The Standard - Multimedia Cluster
The Standard Multimedia Cluster is the creative branch of The Standardโcommitted to advancing arts, entertainment and multimedia production.
TRUTH CONQUERS ALL THROUGH CREATIVITY. AU Multimedia Club is an approved club by the university and part of its duties is to cover all types of on and off site campus activities and events. AU Multimedia Club is the place for great talents, creativity, passion and countless opportunities. The student arm will be the face of the university - influencing and promoting school spirit and educational c
20/04/2026
๐๐จ๐ง๐ฆ๐ณ๐ด ๐๐ฆ๐ฆ๐จ๐ ๐ญ ๐ข๐จ๐ง ๐ก๐ข๐ช!โ๏ธ ๐ฐ
To practice campus journalism is to hold the pen that writes our history.
โAs the watchdog and voice of the student body, we are honored to present Issue 1 for A.Y. 2025-2026 of Arellano University The Standard, the official student publication of Arellano University. We invite you to witness the legacy we continue to uphold through fearless and uncompromising journalism.
Unfold the news, insights, and impactful moments that defined the Chiefs community.
โAccess the stories that shape our campus here:
https://tinyurl.com/AUTS78ISSUE1
๐๐ข๐ง๐๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ง๐ข๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐๐ฌ
20/04/2026
16/04/2026
๐๐ฅ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐๐ช๐ฆ | Former Ako Bicol party-list representative Zaldy Co has been arrested in Prague after attempting to enter the Czech Republic "without proper documentation," President Ferdinand Marcos Jr. confirmed on Thursday, April 16.
"We are in close coordination with the Czech government to ensure that all legal processes are followed and to arrange for his return to the Philippines at the soonest possible time," the President said.
SOURCE: https://tinyurl.com/2kmat5hp
01/04/2026
APRILSโ REMINDERโ ๏ธ
Keep the jokes fun but harmless. THINK before you PRANKโbe sensitive, not offensive. ๐๐
As we celebrate April Fools' Day, letโs be mindful of the jokes we make.
Not everything should be turned into a prankโespecially fake emergencies, death or serious illness, someoneโs trauma, personal insecurities, coming out, pregnancy or fertility, and safety or security threats.
These are real, sensitive, and deeply personal matters that can cause fear, pain, or lasting impact.
Pause before you prank. Think before you act.
Letโs keep the fun without crossing the lineโbe a responsible chief. ๐
Text by Precious Clavecilla
Poster by Jade Luise Bernales
01/04/2026
๐๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฆ๐๐๐ฆ๐ข๐ก ๐ก๐!๐๏ธ
This is now the time para huminga, mag-recharge, at iwan muna sandali ang stress ng deadlines, exams, at sleepless nights.
Whether itโs a quick out-of-town trip, bonding with family and friends, self-care days, or simpleng pahinga sa bahayโdeserve mong sulitin ang bakasyon na โto.
Pero habang nagpapahinga, huwag kalimutang maghanda pa rin para sa mga susunod na hamon. Rest today, comeback stronger tomorrow!
Happy April, Creative Chiefs!๐
__________
illustrated by John Louis Basa
caption by Lord Geon Bantola
30/03/2026
๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | ๐๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐๐๐ฎ๐ป
Sa tuwing gigising si Ilay, hindi alarm clock ang una niyang naririnigโkundi ang kalansing ng kawali at ang marahang buntong-hininga ng kanyang ina.
Manipis ang dingding ng kanilang barong-barong. Parang papel iyon na madaling mapunit ng hangin, o ng sigaw ng kapitbahay na nag-tatalo tungkol sa utang na hindi pa nababayaran. Sa bubong, may mga butas na tinatakpan ng karton at plastic na trapal. Kung umulan, hindi lang patak ng tubig ang pumapasokโkundi pati ang kaba.
โIlay, gising na. May pasok ka pa,โ mahinang sabi ng kanyang ina habang sinisimot ang kung anong laman ng lumang kawali. Walang amoy na pumupuno sa hanginโisang senyales na kaunti lamang iyon.
