Development Studies Society
est. 1997 โข Ang Opisyal na Pang-Akademikong Organisasyon ng Araling Pangkaunlaran ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila
The Development Studies Society is an organization based in the University of the Philippines Manila which aims to recognize and promote the welfare of the Development Studies students, protect and uphold the rights of the student body, and commit the organization to the ideals of academic excellence, human rights, social justice and nationalism. Ang teoryang hindi tinatambalan ng praktika ay baog. Ang praktikang hindi ginagabayan ng teorya ay bulag.
19/06/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Kilala ang Negros bilang โsugar bowlโ dahil sa mga tanim nitong tubo. Itinatanim at inaani ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa Negros ang asukal na nagpatatamis sa ating mga kinakain at iniinom. Ngunit para sa kanila, ang asukal na ito ay mapait at mapula dahil kaakibat nito ang dugo na inialay para ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa at kabuhayan. Ang puwersa ng berdugo at pasistang militar sa isla ng Negros ay nagpapakita ng pagprotekta sa mga panginoong maylupa at malalaking burgesya komprador na patuloy na nagpapahirap sa mga magsasaka at manggagawang bukid. Dahil sa walang habas na pamamaslang ng militar, tinaguriang โmassacre capitalโ ang isla ng Negros.
Nanatiling mahirap ang mga mamamayan ng Negros dahil sa pyudal at malapyudal na pananamantala. Marami ang inaalam ang kahirapan na dinaranas ng mga mamamayan kaya sila ay nakipapamuhay. Hindi kailanman naging mali ang paglubog sa komunidad ng mga batayang sektor, dahil higit kailanman, kinakailangan nila ng tulong at suporta mula sa mas malawak pang hanay ng masa. Kamakailan lamang, pinaslang ng berdugong militar ang kapwa iskolar ng bayan na sina Maureen Santuyo at Alyssa Alano, na ang tanging layunin ay makipamuhay sa mga magsasaka at alamin ang kanilang danas. Malinaw na ito ay paglabag sa International Humanitarian Law, kaya nararapat na pagbayarin ang pasistang estado at berdugong militar para sa mga buhay na kinitil nila.
Dahil sa patuloy na pamamasista at pangangamkam sa lupa ng mga magsasaka, hindi nakapagtataka kung bakit patuloy ang pag-aklas ng sambayanan sa lipunang malakolonyal at malapyudal. Ang pananamantala na ito ay ang nag-uudyok sa sambayanan na tumangan sa hindi pangkaraniwang landas upang ipaglaban ang kanilang karapatan, kabuhayan, at upang tunay na mapalaya ang sambayanan.
Sa patuloy nating laban para sa tunay na reporma sa lupa, alalahanin natin ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay. Patuloy nating singilin ang rehimeng US-Marcos-Duterte na patuloy na naghahari-harian sa kanilang mga puwesto, habang ang mga magsasaka ay naghihirap at dumadanak ng dugo para sa kanilang kabuhayan.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
12/06/2026
Mahigit isang siglo na ang nakalipas nang iwinagayway ng sambayanang Pilipino ang watawat ng kalayaan matapos ang matagumpay na pakikibaka laban sa kolonyalismong Espanyol. Bunga ito ng dugo, pawis, at buhay na inialay ng mga rebolusyonaryong Pilipino upang ipagtanggol ang bayan at itaguyod ang isang malaya at nagsasariling bansa.
Sa paggunita ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, binibigyang-pugay natin ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kasarinlan ng bansa. Ngunit nananatiling hungkag ang pagdiriwang kung ang kalayaang ipinagdiriwang ay hindi ganap na nararanasan ng mamamayan. Bagamat matagal nang nagwakas ang tuwirang kolonyal na paghahari, nananatili ang iba't ibang anyo ng dayuhang kontrol sa bansa sa pamamagitan ng mga kasunduang militar, dominasyon sa ekonomiya, at pakikialam sa mga usaping pampulitika, partikular ng imperyalistang US.
Sa ilalim ng sistemang malakolonyal at malapyudal, nananatiling atrasado ang ekonomiya, walang lupa ang milyun-milyong magsasaka, mababa ang sahod ng mga manggagawa, at pinagkakaitan ng disenteng kinabukasan ang kabataan. Habang patuloy na binubuksan ang likas na yaman at mga estratehikong industriya sa dayuhang kapital, lalo namang lumalalim ang kahirapan at nananatiling mailap ang tunay na pambansang industriyalisasyon.
