Daniel R. Fernando
Official online community in support of DANIEL R. FERNANDO, Governor of the Province of Bulacan.
05/09/2026
“Hindi tayo magtuturuan. Magtutulungan tayo. Kikilos tayo—para sa mas maayos, mas matiwasay, at mas ligtas na Bulacan.”
Sa patuloy nating paghahanap ng mga konkretong solusyon, pinangunahan natin ang coordination meeting kasama ang DPWH, NIA, at DILG upang masusing matukoy ang mga sanhi ng patuloy na pagbaha at ang mga hakbang na dapat isagawa—kapwa agaran at pangmatagalan.
Partikular nating tinutukan ang sitwasyon sa Longos at Bulihan sa Malolos, Malis sa Guiguinto, Panginay sa Balagtas, Masuso sa Pandi, at Saluysoy sa Meycauayan.
Batay sa inisyal na pagsusuri ng ating PDRRMO, hindi high tide ang sanhi sa mga barangay na ating tinutukan ngunit dahil sa: mga nakaharang sa natural na daluyan ng tubig; barado o sirang mga culvert; mababaw at maputik na mga ilog at sapa; kakulangan sa mga d**e at river wall; at iba pang imprastraktura at gawaing nakaaapekto sa maayos na daloy ng tubig.
Malinaw ang ating direktiba sa lahat ng kinauukulang ahensya: huwag nating hayaang mauwi sa puro pag-uusap ang ating mga pagpupulong. Kung may problemang maaari nang aksyunan, kumilos tayo agad. Para naman sa mga suliraning nangangailangan ng mas malawak at pangmatagalang solusyon, maglatag tayo ng malinaw na plano at sama-sama natin itong isakatuparan.
Bilang Gobernador ng Lalawigan ng Bulacan, binibigyang-diin natin na may pananagutan at mahalagang tungkulin ang bawat isa. Hindi ito trabaho ng iisang ahensya lamang. Kailangan ang pagkakaisa at koordinasyon ng Pamahalaang Panlalawigan, mga lokal na pamahalaan, DPWH, NIA, DILG, at iba pang kinauukulang ahensya.
Hindi natin ipinapangakong malulutas ang lahat sa loob lamang ng isang araw. Ngunit ang mahalaga, nasimulan na natin ang sama-samang pagkilos, tuloy-tuloy ang ating trabaho, at malinaw ang direksyong ating tinatahak.
04/09/2026
Dinaluhan natin ang pagbubukas ng 14th Bulacan Food Fair and Exposition (BUFFEX) sa Singkaban Festival 2026!
Mahalaga ang mga ganitong pagtitipon upang bigyang-daan ang ating MSMEs at lokal na negosyante na maipakita ang kanilang sipag, galing, at malikhaing produktong Bulakenyo.
Sa bawat pagtangkilik natin sa sariling atin, itinataguyod natin ang mas malawak na merkado at mas maunlad na kabuhayan para sa ating lalawigan.
Suportahan at ipagmalaki natin ang gawang Bulakenyo!
Governor Daniel R. Fernando monitors the current situation in Bulacan amid the southwest monsoon.
PROVINCE OF BULACAN RICE DISTRIBUTION PROGRAM
(Local Government Support Fund - Financial Assistanceto Local Government Units (LGSF-FALGUI)
📍San Ildefonso
32nd Annual Celebration of the Five Pillars of Criminal Justice System
Pamamahagi ng Relief Food Packs mula sa DSWD
📍Bayan ng Guiguinto
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Malolos