Moonlight GL

Moonlight GL

Share

Pages: Vgmoonlight and Moonlight Notes
Facebook: Vhiel Garcia

tiktok : https://www.tiktok.com/@vgmoonlight_?_r=1&_t=ZS-92h5XQP7L3h

Photos from Moonlight GL's post 18/04/2026

Available parin po

18/04/2026

Chapter 21
POV ni Zaria

Halos hindi ko na maramdaman ang mga daliri ko sa lamig.
Pagpasok pa lang namin sa gate ng mansyon, agad kaming sinalubong nina Lileth at Aling Rosa. Pareho silang may hawak na malalaking towel.

“Diyos ko, ano’ng nangyari sa inyo?” gulat na sabi ni Aling Rosa habang inaabot ang tuwalya.

“Nasalubong po namin ang ulan,” sagot ni Aurelia, pero ramdam ko pa rin ang galit sa boses niya.

Mabilis akong binalutan ni Lileth ng tuwalya.

“Ano ba, ate, kanina pa kita hinahanap!” sabi niya, halatang nag-aalala.

Ngumiti lang ako ng mahina. Wala akong lakas para magpaliwanag.

Pagpasok namin sa loob—Napatigil ako.Nandoon sila.
Si Elyra at si Leona, nakaupo sa sala.

May hawak pang baso si Elyra, pero hindi siya ganoon kalasing gaya ng iniisip ko. Medyo magulo lang ang buhok, at halatang kakauwi lang. Pagtingin niya sa’min—
Nanlaki ang mata niya.

“Zaria?”

Tumayo siya agad.

“What the— bakit basang-basa kayo? Akala ko ba kasama mo si Mill?”

Napatingin siya kay Aurelia, saka sa’kin.

“Ano’ng nangyari?”

Hindi ako sumagot.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Pero si Aurelia diretso siyang lumapit kay Elyra.

“At ikaw pa talaga ang may gana magtanong?” malamig niyang sabi.

Napatigil si Elyra.

“What?”

“Selfish ka, kahit kailan,” diretsong sabi ni Aurelia.

Tahimik ang buong sala.

Pati si Leona—napatingin na rin sa kanila.

“Excuse me?” sagot ni Elyra, bahagyang nataas ang kilay.

“Hindi mo man lang naisip na may naghihintay sa’yo,” dagdag ni Aurelia. “Pinangako mong susunduin mo siya.”

Saglit na napatingin si Elyra sa’kin.
At doon ko nakita— Yung pagbabago ng ekspresyon niya.

“…I—” magsasalita sana siya.

Pero hindi siya pinatapos ni Aurelia.

“Hindi ka na mapagkakatiwalaan,” putol niya.

Mas lalong bumigat ang hangin.

“Grabe ka naman—” sagot ni Elyra, pero hindi na ganoon katapang ang tono niya.

“Grabe?” natawa si Aurelia, pero walang saya. “Iniwan mo siya doon, Elyra. What if may mga tambay na ginawan sya ng masama?”

“At ikaw—” biglang baling ni Aurelia kay Leona.

Napakunot ang noo ni Leona.

“Me?”

“You’re not a good influence,” diretsong sabi ni Aurelia.

Naningkit ang mata ni Leona.

“Excuse me?”

“Simula nang dumating ka, lalo siyang naging pabaya,” dagdag ni Aurelia, tinuturo si Elyra.

“Wow,” sarkastikong sagot ni Leona. “Sinisisi mo ako?”

“Yes,” walang pag-aalinlangang sagot ni Aurelia.

Hindi na nakasagot si Leona agad.

“Enough,” singit ni Elyra, halatang naiinis na rin. “Stop acting like—”

“Hindi,” putol ulit ni Aurelia.

Tumingin siya diretso sa kapatid.

“At makinig ka—” diin niya.

“Ipinagkatiwala ko si Zaria sa’yo, pero mukhang maling desisyon iyon."

Parang may kumalabog sa dibdib ko.Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Nakatingin lang siya kay Aurelia—parang may gustong sabihin, pero hindi niya mailabas.
At ako— Hindi ko rin siya matingnan.
Kasi kung gagawin ko— baka makita ko yung bagay na pilit kong iniiwasan.
Yung sakit.

“Dalhin nyo na sya sa kwarto nya,” mahinang sabi ni Aurelia kay Lileth.

Hindi na ako tumutol. Tahimik akong sumunod.
Habang papalayo kami— naramdaman ko pa rin ang tingin ni Elyra sa likod ko. Pero hindi ako lumingon.

Hinawakan ako ni Lileth sa braso.

“Magbihis ka na po agad ate,” sabi niya, marahan.

Tumango lang ako.

Hindi ko alam kung anong oras na.
Basta ang alam ko—ang bigat ng katawan ko.
Parang may apoy sa loob ko na hindi ko maipaliwanag. Kahit gusto kong bumangon, hindi ko magawa. Kahit gustong idilat ng mata ko, parang may pumipigil.

“Zaria…?”

Parang malayo ang boses.

“Ate Zaria, gising…”

May kumakatok.

“Bakit hindi pa siya lumalabas…?”

Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin na nandito lang ako—pero wala akong lakas.

Bumukas ang pinto.

“Diyos ko—” rinig kong bulalas ni lileth. “Ate Zaria!”

May k**ay na dumampi sa noo ko.

“Mamamatay na yata ako…” bulong ko sa isip ko, pero ni hindi ko masabi.

“Sandali! Tatawagin ko sila!”

Mabilis ang mga yabag na lumabas.

Hindi ko na alam kung ilang minuto ang lumipas—basta ang susunod kong naramdaman— May biglang humawak sa’kin.

At bago pa ako makareact—

“Zaria dadalhin ka namin sa hospital.”

Narinig ko ang boses ni Aurelia. Wala siyang sinabing iba.
Bigla niya akong binuhat na parang wala lang.
Parang hindi ako mabigat.

“Sandali—” mahinang boses ni Elyra sa likod.