Ang patuloy na panghihimasok ng imperyalistang US sa ating bansa ay isang banta sa ating soberanya. Malinaw na manipestasyon niyo ay ang Balikatan Exercises, mga taunang ehersisyong militar na ginagamit upang higit pang patatagin ang presensyang militar ng US sa bansa; EDCA Bases, na nagsisilbing tuntungan ng mga tropang dayuhan sa loob ng ating teritoryo; at Pax Silica Initiative, isa pang mekanismo ng pagpapalalim ng dominasyon ng US sa ating ekonomiya at teknolohiya. Ang lahat ng ito ay banta sa kaligtasan ng ating bansa at komunidad. Sa halip na ilaan ang pondo para sa batayang serbisyo, ay inilalaan pa ito upang patuloy na magdulot ng panganib sa ating bansa.
Hindi maihihiwalay sa kalagayang ito ang papel ng mga naghaharing-uri at mga opisyal na nagsisilbi sa interes ng dayuhan sa halip na ng sambayanan. Kabalintunaan ang kawalang-respeto ng ilang halal na opisyal sa diwa ng Konstitusyon at demokratikong pananagutan sa gitna ng laganap na korapsyon, pag-abuso sa kapangyarihan, at pagtalikod sa tungkulin sa bayan. Ang kanilang pagkikibit-balikat sa pandarambong sa kaban ng bayan ay hindi lamang paglabag sa tiwala ng mamamayan kundi paglapastangan din sa sakripisyo ng mga bayaning Pilipinong nag-alay ng buhay para sa kalayaan.
Libu-libong buhay at danak ng dugo ang itinaya upang makamit ang kalayaan, ngunit ngayon ay nakawan sa kaban ng bayan, pang-aabuso sa kapangyarihan, at pagsupil sa demokratikong karapatan ang ipinangangalandakan ng mga dapat sana'y tagapagtanggol ng pambansang kasarinlan. Makikita nating kasing-hirap labanan ang mga makasariling kababayang nagsisilbi sa interes ng dayuhan gaya ng paglaban sa mga dayuhang mananakop mismo.
Tayo man ay pormal nang nakalaya mula sa kolonyal na paghahari, patuloy pa rin tayong humaharap sa iba't ibang anyo ng pananakopโhindi lamang mula sa mga imperyalistang dayuhan kundi maging mula sa mga Pilipinong nagsisilbing tagapagtaguyod ng dayuhang interes sa ating sariling bayan. Hangga't nananatiling nakatali ang ekonomiya, pulitika, at militar ng bansa sa imperyalismong US at sa interes ng iilang naghaharing-uri, hindi pa ganap na malaya ang Pilipinas.
Ang pinakamataas na pagpupugay sa mga bayani ng bansa ay hindi lamang paggunita sa kanilang kabayanihan kundi ang pagpapatuloy sa kanilang sinimulang laban. Sa ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, nananawagan tayo sa sambayanang Pilipino na ipagpatuloy ang pakikibaka para sa tunay na pambansang kasarinlan, demokrasya, at katarungang panlipunan. Ang kalayaan ay hindi lamang ginugunitaโito ay patuloy na ipinaglalaban.
๐๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐-๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐บ๐ผ๐ป๐ด ๐จ๐ฆ, ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐น๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ, ๐ผ ๐ป๐ด ๐ถ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด-๐๐ฟ๐ถ. ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐-๐ฎ๐ฟ๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐น๐๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ฝ๐ถ๐น.
๐๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐น๐ฎ๐ป!
๐ช๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ผ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐น๐ฎ!
๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐บ๐ผ!
๐จ๐ฆ ๐ง๐ฟ๐ผ๐ผ๐ฝ๐, ๐ข๐๐ ๐ก๐ผ๐!
05/06/2026
๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ง๐ข๐ฒ๐จ ๐ฉ๐จ ๐๐ ๐ฌ๐ข ๐ฌ๐ก๐๐ซ๐ฆ๐๐ข๐ง๐? ๐
hindi namin kilala si sharmaine PERO๐ kilala namin ang mga natatanging ๐๐๐๐๐๐ฆ๐ข๐ ๐๐๐ก๐ข๐๐ฏ๐๐ซ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐ซ๐๐ง na napagtagumpayan ang ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐ ng ๐.๐. ๐๐๐๐-๐๐๐๐! ๐ป
Aming pinagpupugayan ang inyong pagpapamalas ng kahusayan at tapang para harapin ang mga hamon ng nakaraang semestre. Ang inyong tagumpay nawa ay maging paalala sa tungkulin ninyo bilang mga iskolar ng kaunlaran. Ang pag-aaral ng mga teorya ay hindi dapat nalilimita sa mga pader ng ating pamantasan. Ito dapat ay isinasapraktika sa patuloy na pakikibaka ng masaโmula sa welga ng mga manggagawa hanggang sa sakahan ng mga magsasaka sa kanayunan. Patuloy ninyong i-alay ang husay at talino para paglingkuran ang sambayanan tungo sa ganap na kalayaan at kaunlaran!
