagsigawan ang husay at galing? Hindi pa ba masaya na ikaw ay may husay at galing? Baka insecurity na yan. Ang tunay na mahusay at magaling, hindi nangangailangan ng publicity. Hindi rin naman nagtatago dapat. Ang mga gawa mismo ang magiging sigaw. Misyon sana ang hangarin hindi popularidad.
Paghamon (Isabuhay upang mabuhay):
Magtrabaho ng tahimik para sa Panginoon. Kadalasan yung tahimik na naglilingkod ang masaya. Yung nangangailangan pa ng publicity at ingay ang s’yang malungkot.
18/01/2023
WOW (Gospel Insight Today) 1/18/23
Mk 3: 1 - 6
“Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti o ng masama?”
Konteksto: Ang aral ng Pariseo ay tuparin ang nilalaman ng batas. Ang pagtupad ng batas ay palatandaan ng pagiging marangal. Umiikot ang buhay ng mga Hudyo sa batas at ito ang kanilang kaligtasan. Ang aral ni Kristo ay walang maaaring magtakda ng paggawa ng kabutihan. Huwag ipagpaliban ang paggawa ng kabutihan kahit Araw ng Pamamahinga. Ang batas ay marapat na magpagganap, hindi para magsupil.
Paglalapat: Ang malugod na pagtupad ng batas ay karanasan ng kalayaan. Ang may ngitngit ng pagtupad nito ay pagiging alipin nito. Gawin natin ang isang bagay hindi lamang dahil tama ito, kundi dahil nagiging masaya tayo. At kaya natin ginagawa ay dahil sa ikaluluwalhati ng Diyos. Ang maling gawi at gawa, maging ng mga nakatatanda o mas nakaaalam ay huwag tularan, subalit kapulutan ng aral.
Paghamon (Isabuhay upang mabuhay):
Very fulfilling kapag masaya nating ginagawa ang isang bagay. Subalit maging masaya sa tamang pamamaraan, sapagkat mayroong ‘masaya’ na masama at magpapahamak sa atin.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the place of worship
Address
Calabash Road, Balic-Balic, Sampaloc
Manila
1008
Opening Hours
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 5pm |
| Sunday | 5am - 8pm |