RizPam-LitMus

RizPam-LitMus

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RizPam-LitMus, Religious organisation, 1500 Taft Ave., Ermita, Manila.

Photos from IFI Diocese of Rizal and Pampanga's post 10/04/2026
Photos from RizPam-LitMus's post 25/03/2026

Diocesan Choir of Rizal and Pampanga Vicariate.

Photos from IFI Diocese of Rizal and Pampanga's post 17/03/2025

Bilang bahagi ng mga Gawain para sa Taon ng Liturhiya at Musika 2025.

Ginanap sa Katedral ng Banal na Sanggol sa Lungsod ng Mandaluyong ang isang pag-aaral patungkol sa Liturhiya ng Iglesia Filipina Independiente na nakaugat sa Kasaysayan, na pinangunahan ni Prof. Francis A. Gealogo

Ito ay dinaluhan ng mga Kaparian at mga kasapian ng Lupon ng Liturhiya at Musika ng bawat parokya't misyon ng ating Diyosesis.

16/03/2025

Ngayong darating na Hunyo, isang natatanging patimpalak ang inihanda ng Lupon ng Liturhiya at Musika bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng Diyosesis ng Rizal at Pampanga.

Ito na ang pagkakataon mong ipahayag ang pananampalataya sa pamamagitan ng musika!

Nais mo bang maging bahagi ng kasaysayan?
Manatiling nakatutok para sa mga detalye ng
patimpalak.

Photos from RizPam-LitMus's post 25/01/2025

TINGNAN || 01-25-24

Ang Unang pagpupulong ng Komite ng Liturhiya at Musika ng Diyosesis ng Rizal at Pampanga.

Unang pagpupulong ng Lupon upang mailatag at maiplantsa ang mga gawain at programa sa buong taon upang ang mga ito’y ating mapagtagumpayan.

Para sa pagpapatuloy ng ating mga nasimulan.

PADAYON!

Photos from RizPam-LitMus's post 05/10/2024

Ang Iglesia Filipina Independiente,
Ang Diyosesis ng Rizal At Pampanga,
Kaisa ang Korong Pang Diyosesis sa pamamatnubay ng Komite ng Liturhiya at musika at sa gabay ni Rev. Mary Grace E. Masegman bilang Convenor✨

Ang pasimulang selebrasyon para sa pagdiriwang ng buwan ng mga Layko na may temang:

“KAWAN NI KRISTO, MAGALAK NA MAGLINGKOD”
Mula sa Insipirasyon ng 1 Pedro 4: 9-10

03/08/2024

TINGNAN || 08-03-24

Iglesia Filipina Independiente
122nd Proclamation Anniversary

“FESTIVAL OF MUSIC - CHORAL PRESENTATION”

Diocese of Rizal & Pampanga
Committee on Liturgy & Music
Diocesan Choir

1. DIYOS NA AMING GABAY
Titik at Musika: Aldeem Yañez.
Choral Arrangement: Dionne Mar Josef

2. PURIHIN SI YAHWEH
Titik at Musika: IFI Diocese of Rizal & Pampanga Music Camp 3 Delegates( original composition )

3. Purihin natin ang Panginoon & Halina't Magsiawit Medley
Titik at musika: Samuel Galutera at Lester Delgado
Arranged by: IFI Diocese of Rizal & Pampanga Music Camp 2 Delegates

Photos from RizPam-LitMus's post 03/08/2024

TINGAN || 08-03-24

Ang pakikibahagi ng Diyosesis ng Rizal at Pampanga sa pagdiriwang ng ika 122 taong Proklamasyon ng pagkakatatag ng Iglesia Filipina Indpendiente.

Kaisa ang Korong pang Diyosesis ( Diocesan Choir )
sa ilalim ng komite ng Liturhiya at Musika sa pangunguna ni Rev. Mary Grace E. Masegman bilang convenor ng lupon ay naghandog ng mga awitin sa “Festival of Music” kaisa ang mga kapwa koro mula sa South Central Luzon para pa rin sa isang masaya, natatangi at makasaysayang pagdiriwang ng ating minamahal na simbahan.

Inihandog ang mga sumusunod na awitin:

1. DIYOS NA AMING GABAY
Titik at Musika: Aldeem Yañez
Choral Arrangement: Dionne Mar Josef

2. PURIHIN SI YAHWEH
Titik at Musika:
IFI Diocese of Rizal & Pampanga
Music Camp 3 Delegates
( original composition )

3. Purihin natin ang Panginoon
& Halina't Magsiawit Medley
Titik at musika: Samuel Galutera at Lester Delgado

Arranged by: IFI Diocese of Rizal & Pampanga Music Camp 2 Delegates

Pagpapasalamat sa mga naging tagapagturo Dionne Mar Josef sa mga naging manunugtog Bro. Khevin Ignacio, Bro. Jerome Aposaga, at Bro. Kevin Tiratira. Gayundin sa paggabay ni Dcn. George Perez Jr. at sa Katedral ng Banal na Sanggol kay Msgr. Renato Silvestre Jr. sa inyong mainit na pagtanggap.

Nakapagtanghal ng buong puso at galak.
Nag uumapaw na kasiyahan at ngiti.
Umaalab na naising maglingkod at maging kaisa sa paglilingkod.
Ang Iglesia Filipina Independiente,
Ang simbahang Pilipino, kaisa ang bayan.
Sa kanyang mahaba ngunit makasaysayang paglalakbay.
Maligayang pagdiriwang ng pagiging isang simbahang Pilipino sa kanyang ika 122 taong pagkakatatag.

Mabuhay ang Iglesia Filipina Independiente!
Mabuhay ang simbahang malaya at mapagpalaya✊
Mabuhay ang simbahang Pilipino
PADAYON!
Para sa Diyos at sa kanyang Bayan✨

Photos from RizPam-LitMus's post 27/07/2024

TINGNAN || 07-27-24

Isinagawa ang ensayo sa pagkanta ng mga miyembro ng korong pang Diyosesis ng Rizal at pampanga, na ginanap sa Parokya ng Banal na Sanggol, lungsod ng Marikina sa pangunguna ni Rev. Mary Grace E. Masegman bilang convenor ng komite ng Liturhiya at Musika ng Diyosesis ng Rizal at Pampanga.
Ito ay paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-122 taong proklamasyon ng Iglesia Filipina Independiente upang mag-alay ng mga awitin na parte ng programa ng selebrasyon.

Ang paghinang sa mga talentong biyaya ng Diyos ay katulad ng pagbibigay ng pasasalamat at papuri sa kanyang mga Dakilang kaloob.

Photos from RizPam-LitMus's post 17/07/2024

TINGNAN || 07-17-24
Ang pagpupulong at preparasyon ng Lupon ng Liturhiya at Musika ng Diyosesis ng Rizal at Pampanga sa pangunguna ni Rev. Mary Grace E. Masegman bilang tagapanguna ng Lupon para sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Proklamasyon ng Iglesia Filipina Independiente sa darating na August 3, 2024 na gaganapin sa Pambansang Katedral.

Ang Lahat ay maisasakatuparan at mapagtatagumpayan kung sama samang maglilingkod ng buong galak.
Para pa rin sa Diyos at Bayan.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


1500 Taft Ave., Ermita
Manila
1000