Padayon, DevStud! ๐ป
Pub by: Krishna Cuyugan, Marco Macalintal, Marla Frange
03/06/2026
KABATAAN, MAKIISA SA LABAN NG MASA!
Dama ng mamamayang Pilipino ang krisis sa ilalim ng rehimeng US-Marcos na patuloy ang paggamit ng whole-of-nation approach para sugpuin ang mamamayang lumalaban. Nakikita ang tumitinding militarisasyon sa kanayunan tulad ng nangyaring pamamaslang ng berdugong AFP sa Toboso 19. Ang ganitong represyon ay dama rin ng mga estudyante sa kalunsuran. Lumalala ang red-tagging ng NTF-ELCAC sa mga kabataang-aktibista at ang mga represibong polisiya sa mga unibersidad na yumuyurak sa kalayaang pang-akademiko ng mga estudyante.
Tumataas ang matrikula, lumalala ang kawalan ng katiyakan sa kinabukasan, at lumalayo ang neoliberal na edukasyon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan. Sa ganitong kalagayan, maraming estudyante ang nagsisimulang magtanong at magalit, bakit ganito ang sistema at sino ang tunay na nakikinabang dito? Saan ang kinalalagyan ng estudyante sa laban ng masa?
Sumama sa ating Educational Discussion ngayong Biyernes, Hunyo 5 (1-4 PM), sa pagtalakay sa papel ng kapangyarihang estudyante sa malawak na pakikibaka ng masa. Sama-sama nating suriin kung paano nahuhubog ang kamalayang estudyante sa gitna ng krisis, bakit mahalaga ang konkretong pag-unawa sa kalagayan ng masa, at kung bakit walang tunay na kapangyarihang estudyante kung hiwalay ito sa masa.
Susundan ito ng pagkilos at cultural night.
๐ป 4:00 PM - Assembly @ CAS Tambayan
๐ป 4:30 PM - Protest Action @ CAS Gate
๐ป 6:00 PM - Cultural Night @ CAS Oblation
Makilahok at makiisa sa laban para sa ating karapatan!
29/05/2026
๐๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐๐ง๐๐ฌ ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐๐ง๐๐ฌ ๐จ๐ ๐ฆ๐๐ซ๐ญ๐ฒ๐ซ๐ฌ ๐ก๐๐ฏ๐ ๐ก๐๐ซ๐จ๐ข๐๐๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐ฅ๐๐ข๐ ๐๐จ๐ฐ๐ง ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐ฅ๐ข๐ฏ๐๐ฌ ๐๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐ฉ๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐; ๐ฅ๐๐ญ ๐ฎ๐ฌ ๐ก๐จ๐ฅ๐ ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐๐๐ง๐ง๐๐ซ ๐ก๐ข๐ ๐ก ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ซ๐๐ก ๐๐ก๐๐๐ ๐๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ ๐ฉ๐๐ญ๐ก ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ฌ๐จ๐ง ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐๐ฅ๐จ๐จ๐! - ๐๐๐จ ๐๐๐๐จ๐ง๐
As time moves forward, we must continue to carry on the struggle of our fallen comrades. The world will not stop turning, and the fascist attacks against the people will persist. We must carry our grief with us and transform it into fuel that further ignites our militant spirit.
The struggle of the masses will continue, and the legacy of Maureen Keil Santuyo, Errol Wendel, and the Negros 19 will continue to haunt the reactionary government through the collective action of the people fighting for justice, for the defense of human rights, and for genuine national development and sovereignty.
JUSTICE FOR MAUREEN SANTUYO AND ERROL WENDEL! JUSTICE FOR NEGROS 19!
24/05/2026
Neoliberal education has confined development research within the halls of the academe, for the sole purpose of meeting publication requirements and keeping them out of reach from the masses it claimed to inquire about. Knowledge monopolies restrict the creation and dissemination of knowledge within elite platforms through costly paywalls and bureaucratic publication processes, rather than sparking collective and critical dialogue.
