BalibagoBiga NHS - EsP - Project RBB
Project RBB - Retrospect Batang Batangueño for inquiry and posting of students' output
03/12/2022
Matagumpay na naisagawa ang mga gawain para sa Filipino-Values Month 2022
Maraming salamat sa lahat ng mga mag-aaral na nakiisa sa mga gawaing ito... Laging ipagpatuloy ang mga gawaing mabuti at makatutulong sa kapwa😇
12/11/2022
Congratulations❗❗❗
1st Quarter Awardees🎉🎉🎉
Isang pagpupugay sa mga "Natatanging Responsableng Batang Batangueno" ng Balibago-Biga National High School
Naway patuloy kayong maging huwaran ng lahat ng mag-aaral sa ating paaralan at maging sa komunidad na inyong kinabibilangan.
11/11/2022
Filipino-Values Month Week 1
Sinimulan na kanina ang mga gawain para sa unang linggo ng Filipino Values Month na may temang: "Paunlarin at Buhayin: Kaugaliang Pilipino tungo sa Matagumpay na Kinabukasan Natin"
Nagkaroon ng Documentary Analysis ang mga mag-aaral mula sa pangkat 7 at gumawa naman ng scrapbook ng kanilang itinuturing na kapwa ang mga mag-aaral mula sa pangkat 8.
🥰
07/11/2021
Bilang isang kabataan,mahalagang aware po tayo sa nangyayari sa ating komunidad. Makakatulong ito sa paglago ng ating sarili,bilang isang indibidwal at para na din makapagshare tayo ng ating kakayahan para makatulong sa ikauunlad nito.
-Kieyah Marie F. D***s-
Grade 9-Narra
Para po sa akin, ang kahalagahan po ng community involvement sa kabataan ay ang pag-papaunlad sa ating komunidad.
Bilang isang miyembro ng isang komunidad at bahagi ng isang lipunan mayroon akong tungkulin na makilahok sa mga bagay at kaganapan na alam kong makakatulong para sa ating pamayanan.
Mahalaga ang pakikilahok dahil ito ay nag reresulta ng aking pagkatotoo sa maraming aspeto. Napapaunlad natin ang ang ating mga sarili sa pakikilahok sa gawaing pangkomunidad.
-Maricel B. Catral-
Grade 9-Narra
07/11/2021
Ang kagandahang dulot ng nagagabayan ng magulang ay mas higit na naoobserbahan at nalalaman ang kalakasan, kahinaan,kakulangan at maari pang maitulong ng isang magulang sa kanyang anak. Ito din ay nagsisilbing bonding time ng pamilya na nagreresulta ng magandang ugnayan ng bawat isa.
- Mary Amor A. Verdadero -
Grade 8-Rose
Para po sa akin ang kagandahang dulot na nagagabayan ang anak ng mga magulang, ay ang mga kabataan o mga anak ay natuturuan ng magandang asal o kabutihang loob, at maging napupunta sa matuwid o magandang landas tungo sa kanilang mga kinabukasan. Nagdudulot din ito ng isang masaya at magandang komunikasyon sa pagitan ng isang magulang at anak, sapagkat lahat ng nilalayon ng mga magulang para sa ating mga anak tulad ng pagsunod sa utos, ay nakasalalay sa komunikasyon o relasyong ito.
Tulad kong isang anak o magaaral ay nakararanas din ako kung paano gabayan ng isang magulang at para sa akin isa ito sa pinaka magandang bagay na aking nagagawa sa pang araw-araw na pakikipagkomunikasyon ko sa kanila.
- Jelian C. Ramirez -
Grade 8-Rose
07/11/2021
Mas nagiging masaya po ang samahan ng inyong pamilya. Mahalaga rin po ito sapagkat nagkakaroon po kayo ng oras upang makasama po ang iyong mga mahal sa buhay. Maaari rin pong mas maging matibay ang samahan ninyo. Sa pamamagitan din po nito makakakwentuhan mo po sila tungkol sa mga nangyari sa kanila sa araw po na iyon upang maibsan din po ang pagod ng bawat isa.☺️
-Shaina Mhay V. Cleofe-
Grade 8-Rose
07/11/2021
Kailangan po nating pangalagaan at pahalagahan ang mga hayop na nasa ating palagid dahil may buhay din po sila na kailangan ng pag aalaga natin at karapatan din po nila Ang bigyan natin sila ng halaga bilang isang nilalang o may buhay .
- Jully Ann Lucero -
Grade 10-Newton
07/11/2021
Bilang nakatatanda tungkulin namin na alagaan at protektahan ang nakababata naming kapatid.Ito ay napakahalaga dahil kami bilang mas matanda ay kailangang maging isang mabuting impluwensiya sa aming kapatid upang sa kanilang paglaki ay maging mabuti din sila.Kinakailangan ng aming paggabay katulong ng aming mga magulang upang masigurado na magiging maayos ang kanilang paglaki.Dito matutulungan namin silang mahubog ang kanilang mga sarili at magabayan sa mga gawain at ang pagdedesisyon sa kanilang paglaki.
- Angeline R. Leabres -
Grade 10 - Newton
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Balibago
Lobo
4229