HealthTech

HealthTech

Share

A retail establishment selling items to the public.

07/08/2022

Thank you for the trust po❤️

07/08/2022

Thank you for the feedback😀❤️

07/08/2022

Ano ang mga sintomas ng sakit sa balat?
Maraming maaaring maging sintomas ang mga sakit sa balat. Depende ito sa kundisyon na mayroon ang isang tao. Hindi rin lahat ng pagbabago sa balat ay dulot ng karamdaman. Maaari kang magkapaltos sa paa kung mali ang sapatos na gamit mo. Subalit kapag nagkapaltos ka sa paa o sa iba pang bahagi ng katawan na hindi mo alam ang dahilan, maaaring mayroon kang sakit sa balat.

Ang mga karaniwang sintomas ng mga sakit sa balat ay:

Pagpapatse-patse ng kulay ng balat
Panunuyo o dry skin
Mga sugat
Nagtutuklap na balat
Makati o masakit na pantal
Mga bukol na kulay p**a o puti na naglalaman ng nana
Mala-kaliskis na balat

06/08/2022

Balat na makati, ito ang isa sa karaniwang palatandaan ng pagkakaroon ng skin disease. Madalas nga maliban sa pangangati ay may pantal, butlig o sugat ang tumutubo sa balat ng tao na pinagmulan nito.
May pagkakataon na kapag kinamot ay nawawala ang kati kati sa katawan. Ngunit may pagkakataon naman na mahirap itong maalis na aabot sa punto na minsan ay hindi ka patutulugin sa gabi.

05/08/2022

Ringworm o tinea corposis
May ringworm o buni ka kung ang skin rash na nakita mo ay pabilog na may nakaumbok na bahagi at makaliskis. Isa itong fungal infection na makati at namumula. Hindi gaanong apekdato ang bahagi ng balat na nasa labas ng bilog.

04/08/2022

Sakit sa balat - Contact dermatitis
Mamula-mula at makating rashes na lumalabas ilang oras o araw kapag na-irritate ang balat ng anumang substance o allergen na magdudulot ng allergic reaction sa balat. Mararanasan ang pagsusugat o pamamaltos sa balat kapag kinamot ito dahil sa sobrang pangangati.

Want your practice to be the top-listed Clinic in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


2205 Civic Drive, Alabang, Muntinlupa
Manila
1780