“Dalhin natin sa ospital,” putol ni Aurelia. D

“Wait—kuha lang ako ng—”

“Now, Elyra.”

Mabilis ang mga hakbang. Nararamdaman ko ang paggalaw ng katawan ko habang buhat niya ako.
Hindi ko pa rin maidilat ang mata ko. Pero ramdam ko.
Ang init ng braso niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya.
At ang kaba. Paglabas—May isa pang boses.

“Anong nangyayari?” si Leona.

“Nilalagnat siya,” sagot ni Elyra.

“Sasama ako—”

“No.”

Diretsong sagot ni Aurelia.

“Excuse me?” matigas na boses ni Leona.

“Manatili ka dito,” dagdag ni Aurelia. “Baka lalo pang lumala kung makita ka niya sa ospital.”

Kahit wala akong lakas—parang gusto kong matawa.

“Ang bastos mo—” gigil na sagot ni Leona.

Pero hindi na siya pinansin. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse.

Dahan-dahan akong inilagay sa upuan.

“Careful,” sabi ni Elyra, mas mahina na ang boses ngayon.

“Drive,” utos ni Aurelia.


Hindi ko alam kung nasaan na kami. Hindi ko alam kung gaano na katagal. Pero naririnig ko silang nag uusap.
Kahit parang lumulutang ang isip ko.

“Kasalanan ko ’to…” mahinang boses ni Elyra.

“Dapat sinundo ko siya., sinabi kasi ni Leona na sinundo na siya ni Mill.”

Walang sumagot agad.

“Hindi ko alam na—”

“Hindi mo na kailangang ipaliwanag,” putol ni Aurelia.

“Ely pinayagan kitang mapalapit sa kanya,” dagdag niya.

Kahit kalahati lang ang naririnig ko—may kung anong kumirot sa dibdib ko.

“Alam mo yan, alam mo dapat ang ginagawa mo,” tuloy ni Aurelia.

“At anong ginawa mo?” dagdag pa niya. “Pinabayaan mo siya.”

“Hindi ko sinasadya…” halos pabulong na sagot ni Elyra.

“At iyon ang problema,” sagot ni Aurelia. “Hindi mo iniisip.”

Naririnig ko lang ang tunog ng ulan na humahampas sa salamin ng kotse. Hindi pa pala tumitila ang ulan.

“Natakot ako kagabi…” biglang sabi ni Elyra.

“Akala ko… okay lang siya. Akala ko..."

“Hindi na tayo mga bata pa, mag isa lang siya, si Tita Ignacia wala dto at pinagkatiwalaan nila tayo,” sagot ni Aurelia. “Hindi siya lumaki na may sasalo sa kanya kapag may nangyaring mali,”

“Last chance mo na ’to, Elyra.”

“Kung sasaktan mo pa siya ulit, kung pababayaan mo pa siya ulit.”

Hindi niya tinapos.

“Hindi na mauulit,” mahinang sagot ni Elyra.
At sa unang pagkakataon— narinig ko sa boses niya ang isang bagay na hindi ko inaasahan.

Naramdaman ko ang takot sa boses ni Elyra.
Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan ng kambal pero isa lang ang alam ko, hindi ako ganoon kahalaga kay Elyra.

TO BE CONTINUE

18/04/2026

Chapter 20
POV ni Zaria

Nasa labas na ang kotse.
Naririnig ko ang mahinang busina—hudyat na naghihintay na ang kambal.

“Zaria!” tawag ni Aurelia mula sa labas. “Phone ko, naiwan ko sa taas!”

Napabuntong-hininga ako.

“Ako na ang kukuha,” sagot ko.

Mabilis akong umakyat sa taas. Alam ko naman kung saan niya madalas ilagay—sa side table, katabi ng k**a.

Kinuha ko agad ang phone at bumaba na. Pero pagdating ko sa may pintuan—Natigilan ako nandoon si Leona.

Nakasandal sa frame ng pinto. Parang hinihintay ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglakad. Pero bago pa ako makalampas— Bigla niyang hinaklit ang braso ko.

“Aray—” napalingon ako sa kanya.

Malamig at matalim ang tingin niya.

“Huwag kang pabida-bida sa mansyon na ’to,” mahinang sabi niya, pero ramdam ang galit.

Napakunot ang noo ko.

“Excuse me?”

“Know your place,” dagdag niya. “Helper ka lang.”
Napangisi ako.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

“At huwag kang masyadong kampante,” tuloy niya. “Kapag naging kami ni Elyra—”

Bahagya siyang yumuko, mas lumapit.

“—ikaw ang unang mawawala dito.”

Bigla kong binawi ang braso ko.
Napaatras siya ng bahagya. Tumaas ang baba ko.

“At akala mo papayag ako sa mga sinasabi mo?” sagot ko, diretso.
Naningkit ang mata niya.

“Hindi ka bagay kay Elyra,” dagdag ko. “Hindi niya type ang mga gaya mo.”

Bahagyang natahimik siya.

“Mga gaya mo na—” tumigil ako sandali, saka ngumisi,
“—magaspang ang ugali pero akala mo classy. Sa pagkakaalam ko galing kulungan ang ama mo.”

Ramdam ko ang pagbabago ng ekspresyon niya.Pero hindi ko na siya hinintay makasagot. Tumalikod na ako.

Diretso akong naglakad palabas.
Pagdating ko sa kotse, binuksan ko agad ang pinto.

“Wag mo ’yan kalimutan next time,” sabi ko kay Aurelia habang inaabot ang phone niya.

“Thanks,” sagot niya.

Ilang segundo lang—bumukas ulit ang pinto.
Pumasok si Leona. Ramdam ko ang gigil niya kahit hindi ko siya tinitingnan. Umupo siya sa likod.

Parang walang nangyari.

“Ready?” tanong ni Elyra mula sa harap.

“Yeah,” sagot ni Aurelia

“Let’s go.”

Umandar ang kotse. At sa loob—
walang nagsalita.
Nakatingin lang sa bintana. May maliit na ngiti sa labi.