Napaupo si Ilay, tahimik siyang bumangon at naupo sa gilid ng papag na yari sa plywood sabay kusot ng mata. โMay ulam po ba?โ
โMayโฆ meron. Pagkasyahin natin.โ ani ng ginang
Hindi na nagtanong pa si Ilay. Sa murang edad, alam na niya ang ibig sabihin ng pagkasyahin. Ibig sabihin, hati-hati, tipid, at kung minsan, kulang. Patatas iyon na may cornbeef at halos sumobra na sa mangko ang umaapaw nitong sabaw. Kumain siya nang tahimik, pinapahaba ang bawat subo, na para bang kaya nitong lokohin ang kanyang sikmura.
Ang kanyang ama ay isang manggagawa sa ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ด๐ต๐ณ๐ถ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏโaraw-araw nakikipagbuno sa init ng araw at bigat ng trabaho. Tuwing a-kinse katapusan kung sumahod, at sa bawat pagdating ng araw na iyon, tila may saglit na ginhawang dumadapo sa kanilang tahanan. Ngunit ang ginhawang iyon ay parang usok na mabilis kung maglaho.
โSa susunod na sahod, bibilhan kita ng bagong sapatos,โ sabi ng kanyang ama minsan, habang pinagmamasdan ang manipis at pudpod nitong tsinelas.
Ngumiti siya, hindi dahil sigurado, kundi dahil gusto niyang maniwala. Sa mundo niya, ang pag-asa ay hindi pinipili kung kailan darating.
Sa paaralan, madalas siyang tahimik. Hindi dahil siyaโy mangmang, kundi dahil mas kumpiyansa pa ang ingay ng kanyang sikmura kaysa sa kanyang boses. Sa oras ng recess, nakaupo lamang si Ilay sa sulok, pinapanood ang mga kaklaseng may baong tinapay, biskwit, at matatamis na inumin. Kung minsan ay tinatanong siya kung bakit wala siyang kinakain, at sinasagot na lamang niya ito na busog pa siya.
Ngunit sa loob-loob ng huli, ay matagal na siyang walang naramdamang kabusugan.
Pag-uwi ni Ilay, madalas niyang matagpuang nakaupo ang kanyang ina sa tabi ng maliit na mesa, hawak ang isang lumang kuwaderno na puno ng mga numero. Paulit-ulit nitong binibilang ang perang halos hindi na madagdagan. Nung nakaraan lamang may isang kagawad na nagpunta sa kanilang bahay at namigay ng isang kilong bigas at mga de-lata, namigay din ito ng sobre na may lamang isanlibo, malapit nanaman kasi ang eleksyon.
โKailan po uuwi si Tatay?โ tanong niya sabay baba ng kanyang bag.
โSa katapusan pa hindi ba? Para ka namang naninibago anak.โ Sagot nito.
Sa murang isip ni Ilay, ang katapusan ay hindi lamang petsa. Ito ay parang dulo ng isang araw na may dalang pagkain, pahinga, at kagyat na saya. Ngunit bago dumating iyon, kailangan muna nilang magtiis sa mahabang pagitan ng mga araw at linggo.
Kinabukasan, dumating ang kanyang ama. Hapo ang mukha nito, amoy pawis, at halos sunog sa tirik ng araw. May dala itong maliit na supotโbigas, tinapay, de-lata. Hindi maiwasan maisip ng bata na pareho lamang ito sa binigay na ayuda, nakauumay.
โO, โLay,โ tawag nito, โpara saโyo.โ sabay abot ng mumurahing tsinelas, imbes ay sapatos.
Tinanggap pa niya iyon na parang isang kayamanan. Para sa kanya, parang pasko. Kumain sila nang sabay-sabay ng kanyang pamilya, isang bihirang pagkakataon na ang gutom ay napalitan na lamang ng pagsasalo. Sa sandaling iyon pakiramdam ni Ilay ay nawala ang lahat ng kulang maging and espasyo sa kanyang sisidlan.
Ngunit tulad ng dati, ang laman ng supot ay mauubos din. Muling hahaba ang pagitan ng mga araw, at muli nilang haharapin ang parehong sikloโpaghihintay, pagtitiis, at pag-asa. At sa tuwing sasapit ang parehong mga gabi ay parehong tanong lamang din ang nasa isip ni Ilay.
