BICOL NET TV

BICOL NET TV

Share

Your window to the heart of Bicolβ€”bringing you the latest news, inspiring stories, vibrant culture, and the warmth that only our region can offer.

Photos from BICOL NET TV's post 05/09/2026

TINGNAN | CALINGA NI CONG. LORIA, INILAPIT SA BRGY. TAYSAN, LEGAZPI CITY NGAYONG ARAW

LEGAZPI CITYβ€” Ipinagpatuloy ng CALINGA ni Loria Foundation ang pag-ikot sa mga barangay ng 2nd District ng Albay upang maghatid ng serbisyong medikal sa mga residente.

Sa Brgy. Taysan ginanap ngayong araw ang medical mission kung saan namahagi ng libreng check-up, gamot, dental services, libreng gupit, at community pantry para sa mga taga-barangay.

Ayon kay 2nd District Albay Rep. Caloy Andes Loria, layunin niyang ilapit ang serbisyo ng gobyerno, lalo na sa kalusugan.

"Gusto nating maramdaman ng bawat pamilya na may maaasahan sila pagdating sa serbisyong medikal,"ani Cong. Loria.

Nabatid na tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado umiikot ang kongresista sa mga barangay. Lunes hanggang Miyerkules naman ang kanyang opisyal na trabaho sa Kongreso.

||TONY KELISTE, On The Spot, Bicol Net TV

05/09/2026

STO. DOMINGO MPS, NAGSAGAWA NG MOBILE FEEDING PARA SA AETA COMMUNITY

Bilang bahagi ng 32nd National Crime Prevention Week, namahagi ng pagkain at tinapay ang Sto. Domingo MPS sa Aeta Community sa Brgy. San Andres ngayong Setyembre 5, 2026.

Pinangunahan ito ni PMAJ Darwin Sevilla katuwang ang Marby Food Ventures Corp, Mr. Charito Estillemo at LGU Sto. Domingo.

Namahagi rin ng IEC materials ang mga pulis tungkol sa crime prevention at mga batas para sa proteksyon ng komunidad.

"Patuloy ang aming serbisyo para sa kapayapaan at kaligtasan ng bawat isa,"saad ng Sto. Domingo MPS.



πŸ“· SDMPS

||TONY KELISTE, On The Spot, Bicol Net TV

05/09/2026

54 NA BAGONG RESCUE VEHICLES PARA SA DARAGA

Pormal nang ipinamahagi sa 54 barangay ng Daraga ang mga bagong rescue vehicle mula sa LGSF kahapon.

Pinangunahan ito ni Daraga Mayor Victor "Vic" Perete, kasama sina Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., Vice Mayor Love Ruiz, Liga ng mga Barangay President King De Asis, at Konsehal Warren Sorsogon.

Layunin: Mas mabilis na responde sa emergency at sakuna, lalo na sa mga barangay malapit sa Bulkang Mayon.

05/09/2026

BACACAY PNP, NAKUMPISKA ANG HALOS β‚±271K HALAGANG PINAGHIHINALAANG SHABU SA IKINASANG SEARCH WARRANT OPERATION

BACACAY, ALBAY β€” Isang lalaki ang inaresto matapos ipatupad ng mga operatiba ng Bacacay Municipal Police Station ang isang search warrant na nagresulta sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang 39.9 gramo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu, na may tinatayang halaga na β‚±271,320, sa Barangay Sogod, Bacacay, Albay, dakong alas-9:15 ng gabi noong Setyembre 4, 2026.

Pinangunahan ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) ng Bacacay MPS, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ NIΓ‘O V. AQUIATAN, Chief of Police, ang pagpapatupad ng Search Warrant na inisyu ng korte, katuwang ang Albay Provincial Intelligence Unit (PIU), Albay 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay.

Ang target ng operasyon, na kinilalang si alyas β€œBotorno,” nasa hustong gulang at residente ng Barangay Sogod, Bacacay, Albay, ay kabilang sa talaan ng mga mino-monitor na personalidad kaugnay ng ilegal na droga.

Sa isinagawang paghahalughog, nakumpiska ang dalawang medium-sized heat-sealed transparent plastic sachets, dalawang small heat-sealed transparent plastic sachets, at isang maliit na canister na pawang naglalaman ng puting mala-kristal na substance na pinaghihinalaang shabu. Ang mga ito ay maayos na minarkahan, nilagdaan, at isinailalim sa wastong inventory at dokumentasyon.

Nasamsam din ang ilang non-drug paraphernalia's na isinailalim din sa kaukulang marking at dokumentasyon bilang bahagi ng mga nakuhang ebidensya.

Isinagawa ang inventory ng mga nakumpiskang item sa lugar ng operasyon sa presensya ng suspek at mga mandatory witnesses, alinsunod sa umiiral na mga alituntunin sa paghawak at pagdodokumento ng mga nakumpiskang ebidensya.

Matapos ang operasyon, isinailalim sa kaukulang kustodiya ng Bacacay MPS ang naarestong indibidwal habang ang mga nakumpiskang substance evidence ay ihahanda para sa qualitative examination sa Regional Forensic Unit 5 (RFU5).

Ayon sa paunang beripikasyon sa e-Warrant System, walang naitalang iba pang standing warrant laban sa nasabing indibidwal para sa ibang krimen.

Inihahanda na ang kaukulang kaso para sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang patuloy na isinasagawa ang kaukulang imbestigasyon at proseso alinsunod sa batas.