Tahimik ang biyahe.
Halos marinig ko na ang sarili kong paghinga.

“So…” boses ni Leona, pinuputol ang katahimikan.

“Weekend na bukas.”

Walang sumagot agad.

Ngumiti siya. Kita ko sa side mirror.

“Elyra,” dagdag niya, “let’s go clubbing later after class.”

Parang automatic—napatingin ako sa harap.

Saglit na natahimik si Elyra.

“Sure,” sagot niya, casual.

Parang normal lang.

“Come with us,” baling ni Leona kay Aurelia.

Umiling si Aurelia.

“Pass,” sagot niya. “Pupunta ako sa hacienda. Kailangan ko i-check ’yung mga kabayo at ibang alaga.”

“Boring,” bulong ni Leona.

“Productive,” balik ni Aurelia.

Napairap si Leona.

“Fine.”

“Zaria,” biglang sabi ni Elyra, hindi lumilingon. “Susunduin muna kita. Ihahatid ka sa mansyon before kami umalis.”

Napatingin ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

“Okay,” sagot ko na lang.

“Halfday ako,” singit ni Aurelia. “Magpapasundo na lang ako sa driver. Mauuna na ’ko sa mansyon uuwi mamaya.”

Tumigil siya sandali.

“At ikaw,” dagdag niya, tumingin kay Elyra,
“huwag mong kalimutan si Zaria.”

“Hindi ko makakalimutan,” sagot ni Elyra.

Pero hindi ko alam kung bakit may kung anong hindi maganda ang pakiramdam ko.

Pagkatapos nga ng klase sa hapon ay naghintay ako sa gate.

Kasama ang ilang estudyante na unti-unti nang nauubos.

“Hatid na kita,” sabi ni Mill sa tabi ko. “Uulan pa yata.”
Umiling ako.

“Hintayin ko na lang si Elyra.”

“Sigurado ka?” tanong niya. “Kanina pa tayo dito wala pa siya.”

“Oo,” sagot ko. “Ayoko na ng gulo.”

Napabuntong-hininga siya.

“Okay… pero kung magbago isip mo—”

“Hindi na,” putol ko, pilit na ngumiti.

Tumingin siya sa’kin ng ilang segundo.

“May lakad pa kami ni Mama,” sabi niya. “Hindi na kita mahihintay.”

“Okay lang,” sagot ko. “Ingat ka.”

“Ingatan mo rin sarili mo, tawagan mo ako kung walang darating.”

Tumango ako. At pinanood siyang umalis.
Mag-aalas sais na wla pa rin si Elyra.
Napabuga na lang ako ng hangin.

“Grabe naman…”
Tumingin ako sa kalsada.
Hanggang— Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

“Ah!” napaatras ako, mabilis na tumakbo papunta sa waiting shed.

Pero kahit nakasilong—nababasâ pa rin ako.
Malakas ang hangin. Tumatalsik ang ulan.
Yung uniform ko… basa na. Yung buhok ko… dikit na sa mukha ko.

“Ang tanga mo, Zaria…” bulong ko sa sarili ko habang pinipigilan ko ang sarili ko.

Pinili kong sumunod. Pinili kong hindi sumakay kay Mill.
Para iwas gulo. Para wala nang away.
Pero— ako rin pala ang maiiwan. Ako rin pala ang hindi susunduin. Pinunasan ko ang pisngi ko, pero hindi ko na alam kung ulan ba ’yon o luha.
Napatungo ako ng makarinig ako ng yabag Hindi huni ng sasakyan kundi Kabayo.

Napatingala ako. At sa gitna ng ulan— may isang kabayo na huminto sa harap ng shed.At sakay nito si Aurelia.

Basang-basa rin siya, pero hindi niya alintana.
Pagbaba niya, agad siyang lumapit sa’kin.

“Zaria—”
Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya, halos galit sa sitwasyon.

Hindi ako agad nakasagot.

"Hinihintay ko si Elyra," nanginginig kong saad.

“Tatawagan sana kita—” sabi niya, humihinga nang malalim. “Pero Tinawagan ako ni Lileth kaya dumiretso na ako dito para icheck kung andto ka pa sa school”

Napakunot ang noo ko.
“Bakit?”

“Wala ka pa daw sa mansyon,” sagot niya. “Nag-aalala na siya.”

Napatawa ako ng mahina.
Napatigil siya.

“At si Elyra?” tanong ko.

Saglit siyang natahimik.

“Zaria…” mahinang sabi niya.

Doon ko naintindihan.

“Nasaan siya?”

“…Nasa mansyon na daw,” sagot niya.

Parang may bumagsak sa dibdib ko.

“Kasama si Leona,” dagdag niya. “At—”
Huminga siya nang malalim.

“Lasing na lasing.”

Pakiramdam ko mas malamig pa sa ulan ang naramdaman ko.

“Sorry,” sabi ni Aurelia. “Hindi ko alam na hindi ka niya sinundo.”

Hindi ko siya tiningnan. Hindi ko kayang tumingin.
Kasi kung titingin ako— baka tuluyan na akong umiyak.

“Okay lang,” mahina kong sagot.

"Helper lang naman ako, bakit naman ninyo pag aaksayahan ng panahon diba, I used to it, ganito naman tayo noong mga bata pa tayo ang saktan aat paasahin ang isat isa."

"Zaria," tanging bulalas ni Aurelia. Ramdama ko ang concern niya oero mas nangingibabaw amg sakit na nararamdaman ko.

Sa kabayo ako isinakay ni Aurelia. Wala na akong choice pa.
Kahit basang basa na kami sa ulan, amoy na amoy ko parin ang kanyang pabango.
Likod niya ako.

"Humawak ka ng maigi, " saad niya at inilagay ang k**ay ko sa kanyang tiyan. Ramdam ko ang pag alon ng kanyang tyan sa twing gagalaw siya.