Kung ang biyaya ay dumarating lang tuwing kinsenas katapusan, at ang gutom ay araw-arawโฆ
Kailan naman darating ang araw na hindi na kailangang maghintay?
isinulat ni ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ ๐๐ฒ๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐ป๐๐ผ๐น๐ฎ
28/03/2026
๐ผ๐ฃ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ฃ ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ก๐ ๐ ๐?ยธโซยทยฏยทโชยธโฉยทยฏยทโฌยธยธ
Yung akala mong naka-move on ka naโฆ tapos isang kanta lang, back to zero ulit.๐ฅฒ
Todayโs song reco dives into that soft kind of relapseโBawat Piyesa by Munimuni. The kind that sneaks in during quiet moments and turns memories into something you feel all over again.
Okay lang โyan. Some feelings really take their time. Press play, let it hit, and sabihin na lang natinโฆ This is just for the vibez!๐
__________
illustrated by ๐ฅ๐ถ๐ฐ๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐๐ฎ ๐๐ผ๐บ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ฟ
MESSAGE US YOUR SONG RECO!๐ฉ
27/03/2026
๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฒ
"๐ฝ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐ฉ ๐ข๐ค? ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐๐ง๐ช๐ฃ๐ค๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐๐ข๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐ฎ๐ค๐จ?"
โ Mula sa bibig ng kamag-anak na akala mo'y nag-aalala. Pero ang mga salita ay parang kutsilyong pumuputol sa dangal. Hindi dahil sa kung ano ang suot ko ay may karapatan kang tumingin nang masama, humawak ng hindi dapat hawakan, o magsabi ng mga salitang nakakasasakmal.
"๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ฃ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐๐ ๐ข๐๐-๐๐จ๐ ๐จ๐ ๐๐๐๐ โ ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐ ๐ ๐ ๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐๐ก๐?"
โ Sa kalsadang tahimik, naramdaman ko ang mga tingin na parang ako'y sinusukat. Ang mga yapak ko'y nagmamadali, ang aking puso'y bumibilis ng tibok. Hindi dahil sa ako'y babae at naglalakad mag-isa ay pwede kang lumapit at hawakan ako ng walang pahintulot.
"๐ฝ๐๐ง๐ค ๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ, ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐๐ง๐๐ข๐๐๐ข๐๐ฃ?"
โ Mula sa kasamahan sa trabaho na animo'y biro lang. Pero ang mga kamay ay dumadampi sa baywang na wari'y lantay na pita, may mga kwentong puno ng kalaswaan, ang mga tingin na umaabot sa mga lugar na hindi dapat tignanโhindi iyon biro. Ito'y pang-aabuso na nagdudulot ng takot at kahihiyan.
"๐๐ ๐๐ฌ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฃ ๐ ๐๐จ๐, ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐ ๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐ค๐ง๐ฉ๐๐๐ก๐, ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐ ๐ ๐ฅ๐ช๐ข๐ช๐ฃ๐ฉ๐ ๐๐ค๐ค๐ฃ?'
โ Sa mga pagtitipon, sa mga pista, kahit sa sariling kapitbahayan. Ang mga haplos na handak, ang mga salitang puno ng kahalayan, ang mga akala na dahil sa kung saan ako naroroon ay pwede kang gumawa ng anumang nais mo. Hindi ito tamaโhindi ako narito para sa iyo, ako'y narito bilang isang tao na may karapatan sa respeto.
"๐๐ช๐ฌ๐๐ ๐ข๐ค๐ฃ๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐จ๐๐ฃ๐ช๐ข๐๐ฃ โ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐ก๐๐๐ฃ."
โIto ang pinakamasakit na balang ibinabato sa amin. Ang takot na hindi kami paniniwalaan, ang takot na kami pa ang sisihin dahil sa aming kasarian, suot, o kung saan kami naroroon. Ang terorismong matagal nang lumilinta sa aming mga dugo't laman.
Pero ngayon, hindi na kami mananahimik.
