Random Rants
Please message your rants
03/11/2023
SCAMMER ALERT!!!
Mag ingat po kayo sa mga natatanggap niyong message sa whatsapp (kindly see the 1st photo). Hindi ko alam kung yung pangalan at pangalan ng company ay totoo ba talagang sa kanila? GZ MEDIA, sinearch ko ito sa google pero ang lumabas ay ang GZ Media ay isang record company which is walang kinalaman sa mga surveys about lazada. Oo, pagkakamali ko na hindi ko binasa ng buo ang message at basta nalang nagpauto. Sa una ka lang pala sasaya dahil kada magha-heart ka ng item sa lazada, may 40 pesos ka kada screenshot. Syempre, nasiyahan ako kasi sa isang araw may 1k na ako. Meron dyan yung Task #6 and Task #12, wala akong kamalay malay. Akala ko kasi kapag nagsend ka ng pera totoo. Well, totoo yung sa task #6 kasi yung 1k mo naging 1320, tapos another 300 pesos for 360. Syempre ikaw mapapaniwala diba? Dahil nga bago ako at ang tanga ko sa part na 'to, syempre sabi kasi magkakaroon ka ng 5k kapag nag-participate ka sa Task #12. Edi 'yun nga, para sa 5k nagsend ako ng 3k parang magiging 6120 yung 3k mo. Akala ko one time lang pero, hindi pala. Ito nung mga time na 'to, parang bigla akong nawala sa sarili ko. Ewan, nagulat ako may second pa daw na magsend ng money and 15k naman daw. Hindi daw kasi makukuha yung hinulog kong 3k at yung extra 5k kapag di naghulog edi ako si tanga, nagsend ng 15k. After nyan, di ko na alam ginagawa ko. Thru chat lang naman pero parang may kumokontrol na ng mind ko nung mga oras na 'yan. Hanggang sa nagkaroon ng 3rd payment daw, syempre iniisip ko nalang mabawi yung mga sinend kong pera. Hindi ko alam, nauuto na pala ako. Hanggang sa lumaki na ng lumaki. 40k yung sunod, di ko alam bakit ako nagsend ulit. At akala ko nung time na yan last na yan, at mababawi ko na pera ko. Pero hindi pa, gusto pa eh magsend ako ng 120k. Dun ako natauhan, dun palang sa point na yun, alam kong wala na ako mababawi. 60k lahat ang naisend ko dahil sa katangahan ko. Nagmamakaawa ako sa kanila na ibalik yung mga sinend ko, pero sabi hindi daw pwede. Mababalik lang daw yun kapag nagsend ng 120k. Meron pa nga silang say na sila na sasagot ng 60k, tas yung manager 20k, kahit ako na daw sa 40k, buti nalang nareach ko na limit ko dahil kung hindi 100k in total ang nascam nila sakin.
This is a BIG LESSON for me, na kapag may money involved, hindi tayo magsesend. Naghanap tayo ng sideline para sila ang magbayad sa atin hindi tayo ang magbibigay. Kaya sa mga nabiktima at mabibiktima palang, kung nabasa mo na itong post na ito, iwasan mo na agad.
Lagi akong nagdadasal sa panginoon na sana maparusahan yung mga ganitong tao, ipinagdadasal ko pa na kahit alam kong masama, ay sana buong pamilya nila ay magkasakit dahil sa ginawa nila.
Sa telegram ang conversation pati yung GC, kamaliam ko lang din yung hindi ako nagdouble check bago ako nagsend ng money. Siguro ito yung way ng panginoon para ipaalam sa akin o bigyan ako ng lesson na huwag na magtitiwala sa mga sidelines sa online.
Nauto din siguro ako kasi akala ko mga totoong tao yung sa telegram. Ang tanga ko talaga, promise. Kaya sana magsilbing aral din ito sa inyo. Wag na kayo gumaya sa akin. Ngayon pinagsisisihan kong sumali ako dito, kung pwede lang mabalik ang araw na iyon, hindi ako sasali sa ganito. Imbis na may pera sa pasko, wala nalang.
Yung 2nd pic, yan yung manager na ayaw ibalik yung pera. Yung profile pic kasi di ko naman alam na thailand actor pala yan, kaya napaniwala ako tapos nakapremium pa sa telegram.
Yung 3rd pic yung mga account na pinagsendan ko ng pera.
Toxic workmates.
- Admin
I'm all alone while you, you have them.
- Admin
Ang tanging nakikita lamang nila ay ang kamalian mo, hindi ang mga magandang nagawa mo.
- Admin
They don't know anything that I have been through, that's why they can easily judge me.
- Admin
Hi, ang page na ito ay para sa lahat na gustong ilabas ang sama ng loob tungkol sa pamilya, kaibigan at sa mga katrabaho mo pero gusto mo i-keep ang identity mo. Random Rants is here to hear your voice.
- Admin
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Manila