Nag mag simula na niyang patakbuhin ang kabayo ay mas lalo akong napayakap sa kanya. Hindi na siya nagsasalita tanging ang utos niya lang sa kabayo ang naririnig ko, ramdam ko ang tila galit sa kanyang tinig.

18/04/2026

Chapter 19
POV ni Zaria
Pagkatapos ng mahabang oras sa kusina, diretso na akong umakyat sa kwarto ko.

Pagod ang katawan ko, pero hindi puwedeng magpahinga lang. May mga kailangan pa akong aralin.

Umupo ako sa k**a, kinuha ang notebook, at sinubukang mag-focus.

Napabuntong-hininga ako.

“Peace,” bulong ko.

Hindi ko namalayan… nakatulog pala ako.
Nagising ako Madilim na.

Hinila ko ang cellphone ko sa gilid at tiningnan ang oras.
8:03 PM.

“Shoot.”

Napaupo ako agad. Hindi pa ako kumakain.
Mabilis akong bumangon at inayos ang sarili. Kahit papaano, inayos ko ang buhok ko bago bumaba.
Pagdating ko sa sala—Napatigil ako.
Nandoon si Leona.

Nakatayo sa harap ng malaking family portrait ng mga Nocturne.

Pero ang tingin niya… hindi normal.
Parang may sinusukat. Parang may binabasa sa loob ng larawan. Napairap ako.

“May sira talaga sa utak,” bulong ko, sapat lang para ako ang makarinig.

Pero bago pa ako tuluyang makalampas—
napansin ko May kausap siya sa cellphone.

Mahina ang boses, pero sapat para marinig ko.

“…nakapasok na ako…”

Napahinto ang paa ko.

“…sa mundo ng Nocturne…”

Bahagyang kumunot ang noo ko.

“…magsisimula na ang lahat.”

Napatingin ako sa kanya.
Pero agad kong inalis ang tingin ko.
Hindi ko problema ’yon. Hindi ko kailangang makialam.
Hindi ako dapat makialam. Napailing ako.

“Hindi ko na problema ’yan,” bulong ko sa sarili ko.

At dumiretso ako sa kusina.

Kumuha ako ng pagkain. Tahimik lang habang kumakain.
Sinubukan kong kalimutan ang narinig ko.

“Zaria?"

Napahinto ako sa pagsubo.

Dahan-dahan akong tumingin. Nakatayo siya sa pintuan ng kusina.Nakatitig sa’kin.

“Kanina ka pa ba diyan?” tanong niya.

Tumaas ang kilay ko.

“Bakit?” sagot ko agad. “Anong pakialam mo?”

Hindi siya agad sumagot. Tinitigan lang niya ako.

“May narinig ka ba?” tanong niya, mas mababa ang boses.

Napangisi ako ng kaunti.

“Tingin mo ba,” sabi ko, dahan-dahan, “mag-aaksaya ako ng oras para makinig sa usapan mo?”

Diretso ang tingin ko sa kanya.

“Eh kausapin ka nga lang, malaking abala na.”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Tumayo ako. At dumaan sa tabi niya bitbit ang plato at tubig ko.
Hindi ko siya tiningnan. Hindi ko siya pinansin.

“Good night, huwag ka sanang bangungutin,” dagdag ko, walang emosyon.

At tuloy-tuloy akong naglakad palabas ng kusina.
Pero habang patungo ako sa kwarto ko para doon ituloy ang kain. HIndi ko maiwasang maalala ang narinig ko.

"Magsisimula na ang lahat."

Napakunot ang noo ko.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun.

Maaga na naman akong nagising.
Parang naging routine ko na talaga ’to—kahit weekend, kahit puyat, automatic na ang katawan ko.

Tahimik pa ang buong mansyon.
Sumilip ako sa orasan.

5:32 AM.
Bumaba agad ako papuntang kusina. Ako muna ulit ang nauna—wala pa ang ibang maids. Alam ko naman na alas-siyete pa sila papasok dahil wala naman dito ang mga amo.
Pero hindi ibig sabihin nun… pababayaan ko na. Kinuha ko ang mga ingredients at nagsimula.
Prinitong itlog.
Sinangag.
May konting hotdog. Saglit akong napahinto.
Napatingin sa isang baso. Napabuntong-hininga ako.

“Hindi naman ako ganun kasama,” bulong ko.

Dinagdagan ko ang ihahain. Para sa tatlo.
Kahit… ayoko. Pagkatapos kong magluto, inayos ko na rin ang mga gamit.

Sa gabi pa lang, nakahanda na ang uniform ng kambal. Plantsado. Malinis. Pati mga gamit nila—nakaayos na.

Hindi na ako nahihirapan hulaan kung anong gagawin.
Bandang alas-sais— isa-isa silang pumasok sa kusina.
Halos sabay-sabay.

Hindi ko sila pinansin. Inilapag ko lang ang pagkain sa mesa.
Tapos kinuha ko ang sarili kong plato at dinala sa maliit na mesa sa gilid.

As usual.Doon ako. Hindi sa malaking mesa.
Hindi kasama nila. Tahimik akong nagsimulang kumain.

“Ano ’to?” boses ni Leona.

“Ano problema?” tanong ni Elyra.

“Ganito ba talaga pagkain niyo?” may halong reklamo sa tono niya.

Napairap ako.

Hindi ko na hinintay na tumuloy pa siya.

“Sa mansyon na ’to,” sabi ko, diretso kahit hindi ko siya tinitingnan,

“bawal ang maarte, at may sinusunod kaming meal chart para sa mga Nocturne.”

“Kainin kung ano ang naihanda,” dagdag ko. “Walang special order.”

Napatingin sila sa’kin.

Lalo na si Leona.

“Ano bang—”

“Zaria,” singit ni Elyra, medyo mahinahon. “Relax.”

Huminga siya nang malalim.

“Sorry,” sabi niya kay Leona. “Ganyan talaga dito.
Nakasanayan na.”

“Tinuro sa’min ng parents namin,” dagdag pa niya.
Napahinto ako.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kutsara ko.

Tumingin ako sa kanya.

