1Limay
Tapat na Serbisyo, Diretso sa Tao. Para sa Diyos!
05/06/2026
05/06/2026
Isang makabuluhang pagdiriwang ang ginanap sa pagtatapos ng mga mag-aaral ng Limay Polytechnic College, na may temang โCompetent Job-Ready Graduates for Global Impact.โ Ipinamalas ng bawat nagsipagtapos ang kanilang sipag, tiyaga, at dedikasyon bilang paghahanda sa mas malawak na mundo na kanilang tatahakin.
Sa pangunguna ng ating Commencement Speaker na si Dr. Lora L. Yusi, Director IV, Office of Institutional Quality Assurance and Governance Commission on Higher Education (CHED), naging makabuluhan at puno ng inspirasyon ang seremonya ng pagtatapos. Dinaluhan din ang okasyon na ito nina Mayor Richie Jason David kasama si Vice Mayor Grace David at nagbigay ng kanilang inspirational message para sa ating mga mag-aaral na magsisipagtapos.
Taos-puso ring pasasalamat sa ating mga g**o at non-teaching staff na walang sawang gumabay at humubog sa kakayahan at kinabukasan ng bawat estudyante. Ang araw na ito ay hindi lamang pagtatapos, kundi simula ng panibagong yugto ng tagumpay.
Pagbati para sa Batch 2026! Nawaโy magsilbi kayong inspirasyon at pag-asa ng ating bayan.
04/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐, ๐๐๐๐
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng espiritwal na pagkakaisa sa hanay ng mga lingkod-bayan, nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Limay sa pagdaraos ng Banal na Misa kahapon, Hunyo 3, 2026.
Nag-alay sa nasabing misa ang mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Public Employment Service Office (PESO), at Command Center.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Edilbert Pomer ang misa kasama sina Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Grace David at mga kawani ng munisipyo. Nawaโy patuloy na magsilbing daan ang mga ganitong gawain upang higit pang mapalalim ang pagkakaisa at dedikasyon ng bawat lingkod-bayan sa pagtupad ng kanilang tungkulin para sa kapakanan ng sambayanan.
04/06/2026
Heavy Rainfall Warning No. 1
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 8:00 PM, 04 June 2026(Thursday)
YELLOW WARNING LEVEL:
ASSOCIATED HAZARD: Possible FLOODING in flood-prone areas.
โข The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to MONITOR the weather condition and watch for the next warning to be issued at 11:00 PM today.
03/06/2026
๐ฏ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐
๐๐, ๐ด๐โ๐๐ ๐ฑ๐๐๐๐ ๐ด. ๐ช๐๐๐!
Buong pusong pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng Limay sa inyong espesyal na araw. Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at lakas sa inyong tapat at mahusay na paglilingkod sa ating mga mamamayan.
Hangad po namin ang mas marami pang biyaya, kasiyahan, at inspirasyon sa inyong buhay.
Muli, maligayang kaarawan po. ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Limay