PooPo
PooPo Ph Merchandise
16/04/2026
✏️ Ang tuldok (.) ay ginagamit upang tapusin ang isang pangungusap na nagsasaad ng buong diwa. Mahalaga ito upang maging malinaw at maayos ang ating pagsulat. Sa bawat pangungusap na may kumpletong ideya, huwag kalimutang maglagay ng tuldok sa dulo. Sa simpleng paraan, napapaganda nito ang daloy ng ating mensahe.
15/04/2026
📚Si Carlo ang munting hardinero, nakapagpausbong ng makukulay na bulaklak sa kanilang bakuran
14/04/2026
❓ Bugtong-Bugtong – Martes
Bugtong-bugtong, dalawang balon, hindi malingon
13/04/2026
💡Alam mo ba? 🌊 Tinatawag ang Pilipinas na “Pearl of the Orient Sea” dahil sa taglay nitong pambihirang likas na yaman at kagandahan ng mga isla nito. 🏝️ Napapalibutan ito ng malinaw na karagatan at mayaman sa iba’t ibang uri ng halaman at hayop. 🌺 Ang bansag na ito ay sumisimbolo rin sa pagiging mahalaga ng Pilipinas sa kalakalan at kultura sa Asya noong unang panahon. ✨ Hanggang ngayon, ipinagmamalaki pa rin ito bilang isang bansang may natatanging ganda at kasaysayan.
12/04/2026
Panuorin sa PooPo TV Youtube Channel: https://youtu.be/2SEjIP34Wbg?feature=shared
Masayang-masaya ang tag-init kapag puno ng tawanan, laro, at sikat ng araw! 🌞 Tumakbo sa damuhan, magtampisaw sa tubig, at kumain ng paboritong sorbetes kasama ang barkada. Kahit mainit, ang saya naman ng bawat sandali dahil kasama ang mga kaibigan at pamilya. Sulitin ang bakasyon at gumawa ng masasayang alaala na hindi malilimutan! 🍉🏖️
08/04/2026
Panuorin sa PooPo TV Youtube Channel: https://youtu.be/2SEjIP34Wbg?feature=shared
Ang PooPo TV: Saya sa Tag-init ay pambatang awiting tungkol isang masayang kasiyaha ngayong tag-init! Sa video na ito, matututunan ng mga bata kung paano mag-enjoy sa mainit na panahon sa pamamagitan ng paglangoy, pagligo, at pagpapalamig sa preskong tubig. 💦
Puno ito ng saya, tawanan, at simpleng paalala kung paano manatiling ligtas at hydrated habang naglalaro sa ilalim ng araw. Perfect para sa mga batang gustong mag-enjoy habang natututo!
Kaya ano pang hinihintay ninyo? Tara na at sumabak sa saya ng tag-init kasama ang PooPo! 😄
PooPo TV: Saya sa Tag-init Ang PooPo TV: Saya sa Tag-init ay pambatang awiting tungkol isang masayang kasiyaha ngayong tag-init! Sa video na ito, matututunan ng mga bata kung paano ma...
04/04/2026
Si Kristo ay muling nabuhay! Ibig sabihin, si Hesus ay buhay at nagtagumpay laban sa kamatayan. Ipinakita Niya kung gaano Niya tayo kamahal, dahil kahit nahirapan Siya, bumangon Siya muli para sa ating lahat. Parang isang liwanag na hindi kailanman nawawala, si Hesus ay nagbibigay pag-asa at saya sa ating mga puso.
Kaya tuwing naaalala natin ito, matuto tayong magmahal, magpatawad, at gumawa ng mabuti sa kapwa. Tulad ni Hesus, maaari rin tayong maging mabait at matulungin araw-araw. Sa simpleng paraan, maipapakita natin ang Kanyang pagmamahal sa ating pamilya at mga kaibigan.
03/04/2026
Mapagpalang Visita Iglesia sa ating lahat. Sa bawat simbahan na ating dinadalaw, nawa’y maging daan ito ng mas malalim na pananalig at taimtim na panalangin. Alalahanin natin ang sakripisyo ni Hesus at pagnilayan ang Kanyang walang hanggang pag-ibig. Nawa’y magdulot ito ng kapayapaan at biyaya sa ating mga puso.
Ang Visita Iglesia ay isang tradisyong Katoliko na karaniwang ginagawa tuwing Maundy Thursday o Huwebes Santo bilang bahagi ng Semana Santa. Sa gawaing ito, bumibisita ang mga deboto sa pitong simbahan (o higit pa) upang magdasal at magmuni-muni.
Layunin nito ang pag-alala sa paghihirap at sakripisyo ni Hesus bago ang Kanyang pagpapako sa krus. Sa bawat simbahan, karaniwang nagdarasal ang mga tao ng Stations of the Cross, nag-aalay ng tahimik na panalangin, at humihingi ng kapatawaran.
Hindi lang ito simpleng pagbisita, ito ay isang espiritwal na paglalakbay na nagpapalalim ng pananampalataya, pagsisisi, at pasasalamat sa Diyos.
03/04/2026
Mapagpalang Semana Santa sa ating lahat. Nawa’y maging panahon ito ng taimtim na pagninilay, pagpapatawad, at muling paglapit sa Diyos. Alalahanin natin ang sakripisyo ni Hesus bilang paalala ng wagas na pag-ibig at pag-asa. Sa gitna ng katahimikan, matagpuan natin ang kapayapaan at bagong lakas para sa panibagong simula.
13/03/2026
Panuorin: https://www.youtube.com/watch?v=g0QfI_PD6FE
🎈 Ang “Ako ay May Lobo” ay isang masayang awit na kinagigiliwan ng mga bata. Kuwento ito tungkol sa isang batang may pulang lobo na biglang lumipad sa langit. Kahit nawala ang lobo, ipinapakita ng kanta na puwedeng maging masaya at matutong tanggapin ang nangyari. Kaya’t kantahin natin ito nang masigla at may ngiti! 😊
12/03/2026
✏️ Ang bantas ay mga maliit na tanda na tumutulong para mas malinaw nating mabasa ang mga pangungusap.
Halimbawa nito ang tuldok (.), kuwit (,), at tandang pananong (?).
Sa paggamit ng tamang bantas, mas madaling maintindihan ang ating sinasabi at sinusulat.
11/03/2026
📚Tularan si bantay, isa syang mabait na a*o 🐕
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Manila