Low Key
Private lifestyle, calm, unassuming, never play superior, give respect to all kind of people, not judgemental, not selfish, happy to see others grow
23/01/2025
Magkakaiba tayo ng sitwasyon.
Kung madali lang para sa'yo ang mga bagay-bagay.
Hindi ibig sabihin, ikaw na ang mahusay—
At kailangan din nila sa'yong sumabay.
Nauna ka lang pagbuksan ng pinto,
Pero hindi ibig sabihin nito na ang pinto para sa iba ay sarado.
Umiikot ang mundo—
Sa loob ng isang minuto ang lahat ay puwedeng magbago.
Hindi tayo magkakatulad ng pinagdadaanan.
Kung marami ka nang nakayanan,
Hindi ibig sabihin mahina ang mga sumuko—
Isang pahina lang ang alam mo, hindi ang buong kuwento.
Kung para sa'yo magaan lang.
Kung lahat nakukuha mo nang madalian.
Mapalad ka—
Pero hindi ibig sabihin, malas sila.
Maging marahan sa pagbitaw ng opinyon—
Magkakaiba tayo ng sitwasyon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bungahan
Malolos
3000