Hindi kailanman ang mga damit, hindi ang lugar o oras, hindi ang nasa pagitan ng mga hita. Ang dahilan ay ang kawalan ng respeto at ang pag-iisip na may karapatan kang saktan ang iba. Ako ang kababaihan, at wala akong pinaglulugaran, karapatan kong mamuhay nang walang takotโsa bahay, sa trabaho, sa kalsada, saanman. Hindi kami kasalanan...
๐๐ ๐๐ฌ.....
๐๐ ๐๐ฌ ang may sala.
isinulat ni ๐๐น๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฒ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐บ๐ผ๐ป๐๐ฒ
27/03/2026
On this ๐ฃ๐ต๐ผ๐๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐, we showcase the art of capturing through the black lens. ๐ธ
May each capture evoke a deeper sense of tone and emotion, where shadows and light shape quiet yet powerful narratives. Black photography strips the frame to its essenceโhighlighting contrast, texture, and story in its purest form.
Honoring the vision behind each capture that turns darkness into expression and perspective into art.
๐๐ฆ๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ญ๐ฅ ๐ฅ๐ช๐ง๐ง๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ญ๐บ, ๐ฐ๐ฏ๐ฆ ๐ง๐ณ๐ข๐ฎ๐ฆ ๐ข๐ต ๐ข ๐ต๐ช๐ฎ๐ฆ!
photo by ๐ก๐ถ๐ฐ๐ผ๐น๐ฒ ๐ณ๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐ป๐ฒ๐ฑ๐ฎ, Through the Black Lens
27/03/2026
The Creatives presents... ๐ฃ๐ต๐ผ๐๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐!๐ผ๏ธ
A series of photograph where we showcase the magic hidden in plain sight. Every Friday, our Photographers turn moment into stories, light into mood, and perspective into art.
๐๐ฆ๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ญ๐ฅ ๐ฅ๐ช๐ง๐ง๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ญ๐บ, ๐ฐ๐ฏ๐ฆ ๐ง๐ณ๐ข๐ฎ๐ฆ ๐ข๐ต ๐ข ๐ต๐ช๐ฎ๐ฆ!โจ
26/03/2026
๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | ๐ ๐ฎ๐บ๐ฎ ๐บ๐ผ
Sa kanto ng Barangay Libis, dalawa lamang ang umiiral: mga tuhod ang ginagamit sa pagkapanalo, at walang pinalalampas ang kalsadang ito sa mga asar-talo.
Ngunit para sa batang ako, mahirap. Mahirap tiisin ang pagpigil sa mga tanikala mula sa mga bibig ng aking mga kalaro, kahit alam kong walang ibang iiral sa kanilang mga salita kundi pawang mga biro.
Tirik ang araw, at ang tunog ng mga paang padyak nang padyak sa sahig ang nananaig sa laroโngayon lamang ulit ako nakalaro ng patintero. โHoy, bilisan mo takbo mo! Mama mo lumpo!โ sigaw ng isang kalaro sa kabilang panig. Wala pang ilang segundo ang nagdaan, namuo na ang mga tawa ng aking mga kalaro sa aking paligid, dagdag pa ang init ng panahong pumapaso sa balat.
Ngunit imbis na magalit at sumagot pabalik, inisip ko na lamang ang payo ni Mama na huwag nang makipag-away. Hindi napigilan ng aking mga kamao na humigpit at magpakita ng galit. โAhhh, banas! Mananapak na โyan! Mananapak na โyanโmama mo duwag!โ dagdag pa niya nang makita ang ekspresyon ng aking mga kamay. Sa puntong ito, purong galit na ang aking nararamdaman.
Napaisip na lang din ako, โ๐๐ข, ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข โ๐ต๐ฐ, ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐ฏ๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ฏ๐ด๐ถ๐ญ๐ต๐ฐ ๐ด๐ข โ๐บ๐ฐ?โ
Pero hindi nila kilala si Mamaโang bilis ng kaniyang takbo tuwing akoโy nadidisgrasya o nasa peligro, ang lakas ng kaniyang katawan sa pagbuhat ng mga plastik na puno ng mga pagkain galing sa pamamalengke. Iilan lamang iyon sa mga rason kung bakit walang katuturan ang mga sinasabi nila tungkol sa kaniya.
