Ms. Poet
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ms. Poet, Writer, Manila.
kailangan bang maglalagay ng kolorete sa mukha,
upang masabing maganda?
kailangan bang isuot muli ang maskara,
upang itago ang kinakahiyang itsura?
sa panahon ngayon, nakakawala na ng gana,
lalo na kapag sarili mo lang ang dala—
walang pampaganda,
labi ay di rin ganoon kapula.
kasi nasanay ka na sa papuri ng iba,
nasanay ka nang itago ang natural mong ganda,
kasi pakiramdam mo, ganda ang sukatan,
pakiramdam mo, ganda ang batayan upang ipagmayabang.
— MsNicsyy
— bukas sa pagtatama
— ang pagnanakaw ay isang krimen
05/07/2025
. . .
— Nic's
don’t let someone else’s timeline make you feel behind on your own journey. everyone’s path is different.
hindi ka na interesado
sa bawat kong kwento,
hindi ka na nakikinig
sa mga salitang lumalabas sa 'king bibig.
estranghero na rin ang trato,
na para bang hindi ako naging
parte ng buhay mo.
wala ng "hi," sa tuwing
nagkakasalubong tayo,
wala ng ngiti sa tuwing mga mata'y
nagkatagpo.
at kung sakaling kumatok
ka muli sana ay bukas na
rin ang iyong puso para
tanggapin ako ng buo.
sapagkat ayokong
pagbuksan ka dahil sa
kailangan mo ng
panandaliang paghilom.
ayokong pagbuksan ang
isang taong may planong
umalis kapag gumaling na
ang sugat na natamo.
— nic’s
— malayang taludturan
In Filipino we say, “patawad nagustuhan kita, pwede pa ba tayong bumalik sa dati? kahit hanggang kaibigan lang”
But in panulaan, I'll say. . .
maari pa ba nating simulan?
kahit hanggang kaibigan lang,
burahin natin ang parte kung saan,
nahulog ako sa'yo ng tuluyan.
handa kong kalimutan,
ang aking nararamdaman,
maibalik lang ang dating pinagsamahan—
maibalik lang ang dating kasiyahan.
nung umiwas ka,
pakiramdam ko ako'y nag-iisa,
sabik na akong makasama ka,
hindi ako sanay na ganito tayong dalawa.
— Nic’s
kumakatok na naman ako sa pintuan,
na walang nag abalang ako ay pagbuksan,
sa pagbigat ng nararamdaman,
sino ang handa upang ako'y damayan?
maraming nagtanong kung ano ang pinagdaraanan,
ngunit nung ako'y nagsalita wala silang pinakinggan.
— Nic's
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Website
Address
Manila