Doc Tips PH
Disclaimer: “The health advice in this forum is only for general knowledge. For your specific questions, kindly consult your personal physician. Thank you.”
19/05/2022
"Take good care of your skin and hydrate. If you have good skin, everything else will fall into place." - Liya Kebede.
13/04/2022
Unang Hirit: Skin Care 101 with the Skin Sensei! Aired (February 19, 2020): Isa sa mga pinoproblema ng marami ay ang kanilang skin care. Kaya naman ngayong umaga ay tutulungan tayo ng viral doctor na si Dr....
30/03/2022
Manhid ang Kamay: Carpal tunnel syndrome
Payo ni Doc Willie Ong
Kung ang daluyan ng nerve (ugat) ay narabahan o namaga, naiipit ang nerve at nakakaapekto sa pakiramdam at paggalaw ng kamay. Ang sobrang pressure ay maaring maging sanhi ng carpal tunnel syndrome. Kung ito ay hindi gagamutin, posibleng permanenteng masira ang nerve at muscle.
Ang mga factors sa pagkakaroon ng carpal tunnel syndrome ay ang mga mabibigat na trabaho dahil sa pressure sa ating palad, at ang mga paulit-ulit na pagbubuhat ng mabibigat at matinding pagkilos ng kamay.
Mga sintomas:
1. Tingling o pamamanhid ng hinlalaki, hintuturo, gitnang daliri, palasingsingan (hindi kasama ang maliit na daliri). Ang ganitong pakiramdam ay nararanasan sa gabi at pag-gising. Gayundin habang nagmamaneho, may hawak na telepono o dyaryo.
2. Pakiramdam na parang nanghihina ang mga kamay kaya may pagkakataon na nabibitawan ang hawak.
Tips sa carpal tunnel syndrome:
1. Ipahinga ang kamay - Sa bawat oras ng trabaho, magpahinga ng kahit 5 minuto, dahan-dahang i-stretch ang palad at kamay.
2. Baguhin ang iyong mga gawain - Mas mabuti kung baguhin o ibahin ang mga gawain kung ito ay posible.
3. I-deretso ang kamay - Iwasang baluktutin ang palad ng pataas o pababa. I-relax o wag masyadong higpitan ang paghawak. Iwasan humawak ng mahigpit habang nagmamaneho, nagbibisikleta at nagsusulat.
4. Lagyan ng mainit ang kamay (hot compress) – Puwede din magsuot ng gloves para mapanitiling mainit ang kamay at palad.
5. Gumamit ng wrist splint sa gabi para deretso ang porma ng kamay - Ang wrist splint ay nakatutulong mabawasan ang sakit o pamamanhid ng palad at kamay. Ang splint ay dapat na hindi sobrang sikip. Ayaw natin naka-baluktot ang kamay dahil naiipit ang nerve.
Kung ang sintomas ay lumalala, mag-patingin sa doktor. Ang splints, therapy o injection ay puwedeng i-rekomenda ng doktor. Kung nawawalan na ng lakas ang kamay, puwede itong operahan kung kinakailangan
26/03/2022
Mata at Paningin
Payo ni Doc Willie Ong
Kapag tayo’y nagkaka-edad, humihina din ang ating mata. Tumitigas ang lente ng mata at lumalabo ang ating paningin. Ano ba ang mga bagay-bagay na nakasasama sa ating mata?
Ang mga payong ito ay itinuro sa akin ni Dr. Manuel Agulto, isang tanyag na espesyalista sa mata sa U.P. Si Dr. Agulto ay tumulong din sa pag-papa-opera sa mata ng maraming mahihirap na pasyente sa Philippine General Hospital.
Heto ang payo ni Dr. Agulto:
1. Umiwas sa nakasisilaw na bagay. Huwag tumitig sa araw at maliwanag na ilaw. Ayon kay Dr. Agulto, ito ang pinakamahalagang payo para hindi masira ang ating mata. Subukan ding diliman ang ating computer screen at telebisyon para hindi tayo masilaw.
