DZMM Radyo Patrol 630
This is the Official Page of DZMM RADYO PATROL 630, Una sa Balita, Una Sa Public Service.
DZMM Radyo Patrol 630 is available on 630 khz on the AM band in Metro Manila and via DZMM TeleRadyo on cable and satellite TV as well as on its YouTube channel.
Iginiit ni Alan German na tila nagamit ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa pagbasura ng petisyon ng g**o na si John Barry Tayam kaugnay sa quorum ng Senado.
Giit ni German, ang desisyon ng SC na ibasura ang petisyon ni Tayam ay dahil sa kawalan nito ng legal standing at walang kaugnayan kung tanggap ang quorum o hindi.
13/06/2026
TINGNAN: Inilabas ng Phivolcs ang naging epekto ng tsunami sa ilang bahagi ng Sultan Kudarat noong Lunes matapos ang M 7.8 na lindol.
Sa bayan ng Lebak, umabot ng 18 meters ang inundation o ang distansyang dinaanan ng tsunami mula sa dalampasigan papasok sa mga kabahayan.
Nagkaroon rin ng 2.5-metro na maximum run-up height.
Mayroon ring mga residente sa Lebak na personal na nakita ang pagpasok ng tsunami waves mula sa dagat patungo sa mga kabahayan.
📸: Phivolcs
Iginiit ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua na dapat pisikal na dumalo ang mga Senator-Judge sa impeachment trial. Ayon sa kanya, katulad sa regular na korte, mahalagang maobserbahan ng mga hukom ang "demeanor" o pagkilos ng mga testigo upang makabuo ng tamang hatol (conviction o acquittal)—isang bagay na hindi magagawa kung hindi sila sisipot sa mga pagdinig. | via Angela Babad /DZMM, PRTV News
13/06/2026
Tiniyak ni Acting Labor Secretary Francis Tolentino na magbibigay ang DOLE ng ayuda sa mga manggagawang naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Kasalukuyang nagsasagawa ng profiling ang ahensya para matukoy ang mga benepisyaryo ng P15,000 financial assistance at P30,000 funeral aid para sa mga nasawing manggagawa. Magkakaloob din ang DOLE ng pansamantalang trabaho para sa mga nawalan ng kabuhayan dahil sa sakuna.
NOVA VILLA, NADULAS SA KANIYANG KUWENTO!
Sa interview ng ‘Home Along Da Riles: The Reunion' casts, nadulas bigla si Nova Villa tungkol sa mga hinanda nilang reunion projects.
HOME ALONG DA RILES: DA REUNION
Showing in cinemas nationwide on June 17, 2026!
KWATRO ALAS | JUNE 13, 2026 | Livestream
Walang kakalas, dahil tuloy-tuloy ang matatapang na talakayan ng mga maiinit na issue ng bayan kasama sila Michael Fajatin, Alan German, Dr. Guido David, at former Sec. Ronald Llamas — — walang iwasan, walang paligoy-ligoy, diretsong usapan, walang preno! KWATRO ALAS sa bago nitong tambayan - ang PRTV Prime Media Channel 31!
📅 Saturdays
⏲️ 1:30PM - 3:00PM
📺 BEAM DTT Channel 31
📡 Cignal Channel 31
📻 DZMM Radyo Patrol 630
📻 FMRadio Regional Stations
💻 PRTV Prime Media YouTube
💻 DZMM Radyo Patrol 630 Facebook
Tiwala si Rep. Terry Ridon, miyembro ng House Prosecution Panel na makakakuha sila ng 16 votes para ma-convict si VP Sara Duterte sa impeachment.
Ito’y sa kabila ng isyu sa liderato ng Senado at pag-kwestiyon sa quorum.
Kinumpirma na Rep. Terry Ridon, miyembro ng House Prosecution Panel, na may ilalabas na bagong ebidensya laban kay VP Sara Duterte.
Bagamat hindi nagbigay ng ibang detalye, sinabi ni Ridon na tila hindi ito bahagi sa inilabas na SALN ni Duterte.
Importante para kay Atty. Mel Sta. Maria ang pagkilala ng Kamara sa liderato ng Senado sa pre-trial ng impeachment vs VP Sara Duterte.
Aniya, tila handang-handa na rin ang prosekusyon para isakdal si Duterte.
Bagamat may mga kaakibat na pressure at pambabash sa social media, maituturing ni Atty. Amando Virgil Ligutan na Badge of Honor na mapabilang sa private prosecutors na pagsasakdal kay VP Sara Duterte.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
3F Universal RE Bldg, 106 Paseo De Roxas
Makati
1226