Development research must, first and foremost, be shaped by the experiences and struggles of marginalized communities. As development scholars, we must actively dismantle the colonial, elitist, and bureaucratic research structure that has shielded vital knowledge away from the masses. Research must be co-created with communities as a form of collective resistance against the status quo.
The Development Studies Program - UP Manila and Development Studies Society invite everyone to this year's thesis colloquium, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐๐ฌ๐๐๐ซ๐๐ก ๐๐ซ๐๐ฑ๐ข๐ฌ ๐๐๐๐. Witness the effort undertaken by Development Studies students as they integrate theory with practice in empowering communities, amplifying their struggles, and championing social transformation.
๐
๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐
โฐ ๐:๐๐ ๐๐ - ๐:๐๐ ๐๐
๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐๐ซ๐๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ข๐๐๐๐ข๐จ ๐๐ฆ. ๐๐๐
Interested participants may register through the link below:
๐ https://bit.ly/Kritikauswagan2026
๐ https://bit.ly/Kritikauswagan2026
๐ https://bit.ly/Kritikauswagan2026
12/05/2026
DUTERTE, PANAGUTIN! PASISTANG REHIMEN, IBAGSAK!
Sa lilim ng nagbabanggaang trapoโt dinastiya, muling umalingawngaw ang kabulukan ng naghaharing uri. Habang nilulunod sa gutom, mababang sahod, at kawalan ng kabuhayan ang sambayanan, abala naman ang mga warlord ng kapangyarihan sa Senado sa pag-ukit ng panibagong alyansa upang iligtas ang isaโt isa sa bingit ng pananagutan. Muling sumulpot si Bato dela Rosa, anino ng madugong gera kontra maralita, kasabay ng maniobrang nagluklok kay Cayetano sa trono ng Senado habang umiigting ang usapin ng impeachment ni Sara Duterte. Hindi ito simpleng โpulitikaโ; isa itong maruming sayaw ng mga naghaharing paksyon upang protektahan ang kanilang dinastikong imperyo at pigilan ang pag-usad ng hustisya.
Habang nag-aagawan sila sa kapangyarihan, lalong ibinabaon sa kahirapan ang masa. Ang Senado ay hindi tahanan ng serbisyo publiko kundi pugad ng mga pasistang berdugo, kroni, at mga tagapangalaga ng bulok na kaayusang pinaghaharian ng mga Duterte at Marcos, mga pamilyang paulit-ulit na nagpapalit lamang ng mukha ng paghahari ngunit iisa ang layunin: panatilihin ang kontrol sa yaman at estado habang dinudurog ang mamamayan. Ang kanilang mga alyansa ay hindi para sa bayan kundi para sa sariling kaligtasan laban sa lumalakas na sigaw para sa hustisya.
Ngunit hindi habambuhay malilinlang ang sambayanan. Habang ang mga elitistaโy nagkukubli sa likod ng mga engrandeng talumpati at drama sa Senado, patuloy namang lumalakas ang galit ng mamamayan laban sa pasismo, korapsyon, at paghaharing dinastiko. Hindi sapat ang pagpapalit ng mga mukha sa poder kung nananatili ang sistemang alipin ng imperyalismo at naghaharing-uri. Ang tunay na pagbabago ay hindi magmumula sa bulok na bulwagan ng Senado kundi sa sama-samang pagkilos ng mamamayan, sa lansangan, pabrika, paaralan, at komunidad. Panagutin ang mga berdugo. Durugin ang kultura ng impunidad. Ibagsak ang naghaharing dinastiyaโt elitistang naghuhumiyaw sa kapangyarihan habang nilulunod sa dusa ang bayan!
Panagutin ang mga magnanakaw at mamamatay-tao! SUMAMA SA PAGKILOS BUKAS!
๐๏ธ May 13, 2026
โฐ 10 AM
๐ Senate Building
04/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐? ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐! ๐ป
Introducing our brand new ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐โjust in time for Sablay szn! Wear with pride, for only ๐๐ก๐ฉ ๐๐๐.
The new enamel pins show the official Development Studies Society logo, adorned with the Sablayโsignifying the role of DevStud students in serving the masses beyond their academic journey and outside the classrooms.
Buy yours through the link below:
๐ https://bit.ly/3OENMiT
๐ https://bit.ly/3OENMiT
๐ https://bit.ly/3OENMiT
(practice muna๐) Padayon, DevStud!