2. Huwag magbasa sa dilim. Mahihirapan ang ating mata sa pagbabasa sa madilim. Gumamit ng katamtamang puting ilaw (at hindi dilaw). Huwag idirekta ang liwanag sa mata.
3. Huwag magtrabaho ng mahabang oras sa harap ng computer o TV. Subukan ang payong “20-20-20”. Ano ito? Bawat 20 minutos sa harap ng computer o TV, tumingin sa malayong lugar (mga 20 feet ang layo) ng 20 segundo. Makababawas ito sa pagod ng ating mata.
4. Isang tip: Ang madalas na pagkurap ng mata ay may benepisyo din para basain ng luha ang ating mata. Masama kasing matuyuan ang cornea (ang harapan ng mata). Minsan, sa sobrang sipag magtrabaho ay nakakalimutan nating kumurap at ipahinga ang mata.
5. Ihinto ang paninigarilyo. Umiwas din sa usok ng ibang naninigarilyo. Napakasama ng paninigarilyo sa mata dahil puwede itong magdulot ng katarata at pagkabulag. Ang katarata ay ang panlalabo ng lente na nangangailangan pa ng operasyon.
6. Umiwas sa maalikabok at maduming lugar. Napapansin mo ba na kapag nasa mausok o maalikabok kang lugar ay namumula ang iyong mata? Kapag sumakay ka ng jeep o nag-inuman sa bar, hindi ba namumula ang iyong mata? Ito’y dahil nakakairita ang usok at alikabok sa ating mata. Nakasasama po ito sa katagalan.
Para maalagaan ang mata, magpa-check up ng mata bawat 1-2 taon. Maraming sakit sa mata (tulad ng glaucoma) ang walang sintomas. Akala mo ay maayos ang iyong mata pero may diprensiya na pala. Lalo na kung ika’y may diabetes, kailangan mong ipa-check ng maaga ang iyong mata. Nakabubulag ang diabetes. Alagaan natin ang ating mata!
25/03/2022
Lemon Water at Calamansi Water: Sino Pwede, Sino Bawal - Payo ni Doc Willie Ong Lemon Water at Calamansi Water: Sino Pwede, Sino Bawal Payo ni Doc Willie Ong ang Paliwanaghttps://www.youtube.com/watch?v=fcS7zY4B3qE
21/03/2022
Warning Signs ng Kulang sa Protina - Payo ni Doc Willie Ong Warning Signs ng Kulang sa ProtinaBabala sa Tumatanda.Alamin sa buhok, kuko at balat.Tips by Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) ang V...
20/03/2022
5 Warning Signs Kulang ka sa Vitamin D - Payo ni Doc Willie Ong 5 Warning Signs Kulang ka sa Vitamin DPayo ni Doc Willie Ong ang Paliwanag:https://www.youtube.com/watch?v=5cm3kaQwzjo
19/03/2022
Mabisang LUNAS sa Diabetes, High Blood, Cholesterol at Stress - Payo ni Doc Willie Ong #567b Mabisang LUNAS sa Diabetes, High Blood, Cholesterol at StressPayo ni Doc Willie Ong malunasan ang sakit kapag hindi pa ito malala.1. Uminom ng 8...
17/03/2022
5 Senyales na Mahina ang Puso Mo - by Doc Willie Ong 5 Senyales na Mahina ang Puso MoTips by Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) ang Video:https://www.youtube.com/watch?v=-yV71IqKpWQ
13/03/2022
How To Reduce Stretch Marks | DIY Home Remedies Stretch marks are as common as getting a zit and a part of almost every woman's life at some point. They’re caused when skin is suddenly stretched very quick...
10/03/2022
Pinoy MD: Solusyon sa stretch marks, alamin! Puwede pa nga bang mabura ang mga stretch mark o iyong tinatawag nating "kamot?" Alamin ang sagot mula sa ating resident dermatologist na si Dr. Jean Marque...
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Manila
1000