Muling iginiit ng Bacacay MPS ang kanilang patuloy na pangako sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga at sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang pamayanan sa pamamagitan ng mas pinaigting na police operations, intelligence gathering, at pakikipagtulungan sa mga katuwang na ahensya at komunidad.

πŸ“· Bacacaymps Albayppo
Press Release

||TONY KELISTE, On The Spot, Bicol Net TV

05/09/2026

STO DOMINGO ALBAY β€” Muling iginiit ng Banda Administration na ang transparency ang kanilang pangunahing prayoridad sa lahat ng programa at proyekto ng gobyerno.

Transparency remains our top commitment," pahayag ng administrasyon.

π™‹π˜Όπ™‰π™Šπ™Šπ™π™„π™‰ π˜Όπ™‰π™‚ π˜½π™π™Šπ™‰π™‚ π™†π™’π™€π™‰π™π™Š...
| TONY KELISTE, On The Spot, Bicol Net TV

04/09/2026

LEGAZPI CITYβ€” Aktibong katuwang ang Ako Bicol Partylist ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyektong pinopondohan ng Local Government Support Fund o LGSF.

Layunin nito na masig**o ang maayos at mabilis na paggamit ng pondo para sa kapakinabangan ng mga Bicolano.

π™‹π˜Όπ™‰π™Šπ™Šπ™π™„π™‰ π˜Όπ™‰π™‚ π˜½π™π™Šπ™‰π™‚ π™†π™’π™€π™‰π™π™Š...
| TONY KELISTE, On The Spot, Bicol Net TV

04/09/2026

π—¨π—£π——π—”π—§π—˜ | π—‘π—”π—§π—¨π—žπ—’π—¬ 𝗑𝗔 π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—žπ—”π—žπ—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—‘ π—‘π—š π—•π—”π—‘π—šπ—žπ—”π—¬ 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗒. π——π—’π— π—œπ—‘π—šπ—’

STO. DOMINGO, ALBAY β€” Kinilala na ng pamilya ang bangkay ng lalaking nadiskubre sa karagatan ng Sto. Domingo ngayong araw, Setyembre 4, 2026.

Ang biktima ay 56-anyos at nakatira sa Brgy. Ubaliw, Polangui, Albay.

Nabatid na bandang 5:30 ng hapon kahapon, Setyembre 3, tumalon umano ang lalaki sa dagat sa Brgy. San Roque, Legazpi City.

At pasado 1:00 ng hapon ngayong araw nang namataan ng MV St. Anne ang bangkay na palutang-lutang sa karagatan ng nasabing munisipyo.

||TONY KELISTE, On The Spot, Bicol Net TV

04/09/2026

π—£π—”π—Ÿπ—¨π—§π—”π—‘π—š-π—Ÿπ—¨π—§π—”π—‘π—š 𝗑𝗔 π—•π—”π—‘π—šπ—žπ—”π—¬, π—‘π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—žπ—”π—₯π—”π—šπ—”π—§π—”π—‘ π—‘π—š 𝗦𝗧𝗒. π——π—’π— π—œπ—‘π—šπ—’

Isang hindi pa nakikilalang bangkay ang napadpad sa karagatang sakop ng Sto. Domingo, Albay ngayong araw.

Ayon sa ulat, patuloy ang ginagawang pag-imbestiga para matukoy ang pagkatao ng biktima at sanhi ng pagkamatay nito.

πŸ“Έ: Konsi Sunshine Imperial | MV. St. Anne

03/09/2026

SERBISYO ASIN REPARO // SEPTEMBER 04, 2026

03/09/2026

MAYOR B**G BANDA, NAGPASALAMAT SA MATAGUMPAY NA SCHOOL SAFETY DRILL SA STO. DOMINGO

STO. DOMINGO, ALBAY β€” Nagpaabot ng pasasalamat si Sto. Domingo Mayor B**g Banda sa matagumpay na pagsasagawa ng School Safety Drill sa San Fernando National High School.

Pinuri ng alkalde ang mga g**o, mag-aaral at lahat ng ahensyang nakiisa sa isinagawang drill. Aniya, malaking tulong ito upang mas mapahanda ang paaralan at komunidad sa oras ng emergency.

_β€œNagpapasalamat tayo sa DepEd, sa mga g**o, estudyante at sa ating mga partner agencies. Ang ganitong pagsasanay ay mahalaga para masig**o ang kaligtasan ng ating mga anak sa loob ng paaralan,”_ pahayag ni Mayor Banda.

Bahagi ng drill ang simulation ng hostage-taking incident na nilahukan ng mahigit 700 kalahok mula sa paaralan at iba’t ibang ahensya tulad ng PNP, BFP, LGU at DRRMO.

Dagdag pa ng alkalde, patuloy na susuportahan ng lokal na pamahalaan ang mga programang naglalayong palakasin ang kahandaan at kaligtasan ng mga Sto. DomingueΓ±o.

π™‹π˜Όπ™‰π™Šπ™Šπ™π™„π™‰ π˜Όπ™‰π™‚ π˜½π™π™Šπ™‰π™‚ π™†π™’π™€π™‰π™π™Š...
| TONY KELISTE, On The Spot, Bicol Net TV

Want your business to be the top-listed Media Company in Legazpi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Legazpi
4500

Opening Hours

Monday 6am - 12pm
Tuesday 6am - 12pm
Wednesday 6am - 12pm
Thursday 6am - 12pm
Friday 6am - 12pm
Saturday 6am - 12pm
Sunday 6am - 12pm