03/05/2026
Ngayong , kaisa ang Development Studies Society (DevSoc) sa panawagang hustisya para kay RJ Ledesma, community journalist na pinaslang ng estado sa Negros, at agarang pagpapalaya kay Frenchie Mae Cumpio, kasama si Marielle Domequil, na ikinulong gamit ang mga gawa-gawang kaso sa Tacloban City.
Sa kabila ng mahalagang gampanin ng mga mamamahayag sa usapin ng katotohanan at impormasyon, patuloy silang kumakaharap ng pananakot, ibaโt ibang porma ng intimidasyon, at panunupil. Ayon sa 2026 World Press Freedom Index, bumaba mula 49.57 patungong 46.79 ang press freedom score ng Pilipinas, isang indikasyon na malapit nang maabot ng bansa ang โvery seriousโ red zone ng kabuuang panunupil sa midya.
Tinatala ng Reporters Without Borders na isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakadelikado sa buong mundo para sa mga mamamahayag. Sa Pilipinas, ang mga katulad nila RJ at Frenchie Mae ay tinitignan bilang mga kaaway ng estado dahil sa kanilang pakikiisa sa mga batayang sektor ng lipunan, pagkwestyon sa kawalan ng katarungan, at paghatid ng mga tunay na impormasyong maglilingkod sa masa.
Hindi naman nalalayo ang kalagayang ito sa mga mamamahayag sa ibang bansa katulad ng Gaza at Iran, na kumakaharap din ng malaking banta sa kanilang kaligtasan at kalayaan dahil sa kanilang pagbabalita tungkol sa henosidyo at gyerang agresyon sa kanilang lugar. Sa ganitong usapin, hindi lamang ang karapatan sa malayang pamamahayag ang kinikitil ng estado. Pinagkakaitan din nito ang mga mamamayan ng kaalaman sa gitna ng samot-saring panlilinlang dulot ng malalaking makinarya ng disimpormasyon.
๐๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐ฑ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐น๐ฏ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐๐ฆ๐ผ๐ฐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ด๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐ป๐ด ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด. ๐๐ฏ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ด๐ฎ๐๐ฎ-๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ผ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ฐ๐น๐ผ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฑ! ๐๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ ๐ฅ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ธ๐๐ถ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ง๐ผ๐ฏ๐ผ๐๐ผ, ๐ก๐ฒ๐ด๐ฟ๐ผ๐ ๐ข๐ฐ๐ฐ๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น!
Ang laban para sa malayang pamamahayag ay laban din ng mas malawak na hanay ng sambayanang Pilipino para sa tunay na kaunlaran at demokrasya. Hanggaโt hindi napapanagot ang estado sa karahasan nito, magpapatuloy ang laban ng mamamayan para sa panlipunang hustisya.
๐ฅ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฎ ๐ข๐๐ช, ๐๐ง๐ง๐ค๐ก, ๐ง๐, ๐๐ก๐ฎ๐จ๐จ๐, ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ง๐ฉ๐๐ง ๐ฃ๐ ๐จ๐๐ข๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ.
๐ญ๐ช๐ฏ๐ช๐ด๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ญ๐ช ๐ฑ๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ช๐ธ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ฃ๐ข๐ฌ๐ข ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ. ๐ฑ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐บ ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ด๐ช๐ฌ ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐จ๐ช๐ฎ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ข๐ด๐ธ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฉ๐ข๐ด ๐ฏ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐ข๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐บ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ญ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ. ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ญ๐ช๐ต ๐ข๐ต ๐ต๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ถ๐ฎ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฉ๐ถ๐ด๐ต๐ช๐ด๐บ๐ข ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐บ๐ข๐ข๐ฏโ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ๐ช๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ด๐ข๐ฌ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ข๐ด๐ธ๐ข๐ฏ๐จ.
๐ก๐ช๐๐ค๐จ ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ก,
๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ข๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ช๐ง๐๐ฃ
ยท ยท โ ยท๐ปยท โ ยท ยท
Ito ang "๐๐๐ฃ๐๐๐ก ๐๐ฉ ๐๐ช๐ ๐ค"โang opisyal na produksyon ng Development Studies sa Socsciyaw 2026, sa ilalim ng direksyon ni Angel Ann Dela Cruz.
๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐๐ผ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ผ ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐ผ๐ฟ๐โ๐๐๐๐๐๐๐๐ผ!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the establishment
Website
Address
College Of Arts And Sciences, P. Faura Street
Manila