“Hindi ka dapat nagsosorry,” sabi ko, diretso.

Natahimik si Elyra.

“At hindi mo kailangang i-explain,” dagdag ko.
Lumipat ang tingin ko kay Leona.

“Siya ang bisita,” sabi ko. “Siya ang dapat marunong mag-adjust.”

Si Aurelia… tahimik lang pero napansin ko—bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.

Halatang hindi sanay na kinokontra si Leona.
Napangisi ako ng kaunti. Binalik ko ang tingin ko sa pagkain ko. At nagpatuloy na parang walang nangyari.

18/04/2026

Chapter 18
POV ni Zaria

Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad kong isinara ang pinto.

Huminga ako nang malalim. Isang segundo. Dalawa. Tatlo.

“Relax,” bulong ko sa sarili ko.

Pero hindi talaga ako relaxed. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang itsura ni Leona. Yung tingin niya. Yung paraan ng pagsasalita niya—nakakabwisit pakinggan.

Napailing ako.

Hindi ko hahayaang maapektuhan ako ng ganun.
Mabilis akong nagpalit ng damit. Isinukbit ko ang buhok ko sa simpleng tali at sinigurong maayos ang itsura ko.

Paglabas ko ng kwarto, dumiretso agad ako sa kusina.
Abala na ang mga maids. May naggagayat ng gulay, may nagluluto, may nagaayos ng mesa. Amoy pa lang ng pagkain, ramdam mo na agad na buhay ang kusina.

“Good afternoon po,” bati ko habang lumalapit.

“O Zaria, sakto angdating mo,” sabi ni Aling Rosa. “Pakihiwa nga ’tong carrots.”

“sige po,” sagot ko agad.

Kumuha ako ng kutsilyo at nagsimulang maghiwa.

Hanggang—

“Zaria.”

Napahinto ang k**ay ko.

Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino.
Dahan-dahan akong tumingin.
Nakatayo sa pintuan si Elyra.

Naka-casual lang siya pero parang may sariling spotlight kahit nasa kusina.

“Punta ka sa guest room,” sabi niya, diretso. “I-ready mo para kay Leona.”

Tahimik ang kusina. Parang lahat naghihintay ng magiging sagot ko.
Napangisi ako ng kaunti. Dahan-dahan kong ibinaba ang kutsilyo. Tumingin ako sa kanya.

“Sa lahat ng pwede mong iutos,” sabi ko, kalmado pero malinaw,
“huwag lang ’yan.”

Bahagyang tumaas ang kilay niya.
“Ano?”

“Utusan mo ’ko sa ibang bagay,” dagdag ko. “Maglinis, magluto, kahit ano.”

Sandali akong huminto.

“Pero hindi ako magsisilbi sa babaeng ’yon.”

Ramdam ko ang mga tingin ng ibang maids.

Diretso lang ang tingin ko kay Elyra.
Saglit siyang tumingin sa’kin. Parang sinusukat kung hanggang saan ako.

“Ano bang problema mo sa kanya?” tanong niya.

Napangisi.
“Kung ikaw na nakasaksi ay nakalimutan mo kung paano niya ako insultuhin sa club noon, ako hindi..hinding hindi ko iyon makakalimutan,” sagot ko.

“Elyra.”

Pumasok si Aurelia.

Tahimik lang, pero agad nag-iba ang atmosphere.
Tumingin siya sa aming dalawa, parang na-gets agad ang sitwasyon.

“Hayaan mo na,” sabi niya, diretso. “Huwag na si Zaria.”

Napatingin si Elyra sa kanya.

“Why?”

“Obvious naman,” sagot ni Aurelia. “Hindi sila magkakasundo.”

“At kung ipipilit mo pa,” dagdag niya, “magkakagulo lang.”

Diretso ang tingin niya kay Elyra.

“Mas maigi nang iwasan.”

Napabuntong-hininga si Elyra.

Inangat niya ang tingin niya sa kisame, parang nag-iisip.

“Fine,” sabi niya sa huli. “Ibang maid na lang.”

“Continue,” sabi niya bago tuluyang umalis.

Sumunod si Aurelia, pero bago siya tuluyang lumabas—
Saglit siyang tumingin sa’kin.

Pero may kung ano doon.Hindi ko maipaliwanag.
Pagkaalis nila—

“Grabe ka,” bulong ni Aling Rosa. “Sumasagot ka na sa amo.”

Napangiti ako ng kaunti.

“Hindi naman po sumasagot,” sagot ko. “Nagsasabi lang ng totoo.”

Bumalik ako sa paghiwa ng carrots.

Abala ulit ang kusina.
Parang walang nangyari kanina.

Habang hinihiwa ko ang natitirang gulay, may isang maid na nagmamadaling pumasok. At nag timpla ng tatlong basong orange juice.

“Dadalin ko na po sa living room,” sabi niya.

“Dahan-dahan,” bilin ni Aling Rosa.

Tumango siya at umalis.

Ilang minuto lang ang lumipas— Bumalik siya. Pero hindi na pareho ang itsura niya. Namumula ang mata. Nanginginig ang k**ay. Hawak pa rin ang baso ng juice.

“Anong nangyari?” tanong ko agad, napalapit sa kanya.

“Lileth…” mahina kong tawag.

Si Lileth—yung bagong maid na scholar ng Nocturne. Mahiyain at tahimik siyang tao.

“B-binalik po…” sabi niya, halos pabulong.

“Bakit?”

“Hindi daw niya gusto…” nanginginig ang boses niya. “Sabi niya… wala daw akong utak…”

Biglang kumulo ang dugo ko. Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo—agad ko rin itong ibinaba.

“Sinong ‘niya’?” tanong ko, kahit alam ko na.

“Yung… bisita po…” halos hindi niya masabi ang pangalan.

Napairap ako.

“Leona.”

Tahimik ang kusina. Lahat nakatingin sa’kin. Dahan-dahan kong kinuha ang baso mula sa k**ay ni Lileth.