Napatingin na lang ako sa dulo ng kanto, kung saan makikita ang aking ina na nagpiprito ng isda. โOh, tingnan moโanong duwag? Baka kung kayo ang natatalansikan ng mantika, mangiyak-ngiyak na kayo.โ Natatawa na lamang ako sa aking sariliโnaisip ko pala iyon nang may seryosong mukha?
Lumaki akong palaging naririnig ang insultong โmama mo,โ kahit hindi sa akin pinararating. At ngayon, sa bawat pagdapo nito sa tainga ko, hindi na kailanman ito insulto sa ngalan ni Mama, kundi isang titulong paalala ng katatagan na kaniyang dala-dala.
isinulat ni ๐๐ฎ๐บ๐ฒ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ผ๐
25/03/2026
๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก | ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ต๐ฎ๐ฑ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฒ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ.
Maraming beses na nating naririnig ang linyang, โ๐๐ข๐ฅ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ฃ๐ช๐จ ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐ฆ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ.โ Para bang awtomatikong kapag pumasok ka sa isang relasyon, kailangan mong isantabi ang iyong mga layunin at kagustuhan sa buhay.
Pero may katotohanan nga ba ito?
Sa reyalidad, hindi naman talaga hadlang ang pag-ibigโnasa tao na lamang kung paano niya hahawakan ang sitwasyon. Maraming babae ang patuloy na nangangarap, nagsusumikap, at umaabot sa kanilang mga mithiin habang nasa isang relasyon. Hindi sila napipigilan; bagkus, lalo pa silang namomotivate.
Ang pag-ibig, kapag tama, ay hindi ka hinihila pababa. Sa halip, tinutulungan ka nitong maging mas matatag. Isispin mo, may isang taong naniniwala saโyo, sumusuporta saโyo, at nagpapaalala kung bakit mo sinimulan ang mga pangarap moโhindi baโt ang sarap niyon? Sa mga panahong napapagod ka o nawawalan ng gana, may taong nariyan upang umalalay saโyo. Well, hindi literal.
Hindi rin ibig sabihin na kapag umibig ka, mawawala na ang iyong pokus. Ang tunay na pagmamahal ay marunong rumespeto sa oras, pangarap, at mga prayoridad ng isaโt isa. Nauunawaan nito na may kanya-kanya kayong layunin, at imbes na maging sagabal, nagiging katuwang pa ito sa pag-abot ng mga iyon.
Sa totoo lang, mas nagiging makabuluhan ang paglalakbay kapag may kasama kang sumusuporta saโyo. Hindi naman sila litaral ang naghahakbang sa'yo, nariyan naman sila para umalalay, makinig, at maki-celebrate sa bawat maliliit mong tagumpay. Alam mo โyonโฆ
Ngunit siyempre, hindi rin natin maikakaila na may mga pagkakataong nagiging hadlang ang pag-ibigโlalo na kung mali ang tao o hindi healthy ang relasyon. Kapag pinipigilan ka, kinokontrol, o pinapapili ka sa pagitan ng โpangarap at relasyonโโdoon nagiging hadlang ito. Kaya mahalaga rin talaga ang maging wais sa pagpili at marunong magtakda ng boundaries.
Kaya kung ako ang tatanungin? Hindi kaaway ng pangarap ang pag-ibigโat lalong hindi ng babae! Nasa tao lang iyan kung paano niya ito haharapin at kung sino ang pipiliin niyang makasama. โYour life, your choice,โ ika nga nila. At ang choice, either consequence or win-win situation.
Ang totoong pag-ibig ay hindi ka pipigilan; bagkus ay mapagpalaya, sasamahan ka nito habang tinutupad mo ang mga mithiin mo sa buhay.
Dahil babaeng nangangarap?
AbaโHindi kailangang mamili!
isinulat ni ๐ฅ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฑ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the establishment
Address
2600 Legarda Street Sampaloc
Manila
1008