“Okay lang ’yan,” sabi ko sa kanya. “Hindi ikaw ang problema.”

Napangisi ako.

“Siya.”

Hindi na ako naghintay ng sagot. Diretso akong lumabas ng kusina. Pagdating ko sa living room—
Nandoon sila. Si Elyra, nakaupo sa sofa. Si Aurelia, tahimik sa gilid ubos na nila ang juice nila.

At si Leona—relax na relax, parang siya ang may-ari ng mansyon.
Lumapit ako.

Inilapag ko ang baso ng juice sa center table.
Medyo may diin.

“Hindi na ’yan pinalitan,” sabi ko, diretso ang tingin kay Leona.

“’Yan na ang natimpla.”

“Bawal magsayang sa mansyon,” dagdag ko.

Walang nagsalita. Napatingin ako sandali kina Elyra at Aurelia.

Pinapanood lang ako.
Bumalik ang tingin ko kay Leona.

“Orange?” sabi niya, parang nandidiri. “I don’t like orange juice.”

Hindi ako gumalaw.

“I want pineapple.”

Napangisi ako.

Bahagya akong yumuko, para pantay ang tingin namin.

“Edi umuwi ka muna,sa pagkakaalam ko umiinom ka naman ng orange juice..diba sa club orange juice nga yung inoffer sayo noon at nilagok mo, kaibahan lang may alak yun,” sabi ko, kalmado pero matalim.

“Umuwi ka at doon ka uminom ng pineapple juice.”

Huminto ako sandali.

“Balik ka na lang kapag satisfied ka na sa cravings mo.”

Ramdam ko ang bigat ng hangin. Pero wala na akong pakialam.

Diretso akong naglakad palabas ng living room.
Hindi ko na kailangang lumingon—
kasi rinig ko.

“Are you serious right now?!” gigil na boses ni Leona.
Napangisi ako habang naglalakad.

Hindi ako lumingon.
At sa loob-loob ko—
“Mali ang napili mong kalaban.”

18/04/2026

Chapter 17
POV ni Zaria

Dalawang buwan mula nang umalis sina Ma’am Astra, Ma’am Lyra, at si Mama papuntang Thailand.

Dalawang buwan na kami lang… tatlo.
At sa loob ng dalawang buwang ’yon— hindi ko masabing naging madali.

Si Aurelia, halos tuwing weekend wala. Nasa hacienda—nangangabayo.

Si Elyra… ganun pa rin. Mainitin ang ulo. Gusto siya ang nasusunod, lagi parin nasa club sa twing weekend.

Tulad ng nakasanayan, nandoon na ang kotse nila sa labas ng campus. Huminga ako nang malalim bago lumapit.
Pagbukas ko ng pinto— Natigilan ako.

May tao sa loob. Nasa likod. Nakaupo. Nakacross ang legs.
Pamilyar ang aura. Pamilyar ang tingin.

“Hi,” malamig na bati niya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

“Zaria,” sabi ni Elyra mula sa driver’s seat, casual lang.

“Meet my friend.”

Ngumiti ang babae. Hindi sincere.

“Leona.”

Parang umalingawngaw sa tenga ko ang pangalan.

Biglang bumalik lahat— ang ilaw ng club, ang malakas na music, at ang boses niya—

“The helper’s daughter?”

Napahigpit ang hawak ko sa pinto.

“Sa mansyon muna siya titira for a month,” dagdag ni Elyra.

“Wala siyang kasama sa bahay nila.”

Tahimik lang si Aurelia sa passenger seat. Nakatingin lang sa harap.

Tumango lang ako.

“Ah… okay.”

Maikli. Walang emosyon. Isasara ko na sana ang pinto nang muli siyang nagsalita.

“‘Yon na ’yon?”

Napatingin ako sa kanya.

Tumaas ang kilay niya.

“Wala man lang ‘hello properly’?” sabi niya. “Or ‘nice to see you again’?”

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung gusto ko ba siyang kausapin.

“Zaria,” tawag ni Elyra, medyo may diin. “Say hi.”

Napabuntong-hininga ako.

“Hello,” sabi ko ng wala ngiti.

Ngumiti si Leona. Pero matalim.

“Hmm,” sabi niya. “May attitude.”

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.

“Or…” dagdag niya, bahagyang yumuko para mas makita ang mukha ko,

“ganito ka talaga sa mga amo mo?”

Nanigas ako.

Biglang lumamig ang hangin sa loob ng kotse.

“Ano bang problema mo?” hindi ko napigilang sagot.

“Zaria,” babala ni Aurelia, hindi pa rin tumitingin.

Pero hindi ako tumigil.

“Sumagot lang ako ng maayos,” dagdag ko. “Hindi ko kailangan magpakaplastic.”

“Wow,” mahinang tawa ni Leona. “Ang tapang.”

“Tama na,” singit ni Elyra.

“Elyra,” tuloy ni Leona, hindi inaalis ang tingin sa’kin,

“your helper has an attitude.”

Parang may kumurot sa dibdib ko.
Alam ko naman na katulong lang ako. Pero iba pa rin kapag ipinamukha sa’yo. Tahimik akong napatawa. Kaunti.

“Helper ako,” sabi ko, diretso sa kanya. “Pero hindi ibig sabihin wala akong respeto sa sarili ko.”

Sandaling natahimik si Leona. Tumaas ang sulok ng labi niya.

“Interesting.”

“Leona,” this time mas malamig ang boses ni Elyra.

“Enough.”

Natahimik siya. Sumandal sa upuan, pero may ngiti pa rin.
Ako naman—umupo na lang.

Pero ramdam ko ang bigat sa loob ng kotse.
Hindi na ito yung dati na simpleng bangayan lang namin ng kambal.

Hindi na ako nagsalita hanggang sa marating namanin ang mansyon.

Tahimik lang akong bumaba ng kotse.
Pagkasara ko ng pinto, hindi na ako lumingon. Diretso akong naglakad papasok ng mansyon—sanay na ang paa ko sa daanang ’yon.
Ayoko na ng gulo. Ayoko na ng eksena.
Pero talagang sinusubok ng unggoy ma to ang pasensya ko.

“Hey.”

Napahinto ako.
Dahan-dahan akong lumingon.
Nasa tabi pa rin ng kotse si Leona. Nakatayo. Naka-cross ang arms, taas-kilay, parang may inuutusan lang na tauhan sa kung saan.

“Get my luggage,” sabi niya, tinuro ang compartment ng kotse. “Nasa likod.”

Ilang segundo. Napangisi ako.
Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko kila Elyra at Aurelia. Pareho lang silang nakatingin.

Tapos binalik ko ang tingin ko kay Leona.

“Hindi ako assigned sa’yo,” sabi ko, kalmado pero may diin.

“Ang pinagsisilbihan ko—pamilya Nocturne lang.”

Bahagyang nagbago ang ekspresyon niya.

“Excuse me?”

“If you want help,” dagdag ko, diretso ang tingin, “sabihin mo sa ibang maids sa mansyon.”

Walang sumabat, pumigil. At Walang kumontra sa kambal kahitbganon ko pakitunguhan ang bisita nila.

At doon ko lang tuluyang na-realize—
hinayaan lang nila ako. Walang kahit anong salita mula kina Elyra at Aurelia.

Napangisi ako ng kaunti.
Tinalikuran ko si Leona. At naglakad ulit papasok.
Hindi na ako lumingon. Pero kahit papasok na ako ng pinto ng mansyon— naririnig ko pa rin sila.

“Elyra,” boses ni Leona, may halong inis. “Your helper is being disrespectful.”

Napahinto saglit ang paa ko.

“Then don’t talk to her like that,” malamig na sagot ni Aurelia.

Hindi ko nakita ang mukha niya— pero ramdam ko ang tono.
Napangisi ako.

“Ang tapang niya,” dagdag pa ni Leona.

“Sanay na kami,” this time si Elyra. Walang emosyon.

“Adjust.”

Hindi ko na napigilang mapatawa ng mahina habang tuluyang pumapasok sa loob.
Umangat ang baba ko.
Huminga ako nang malalim.

“At least malinaw,” bulong ko sa sarili ko.

Hindi ako katulad nila. Hindi ako parte ng mundo nila.
Pero— hindi rin ako yung taong puwedeng apak-apakan.
Humakbang ako papunta sa kusina, para uminom ng tubig.

“At hindi mo ’ko mapupuksa,” dagdag ko sa sarili ko, may maliit na ngiti sa labi.

“Leona Almazan.”

18/04/2026

Chapter 16
POV ni Zaria

Parang bumagal ang lahat.

Nakatingin lang ako habang papalapit ang kambal.
Handa na sana akong mapagalitan. O hilahin agad palabas. O kung ano mang eksena na kayang gawin ni Elyra.
Pero hindi ’yon ang nangyari.

“Magandang gabi po!”

Masiglang bati ng isang boses.
Napalingon ako.

Si Aling Caridad. Ngumiti siya nang malapad habang lumalapit sa gate.

“Kay gaganda naman ng bisita natin,” dagdag niya.

Saglit akong natigilan.

Pagkababa ng kambal, may hawak silang paper bags—mga mamahaling tingnan kahit hindi ko pa binubuksan.

Lumapit si Aurelia at iniabot iyon kay Aling Caridad.

“Happy birthday po,” sabi niya, magalang.

Sumunod si Elyra, bahagyang ngumiti. “We brought something.”

Napakurap ako.
Ha? Hindi nila ako sinusundo?
Hindi ako ang pakay nila?

“Sus, hindi na kailangan ’yan!” natatawang sabi ni Aling Caridad pero tinanggap pa rin. “Salamat, hija. Pumasok kayo!”

Tuwang-tuwa ang mga tao.May mga bulungan.

“Mga Nocturne ’yan…”

“Ang gaganda…”

“Ang bait pa…”

At bago ko pa maproseso ang lahat—
nakapasok na sila.Parang… normal lang.
Parang… invited. Napatingin ako kay Mill.

“Alam mo ’to?” bulong ko.

Umiling siya. “Hindi.”

Doon nagsimula ang mas masayang salo-salo.
Mas dumami ang tawa. Mas dumami ang kwentuhan.

Ang mga matatanda, halos hindi makapaniwala na kasama nila sa isang simpleng handaan ang mga Nocturne.

Si Aling Caridad, todo asikaso naman sa kanila.

“Eto, tikman n’yo ’to!”

“Uy, dagdagan mo pa plato nila!”

“Anak, kumuha ka pa ng juice!”

Si Aurelia—nakikipag-usap sa mga matatanda, maayos, kalmado. Si Elyra—nakangiti, sumasagot, minsan tumatawa pa.

Parang… ibang-iba sila sa nakasanayan ko.
Pero—hindi nila ako pinapansin. Kahit isang beses.
Kahit isang sulyap. Parang wala ako.

Parang hindi ako ang dahilan kung bakit sila nandito.
At hindi ko alam kung bakit— pero may kung anong kumirot sa dibdib ko.

“Uy, Zaria!” tawag ng kaklase ko. “Kain ka pa!”

“Ah—oo,” sagot ko.

Umupo ako. Kumain. Ngumiti. Nakipagkwentuhan.

Pero paminsan-minsan— napapatingin pa rin ako sa kanila.
At sa tuwing titingin ako— hindi nila ako tinitingnan pabalik.

Hindi ko napansin ang oras.
Hanggang sa—

“Zaria.”

Napalingon ako. Nakatayo si Aurelia. Sa likod niya si Elyra.
Parehong seryoso ulit.

“Uuwi na tayo,” sabi niya.

Napahinto ako.

“Ah—okay…”

Tumayo ako.

“Hatid ko na siya,” sabat ni Mill, agad tumayo rin. “Ako naman nagdala sa kanya dito.”

Sandaling katahimikan. Ngumiti si Elyra. Pero hindi iyon ’yung ngiti kanina.

“Talaga?” sabi niya, may halong sarkasmo.

“Yeah,” diretso sagot ni Mill. “Responsibilidad ko rin siya.”

Napatingin ako kay Elyra.

May kung anong nagbago sa mata niya.

“Responsibilidad?” ulit niya. “Since when?”

“Since ako ang nag-imbita,” sagot ni Mill, hindi nagpapatalo.

“Cute,” sagot ni Elyra, bahagyang tumawa. “Pero hindi mo na kailangan mag-effort.”

Napakunot ang noo ko. “Elyra—”

“Let’s go,” putol niya.

“Ako na nga—” pilit ni Mill.

Pero bago pa siya makalapit— hinawakan ni Elyra ang k**ay ko.

Parang walang balak bumitaw.
Nanlaki ang mata ko.

“Sa amin siya sasabay,” sabi niya, malamig.

Napatingin si Mill sa k**ay niya sa pulso ko.

“Bitawan mo siya,” sabi niya, mas mababa ang boses.

“Why?” taas-kilay ni Elyra. “Ayaw ba niya?”

Napatingin silang dalawa sa’kin.

Napabuntong-hininga ako.

“Mill…” sabi ko, mahina. “Okay na. Sasabay na ’ko sa kanila.”

Kitang-kita ko ang pagbabago ng mukha niya.
Pero ngumiti pa rin siya.

“Sure?”

Tumango ako.

“Thank you,” dagdag ko.

Saglit siyang tumingin kay Elyra.

“Make sure she gets home safe.”

“Obviously,” sagot ni Elyra, walang emosyon.

Dahan-dahan niyang binitawan ang k**ay ko—pero agad din akong hinila papalayo.

Hindi na ako nakalingon.

Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos.
At habang papalayo kami—
ramdam ko pa rin ang init ng k**ay ni Elyra sa pulso ko.
At ang lamig ng tingin niya kay Mill—
na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling.

Pagkasara pa lang ng pinto ng kotse.

“Anong ginagawa mo?”

Napapikit ako saglit.

Si Aurelia ang nagmamaneho. Tahimik lang siya, pero ramdam kong nakikinig.

“Sumagot ka,” dagdag ni Elyra, mas matigas ang tono.

Napabuntong-hininga ako. “Nasa birthday ako.”

“Hindi ’yon ang tinatanong ko,” mabilis niyang sagot. “Bakit ka umalis ng school nang hindi naghihintay?”

Napalingon ako sa kanya.

“Nagpaalam ako sa sarili ko,” sagot ko, pilit kalmado.

“Hindi ka nakakatawa,” malamig niyang sagot.

“Hindi rin naman ako nagbibiro.”

“Zaria,” singit ni Aurelia, hindi tumitingin. “Chill lang.”

“Hindi ako chill,” balik agad ni Elyra. “Sinabi na nga namin na susunduin ka.”

“Hindi ko naman kayo nakita,” sagot ko.

“Because you didn’t wait!”

“May lakad ako!”

“Hindi ’yon excuse!”

“Tama na,” sabat ni Aurelia, this time mas firm.

“Alam mo ba kung gaano ka delikado ’yon?” dagdag ni Elyra, mas mababa na ang boses pero mas may diin. “Basta ka na lang sumasama kung kanino.”

Napairap ako. “Ilang beses ko bang ulit ulitin na hindi ‘kung sino-sino’. Si Mill ’yon.”

“Exactly,” sagot niya agad.

“Ano bang problema mo kay Mill?” tanong ko, hindi ko na napigilan.

Pero halata ang inis sa mukha niya.

“Wala,” sagot niya, mabilis.

“Talaga?” taas-kilay ko. “Kasi parang meron.”

“Wala akong kailangang ipaliwanag sa’yo.”

“Eh ako?” sagot ko. “Kailangan ko bang ipaliwanag lahat ng gagawin ko sa’yo?”

Tumahimik ulit ang kotse.

Ramdam ko ang bigat ng hangin.

“Responsibilidad ka namin,” singit ni Aurelia, kalmado pero malamig. “While our parents are away.”

“Alam ko ’yon,” sagot ko, mas mahina na.

“Then act like it,” dagdag ni Elyra.

Napatingin ako sa kanya.

“Hindi ako bata,” sabi ko. “Kaya kong magdesisyon para sa sarili ko.”

“At kapag may nangyari sa’yo?” balik niya. “Kami ang mananagot.”

“Hindi naman ako pabaya—”

“Pero matigas ang ulo mo,” putol niya.

Napatahimik ako.

“Hindi ibig sabihin no’n na kontrolado n’yo na ’ko,” dagdag ko.

“Hindi ka namin kinokontrol.” iritableng saad ni Elyra.

“Pinoprotektahan ka namin.”

Napalingon ako sa bintana.
Streetlights. Isa-isa.

“Hindi ko kailangan ng ganun,” sabi ko, mahina.

“Hindi mo kailangan,” ulit niya. “Pero ginagawa pa rin namin.”

Hindi ko na alam ang isasagot.
Kasi sa totoo lang— hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito sila. Si Aurelia—maintindihin, kalmado… pero malamig. Si Elyra—mainitin ang ulo… pero parang laging gustong siya ang masunod. At ako—
naiipit sa gitna. “Next time,” sabi ni Elyra, bumalik ang konting tigas sa boses, “maghintay ka.”
Napabuntong-hininga ako.

“Fine.”

Hanggang sa makarating kami sa mansyon.
Pagbukas ng pinto—
lumabas ako agad. Pero bago ako tuluyang makalayo—

“Zaria.”

Napahinto ako.
Hindi ako lumingon.

“Don’t do that again.”

Saglit akong napapikit.

“Goodnight,” sagot ko.
At naglakad na ako papasok.
Pero kahit nakatalikod ako— ramdam ko pa rin ang tingin niya sa likod ko. At hindi ko alam kung bakit… pero mas mabigat pa ’yon kaysa sa mga sinabi niya kanina.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Manila